I was nine years old when I first met him. He was then eleven. We met in an unexpected circumstances. Nagkakilala kami dahil nagpumilit ako. Nagkakilala kami dahil sa pagiging makulit ko. He was Tibor and I was Cony, short for Constancia, just like my grandparents called me. That's how we knew each other.
Anak siya ng care taker ng ancestral mansion ng mga Osmeña sa isang bayan sa Cebu. And yes, we are somehow related to the Osmeñas of the Cebu pero malayong kamag-anak namin sila kaya sa Negros nagsimula ang roots namin. Kung bakit nasa Cebu ang ancestral mansion ng grandest grandparents namin, hindi ko alam. Basta ang sabi, minsan daw nanirahan doon ang mga Osmeña bago lumipat ng Negros para mamuhay nang maayos. Okay, so may ancestral house nga ang ninuno ni Lolo Mado roon. And every summer pupunta sila roon para i-check ang lagay ng mansion at panatilihin sa ayos ang buong lupain.
That one summer, nagpumilit akong sumama sa kanilang dalawa. Gusto kong bisitahin at makita ang lumang mansion. Gusto kong makapunta naman sa ibang lugar during summer vacation, hindi 'yong nags-summer class lang ako, hindi 'yong naglalaro lang ako ng soccer. Gusto kong magbakasyon kaya no'ng nalaman kong aalis sina Lolo at Lola pa-Cebu, agad akong sumama kahit ayaw nila.
Then I went there. A nine year old MJ Osmeña exploring that not very vast land of the Osmeñas. Pagdating namin nina Lolo and Lola, agad silang naging abala sa mga dapat ayusin sa mansion at sa mga lupain. At dahil ako lang mag-isa, at ayaw naman akong dalhin nina Lolo at Lola sa mga pupuntahan nila, iniwan nila ako sa anak ng caretaker ng mansion.
Naging magaan ang loob ko sa kaniya. He's like a Kuya to me. He's like Kuya Yosef but younger. Marami kaming napag-abalahan within that one week of stay sa ancestral mansion. That one week that made me want to go back the next summer.
And I did. The next year, bumalik nga ako. Ganoon pa rin, siya pa rin ang kasama ko. Siya ang nagbabantay sa akin kung maglalaro ako sa malaking bakuran ng mansion. Siya ang nagturo sa akin ng iilang pambatang-laro na hindi namin nalalaro ng mga pinsan at kaklase ko. Isang linggo lang pero feeling ko, buong taon ko na siyang nakasama. Natutuwa ako sa tuwing sinasamahan niya ako sa lahat ng gusto ko. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko. Tuwang hindi ko naramdaman kapag ang mga kaibigan, kapatid, at pinsan ko ang kasama ko. Parang sa kaniya ko lang naramdaman ang ganoong klaseng tuwa.
He then became my reason why I am so excited every summer. Sa sumunod na taon, sumama na naman ako kay Lolo at Lola. Parang nasasanay na nga sila na dapat 'pag pupunta sila ng ancestral mansion every summer dapat kasama ako. Mas lalo akong natuwa kasi no'ng summer na iyon, akala ko isang linggo lang kaming mags-stay sa Cebu, it lasted for almost a month, three weeks maybe?
Mag-grade six na ako sa pasukan kaya ang usapan sa school namin noon ay tungkol sa crush. Ang sabi nila, ang crush daw ay isang paghanga sa isang tao. 'Yong tipong masaya ka sa tuwing nakikita siya. Mas ginaganahan ka sa buong araw 'pag nasilayan mo ang mukha niya. Kaya nang tinanong ako kung sino ang crush ko, siya ang una kong naisip. Nag-assume pa nga 'yong nagtanong sa akin no'n kasi akala niya siya 'yong crush ko dahil ngumiti lang daw ako nang tinanong niya ako kung sino ang crush ko. Feeler siya masiyado. Mabuti na lang at hindi ko na siya nakita ulit.
Sa loob ng tatlong linggong iyon, siya palagi ang kasama ko. Marami kaming ginawa that summer, nag-hike kami sa maliit na bundok malapit sa mansion, umakyat ng mga puno, nag-usap tungkol sa naging karanasan niya sa school, tinuruan ko siyang maglaro ng soccer and shared to him how I love playing soccer. Marami kaming ginawa. That was one of my summer na hindi ko makakalimutan, sobrang saya no'n.
Then another year passed. I was twelve, he was fourteen. Bago pa magbakasyon, usong-uso sa school namin ang confession. 'Yong aamin ka sa crush mo na gusto mo siya. Usong-uso 'yon kaya nang mag-summer ulit, sinabi ko sa sarili ko na aamin na ako sa kaniya. Sasabihin ko sa kaniyang may crush ako sa kaniya, na gusto ko siya, na mahal ko siya. Gaya ng mga sinasabi ng mga classmates at schoolmates ko sa mga taong gusto nila. Kaya sobrang excited ako no'ng summer na iyon.
When that summer came, I prepared myself one summer afternoon, under the blue sky, cool breeze of the forest, shades of the trees, and comfortable bench made of bamboo. We were just resting from a random biking. Kinapa ko sa bulsa ko ang isang panglalaking bracelet. No'ng bumili kasi si Kuya Yosef nang ganito, bumili rin ako ng isa, mabuti rin at hindi naghinala nang sabihin kong iri-regalo ko sa classmate kong may birthday. Pero ang totoo, ibibigay ko talaga kay Tibor.
My particular plan for my twelfth summer is to confess to him. And I did. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Na gusto ko siya, na may crush ako sa kaniya, na mahal ko siya. I gave him the bracelet. He wholeheartedly accepted it then faced me and held my face with utmost care. He intently look me in the eyes, the eyes I love to see everyday for that particular week every summer. That eyes I want to see every summer. The eyes I adored the most.
And slowly... he leaned his face forward. Nanigas ako, hindi ko alam ang gagawin kaya noong pumikit siya habang papalapit ay napapikit na rin ako.
Then a soft flesh touched my lips. A very very soft flesh. It's so soft it feels like marshmallow. It's so soft it feels like I'm in heaven. He didn't move. He rested his lips on mine for few seconds. At ang tanging naririnig ko ng mga oras na iyon ay ang halinghing ng hangin, ang mga patay na dahong napapatianod sa hangin, ang puso kong mabilis ang t***k. He's my first kiss. He's my punyemas first kiss!
Naliliyo pa sa dampi ng kaniyang labi, humiwalay siya at mataman akong tiningnan habang nakahawak pa rin sa mga pisnge ko. He leaned again and I closed my eyes again anticipating for another kiss... and he did on my forehead.
A small chuckle made me open my eyes. Disappointed on what he did, I looked at him with glaring eyes but he's just there smirking and enjoying my annoyed young face, he pinched my nose.
"Gusto rin kita, Cony. Gustong-gusto. Pero 'yan na muna ang maibibigay ko sa 'yo. Masiyado pa tayong bata kung papasok tayo sa isang relasyon. Pero pangako, kapag pareho na tayong nasa tamang edad, babalikan kita at hahanapin at pakakasalan. Hindi natin susundin ang gusto ng mga magulang mo. Hindi ka magpapakasal sa lalaking gusto nila. Ako lang dapat ang pakakasalan mo, Cony. At ikaw lang din ang pakakasalan ko. Ako at ikaw lang dapat sa huli. Pangako 'yan, Cony."
His words were like a gasoline to me and I'm the mere fire. Mas lalong sinilaban, mas lalong nagliyab. Masayang-masaya ako sa sinabi niya at sa tingin ko mangyayari nga ang lahat. Kaya pinanghawakan ko ang pangakong iyon. Handang-handang dalhin kahit sa pagtanda ko.
But that promised changed because of a wrong accusation.
One summer afternoon, days after I confessed, I went to our usual spot, the bamboo bench in the middle of the forest, to see him. Pero ibang tao ang bumungad sa akin. Si Eliseo, kaibigan at kaklase ni Tibor. Nakilala ko na siya at ang iba pa niyang kaibigan. Apat na taon na akong nagpabalik-balik sa bayang iyon kaya kilala na nila ako at kung kaninong apo ako.
I said hi to Eliseo and asked him if where's Tibor. He said to me na may inasikaso pa raw si Tibor but darating daw kaya maghintay lang daw ako. Dahil alam kong mababait at mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan ni Tibor, pinaunlakan ko ang gusto niya. Umupo rin ako sa bamboo bench na iyon at nakipag-usap din sa kaniya. Marami kaming napag-usapan, ayos din ka-usap si Eliseo at marami siyang baong biro kaya sa kakaaliw sa pakikipag-usap sa kaniya, hindi ko namalayan na hindi na pala sumipot si Tibor sa usapan namin at hindi ko rin namalayan ang distansya naming dalawa. Noong una, binalewala ko kasi may tiwala ako, e. May tiwala ako kasi kaibigan siya ng taong pinagkakatiwalaan ko.
Pero bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang dibdib ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko napigilan ang pagdagan niya sa akin. Hinalikan niya ako nang marahas at sobrang sakit. Gusto kong sumigaw pero wala akong maisigaw. Gusto kong itulak siya pero hindi ko kaya. Ang kaya ko lang nang mga panahong iyon ay ang suntukin siya nang paulit-ulit pero bakit hindi siya natitinag? Ayoko na. Tama na.
Ramdam na ramdam ko sa sarili kong katapusan ko na. Hindi ko gusto ang ginagawa ni Eliseo sa akin. Nasasaktan ako.
Nabuhayan lang ako ng loob nang may nakita akong bote sa dulo ng upuan. Pinilit kong abutin 'yon habang patuloy siya sa ginagawa niyang hindi ko nagugustuhan. Inabot ko ang bote at nang mahawakan, buong lakas kong ipinukpok sa ulo niya. Pumikit ako para hindi matalsikan ang mata ko ng mga bubog.
Sumigaw siya kaya agad akong tumayo para makaalis na. Wala akong sinayang na segundo, kahit nanginginig ang kamay kong nakahawak sa naiwang bibig ng bote ay pinilit ko ang sarili kong lumayo sa kaniya. Namimilipit siya sa sakit pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang tumakbo at makaalis sa demonyong iyon.
Itinapon ko ang basag na bibig ng bote and ran for my life. I ran as fast as I can. I ran as if I'm being chased by a demon. He didn't chased me but I never thought I will face satan that early.
Nanginginig ang buong katawan ko habang papasok ng mansion. Walang nakapansin, walang nakaalam. Naligo ako nang umiiyak at nanginginig.
I almost got... I can't even say it. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin kay Lola at Lolo. Hindi ko kayang sabihin sa iba ang nangyari sa akin. Mapapahiya ako, pagtatawanan ako, walang maniniwala sa akin. Ayokong sabihin. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat.
Iniyak ko ang lahat, iniyak ko habang ginagamot ang kaonting sugat na natamo ko and then I hide it all the way with a sweater and a small plaster. As if it can hide away the horror I felt.
Akala ko walang makakaalam sa nangyari. Pero may nagsumbong. Same person but different reason.
I almost cried when I saw him, pilit winawala sa isipan ang nangyari nang hapong iyon. I almost cried... kung hindi ko lang nakita na nandoon din si Tibor at ang iilang kaibigan. Nakakita ako nang kaonting pag-asa, baka sakaling may maniwala sa akin at alam kong siya 'yon. Kaya puwede ko sigurong sabihin sa kaniya ang nangyari, ang alam ko susuportahan ako ni Tibor, e. Alam ko.
Lolo and Lola bombarded me with questions and asked for my explanation. Akala ko noong una, nalaman nila ang nangyari pero mali ako, maling-mali. Pumunta ng mansion ang Nanay at Tatay ni Eliseo para sabihing may sugat daw sa ulo ang anak nila at ako raw ang may gawa. Ang sabi niya, nag-uusap lang daw kami nang bigla ko raw siyang pinukpok sa ulo dahil daw naiirita ako sa kaniya.
Wow. Naiirita. Sana nga ganoon lang.
Handa na akong sabihin sa kanila ang totoo pero nanlumo ako dahil sa rason ni Eliseo. Mas lalo akong nanlumo nang sinuportahan ni Tibor ang kaibigan niya.
"Alam naming spoiled ka, Cony, pero sana naman hindi ka manakit ng ibang tao dahil lang naiirita ka sa kanila." Those were his exact words that made me want to hide the story more.
Ang sakit. Ang sakit-sakit na ang akala mong kilala ka na ay siya mismong magsasabi ng mga bagay na hindi mo naman ginawa. Mali pala ang pagkakakilala niya sa 'yo. Kaya itinago ko ang katotohanan at ako ang humingi ng sorry, kay Eliseo at sa pamilya niya. Ako ang nasaktan, ako ang nanghingi ng sorry.
Lolo paid for his medication dahil umamin ako and after that... I never came back again. Never again.
The kiss, the promise, and the memories were all gone now because of what he believed in me. Na spoiled brat ako at kaya kong manakit sa mga taong nakakairita. And I hated him for that.
I helped myself moved on. And I had the bad strategy of forgetting that bad memory. I kissed many guys para mawala ang masamang alaala. I flirted with many guys just to fight my own anxiety of what had happened to me. I conquered it alone. I conquered the horror, the demons, all by myself. Kasi feeling ko, kapag nalaman nila, kamumuhian ako ng lahat, walang maniniwala sa akin. Na gaya ng tingin ni Tibor sa akin, ganoon din akong titingnan ng mga taong makakaalam.
And now... he's here, na muling magpapaalala sa isang nakaraan na dapat ko nang nilimot. Hindi nga siya ang may gawa pero...
Punyemas! I've moved on... wala na sa akin ang nangyari dati. Pero bakit kailangan niyang magpakita sa akin?
"Ang daming pinamili ni Ma'am, ah."
Isa-isa kong binigay ang mga dala kong paper bags kay Erna at Alice. Dumiretso agad ako sa pang-isahang sofa at tinanaw ang glass wall ng penthouse.
Pagkatapos kong mag-banyo no'n, laking pasasalamat ko sa lahat ng santo nang maabutang wala na si Tibor doon. Kaya nagpatuloy ang hapon ko. Natuloy nga ang shopping spree ni Mommy Felicity pero nahalata niya yatang tulala lang ako sa pags-shopping namin kaya naisipan niyang umuwi na kami o baka may iba lang siyang appointment. Aba ewan, masiyado nga akong lutang para mapansin 'yon. Pati pagdating ko sa penthouse, lutang pa rin ako.
"Grabe po talaga kung mamili si Donya Felicity, Ma'am MJ, 'no? Halos ubusin lahat ng paninda sa mall." Narinig kong sabi ni Erna.
"Meron akong binili para sa inyo, hanapin n'yo na lang d'yan." 'Yon lang ang sinabi ko sa kanila at nagpatuloy sa pagiging tulala.
Narinig ko ang tili ni Erna habang paakyat sila sa second floor ng penthouse. Hanggang sa natahimik na naman ang buong paligid.
Ang mga aalaalang dapat ko nang kinalimutan, biglang nagsibalikan nang dahil sa kaniya. Wala na ang pangamba pero nandoon pa rin ang pighati.
Nalaman kaya niya ang nangyari sa akin? 'Yong totoong nangyari one summer afternoon? I know I've moved on and was able to erase the bad memory I had through kissing other guys but the memory of him with a kiss, a promise, and a supportive accusation made me shiver again not with fear but with pain.
Pinahinga ko ang ulo ko sa headrest ng sofa, tumingala sa mataas na ceiling ng penthouse at marahang pumikit.
Naaalala niya pa kaya ako? Naaalala niya pa kaya ang mga ginawa namin? Naaalala niya pa kaya ang nararamdaman niya sa akin? Naaalala niya pa kaya ang pangako niya sa akin? Naaalala niya pa kaya? He was the son of our ancestral home's caretaker. But look at him now, kilala na sa buong mundo bilang isang magaling na engineer. Hindi ko nga alam na gusto niya palang maging engineer. He's so succesful. Pero paano sila naging magkaibigan ni Darry? Bakit? Paano? Ano? Saan? Kailan? Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. At natatakot din akong magtanong, baka maungkat lang ang dapat ay nakaraan na.
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa ring ng telepono. Walang sumagot at tinamad akong sumagot kaya sumigaw ako habang nakapikit.
"Alice 'yong telepono!"
May narinig akong yabag ng paa na pababa ng hagdan.
"Oo na, heto na. Ang lapit-lapit mo lang, e," pagmamaktol niya.
"Nag-iisip ako!" Sagot ko naman habang nasa ganoon pa ring posisyon.
"Hello Sir Darry... Opo, nandito na po siya... Mga limang minuto na po yata. Nandito na po sa sala, nakaupo, nakahilig ang ulo, nakatingala sa kisame, at nakapikit. Sabi niya nag-iisip daw siya."
What the s**t?
Automatic akong napaayos ng upo at masamang tiningnan si Alice.
"Punyemas, Alice?" Kailangan ba pati ang eksaktong ginagawa ko, ay alam niya?
"At saka nagmumura po."
Mas lalong sumama na ang tingin ko sa kaniya. Tumayo ako at nilapitan siya. Inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya sa akin ang telepono. Sinunod naman niya ang senyas ko.
"Bakit?" Bungad ko sa kaniya.
"Why are you home early? I thought you're with Mom until dinner?"
"Ah, gusto mong magpa-late ako ng uwi? Sige mamaya, aalis ako, magb-bar para gabihin ako ng uwi," sarkastikong sagot ko at halos balibagin ang teleponong hawak ko.
"No! Stay there, 'wag kang lalabas. I'll be eating dinner there."
"'Wag na! Kumain ka na sa labas, walang ulam dito!" Singhal ko sa kaniya at ibinaba na ang telepono. Nagmartsa ako papunta ng kuwarto at doon nagkulong.
Nagpahinga ako. Nilublob ko ang sarili sa bathtub ng banyo. Nilunod ang sarili sa nakaraang muling nagbabalik. Hanggang sa nakatulugan ko ang pagb-bathtub.
Nagising ako dahil sa kalabog galing sa pinto ng bathroom. Iminulat ko ang mata ko at tumayo na para sana buksan ang pinto pero kalalabas pa lang ng isang paa ko sa bathtub ay bumukas na ito at nagpakita si...
~