Teka, sandali. Teka, sandali nga lang! Ano 'yong sinabi niya? Sandali nga lang... what the s**t is going on?!
Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking tumabi sa'kin sa gitna ng stage. Wala na akong pakialam kung anong expression ng mukha ko ngayon. What the s**t talaga!
"Ba-Bakit ka... Bakit ka..."
"I'll explain everything later. Just please act normal and smile to everyone," he use again his baritone voice. What the s**t!!
My whole system is in havoc. I don't know what to do! I don't know what to react! Should I shout at him? Runaway and make a scene? Punyemas! What is going on here?
Inangkla niya ang kamay ko sa braso niya at diretsong nakatingin sa lahat. Hindi ko sinunod ang sinabi niya, bagkus, mas lalo ko siyang tinitigan.
What the s**t again!
His manbun is gone. His jetblack long wavy hair is gone. His hair is in clean cut right now. Nagpagunting siya? What the s**t? Anong nangyayari?
Ano ba!!!!
"Please face them. I'll explain everything. Please, MJ."
Napasinghap ako sa sinabi niya at hilaw na nginitian ang mga taong nagpapalakpakan sa aming dalawa. Iginala ko ang paningin ko kahit na nanginginig na ang labi ko dahil pilit na pilit ang pagkakangiti ko. Gusto ko na ring umiyak sa kahihiyan.
Half of them are cheering and all smiles to us. The other half are in complete shock. Isa na sa mga nagulat ay ang mga kaibigan kong hindi man lang pumalakpak. Nakatayo lang sila at mariing nakatingin sa amin. Maski si Vad, mababakas na rin ang gulat sa mukha niya.
Yeah, Vad, same. Punyemas, same!
Huli kong tiningnan ang mga magulang ko. Nagulat sila pero pilit silang ngumingiti sa akin.
Ano ba ang nangyayari? Nasaan ba si Sonny?
Sinipot nga ako ng mga Lizares pero feeling ko napahiya pa rin ako. Napahiya ako dahil hindi naman siya ang dapat na pakakasalan ko pero bakit siya ang nandito? Hindi lahat ng nandito ay alam na si Sonny ang fiancé ko pero hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, gusto kong matumba at mawalan na lang ng malay bigla para makalimutan ang lahat ng ito.
Ano ba kasi ang nangyayari?
Balisa at parang mawawalan ng malay, nakipag-plastikan ako sa lahat. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, umabot ng isang oras ang pagiging plastic ko sa ibang tao.
My hands are literally trembling and I really want to cry out of shame. Wala pa ring sumasagot sa mga katanungan ko sa utak.
Suminghap na lang ako at diniretsong lagok ang wine.
Punyemas! I need a hard one. Wine can't cover it up for me. Punyemas!
Natapos akong makipaghalubilo sa mga malalaking bisita pero hindi ko napupuntahan ang table ng mga kaibigan ko.
I lick my lips and nilapitan ko si Mama. Wala na akong pakialam kung nasaan si Darry, gusto ko lang ay ang umalis sa crowd na ito at lunurin ang buong sistema ko ng alak. Ayaw yatang tumanggap ng utak ko sa kahit anong klaseng explanation.
"Ma, can I go out with my friends?" I interrupted her talk with an investor.
She sorrowfully look at me.
"Anak, the party's not yet over. Can you please stay for a couple of minutes?" Malumanay na request niya.
"Please, Ma? I'm really tired na po kasi. Kulang po 'yong tulog ko kagabi. You knew naman I partied right?"
Nag-aalinlangang lumingon si Mama sa kausap niya bago ibinalik ang tingin sa akin.
"I'm really sorry, anak. Promise, we'll explain late. Sige, you can rest now."
Hinalikan ako ni Mama sa noo pero tango lang ang sinagot ko.
Tuloy-tuloy ang naging lakad ko, not minding the people who greets me along the way.
"MJ, saan ka pupunta?"
Bago pa man ako makalabas ng venue, napigilan na ako ng mga kaibigan ko na hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin. Pagod ko silang nilingon.
"Gusto ko munang mapag-isa. Pangako, bukas, mag-i-explain ako," kahit hindi ko pa alam kung anong explanation ko.
Bakas na bakas pa rin sa kanila ang pag-aalala. Ayaw pa sana nila akong pakawalan pero wala silang nagawa kundi ang hayaan ako sa gusto ko. Punong-puno sila ng katanungan pero mas nanaig ang pag-aalala nila sa akin and I appreciate that.
"Sige na, guys, I'll be in my hotel room. Hindi ako aalis. I just want to rest for a while. Thanks for coming pala," assurance ko sa kanila kaya wala na talaga silang nagawa kundi ang pakawalan ako.
Bukod sa kanila, wala ng ibang pumigil sa akin at sa tingin ko, sa sobrang dami ng bisita, hindi na nila napansing umalis ako.
Para akong zombie kung kumilos. Tulalang-tulala pero nagawa pa ring makapagbihis.
My plan is to stay inside my hotel room but I need an air para makahinga nang maluwag. Kinuha ko ang card holder at ang phone kong ilang araw ko ring in-ignore at pumunta sa rooftop nitong hotel room kung nasaan ang bar area nila, sa Chalet.
"Two botts of Cuervo," sabi ko sabay lapag ng ATM card at dumiretso sa isang table, sa pinakasulok na table kung saan tanaw ang iilang tanawin ng kabisera.
Maya-maya lang ay inilapag ng server ang order ko. May kasama na itong isang bowl ng lemon at isang shot glass.
Iba 'yong tingin n'ya sa'kin. Siguro nagtataka kung bakit mag-isa lang ako pero dalawang bottles ng tequila ang in-order ko. Pinipigilan lang siguro ang sariling magtanong kaya hindi nakapagsalita kahit halatang-halata sa tingin niya. I guess it's part of their protocol. I don't know and I don't care.
I harshly opened my first bottle for this night and diniretsong lagok ito. Straight from the punyemas bottle. Rumehistro ang pait at lamig ng inumin sa lalamunan ko pero sa sobrang manhid na ng puso ko, hindi na ako nag-react pa. Hinarap ko na lang ang malamig na gabi at tiningnan ang tanawin ng kabisera ng probinsiya.
Kahit na malalim na ang gabi, maliwanag pa rin ang kabuuan ng kabisera. Kahit na madilim na sa ibang parte, nakikita ko pa rin ang mga pamilyar na lugar na madalas kong puntahan kung nandito ako.
Sa dinami-rami ng ng tumatakbo sa isipan ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin.
Where should I start thinking, by the way?
Tiningnan ko ang hawak kong phone at mariin itong tiningnan. May iilang mensahe at missed calls doon na ilang araw ko ring hindi pinansin at hindi binasa. Ngayong araw ko lang na-charge 'to magmula no'ng umuwi ako galing Manila.
I unlocked it and dumiretso ako sa Google. I typed the name Sonny Lizares.
In a span of one second, agad nagpakita ang iba't-ibang resulta.
'The fifth Lizares son, Edison Thomas L. Lizares, topped the Chemical Engineering Board Exam.'
'Engr. Sonny Lizares, the prodigy on his field, awarded as the Most Phenomenon Chemical Engineer in his generation.'
Mga ganoong balita ang nakita ko. Meron pang litrato niya pero ni-isang balita tungkol sa gusto kong malaman ay hindi nagpakita.
Punyemas naman!
I deleted the search box and typed another name.
Ayla Encarquez.
And there, merong lumabas kaso ang nakasusuklam, hindi ko mabuksan dahil wala akong f*******: account.
Punyemas times two!
Padarag kong ibinato ang phone ko sa lamesa at muling lumagok sa boteng hawak.
Putakte. Putragis. Punyemas. Putang ina!
Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Gusto kong umiyak pero ni-isang patak ay hindi man lang magawang tumulo sa mata ko. Punyemas, ang bigat-bigat sa puso! Promise!
Kaya ba hindi siya sumipot sa engagement party kasi totoo? Totoo na nabuntis niya si Ayla? Bakit ganoon? Bakit kailangang itago sa'kin? Bakit kailangang hindi ako abisohan? Bakit kailangang ipagpatuloy pa?
Tapos isa pa 'tong si Darry! Bakit siya? Paano si Callie Dela Rama? Bakit siya!
Sunod-sunod ang naging lagok ko sa inumin hanggang sa maubos ko ito. Ignoring the burning sensations I'm feeling inside my throat. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito, basta ang alam ko, hindi pa ako lasing, medyo umiikot ang mundo ko, pero hindi pa talaga ako lasing.
I was about to open my second bottle when a thunder like voice dominated my ear drums.
"MJ..."
He didn't even ask for my permission if he could sit in front of me. Basta lang siyang umupo sa harapan ko at tinabi ang walang lamang botilya ng tequila na una ko nang inubos. He was about to grab the bottle I'm holding pero agad kong inilayo sa kaniya ito. Hindi pa ako ganoon ka lasing para magpatianod sa gusto niyang mangyari.
I sarcastically smile at him.
"You came..." Mas inilayo ko ang bottle sa kaniya nang akmang kukunin ulit niya. "You came... very very late. But still, you came."
"MJ... I'm sorry."
His voice boom in my system. Like a grenade seconds before a foreseeing war. Hindi ko alam kung sa katahimikan ba o dahil gustong marinig ng tenga ko ang boses niya... for an explanation.
Nag-iwas ako ng tingin at pagak na tumawa. Almost a witch like laugh.
"Sorry..." Mas lalo akong natawa kahit na alam naming dalawa na walang nakakatawa. "Sinasabi lang naman 'yan 'pag may hindi ginawang tama. Sinusubukang itama ang maling nagawa sa pamamagitan ng pagsasabi ng sorry, 'di ba? Bakit ka nag-ssorry, Sonny? May ginawa ka bang mali?" I took all my courage and look at him in the eyes.
Ang maamo niyang mukha na minsan kong hinangaan. Punyemas.
"I'm sorry, MJ... hindi ko sinasadya-"
"Ha-ha-ha!" Pinutol ko ang sasabihin niya ng isang walang humor na tawa. Nakakatawa talaga. "Hindi mo sinasadya?" Kalmado kong tanong habang mahigpit ang hawak sa bote. Nakayuko na siya ngayon at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Hindi mo sinasadyang mabuntis mo si Ayla sa kasagsagan ng pagkakasundo nating dalawa? HIndi mo sinasadyang mabuntis mo siya while saying to me na gusto mo ako? Hindi mo sinasadyang mabuntis mo siya kahit na ipinaparamdam mo sa akin kung gaano mo kagusto ang kasalang ito? Hindi mo sinasadya na mabuntis mo siya tapos nasa akin ka while playing innocent na walang naka-attach sa'yo? Hindi mo sinasadya na pilit mong tinatanong sa'kin kung bakit hindi ako tumututol kahit na ikaw naman pala ang may rason para tumutol? Hindi mo nga sinasadya, Sonny, hindi talaga."
Mahina pero may diing sabi ko. Sinisiguradong kahit na hindi pasigaw, alam kong tatarak sa isipan niya na animo'y kutsilyo ang mga salita ko. I am so disappointed na pati ang pagtingin sa kaniya ay para akong nandidiri.
"Ginawa mo akong tanga, Sonny! Tinanong kita kung meron, tinanong kita. Kasi ang ayoko sa lahat ay ang may masasagasaan ako and worst... meron pang batang kasama, Sonny."
Suminghap ako at humingang malalim. Pinilit ko ang sarili kong umiyak pero hindi talaga, wala talagang lumalabas kahit isang patak man lang, pero ang bigat sa puso, sobra pa sa sakit na naramdaman ko noong una kong malaman ang balita tungkol sa kaniya.
"Now talk."
Aabutin sana niya ang kamay ko pero mas lalo akong lumayo at nandidiring tumingin sa kaniya.
“Gusto kita, MJ. Gustong-gusto. One night stand lang ang nangyari sa amin ni Ayla. That's all.”
“Gusto... ‘yan lang ba talaga ang sasabihin mo? Gusto mo ako? Gusto mo lang ako, Sonny, at hindi ‘yon sapat para abandunahin mo ang bata and play pretend in front of my face that you are willingly and happy to marry me. How could you swallow that kind of situation? Alam mong nagkabunga ang isang gabing iyon ninyo ni Ayla tapos haharap ka sa’kin na para kang walang responsibilidad sa ibang babae? Gusto mo lang ako, Sonny! Gus-to!” Pagak na naman akong napatawa. Para na yata akong baliw sa kakatawa na wala naman talagang nakakatawa.
Punyemas mo, MJ, for believing and holding to that thought. Punyemas mo!
“Pananagutan ko naman talaga ang bata, MJ, pero kailangan kitang pakasalan. ‘Yong isang gabing iyon namin ni Ayla, hindi sinasadya ‘yon. It was a f*****g mistake!” Rebuttal niya.
“Do not ever call the baby a mistake, Sonny! Oo, maaaring kasalanan nga ang ginawa n’yo pero never naging kasalanan ang magkaroon ng anak! Sonny, sana sinabi mo. Sana sinabi mo nang mas maaga na magkakaroon ka na ng anak. Sana sinabi mo, Sonny, nang mas maaga! Hindi ‘yong pinaabot mo pa sa mismong engagement party bago ka magsabi, bago ko pa nalaman! Sana sinabi mo, maiintindihan ko naman, e, maiintindihan ko...”
Luha naman, o, please, pumatak ka nang mawala ang bigat sa puso ko.
“Hindi ko sinabi kasi ayokong umatras sa kasal. Ayokong bitiwan ka. Pinangarap kita at saka matagal ‘tong plinano tapos dahil lang sa isang bata matitigil ang lahat?”
“Lang?! Bata ‘yon, Sonny. Tao! ‘Wag mong nila-lang, lang!” Hinampas ko nang malakas ang lamesa sa pagitan naming dalawa at mariin siyang tiningnan. “Punyemas na pangarap na ‘yan! Kung pangarap mo ‘ko, edi sana hindi mo ginawa! Wala ka sanang ginawa! Hindi ka sana gumalaw ng iba kasi nga pangarap mo ‘ko, kasi gusto mo akong pakasalan kahit na para lang naman sa negosyo ang kasalang ito. Pero lechugas barabas, Sonny, ang akin lang naman... sana sinabi mo the moment na malaman mo! Hindi ‘yong pinapaniwala mo pa ako sa mga salita mo!”
Isinantabi ko ang bote at mariin siyang tiningnan.
“Alam mo na ayoko sa lahat ay ‘yong may tinatapakan akong tao. Muntik na rin akong mapahiya kung hindi lang ako sinalba ng kapatid mo.”
Nakatitig ako sa kaniya kaya nakita kong mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at nang pagdilat niya, diresto siyang nakatingin sa akin.
“Wala sa plano na si Darry ang papalit sa akin. Papunta na ako, sisipot na sana ako sa engagement kasi kailangan.”
Malakas kong hinampas ulit ang lamesa at padarag na tumayo. Narinig ko rin ang pagbagsak ng inupuan ko, natumba siguro sa lakas ng pagkakatayo ko. Umikot din ang paningin ko. Pero lahat ng iyon, in-ignore ko.
“Kahit na sumipot ka pa, ‘pag nalaman kong magkaka-anak ka sa iba, ako mismo ang magpapatigil ng kasal at ng pagtitipon kahit na mapahiya ako. May batang involve dito, Sonny, at alam mong hindi ko maaatim ‘yon. Oo, gusto mo ako pero hindi ibig sabihin na kailangang hamakin mo ang lahat para sa akin. Gusto mo lang ako, Sonny, hindi mo ako mahal. Kasi kung mahal mo ako, wala sanang batang nadadamay ngayon. Kung enough ang feelings mo para sa akin, wala sanang problema. Focus on your child, Sonny, I am officially calling of our engagement.”
Dinuro ko siya at padarag na umalis sa harapan niya. Umiikot pa rin ang mundo ko pero lakas-loob akong naglakad paalis sa rooftop.
Nang malapit na ako sa elevator, bigla akong natalisod. Mabuti na lang at merong sumalo sa akin kaso sa pag-angat ko ng tingin at makita ang mukha niya, halos bawiin ko ang buong pagkatao ko sa kaniya.
“Isa ka pa!” Sigaw ko sa kaniya at padarag na naglakad papuntang elevator.
Punyemas na mga Lizares ‘to! Punyemas n’yo!
What are the chances that you will meet someone that will fall for you? What are the chances that that person will make you feel special? What are the chances that that person will not hurt you? What are the chances that you will reciprocate that person’s feelings before it becomes too late?
What are the percentage of what you build will not torn into pieces? How sure are you na matibay nga ang nagawa mo? How sure are you na dekalidad ang mga materials na ginamit mo?
In the construction field, you have to make sure that your project will be as strong as it can supposed to be. You are building a home that will ensure someone’s safety.
Isang matibay na pundasyon ang ginawa ko para kay Sonny. Isang pundasyong akala ko ay hindi matitibag. Pero sa isang simpleng lindol lang, gumuho nang bigla ang pundasyong itinayo ko.
Hindi ko man na amin, alam ko sa sarili ko na nagkaroon ako ng affection kay Sonny.I built rapport, friendship, feelings, affection na alam kong kaya kong palaguin even after the wedding. I eventually want to reciprocate his feelings kaya ako tumayo ng pundasyon; palatandaan ng nararamdaman ko sa kaniya. Akala ko matibay dahil may mga napagdaanan din naman kami. Akala ko dekalidad na ang lahat, pero ‘pag dumating talaga ang lindol, guguho at guguho ang itinayo kahit gaano pa ito katibay.
Sana, Sonny, sinabi mo para ‘di na umasang may tayo pa sa huli. Sana, Sonny, sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya’t umalis. Sana, Sonny, sinabi mo dahil ‘di ko alam kung ano bang nagawa kong mali. Sana, Sonny, sinabi mo, hahayaan naman kita. Sana, Sonny, sinabi mo...
Lasing na yata talaga ako, kung anu-ano na ang naiisip ko.
~