"What the s**t? What are you doing here?"
Punyemas!!!!!
Mabilis pa kay flash akong bumalik sa bathtub at inilublob ang buong katawan ko at ang tanging naiwan ay ang mukha ko. Kung puwede lang ilunod lahat ginawa ko na. s**t. Damn. Punyemas. Nakita niya ba?
"What are you doing here?!" Sigaw ko ulit!
Hindi ko siya matingnan kasi hiyang-hiya ako. Nahihiya ako na baka nakita nga niya ang katawan ko. Nakita kaya niya talaga?
"Kanina ka pa namin kinakatok. Naka-lock ang pinto mo, akala namin kung napa'no ka na," kalmado ang baritono niyang boses at tila nag-echo ito sa loob ng banyo.
Wala sa sarili kong tinakpan ang katawan ko kahit na nakalublob na ito sa ilalim ng tubig. Ah bahala na! Baka lang naman makita niya. Penthouse niya pa naman 'to.
"I'm just resting. Please go out!" Tinitigan ko ang tubig habang pinipilit aninagin sa gilid ng aking mata ang bawat kilos niya. Nanatili siya sa may pinto.
"Pinag-alala mo kami."
Bakit ba siya kami nang kami? E, siya lang naman 'tong nasa loob ng banyo?
"Get out! Magbibihis ako! And can't you see, I'm naked!" Nakataas ang isang kilay ko kahit na hindi ko magawang tingnan siya.
"Bilisan mo, kanina ka pa namin hinihintay. Lumalamig na ang hapunan."
Punyemas. Mariin akong pumikit at hinintay ang pagsarado ng pinto. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makumpirmang wala na siya.
Isa't-kalahating tanga ka pala, MJ?
Hanggang sa nakapagbihis ako at naglalakad na palabas ng kuwarto ay iyon pa rin ang iniisip ko.
Nakita kaya niya ang buo kong katawan? Punyemas naman! Oo malandi ako pero hindi ako kasing landi nang inaakala niyo na kayang ipakita ang hubad na katawan sa kung sinu-sinong lalaki. Punyemas. Not him!
Nagsuot ako ng pinakabalot kong pajama of all times. 'Yong balot na balot na balot talaga ako. Long sleeve 'yon kasi nga nahihiya ako.
Bumaba ako ng semicircular stairs at dumiretsong dining area kung saan nakita ko ka agad ang likuran niya na nakaupo sa kabisera ng lamesa. Isang matinding tikhim ang ginawa ko para maagaw ang atensyon niya.
"Sit," sabi niya sabay muwestra sa usual spot ko sa dining area.
"Nasaan nga pala sina Alice at Erna?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na ulam. Hindi ito ang usual na niluluto nila Alice at Erna. Hindi naman mga pinoy foods 'to, e. Mga pinoy foods lang ang alam lutuin ng mga 'yon. Ang nakahain kasi sa lamesa ay Chicken Provencal. Kahit mukha akong walang class na mayaman, may alam din naman ako sa mga Italian cuisine.
"I let them review for their exams. Let's eat."
Matinding lunok na naman ang ginawa ko at nagsimula na siyang kumuha ng mga pagkain sa hapag. Sinunod ko naman siya at nanatiling tahimik.
"W-Who cook these?"
Ah s**t, MJ? Kailangan talaga ma-utal ka?
"Ako. Ang sabi mo kasi walang ulam kaya ako na ang nagluto."
Whoa. Whoa. Whoa? Really?
"You know how to cook?"
Marami akong kilalang lalaki sa buhay ko pero hindi lahat sila ay alam at may kaalaman sa pagluluto. I'm also kind of not expecting that a Lizares knows how to cook.
"Yep, you?"
"No." Wow. Nakakahiya pala. "But I know how to cook rice," pambabawi ko. Wala lang, proud ako sa sarili kong marunong akong magsaing! Ano ka ba, it's an honor kaya!
He snorted a laugh that made me stare at the food for like five seconds. Punyemas?
"Everybody knows how to cook rice, wife."
Now he said it again. Wala sa sarili kong inilapag ang kubyertos ko at naiinis na tiningnan siya.
"I said... stop calling me wife! And why are you even talking to me?" Singhal ko sa kaniya dahilan para matigil siya sa nakakalokong ngiti niya.
Inilapag niya sa pinggang ang mga kubyertos na hawak at mukhang nagtitimping pinasadahan ako ng tingin.
"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? I am now talking to you like what you want but here you are raising your voice at me like I'm some pest in our house."
Matinding pagsinghap ang ginawa ko at nang maka-recover ay sarkastikong ngisi ang ibinigay ko sa kaniya.
"Salamat ha? Salamat kasi nakipag-usap ka na sa akin dahil lang sinabi ko. Salamat kasi bukal na bukal sa loob mo ang pakikipag-usap mo sa akin ngayon. Salamat, Darry, ha?" Puno ng sarkasmong sabi ko sabay hampas sa lamesa at padarag na umalis ng dining area.
Nakakairita! Akala ko pa naman bukal sa loob niya ang ginagawa niya ngayon! Nakakapunyemas ka talaga kahit kailan, Darry Lizares!
Saktong papaakyat ako ng hagdan nang tumunog ang doorbell ng penthouse. Sinamaan ko ng tingin ang pintuan at dahil alam kong nasa kuwarto na ang dalawa at nasa kusina pa si Darry at ako lang ang nasa malapit, wala akong choice kundi ang puntahan ang pintuan at pagbuksan ito.
At dahil inis na inis pa rin ako kay Darry, padarag kong binuksan ang pinto at matalim na tiningnan ang kung sinong sugo ng demonyo ang nasa labas ng penthouse.
Limang segundo... Limang segundo kong prinoseso ang lahat.
Shit? s**t?! s**t!
"Cony..."
Pagsabog sa loob ko ang nakapagpabalik sa akin sa realidad.
Anong ginagawa niya rito? Gusto kong magsalita. Gusto kong gumalaw pero bakit hindi ko magawa?
"Cony..." Tawag niya ulit sa pangalan ko pero wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya.
"Who's there, wife?"
Hoooh!
Saka lang ako nakahinga nang maluwag ng marinig ang boses ni Darry mula sa loob. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at umiwas ng tingin sa kaniya.
"M-May bisita ka Darry," medyo pasigaw na sabi ko dahil base sa boses niya kanina, mukhang nasa loob pa siya ng dining area.
"Cony, let's talk," bulong ni Tibor sa akin at pilit pang inaabot ang kamay ko pero ako na mismo ang kusang umiwas. Hindi ko kaya. Hinding-hindi ko yata talaga kakayanin.
"Oh, bay, why are you here?"
Punyemas.
Automatic akong napabitaw sa doorknob nang maramdaman ang kamay ni Darry sa baywang ko. Kahit na makapal ang tela ng pajamas ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang palad. Punyemas! Ano ba!
Para akong statue, hindi na makagalaw dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Umabot na ako sa point na hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Basta ang alam ko ngayon, mabilis ang t***k ng aking puso at ang hirap habulin nito.
"Dumaan lang ako, you know naman I'm living nearby, 'di ba? And gusto ko ring ibigay sana sa inyo 'to."
Mas lalo akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at napatingin na lang sa kamay ni Darry na nasa baywang ko.
"Matutulog na ako, Dar. Mag-usap na muna kayo ni Engineer Valmayor," pormal na sabi ko at ako na mismo ang kumalas sa kamay ni Darry sa baywang ko. Mapakla kong tiningnan si Tibor . "Please excuse me, Engineer Valmayor," pormal pa rin na sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nilang dalawa.
Dali-dali akong umakyat at pumunta ng kuwarto. Nagkulong ako roon. Masiyadong pagod ang utak ko sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Masiyado silang marami, isa lang ang utak ko, paano ko sila maiisip lahat?
Nakatulala na naman ako sa opisina. Iniisip ang ni-review ko kani-kanina lang. Nang makuntento ay tumigil ako at ini-relax ang likod sa malambot na swivel chair, pinaglalaruan ang pilot sign pen ko.
Tumunog ang intercom kaya umayos ako ng upo at hinintay ang kung anong mensahe ni Aira sa akin.
"Boss, busy po kayo?"
"Not really, why Aira?" sagot ko naman sa kalmadong paraan habang pinaglalaruan pa rin ang sign pen. Kumuha ako ng scratch paper at pumirma nang pumirma doon habang naghihintay sa sagot ni Aira.
"Nandito po si Sir Darry."
Tumigil ang kamay ko sa pagsusulat nang marinig ang sinabi ni Aira.
"Busy pala ako, Aira, pakisabi sa kaniya," at saka nagpatuloy sa pagsusulat sa blankong papel na iyon na puros pirma lang ang laman.
Wala na akong narinig mula sa intercom, siguro in-off ni Aira ang connection niya kaya in-off ko na rin 'yong akin at nagpatuloy sa walang kabuluhang ginagawa.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang nagbukas ang pintuan ng opisina ko kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakita nga si Darry doon. Still on his usual looks: gray suit, messy hair, balbas-saradong mukha, matikas na tindig, with rimless specs, at mabangong amoy. Sa likuran niya ay ang nakayukong si Aira.
"Sorry boss, importante po raw kasi ang sadya ni Sir Darry sa 'yo."
Bumuntunghininga ako at sinamaan ng tingin si Darry.
"It's okay, Miss Macellones. I'll handle this one, you can go out now." Siya ang nagsabi kay Aira no'n habang nakatingin lang sa akin. May napansin din akong parang folder na dala niya.
Sumandal ako sa swivel chair at hinintay makalabas si Aira sa opisina at hinintay na lumapit siya at umupo sa bangkong nasa tapat ng lamesa ko.
"Why are you here?" Malamig na tanong ko at pilit kinakalimutan ang mga nangyari kagabi.
"Iniiwasan mo ba ako?" Imbes na umupo sa tapat ng lamesa ko, nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nag-ekis pa ang kaniyang mga braso habang hawak sa isang kamay ang medyo makapal na folder na dala niya. Pinasadahan niya ako ng tingin na animo'y isang detective na nag-iimbestiga.
I smirked.
"Bakit naman kita iiwasan? Ganoon lang talaga ang routine ko, nasanay na ako. Sa dalawang buwan ba namang ganoon lang ang nangyayari sa buhay ko, e, 'no?" I said mockingly.
Kaninang umaga kasi, mas maaga akong gumising at umalis ng opisina. Dito nga rin ako nag-agahan dahil yeah, tama siya, iniiwasan ko nga siya.
"Starting today, sabay na tayo sa lahat. Hindi ka na puwedeng umiwas sa akin at hindi mo na rin gagawing rason ang pagri-review mo para iwasan ako. Baka nakakalimutan mong asawa mo ako, wife."
Really, huh?
Tumawa ako. Tumawa ako nang sobrang lakas na animo'y mabubulabog ang natutulog na espirito sa loob ng opisina ko. Tumawa ako at sana marinig ni Aira iyon. Tumawa ako nang tumawa hanggang sa humupa ang tawa ko at naiirita siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Oo crush kitang unggoy ka pero masiyado ka naman yatang presko kung pagbibigyan ko 'yang sinasabi mo.
"Baka nakakalimutan mo ring dalawang buwan mo na akong asawa at dalawang buwan mo na rin akong hindi pinapansin? Baka nakakalimutan mo, Darry?"
Ano ka ngayon, gago?
I laugh more at the back of my head. Savoring the victory I've felt dahil akala niya hindi ko siya masasagot sa mga patutsada niya. Ano ka ngayon, gago?
Wala siyang naging reaksiyon sa pagtawa at sa sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang nakahalukipkip.
"Ano bang sadya mo rito at bakit ikaw pa ang nandito? Puwede mo namang ipahatid 'yan sa secretary mo o sa kahit kaninong empleyado n'yo. Bakit ikaw pa?" I mirrored his gesture, but mine is the sitting version.
"'Di ba ayaw mo sa akin? Bakit kailangan mo ang atensiyon ko? 'Di ba dapat matuwa ka pa kasi hindi kita pinapansin? Bakit ngayon, nagrereklamo ka sa trato ko sa 'yo?"
Boom. Back to you, MJ!
Hardcore na natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko at umiwas na lang ng tingin. Sino bang nagsabing ayaw ko sa kaniya, ha?
"Sabihin mo na kung anong sadya mo ngayon. Marami pa akong ri-review-hin sa araw na ito. At kung aawayin mo lang din naman ako, please mabuti pang umalis ka na," malamig na sabi ko sa kaniya at inayos ang mga notes na kailangan kong pag-aralan bukas.
Habang ginagawa ko 'yon ay may inilapag siya sa table ko kaya natigilan ako. Matagal ang naging titig ko sa folder na iyon at nang makita ang title ay huminga ako nang malalim at ibinalik sa kaniya.
"Okay na 'yan. Wala akong tutol sa planong iyan," sabi ko habang hindi pa rin siya tinitingnan sa mukha.
"Okay? You haven't check it yet and you're telling me okay? Open it and check it, then tell me if it's a good plan."
Hindi ko sinunod ang gusto niya. Tiningnan ko lang siya sa mukha at marahang bumuga ng hangin.
"I have no problem with the renovation, Darry. And like what Daddy Gabriel said, your engineer is a renowned international engineer so who would doubt that kind of credentials, Darry?"
"Then what about the materials?" May panghahamon sa boses niya kaya pumikit ako nang mariin.
"The construction firm you choose will going to use Osmeña Steel Works and Cement, right? Not against it."
"Hindi ka nakinig noong meeting, 'di ba? Kaya paano ka nakasisigurong maayos nga ang renovation?"
Punyemas?
Halos masamid ako sa sariling laway nang marinig ang sinabi niya. Paano niya nalaman na hindi nga ako nakinig? Punyemas? Nahalata ba niya?
"You spaced out during the meeting and hindi ka um-attend sa closed door meeting with Engineer Valmayor. So how sure are you na magiging okay ang proyektong ito?" Ayan na naman siya sa naghahamong tono ng baritonong boses niya. "Ganyan ka ba talaga ka-iwas sa akin para tanguan na lang ang lahat?"
May napansin nga siya pero sa maling rason naman.
Eksaherada akong bumuntunghininga at inilapag ang folder na hindi man lang niya kinuha sa kamay ko. Ipinatong ko ang siko sa lamesa at pinagsalikop ang kamay ko at pumikit.
"Bakit mo ba kailangan ang opinyon ko sa renovation ng kompanya n'yo, Darry? 'Di hamak na fresh graduate lang ako at wala pa akong napapatunayan sa mundo ng construction and engineering kaya sino ako para question-in ang isang sikat at dekalidad na inhenyerong katulad ni Engineer Valmayor?" Kalmado kong sabi habang nakapikit.
"Because you are my wife and your opinion in every matter is more important than my decision in life."
Fireworks. Sandamakmak na fireworks ang naramdaman ko nang maipasok sa utak ang sinabi niya. Asawa niya ako kaya importante ang bawat desisyon ko.
'Wag ganito Darry. Mas lalo akong mahuhulog. Mas lalo akong mahihirapang sagipin ang sarili ko kapag natapos ang lahat ng ito. 'Wag ganito.
"Boss, pasensiya na po sa disturbo pero may delivery po kayo."
Nabawasan ang tensiyon ko sa damdamin nang marinig ang boses ni Aira sa intercom.
Pero, teka? Delivery? Nang ano?
"Ipasok mo Aira." Kahit na hindi ko alam kung anong klaseng delivery 'yon ay pinapasok ko pa rin kay Aira.
Pumasok si Aira bitbit ang isang napakagandang bouquet of red tulips. Red Tulips! Punyemas? Sa sobrang gulat ko, napatayo ako nang wala sa oras habang nakatingin sa bitbit ni Aira.
"Kanino galing 'yan, Miss Macellones?" Imbes na ako ang magtanong, naunahan ako ni Darry sa pagtatanong.
Pinuntahan ko si Aira at agad kinuha sa kaniya ang bulaklak. Hinanap ko ka agad ang note habang sumasagot si Aira kay Darry.
"Wala pong iniwan kung kanino galing, Sir Darry, e. Baka nasa note po."
Ayon!
Agad kong kinuha ang note at binasa ito.
'Bakit hindi mo tinupad ang pangako natin sa isa't-isa, Cony? Bakit?
-T.V.'
Of course! Who will send me this kind of flower with this kind of note? Siya lang!
"Who sent you that, wife?"
Punyemas.
Agad kong nilakumos ang note na iyon at itinago sa bulsa ng coat ko. Hindi niya puwedeng malaman kung kanino galing ito.
"Wala, just a random business partner of the Osmeñas, sending their gratitudes towards our company." Nilingon ko si Aira at nginitian siya. "Thank you, Aira."
"Sandali lang, Miss Macellones, palagi bang may nagpapadala sa kaniya ng mga ganitong klaseng bulaklak starting when she assume the office?" Hindi tuluyang nakalabas si Aira dahil pinigilan siya ni Darry at tinanong na ang mga tanong niya.
Naglakad ako pabalik sa table ko at inilapag ang bulaklak sa lamesa at naghanap ng vase sa loob ng opisina.
"Opo, Sir Darry, kaso ito po ang unang beses na may nagpadala sa kaniya ng ganyang klaseng bulaklak tapos galing pa po sa isang hindi nagpapakilalang sender."
Punyemas.
Mariin ang naging pagpikit ko habang nakahawak sa vase. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa puwesto niya.
"Go back to your table, Aira. I'll call you when I need anything," sabi ko at pa-simpleng sinamaan ng tingin si Aira. Bahagya siyang yumuko at lumabas na nga.
Binalikan ko ang bulaklak at isa-isa itong tinanggal sa pagkaka-arrange at inilipat sa vase. Ignoring the presence of Darry Lizares.
T.V.
Ang unang lalaking nakaalam kung anong paborito kong bulaklak. Yeah, the boy who taught me how to fall in love.
Kaya 'wag mo nang alamin, Darry, kung kanino galing. Hindi ka maniniwala.
T.V.
Thibault Valmayor.
~