Chapter 17.1: The Engagement Party (Part 1)

2817 Words
Holy s**t.   Punyemas.   Hijo Deputa.   Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.   Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.   Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.   Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.   11:22 AM.   Tanghali na pala?   Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam kong naglasing ako, nakipag-usap, sumayaw, nakipag-inuman, nakipagtagayan, hanggang sa malasing ako. Sigurado akong lasing na lasing talaga ako at inihatid ako ni Manong Bong.   Pero bakit sa condo? At bakit iba na ang damit ko?   Ipinilig ko ang ulo ko, baka sakaling mawala ang sakit ng ulo pero no progress.   I sighed and walk towards the door para makalabas na at para masagot ang mga tanong sa utak ko.   Pagkabukas ko ng pintuan, una kong tiningnan ang kusina nang may narinig akong kaluskok doon. Hindi rin kalaunan ay nakita ko kung sino ang nandoon.   Oo nga pala, nandito nga pala kahapon sina Alice at Erna para bantayan ang mga pamangkin ko.   Kumalma ang kaluluwa ko sa naisip. Baka silang dalawa lang ang nagpalit ng damit ko. It's not the first time, they've done this before. It was the twins' eighteenth birthday when I got so wasted that when I woke up the next morning, I really thought I'm at someone's, or rather a boy's, place and something happened to us dahil iba na ang suot kong damit at hindi ko na nakilala ang kuwarto ko kasi sakto ring tinanggalan ng drapes para labhan daw. 'Yon pala, nag-i-illusion lang ako.   Teka, sandali, speaking of lalaki... I remember a man last night. Was it Sonny? Did I saw Sonny last night?   I shake that thought away and pumuntang kusina para padarag na umupo sa dining chair. Diretso kong iniyuko ang ulo ko at nagreklamo sa sakit ng ulo.   "Good morning, Ma'am MJ!" Sabay na bati ng dalawa.   "Kape, Ma'am," sabi ni Alice sabay lapag ng mug sa table.   Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at inilapit sa'kin ang mug. I found peace when my cold hands felt the warmth of this coffee.   "Ma'am, ang tagal n'yo naman yatang nagising?" Tanong ni Erna.   "Sabi ni Madam, alas-dos daw darating ang mga magmi-make-up sa'yo," wika ni Alice.   Sa sobrang bangag ko, tumango ako sa mga pinagsasabi nila at diniretsong inom ang kape.   "Punyemas!"   Ang sakit!   Inilapag ko ka agad ang kape sa lamesa at halos bunutin ang dila sa sobrang hapdi ng pagkakapaso.   "Hala, Ma'am!"   Nataranta si Erna pero si Alice naman ay natawa lang kaya sinamaan ko ng tingin ang huli.   "Bangag na bangag, Ma'am, a? Ini-enjoy mo ba ang mga huling sandali mo bilang dalaga?" At isang nakalolokong ngiti ang ipinukol niya sa'kin habang nag-aabot ng basahan kay Erna at tissue naman sa'kin.   "Tss. Anong oras ba akong nakauwi kagabi?" Pag-iiba ko sa usapan habang hinihipan na ang kape, naninigurado na.   Nagpatuloy ang dalawa sa paghahanda ng pananghalian namin.   "Mga alas-dose, Ma'am."   Punyemas?   Halos masamid na naman ako sa kapeng iniinom ko. Mabuti na lang at nailayo ang mug at nalunok ang kape. Nanlaki ang mata ko kay Erna dahil sa naging sagot niya.   "Alas-dose? Tapos ganito ka sakit ang ulo ko? Alas-dose akong umuwi? Ang aga naman! Nagbibiro ka ba, Erna? Alice?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.   Si Erna, hindi makatingin sa'kin at mukhang nataranta sa pagtaas ng boses ko. Si Alice naman ay nakangisi lang pero may kuryusong tingin.   "'Yon nga ang nakapagtataka, alas-dose pa lang pero lasing na lasing ka na, Ma'am MJ." Tumigil sandali si Alice sa ginagawa kaya napaiwas ako ng tingin. "May problema ka ba o naglalasing ka kasi alam mong engagement party mo ngayon?"   Tumikhim ako at inalala ang kagabi. Sinadya ko yata talagang maglasing kagabi. Hindi dahil alam kong engagement party ko ngayon, kundi dahil sa sakit.   "Bakit sa condo ako hinatid ni Manong Bong? Bakit hindi sa bahay?" Pag-iiba ko ulit sa usapan. trying to avoid Alice's question. Mabuti naman at nagpatuloy siya sa pag-aasikasong ginagawa.   "Kasi mas malapit sa pinag-party-han mo? Ewan. Hindi naman sinabi ni Sir Darry kung bakit dito ka nila inihatid ni Kuya Bong."   "Oo nga pala, Ma'am, si Sir Darry nga pala ang naghatid sa inyo kasama si Kuya Bong."   Teka, sandali, wait, taysa! Anong... ha?   "Anong sabi n'yo? Darry?"   "Wala ka bang maalala, Ma'am?"   Napatingin ako kay Erna habang nilalapag niya ang ulam sa harapan ko.   "Sabagay, tulog na tulog ka nga pala nang makarating ka rito. Sabi rin ni Sir Darry na bigla ka raw nakatulog habang nagsasayaw. Mabuti na lang talaga na siya raw ang kasama mo bago ka nakatulog at naihatid ka rito sa condo mo."   Mas lalo akong nanlumo sa dinagdag ni Alice.   Hinatid ako ni Darry? Siya ang huli kong kasama bago ako nakatulog? What the s**t!   "Ang mapanakit mo, Sonny."   Punyemas!!!   Was that him? Siya 'yon? Ugh! Of all people?   Matinding singhap ang ginawa ko dahil sa mga naalala. Hindi ko na kaya kung may maalala pa akong mga sinabi sa kaniya. Hindi ko na talaga kaya! Sana wala. Sana wala na talaga! Sana 'yon lang ang sinabi ko. Sana. Sana. Sana sinabi mo!   Dahil sa mga naalala, naging tulala ako habang kumakain. Hanggang sa dumating na ang glam team na mag-aayos sa'kin, hanggang sa dumating na ang mga kaibigan ko sa condo para makita ako, hanggang sa mismong venue, halos nakalutang lang ako sa ere at hindi malaman kung anong gagawin.   I remembered! I was outside Art District. I was still walking but barely keeping up the pace, I was being held by a man and I mumbled something.   Holy s**t ka talaga, Maria Josephina Constancia! Maglalasing ka na nga lang, sa harap niya pa! Sana ang sinabi ko sa kaniya ay 'yong winning combination number sa lotto. Holy s**t kasi hindi ko maalala kung anong sinabi at ginawa ko pagkatapos no'n! Gusto kong malaman kung ano! Gustong-gusto ko! Pero paano?   Edi magtatanong. Gaga ka ba?   Mas gaga ka! Mas nakakahiya yata 'yon.   Edi si Manong Bong tanungin mo.   Oo nga pala, si Manong Bong!   Agad kong pinahanap si Manong Bong sa ibang tauhan nina Mama na nandito kaya habang nakamasid sa kabuuan ng venue, hinintay ko siya.   Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng venue na wala pang tao. It's still four in the afternoon and the party will start at six. Wala na ako sa condo ngayon, nasa L Fisher na kami for the venue. My families were checked in sa hotel, ako lang 'yong hindi. Hipokrita, e, gusto talagang umuwi ng condo. But kinuhanan ako ng room so nandoon ang mga friends ko.   Papalapit na sa puwesto ko si Manong Bong.   "Ma'am MJ, hinahanap n'yo raw po ako?"   "Manong Bong, didiretsuhin na kita, ha? May sinabi ba ako kay Darry kagabi?"   Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni Manong Bong dahil sa naging tanong ko. Nang mapagtanto ang naging tanong ko, mahina siyang natawa.   "Hindi pa rin talaga kayo nagbabago, Ma'am, 'no? Hindi niyo pa rin talaga naaalala ang mga nangyayari sa tuwing lasing kayo."   "Sige na, Manong Bong, sabihin n'yo na, lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ba 'yong mga pinagsasabi ko sa kaniya. Like the usual lang, Manong? 'Di ba dait sinasabi niyo sa'kin agad kung ano 'yong mga pinaggagawa ko dati? At saka curious lang talaga ako, Manong, kung bakit nandoon si Darry? Nag-party din ba s'ya?"   Natawa ulit si Manong Bong.   "Hindi, Ma'am, ikaw yata talaga ang sadya niya. Pagkarating kasi niya, agad niya akong tinanong kung nasaan ka. Alam mo naman, Ma'am, na nasa may kotse lang talaga ko. Medyo nagulat nga rin ako nang makita ko s'ya roon, Ma'am, e."   "O, tapos?"   Pabitin naman 'tong si Manong Bong, e.   "Tapos po bigla siyang lumabas na akay-akay ka niya. Edi, siyempre, ako dapat ang maghahatid sa'yo pauwi pero hindi agad akong nakalapit para tulungan siya, Ma'am, dahil sa ginawa mo."   "Ano 'yong ginawa ko?"   Halos yugyugin ko na ang buong pagkatao ni Manong Bong dahil sa pabitin pa rin niyang pagku-kuwento.   "Hinalikan-"   "Hinalikan?! Hinalikan ko siya? Saan?"   Punyemas na 'yan. Anong kagagahan 'yan, MJ?   "Sa pisnge lang, Ma'am. 'Wag masiyadong OA, Ma'am, sa pisnge mo lang siya hinalikan." Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako sa sinabi niyang sa pisnge ko lang nahalikan si Darry, e. Pero at least 'di ba? Hindi totally kagagahan pala ang ginawa ko? "Kaso, Ma'am, tinawag n'yo siyang Sonny, e."   Pun.Ye.Mas.   Napabitaw ako sa pagkakahawa kay Manong Bong at lumunok dahil sa dinagdag niya. Hindi na rin ako makatingin sa kaniya. Nahihiya.   "G-Ganoon ba, Manong? Salam-"   "Pero, Ma'am, totoo po ba 'yong sinabi n'yo kay Sir Darry, Ma'am?"   Bongga kong ibinalik ang tingin sa kaniya dahil na naman sa gulat.   "Ano na namang sinabi ko, Manong? Meron pa ba?"   "Sonny 'yong tinawag mo sa kaniya, Ma'am, pero ang sinabi mo ay crush mo ang bunsong kapatid ni Sir Sonny. 'Di ba, Ma'am, si Sir Darry ang bunsong kapatid ni Sir Sonny?"   Punyemas. Punyemas to the nth level! Gaga ka talaga, MJ!   "Manong, 'wag kang magbiro ng ganiyan. Hawak ko ang pamilya mo, 'wag na 'wag na talaga."   Bago pa man gumuho ang buong kahihiyan ko, naninigurado muna ako.   "Promise, Ma'am, 'yon talaga ang sinabi mo. Hindi nga agad ako nakalapit dahil titig na titig si Sir Darry sa'yo. Saka lang ako lumapit no'ng tuluyang kang nakatulog, Ma'am. At saka, alam mo namang nagsasabi talaga ako ng totoo, Ma'am, sa tanda ko 'to, magsisinungaling pa ba ako?"   Halos malugmok ang buong pagkatao ko dahil sa narinig mula kay Manong Bong. Sabi na nga ba, hindi ko kakayanin kung malalaman ko pa kung ano 'yong mga pinaggagawa ko kagabi, e. Punyemas jud ka, Maria Josephina Constancia, oy!   Lutang na lutang ako habang niri-retouch ng mga make-up artist. Natigil lang nang makita ang paraan ng pagtitig ni Vad sa'kin. I smiled at him pero nanatili pa rin ang seryosong pagkakatitig niya sa'kin. I know something is running on his mind and I don't want it to bother me. Bothered na bothered na nga ako no'ng mga pinaggagawa ko kagabi, e, dadagdag pa siya? 'Wag na.   "Bruha, mauna na kami sa baba, ha? See you later, catterpillar!"   Bineso ako ng twins, Ressie, Paulla, and Jessa. Nicole and Maj are missing in actions kasi nga wala sila rito.   "Okay," sagot ko habang pinagmamasdan silang lumabas ng hotel room.   Si Vad naman ay nanatiling nakatayo sa isang gilid.   "Halika na, Engineer Vad!" Aya sa kaniya ng girls. Tinanguan lang niya ito.   "Saglit lang, may sasabihin muna ako kay MJ."   Himalang hindi na nagtaka ang girls sa sinabi niya kaya tuluyang silang umalis. Tumikhim ako to lessen the tension I'm about to feel inside my system.   "Anong sasabihin mo, Vad?" Lakas loob na tanong ko habang inaayos kunwari ang mga nagkalat kong gamit sa bed.   "Sigurado ka bang itutuloy mo 'to?"   Panandalian akong sumulyap sa kaniya at pannadalian ding ngumiti.   "Bakit naman hfuckingI put some humor into it para kahit papaano ay malaman niyang hindi ako tensiyonado.   He sighed again.   "Alam kong alam mo kung bakit hindi mo na dapat ipagpatuloy 'to."   My hands stop at midair and stared blankly at my bag.   "Hindi naman totoo 'yon. Those were rumors. If those were true, dapat by now, sinabihan na ako ng mga magulang niya, nang kahit sino sa pamilya niya."   Hindi ko alam kung si Vad ba ang pinagsasabihan ko no'n o ako.   "Hindi dapat ako ang magsasabi nito, MJ, pero sa tingin ko... karapatan mo rin namang malaman ang totoo. MJ-"   "Salvador!" Bago pa man niya sabihin ang mga dapat sabihin ay pinigilan ko na siya. "Hindi totoo 'yon, okay? Chismis lang ang lahat ng iyon. Sa lahat ng Lizares brothers, si Sonny ang may paninindigan kaya mali 'yang mga punyemas na kumakalat na balita tungkol sa kaniya. Hindi 'yan totoo, Vad," tumikhim ako nang biglang tumaas ang boses ko. Punyemas naman.   Hindi ko alam kung ano pang lalabas na mga salita sa bibig namin ni Vad kung hindi lang kami pinasok ng organizer para sabihin na magsisimula na raw ang party. Tahimik kaming dalawa na bumaba sa venue. Hindi na rin naman siya nagsalita hanggang sa maghiwalay na kami ng landas.   Maraming tao sa La Proa Ballroom. Iba't-ibang klase ng mga tao: business world, politics world, family friends, some prominent families in Negros, some friends from Manila, relatives, and close friends... name it. Nandito silang lahat para sa engagement party na ito kaya paano ko ipapatigil 'to? Ayokong gawin ang ginawa ni Kuya noon na tumakas, tumakbo, tinalikuran ang engagement party. Wala akong concrete reason to do that. No confirmation regarding that news. Kaya sino ako para ipatigil 'yon?   Kahit ganito na ang naiisip ko, may katiting pa rin sa isipan ko na sana... sana mali lahat at tama ako. Gusto kong maging tama naman. Kahit ngayon lang.   Suminghap ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Nginitian ko ang mga nakakasalubong ko. Minsan napapahinto para magbigay galang, lalo na sa mga matatanda.   Nilapitan ko ang pamilya ko sa presidential table.   "Ate, nasaan na si Sonny?" Tanong ko sa Ate ko na karga-karga si Kansas. Iginala ko ang tingin sa paligid pero ni anino ni Sonny ay hindi ko nakita. Isa lang naman talaga ang nagpapakalma sa akin ngayon, ang isiping maraming tao kaya hindi ko siya makita.   "Parating na siguro, little sis."   Parating? So, wala pa siya rito?   Ngumiti ako kay Ate at hindi na siya tinanong pa dahil naging abala na rin siya kay Kansas. Tiningnan ko ang kabilang table, kung nasaan ang mga Lizares. The matriarch and patriarch are busy entertaining the guests. Their four sons are busy having a real time serious conversation na sa sobrang seryoso, halos sugurin na ni Einny si Siggy. Si Decart naman ay abala sa phone niya na mukhang may tinatawagan pero nakikinig sa kung anong sinasabi ni Tonton.   Yeah, four, hindi ko makita si Sonny at Darry. Kaya mas lalo akong kinabahan.   Gusto ko sanang pagtoonan ng pansin ang pag-uusap nilang hindi ko naman marinig dahil sa sobrang layo kaso inagaw ni ng natataranta kong Mama ang atensiyon ko.   "Ma, what's the problem?" Pinigilan ko siya sa paglalakad.   Bigla siyang ngumiti nang malawak sa akin at marahang hinaplos ang pisnge ko.   "Nothing, anak. Settle down there, we're going to start now."   True enough, sinimulan nga ang program with a little introduction. Inuna ang kainan kaya naging abala ang lahat sa dinner na nagaganap pero ako... hindi ko magawang kainin ang pagkain na nasa harapan ko. Everybody's enjoying the vibe. Ako, parang wala talaga sa mood. Dinadaan ko na lang sa patagay-tagay ng wine.   Hindi ko nga rin malapitan ang mga kaibigan ko dahil pansamantala akong pinagbawalan na gumala. Mamaya na raw pagkatapos ng announcement.   Sa kalagitnaan ng kainan, nagsalita ang master of ceremony. Pinipilit akong magsalita sa gitna para magpasalamat.   "Thank you, everyone, for coming to my graduation party. Lending your spare time to this special event of mine means a lot to me and very much appreciated. Thank you once again and please do enjoy the party."   Ngumiti lang ako pero sa kalooblooban ko ay matinding kalabog ng sistema na ang nararamdaman ko. Halfway na ng party pero ni anino ni Sonny, hindi ko nakita.   May mali talaga, e. Maling-mali.   "Merging two companies is an essential in surviving in the business world. It is to prove that the two different companies and organization are in unity for the prosperity of the economy. Tonight, two of the most prominent and opulent families in the Philippines will announce their amalgamate through marriage!"   Nagtiim-bagang ako nang magsimula na ulit na magsalita ang master of ceremony. It's time.   Blangko kong tiningnan ang sahig ng ng stage, naghihintay kung kailan tatawagin.   Mali itong iniisip ko. Kung may mali, sana hindi na ipinagpatuloy ang pag-a-announce. Tama. Tama!   "The Osmeña Business Empire and Lizares Sugar Corporation will merge through marriage in order to have a better future of the the both companies. Welcome to the engagement party of Osmeña and Lizares!"   Umayos ako sa pagkakatayo at ipinilig ang ulo para hindi pumasok ang mga masasamang isipin. I need to smile for everybody.   "Miss Maria Josephina Constancia L. Osmeña of the Osmeña clan!"   Isang masigabong na palakpakan ang sumalubong sa akin habang naglalakad papunta sa gitna ng stage. All smiles ako and it's my sweetest smile of all of time. Maganda ako tonight and there's no punyemas room in a furrowing face.   "And Mister Darwin Charles L. Lizares of the Lizares clan!"   What the s**t?! ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD