Chapter One
Napabangon kaagad si Angela sa kinahihigaang kama dahil nakarinig siya nang malakas na kalabog.
Hindi niya napigilan ang sarili na guluhin ang buhok at kamutin ang ulo sa sobrang inis.
Tumingin siya sa orasan saglit at ibinaling ang ulo, kung saan nanggaling ang kalabog.
Tiningnan niya nang masama ang taong nang-istorbo sa kanyang pagtulog.
"Ano ba naman, Kuya! Alas-dyes palang nang umaga! Natutulog ang tao, eh, binubulabog mo. Lumabas ka nga ng kuwarto ko!" reklamo niya sa kanyang Kuya Benfranzon.
Tatlo silang lahat na magkakapatid. Ang panganay ay si Benjie Mendoza, at ang pangalawa naman ay si Benfranzon Mendoza.
"Angela, where the hell have you been last night!" galit na sigaw ni Benfranzon sa bunsong kapatid na babae.
Hindi naman napigilan ni Angela na huwag matakot sa kanyang kuya dahil bakas sa mukha nito ang matinding galit.
"Nag-bar lang ako kagabi, Kuya . . . mayro'n pa ba akong ibang pupuntahan?" painosente niyang tanong.
Alam niyang sesermunan na naman siya nito.
"Are you f*****g sure, Angela! Sige nga, sino ang babaeng mayro'ng kahalikan diyan sa picture?" Inis na hinagis ni Benfranzon sa harapan ng kanyang kapatid ang litrato.
Pinulot naman kaagad ng dalaga ito. Nang makita nito ang litrato ay bigla itong napatakip sa bibig.
Ang babae na nasa litrato ay siya at ang kanyang kahalikan ay ang kaibigan ng kuya niya na may asawa na.
Pumikit siya at nagbabakasakaling maalala ang nangyari nang gabing iyon.
Napahilamos siya sa mukha dahil kahit kaunting pangyayari nang gabing iyon ay wala talaga siyang matandaan.
Sumakit lang ang ulo niya sa kaiisip.
"Hindi ba 'yan edited, Kuya?"
"Are you f*****g kidding me, Angela? Tinatanong mo pa talaga kung edited ang picture na 'yan. Paano magiging edited ang picture na hawak mo, eh, kagabi lang ginanap ang birthday ni Aeron . . . at ang damit na suot mo riyan sa picture ay kapareho ng damit na suot mo kagabi!" dumagundong ang malakas na sigaw ng kuya niya sa loob ng kanyang silid.
Napakamot siya sa pisngi dahil wala na siyang lusot.
"Alam mo bang galit na galit sa iyo ngayon si Claire . . . kaya raw hihiwalayan siya ni Aeron ay dahil sa iyo. Nilalandi mo raw ang asawa niya!"
"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yun! Ako pa talaga ang sinisi," usal niya sa kanyang isip.
"Kuya, hindi ko nilalandi ang asawa niya. In fact si Aeron pa nga ang lapit nang lapit sa akin, eh. Wala kaya akong gusto kay Aeron, Kuya," paliwanag niya.
Si Benfranzon ay tumingin nang masama sa kanyang kapatid. Alam niya na maraming humahabol na lalaki rito.
"From now on, iwasan mo muna si Aeron, Angela. At one week mula ngayon grounded ka muna. Bawal kang lumabas ng bahay, dahil kung hindi yung cellphone, at atm mo ay kukunin ko. Do you understand?" Napamura si Angela sa kanyang isip kaya napatango siya nang wala sa oras.
Bago lumabas ng kuwarto ang binata ay tumingin ito nang matalim sa dalaga.
Napangiti ang babae nang makalabas ang kuya nito. Tatakas na naman kasi siya mamayang gabi.
Alam niyang aalis na naman ang kanyang kuya para makipagkita sa girlfriend nito.
Palagi kasing umaalis ang binata tuwing gabi. Stay-out din ang kanilang dalawang katulong. Ang simula nang trabaho ng mga ito ay alas-syete nang umaga hanggang alas-sais ng gabi, kaya kahit na madalas mapagalitan at pagbawalan ang dalaga ay nagagawa pa rin nitong tumakas.
Tinitigan ni Angela nang mariin ang mukha ng lalaki sa litrato. Napataas ang kilay niya nang maalala ang sinabi ng kanyang kuya.
"So, Aeron, galit na galit pala sa akin ngayon ang asawa mong mukhang pera," usal niya habang nakatitig sa litrato.
"Alam mo bang hindi ko uurungan ang asawa mo, Aeron." Napahawak siya sa tiyan nang biglang itong tumunog.
Tumayo siya at lumapit sa basurahan. Pinunit niya muna ang litrato bago itinapon.
Pumasok siya sa bathroom at naghilamos. Nang makalabas ay tinungo niya ang closet at kumuha ng damit na pamalit. Isang puting blouse at maikling maong na short ang kanyang kinuha.
Ang kanyang damit na suot kagabi ay hindi pa rin kasi napapalitan. Sa sobrang kalasingan ay hindi na niya nagawa pang magpalit.
Nang matapos makapagpalit ay lumabas siya ng kuwarto at tinahak ang daan patungo sa kanilang kusina.
Malaki ang bahay ng Mendoza Family. Mayroon itong tatlong palapag. Ang swimming pool ay makikita sa likod ng bahay.
Tatlong kuwarto ang nasa second floor. Ang unang pinto na madadaanan ay kuwarto ni Angela. Guestroom naman sa pangalawang pinto at kuwarto ng mga magulang nila sa pangatlo.
Nasa third floor ang kuwarto ng dalawa niyang kuya. Sa ngayon dalawa lang silang magkapatid ang nakatira sa kanilang bahay.
Nasa ibang bansa kasi ang kanilang mga magulang kasama ang panganay na kapatid. Inaasikaso ng mga ito ang kanilang company.
Nang marating ng dalaga ang kusina ay binati kaagad siya ng dalawa nilang kasambahay.
"Good morning, Angela," sabay na wika ng mga ito.
"Good morning din po."
Umupo si Angela sa palagi niyang inuupuan. Ipinaghain kaagad siya ng dalawa.
"Ate Gigi, Ate Lyn, sabayan ninyo na po akong kumain."
"Naku, Angela, kumain na kami kanina, pinasabay na kami ng kuya mo sa kanya," sagot sa kanya ng isa nilang kasambahay na si Gigi.
Matagal nang nagtatrabaho sa kanila ito. Hindi pa raw ipinapanganak ang Kuya Benjie niya ay nagtatrabaho na ito ayon sa kuwento ng kanilang ina.
Ang isang kasambahay naman nila na si Lyn ay pitong taon nang nagtatrabaho sa kanila. Onse anyos si Angela nang magsimula itong magtrabaho.
Lumabas ng kusina ang dalaga nang matapos siyang kumain at tinungo ang kanilang sala. Dahan-dahan itong umupo ng sofa.
Pipindutin na sana ni Angela ang remote ng tv nang biglang may sumigaw sa labas ng bahay nila.
"Angela! Lumabas ka ng bahay ninyo!" Napaismid siya.
"Nakakaasar naman! Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'yun?" Tumayo siya at tinungo ang pintuan.
Pagkabukas niya ay mukha ni Claire ang kanyang nabungaran.
"What are you doing here?" Pinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib bago humarap kay Claire.
"What is the meaning of this, Angela?" galit na tanong ni Claire. Ipinakita nito sa kanya ang litrato nila ni Aeron na naghahalikan.
"Claire, wala lang ang picture na 'yan." Biglang nanlisik ang mga mata nito.
"Do you think you can fool me, Angela? You can't fool me b***h!"
Inismiran niya ito at tinaasan ng kilay.
"Okay. Kung ayaw mong maniwala, edi wag! You can leave now, Claire," taboy niya rito.
"Hindi pa tayo tapos, Angela! Magbabayad ka sa pang-aagaw mo sa asawa ko!" nanggagalaiting sigaw ni Claire sa kanya.
"Nakakatakot ka naman, Claire." Kunwaring umatras ang dalaga at humawak sa kanyang puso.
"For your information, Claire. Hindi ko inagaw sa 'yo ang asawa mo. Kung gusto mo isaksak mo siya sa baga mo."
Nginisian niya si Claire bago pumasok ng bahay.
"f**k you, b***h! I will kill you!" huling narinig niyang sigaw ni Claire sa kanya.
Pabagsak siyang umupo sa sofa. Napabuntonghininga siya nang malalim. Kahit kailan talaga sakit sa ulo niya ang mag-asawang Aeron at Claire.
Wala siyang gusto kay Aeron. Ang lalaki lang talaga ang sunod nang sunod sa kanya.
Naaalibadbaran na nga siya sa tuwing nagkukrus ang landas nila ni Aeron.
Ipipikit na niya sana ang kanyang mga mata nang biglang may pumasok sa loob ng kanilang bahay.
"Bessy Angela!" sigaw ng kaibigan niyang si Chally. Patakbo itong lumapit sa kanya.
"What brought you here, Chally bess?"
"Wala lang, bessy Angela." Biglang lumikot ang mga mata nito na para bang may hinahanap.
"Wala si kuya rito, Chally bess. Alam kong siya ang ipinunta mo rito." Alam niyang may gusto ito sa kuya niya.
"Hindi naman ang kuya mo ang ipinunta ko rito, ah," tanggi nito sa kanya.
Napataas na lang ang kilay niya sa sagot nito.
"Chally bess, huwag ka nang umasa sa kuya ko. May girlfriend na siya. Ayaw kong masaktan ka, kaya itigil muna ang panghahabol mo sa kuya ko." Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil.
Malungkot naman itong ngumiti sa kanya.
"Alam ko naman 'yun, eh, hindi ko lang kasi mapigilang umasa na baka sakaling mapansin niya rin ako," malungkot na wika nito.
"Ah, basta. Huwag ka nang umasa sa kuya ko, ha?" Tumango nang dahan-dahan ang kanyang kaibigan. Mapapansin sa mukha nito ang matinding lungkot.
"Chally bess, ikaw ba ang naghatid pauwi sa akin kagabi?" tanong niya kay Chally.
"Yes, why?"
"Hindi ko kasi matandaan ang nangyari kagabi, eh." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi.
Tumingin nang masama sa kanya si Chally.
"Gaga! Paano mo matatandaan ang nangyari kagabi, eh, lasing na lasing ka!" sermon nito.
Napapadyak siya sa sobrang inis.
"Alam mo ba, muntik ka nang humubad sa bahay nila Aeron kagabi. Kung hindi pa kita kinaladkad palabas ng bahay, baka tuluyan ka na talagang naghubad ng damit."
"What?" Napatayo siya sa sobrang gulat.
"Naku, kung nagkataon na nandoon ang kuya mo, bessy Angela, yari ka talaga sa kanya," pananakot ng kaibigan niya.
Laking pasalamat niya dahil hindi pumunta ng birthday party ang kanyang kuya.
"Gusto mo bang sumama mag-bar mamaya?" Ngumiti siya nang matamis kay Chally.
Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan niya sa kanyang sinabi.
"Magba-bar ka na naman! Ano ka ba naman, bessy Angela. Kahit isang gabi lang ipagliban mo naman ang pagpunta ng bar." Napalabi si Chally at napailing na lang sa kaibigan niyang si Angela.
Umikot naman ang mata ni Angela sa sinabi ni Chally.
"Pass muna ako riyan, bessy. I'm sure ako na naman ang sisisihin ng kuya mo kapag sinamahan kitang mag-bar mamaya."
"Akong bahala sa 'yo, Chally bess." Napalabi si Chally at napailing na lang sa kaibigan niyang si Angela.
"Hmp! Ikaw ang bahala tapos ako ang kawawa," mataray na saad ni Chally.
"Okay, if ayaw mo talagang sumama. I won't force you." Pinalungkot ni Angela ang boses niya.
"You know what, hindi mo ako madadala sa acting mo, bessy," pangbabara sa kanya ni Chally.
"Nakakainis ka naman, eh!" Kinuha niya ang unan na nakalagay sa kanyang likuran at hinampas ang kaibigan.
"Ouch! Bessy naman, eh!" Lumipat sa kabilang sofa si Chally at napahawak pa ito sa sariling braso.
Hinimas-himas ni Chally ang parte na natamaan ng unan ng kanyang kaibigan.
Napansin naman ni Angela na namula ang braso ng kaibigan kaya nilapitan niya ito at niyakap nang mahigpit.
"Sorry, Bess." Sabay kalas niya sa kaibigan. Si Chally naman ay ngumiti nang tipid sa kanya.
Sanay na si Chally sa kaibigan. Mahilig talaga itong manghampas ng unan sa ibang tao. Alam niya ring bully ito sa iba.
Tumambay pa ng isang oras si Chally sa bahay nila Angela bago umalis. Hindi pa sana ito aalis kung hindi tumawag ang mommy nito.
Mabilis na umakyat si Angela sa sariling kuwarto nang makaalis ang kaibigan niya.
Dumiretso kaagad ang dalaga sa bathroom. Hinubad nito ang suot na t-shirt at short na maong. Tanging bra at panty lang ang itinira ng dalaga sa katawan.
Habang nagsa-shower si Angela ay pasayaw-sayaw pa siya.
Matapos maligo ay tinungo niya ang cabinet at kumuha ng crop top na kulay pink at isang kulay itim na pantalon na may tatlong hiwa sa magkabilang hita.
Nang maisuot ang kinuha niyang mga damit ay naglagay lang siya ng lipstick sa mukha. Inilugay lang niya ang mga buhok.
Ang puting sapatos na regalo ng kanyang Kuya Benjie noong 18th birthday ay isinuot niya.
Napangiti siya nang makita ang sarili sa salamin.
Isinukbit niya ang puting pouch sa kanyang balikat. Bago siya lumakad palabas ng kanyang kuwarto ay muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin.
Habang pababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang kasambahay nilang si Lyn.
Nginitian niya ito nang matamis.
"Ate Lyn, baka hanapin ako ni kuya, pakisabi sa kanya na pumunta ako sa mall, ha. May bibilhan lang po akong regalo, malapit na kasi ang birthday ni Chally, eh."
Gusto niya kasing regaluhan ng ruby necklace ang kaibigan.
"Hala, Angela . . . bago umalis ang kuya mo, ang bilin niya sa amin ay huwag ka raw namin payagang lumabas ng bahay," mahinahong saad nito sa kanya.
Napahawak naman nang mahigpit si Angela sa kanyang pouch.
"Si Ate Lyn, talaga, oh, hindi ka pa talaga nasanay kay kuya. Alam naman po nating mahilig siyang mag-joke, eh."
"Per---"
Pinutol niya ang sasabihin ng kasambahay nila.
"Ako na po ang bahala kay kuya mamaya, Ate Lyn." Nilampasan niya ito at mabilis na tumakbo palabas ng bahay nila.
"Angela, huwag kang umalis, pagagalitan ka na naman ng kuya mo!" Hindi niya pinansin ang sigaw nito.
Malawak ang ngiti niya nang makalabas sa gate nila. Hindi 'ata nasabihan ng kuya niya ang guard nila na huwag siyang palabasin.
Pinara niya kaagad ang taxi na dumaan.
Matapos niyang sabihin sa driver ang pupuntahan ay ipinikit niya ang mga mata.
Limang minuto ang lumipas nang may narinig siyang nagsalita.
"Hija, nandito na tayo sa mall."
Iminulat niya ang mga mata at kumuha ng limang daan sa pouch.
"Manong, sa inyo na po ang sukli." Nginitian niya nang malawak ang driver sabay abot ng pera.
Sa tingin ni Angela nasa singkuwenta anyos na ang driver.
"Naku, maraming salamat, hija. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Napakaganda mo pa namang bata."
"Kayo rin po mag-iingat." Bago siya lumabas ng sasakyan ay tinanguan siya ng driver.
Papasok na siya ng mall nang biglang may humawak sa kaliwang braso niya.
"Hi, Angela," bati sa kanya ni Aeron.
Nabitiwan ni Aeron ang kanyang kamay nang itulak niya ang dibdib nito.
"Stay away from me, Aeron. I don't want to see your face!" angil niya sa lalaki.
Hindi naman ito nagpatinag sa kanya. Nginisian lang siya nito.
"Huwag ka nang magpakipot pa, Angela. I know you like me." Napaismid siya sa sinabi nito.
"Dream on, Aeron! You know what, magsama kayo ng asawa mo! Bagay nga talaga kayo!" Biglang nanlisik sa kanya ang mga mata nito.
Napasigaw siya nang malakas dahil binuhat siya ni Aeron na parang sako ng bigas.
Napamura siya nang mahina sapagkat wala man lang may nakapansin sa kanila na ibang tao.
"Put me down, Aeron! Isusumbong talaga kita kay kuya!" Sinuntok-suntok niya ang likod ng lalaki.
Napaigik siya sa sakit nang ibagsak siya ni Aeron sa loob ng kotse nito.
Ngumisi ito sa kanya na parang demonyo.
Sisigaw pa sana siya, pero hindi na niya nagawa nang suntukin ni Aeron ang sikmura niya.
Parang mawawalan na siya ng ulirat sa ginawa nito sa kanya.
"Pahinga ka muna, Angela. Later, I will f**k you hard." Nangilabot siya sa sinabi ni Aeron.