Nasa bahay pa rin siya ni Gabriel. Nagpapasalamat siya ng sobra dahil limang araw nang hindi umuuwi ang lalaki. Ngayong araw na niyang napagdesisyunang lumipat sa nabiling apartment. Ayaw niya ng magpaalam pa kay Gabriel, dahil sigurado siyang galit na galit ito sa kanya. Nakaimpake na rin ang kanyang mga gamit. Hila-hila niya ang kanyang maleta, muling tiningnan niya ang buong kwarto. Malungkot siyang ngumiti. Kailangan ko itong gawin para maging masaya na si Madeline at Gabriel. Malungkot siyang lumabas ng kwarto. Pababa na siya ng hagdan nang may biglang nagsalita. Nagulat siya, kaya napakapit siya sa kanyang dibdib. Napahinto siya saglit. At napatingin kay Gabriel. “Where the hell are you going!” galit na sigaw ni Gabriel sa kanya. Nakaupo ito sa sofa at may hawak na newspaper.

