Si Angela ay napabalikwas sa kanyang kama nang tumunog ang kanyang telepono. Napaigik sa sakit ang dalaga nang mahulog sa sahig. Nang makatayo ay napakamot ito sa leeg. Padabog itong umupo sa kama habang nakabusangot ang mukha. “Sino ba ang istorbo na ito? Nakakainis inaantok pa ako, eh. Bakit ba palaging may nang-iistorbo sa pagtulog ko,” Padabog ni Angela kinuha ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan. Umaliwalas ang kanyang mukha nang makita ang pangalan ng tumatawag. Ang Kuya Benfranzon niya pa la ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag nito, umaasang may importanteng sasabihin ito sa kanya. “Hello, Kuya, good morning!” masayang bati niya rito. “Angela, bumaba ka mo na rito. I'm here sa sala nila Gabriel,” Napatayo siya sa kanyang kama nang marinig ang sinabi ng kanyang kuya. “W

