ALTHEA'S POV Nakikita ko palagi ang lungkot sa kanyang mga mata.Malungkot ba ito dahil sa hindi ito nakakaalala? Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung saan ito nagpunta.Nakita ko ito sa labas ng bahay.Nakahalukipkip ang mga kamay nito habang nakatanaw sa malayo. Ako ba ang susuyo dito katulad ng ginagawa nya sakin dati?Kung kailangan ko syang pasayahin,gagawin ko. Nilapitan ko ito,tinanong kung anong ginagawa nito sa labas. Nagpapahangin lang daw. Ngumuso ako sa kanya at nagdrama na baka ayaw nya lang akong katabi.Napangiti ako dahil effective naman kahit papano ang pagpapacute ko sa kanya.Bumalik kami sa loob ng bahay.Nahiga kami sa kama na magkatabi. Humarap ito sa akin.Alam kong may bumabagabag dito.Gusto nitong malaman ang totoo kung bakit ako nandito. Pinalaya ko na lahat ng

