ZORDON'S POV
"Code Blue. Code Blue. Code Blue"
Umaalingawngaw iyon sa loob ng ospital kung saan ako nagtatrabaho. Mayroon nanamang emergency at kailangang puntahan.
Lumabas ako mula sa opisina ko at nagtungo kung nasaan ang pasyente.
Ang ward pala iyon. Pumasok ako sa loob ng ward at halos manlumo ako sa nadatnan kong senaryo.
Ang mga pasyente,wala nang buhay. Nasa limang pasyente ang mga ito at lahat sila ay wala nang buhay kahit isa. Sila ang mga naging pasyente ko na aking inoperahan noong isang linggo,noong isang araw at kahapon lamang. Ang ilan nga sa kanila dapat ay madidischarge na ngayong umaga. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito mangyayari pa. Lumapit ako sa kanila upang icheck ang kanilang mga pulso pero talagang wala na.
Isa-isang nagsilapitan ang mga nurse at iba pang mga kaanak ng mga pasyente.
"Anong nangyari Doctor Z?,tanong ng isang nurse.
Hindi ako kumibo. Para akong binagsakan ng langit at lupa. First time may mangyaring ganoon sa loob ng ilang taong pagiging doktor ko.
Natulos lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi din ako makapag-isip ng maayos.
Naririnig ko ang mga iyakan ng pamilya ng mga namatayan.
Lumapit na rin ang iba pang empleyado ng ospital. Parang masama ang kutob ko sa pangyayaring ito kaya kinausap ko ang isang nurse para kumuha ng mga sample ng dugo nila bago dalhin sa morgue ng ospital nang palihim. Lumapit uli ako sa mga namatay na pasyente saka ko inianunsyo sa mga pamilya ng mga ito ang araw ngayon at oras ng kanilang pagkamatay. Hagulgolan ang ang kani-kanilang mahal sa buhay.
Nakakapangilabot ang nangyari sa mga pasyente ko. Kahapon lang ay ang saya-saya nila lalo na ang mga madidischarge ngayong araw na ito.
Pabalik na ako sa aking opisina.
Halos di ako makalakad ng maayos dahil sa nararamdamang panghihina.
Halos hindi parin maproseso ng utak ko ang nangyari kanina sa ward.
May mga dumating na pulis para mag-imbestiga. Hinahanap ko ang nurse na inutusan ko para kumuha ng sample ng dugo ngunit hindi ko na ito makita pa. Talagang masama na ang nangyayari.
Lumalabas tuloy na kasalanan ko dahil nagkaroon daw ng komplikasyon ang pag-oopera ko sa kanila. Sinong tangang maniniwala na ganoon nga ang nangyari at ikinamatay ng mga biktima?
Tell that to the marines you morons!
Sino ba ang put4ng 1nang gusto akong pabagsakin?
Tinawagan ko ang aking kaibigan na aming technical engineer,si Artheus o kilala bilang Agent Eagle.
Gusto kong humingi ng tulong sa kanya dahil forte nya ang mga bagay na ganito. Madali lang sa kanya ihack ang mga cctv ng ospital kaya sya na lang ang pag-asa ko.
"Eagle,I need your help.",bungad ko agad nang sagutin nito ang telepono.
"Ox,I know buddy. I already knew. No,I should say,we already knew.",anito sa kabilang linya na nagpakunot ng noo ko at nagpataas ng kilay ko.
"What are you talking about? What do you know?"
Parang may kakaiba akong kabang naramdaman,parang ang lakas ng tambol ng dibdib ko.
"It's already in the news buddy. Parang pinaghandaan ka ng kaaway mo."
"What the fvck!"
Pinatay ko ang tawag muna saka ko binuksan ang tv. Inilipat ko ang channel nito sa may lamang balita.
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakasulat sa screen ng tv.
"NEWS HEADLINE"
"Isang doktor ang pinaghihinalaang pumatay sa mga pasyente nito— Malpractice ang tinitingnang dahilan ng lahat."
What the h3ll is going on? Ako papatay ng pasyente ko?
At saka malpractice? Kailan pa ako nag-opera na hindi sigurado? Nagpapatawa ba ang mga put4ng 1nang reporter na mga yan?
Kinuha ko uli ang aking coat at lumabas ng opisina ko. Muntik na akong madulas nang makita kong maraming news reporter ang nagkalat sa labas at hinihintay ang paglabas ko.
"Tang*na talaga!",mapapamura ka nalang sa sitwasyon ko ngayon.
Wala na akong ibang pagpipilian kundi maging agent pansamantala upang makatakas sa lugar na ito.
Hinubad ko ang aking lab gown, at nagsuot ng jacket para matakpan ang aking formal long sleeve na suot. Kinuha ko rin mula sa cabinet ko ang raincoat pants ko para ipang takip sa pantalon kong kulay puti. Kumuha na rin ako ng mask na kulay itim at nagsuot rin ako ng sumbrerong kulay itim. Kahit mga nurse ko ay hindi na ako makikilala kahit makasalubong ko sila sa daan.
Binuksan ko ang bintana ng aking opisina. Medyo mataas ang palapag kung nasaan ang opisina ko. Nasa ika apat na palapag ito kaya hindi ko pwedeng talunin ito. Umakyat parin ako sa bintana upang lumipat sa mga bintanang nakabukas sa ibabang bahagi ng palapag ng ospital.
"Nice!",nakakita agad ako ng isang bukas na bintana kaya doon ako tumalon para pumasok. Nagtilian pa ang mga nasa loob nang makita ako. Agad akong lumabas ng kwarto upang bumaba at para makalabas ng ospital. Sa emergency exit ako lumabas,sa may hagdanan. Mahirap na kasi kapag sa elevator o di kaya sa mismong exit ako lumabas,baka makasalubong ko ang mga reporter at mga taong nais akong pabagsakin.
Sa wakas ay nakalabas na rin ako ng ospital na walang aberya.
Nang makasakay ako sa aking kotse ay nakita kopa ang mga pulis na paparating. Nahuhulaan ko na,na ako ang sadya ng mga ito. Kailangan ko na talagang makalayo dito pansamantala.
Tinawagan ko uli si Artheus para sabihin ang nangyari at para magtanong kung ano bang nangyayari? Paano na lang kung nahuli ako roon sa mismong opisina ko pa. Kung hindi ko ginamit ang aking instinct bilang agent ay baka nakakulong na ako ngayon sa salang di ko naman ginawa.
"You"ll pay for it whoever you are I swear. You'll pay for ruining my life and my career." napapasuntok pa ako sa manibela habang nagdadrive.
Agad sinagot ni artheus ang tawag ko sa kanya.
"What the h3ll was that?",agad kong tanong dito.
"Magpaka layu-layo ka muna agent Ox.
Sa ngayon ay hindi ka namin matutulungan sa publiko dahil nakialam na ang mga reporters. Mukhang may nakalaban tayong malakas at hindi natin alam kung sino ito."
"Fvck! Fvck! Fvck!"
Galit na galit kong pinagsusuntok ang manibela ng kotse ko.
"Braile will help you escape,hinihintay ka na nya sa airport kaya doon ka na lang dumiretso.",anito saka pinatay ang tawag.
Wala na akong nagawa kundi sumunod muna sa mga ito.
Hindi ko talaga matanggap na isa na akong mamatay-tao sa mata ng nakararami at sa publiko.
Naihilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha.
Please,sana panaginip lang ito.
Pero hindi,hindi ito isang panaginip. Wanted ako at pinaghahanap ng batas sa America,kung saan ko ginugol ang panahon ko sa pagliligtas ng mga buhay ng tao. Sa mga mata ng publiko ay isa na akong mamamatay-tao.
Ang saklap,sa kabila ng kasikatang tinatamasa ko,sa isang iglap ay babagsak pala ako. Isang bagsak na putol lahat ng pakpak,kamay at paa ko.
Binilisan ko ang pagpapatakbo para puntahan si Braile, A.k.a Agent Lion. Sya ang aming finance agent.
Isa syang piloto kaya kapag may personal kaming lakad ay laging ito ang captain pilot.
"Saan mo balak pumunta?",tanong nito saakin nang makarating ako sa paliparan nya.
"Sa Isla Mharimar",nababagot kong sagot.
"Isla Mharimar? Saan yon?"
"Sa Pilipinas.Sa isla na binili ng ama ko sa kaibigan nitong doktor na ipinangalan sa nawawala nilang anak."
"Too many myths",wika nito na pinaikot la ang mga mata.
"Gagoo totoo yon,hindi kwento."
"Really? Hmm interesting."
Hindi na ako kumibo nang pumasok kami sa loob ng eroplano. Habang nasa biyahe kami ay may panahon ako para makapag-isip. Ano na ang gagawin ko? Hanggang kailan ako magtatago sa islang pupuntahan ko?
Buhay pa kaya si Mharimar? Naalala ko tuloy ang mga magulang ko. Ilang taon narin akong hindi nagpapakita sa kanila magmula nang mag-aral ako bilang isang doktor sa America hanggang sa maging secret agent ako.
Gusto kong itulog baka sakaling paggising ko ay panaginip lang pala ito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay lalo lang akong napamura.
"Dam* it! Totoo nga talaga ang mga nangyayari."
Nasa Pilipinas na ako.