ANDREI'S POV "I hate you!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses na yon.Panaginip lang pala.Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto,nakita ko ang aking mga damit na nakatiklop sa ibabaw ng night table.Tiningnan ko ang itsura ko sa loob ng kumot,hubo't-hubad nga ako.Saka ko naalalang nag thre rounds pa kami ni Althea bago ako nakatulog.Napangiti ako sa isiping iyon. Unti-unti ding nagbago ang ngiti ko at napalitan iyon ng pagsimangot.Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyaring pag-iiba ni Althea sa usapan para makaiwas sa tanong ko kung tunay nga kaming mag-asawa.Ang lakas ng loob nyang yayain ako sa Manila pero hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nito.Mapagkakatiwalaan ko ba talaga sya? Bakit kasi kailangan nitong sabihing mag-asawa kaming dalawa? Pumunta ako ng

