Chapter 23.1: The Demunyu (Part 1)

2620 Words
Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.   Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette.   "Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive.   "Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.   "Mabuti naman, Ma'am, heto't malakas pa rin."   Nahawa ako sa naging ngiti ni Manong kaya napangiti na rin ako.   "Sina Mama at Papa nandoon na sa bahay?" Tanong ko tungkol sa pamilya kong kababalita ko lang na umuwi na kahapon sa bahay galing sa bakasyon nila.   "Opo, Ma'am, kahapon lang po sila nakarating. Kasama na nila 'yong bago niyong pamangkin, Ma'am. 'Yong pangalawang anak ni Sir Yosef, Ma'am," patuloy pa rin sa pagkuwento si Manong Bong habang paalis na kami sa premises ng airport.   Sasagot na sana ako sa kuwento ni Manong Bong nang umingay ang kaniyang phone. Binagalan niya ang pagd-drive niya at sinagot ang kaniyang phone. Sumandal na lang ako sa upuan at tinanaw ang madilim na tanawin sa labas. Gabi na ako nakarating dito sa Negros kaya hindi ko na masiyadong makita ang tanawing dati'y palagi kong nakikita noong nandito pa ako. Magdadalawang buwan na akong hindi nakakabalik dito. Nakaka-miss din pala ang Negros.   Imbes na tingnan ang madilim na paligid, kinalikot ko na lang ang phone ko habang si Manong Bong naman ay mukhang may kausap sa phone niya.   "Hello Sir, magandang gabi po... Opo Sir, kasama ko na po siya ngayon, Sir... Opo, Sir, safe naman po siya Sir... Ah, Ma'am MJ, saan ka po magdi-dinner?" natigil ako sa pagkalikot sa phone ko nang tawagin ako ni Manong Bong.   "Sa bahay na lang po, Manong. Bakit po? Gusto niyo po ba kumain na muna tayo bago tayo umuwi?" Nakangiting tanong ko. Nasa Silay City pa naman kami, hindi pa nakalabas sa kanto papuntang airport kaya kung gutom na si Manong, puwede pa kaming kumain muna sa mga kainan dito sa Silay.   "Ay hindi po Ma'am, okay lang po." Tinanguan niya muna ako bago siya nagpatuloy sa pagka-usap sa kung sino man 'yong tumawag sa kaniya. Siguro si Kuya Yosef kasi Sir ang tawag niya, e. "Sa bahay na lang daw po siya kakain ng hapunan, Sir... Sige po, Sir. Sasabihin ko po..." Lumingon na naman si Manong Bong sa akin, paminsan-minsang sumusulyap sa daan.   "Manong, si Kuya Yosef po ba 'yang katawag mo? Pakisabi kay Kuya sa akin na siya tumawag, nagd-drive ka po, o," inunahan ko na siya sa pagsasalita.   "Hala sorry Ma'am, sandali lang po." Binagalan ni Manong Bong ang pagd-drive niya hanggang sa itabi niya sa gilid ng daan ang kotse at tuluyang huminto. "Si Sir Darry po ang tumawag, Ma'am. Pinapasabi na kailangan n'yo na po munang maghapunan bago umuwi, Ma'am."   Punyemas?   "Give me your phone, Manong, ako na kakausap sa demunyung iyan," naiinis na sabi ko, mabuti na lang at ibinigay din ni Manong ang phone niya. "Hoy! Bakit ba binubulabog mo pa ang ibang tao? Alam mo bang nagd-drive si Manong Bong? Kaya bakit ka tumatawag sa kaniya at sasabihin mo pang kailangan kong kumain bago umuwi? Ikaw ba may alam kung kailan ako nagugutom? Punyemas mo, Lizares! Bakit ba binubulabog mo pa ang ibang tao, kung puwede mo naman akong tawagan ng diretso! Perwisyo ka talaga kahit kailan!" At in-end ko ang call at ibinigay kay Manong Bong.   "Tara na Manong, baka gabihin pa tayo sa daan," padarag akong sumandal sa upuan at masamang tinanaw ang labas na tanawin.   Nakakainis!   Pagkatapos ng tawag na iyon ay nag-vibrate agad ang phone ko. Tiningnan ko ang caller ID at halos balibagin ko ang phone ko sa nakita.   Darwin Charles Lizares is calling...   Demunyung Darry.   Ipinatong ko iyon sa tabing upuan ko at naghalukipkip ako, tinitigan ang pangalan niya hanggang sa mamatay ito.   At biglang tatawag ulit. O 'di ba, manigas ka r'yan! Naniwala ka naman sa sinabi ko. Demunyu nga'ng talaga.   Ilang missed calls ang nakita ko sa phone ko nang i-check ko ulit 'yon. Twenty-nine punyemas missed calls. Galit na galit, demunyu?   Pagka-uwi sa bahay, batian galore with my family. Catching up with my parents muna bago matulog kasi baka bukas, hindi na kami makapag-usap, mas madaming bisita bukas, e. Sabi ni Ate kanina invited lahat ng alta sociedad ng ciudad namin sa first birthday ng baby Kansas namin. At hindi nga rin pala nawala ang pagkarga ko sa bagong pamangkin ko na si baby Dove. Basta maraming ganap nang gabing iyon. It's a family thing you will understand.   Kahit na gabing-gabi na kami nakapag-pahinga kagabi ay nagawa ko pa ring gumising ng maaga. Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sobrang galak ng katawan ko, ng puso ko, dahil sa kumpleto kong pamilya. Kaya pagkagising ko, nag-jogging ako sa paligid ng lupain sa labas ng bahay at ninamnam ang pang-umagang hangin ng bukid na parte ng aming ciudad.   Aaaaah! I've been missing this air! Sobrang fresh at malayong-malayo sa polusyon ng Manila. I wish I could review in this ambiance for the remaining months of my review. But I can't, need to attend some diagnostic testing pa kasi.   Alas-cinco ng umaga ako umalis ng bahay para libutin ang lupaing malapit lang sa amin. Dalawang oras akong nag-jogging. Minsan nagpi-pictorial na rin, sariling sikap photography. Tamang lagay lang sa malapit na bato o 'di kaya'y sanga ng puno para sa phone then timer lang, then voila, may magandang kuha na ako ng magandang nature sa likuran ko. Ang galing mo talaga, Maria Josephina Constancia!   Matapos ang dalawang oras na pagpapakalma sa sarili ay bumalik ako ng bahay. Sa likuran ako dumaan kaya diretsong kusina agad ako. Nagpatimpla agad ng kape. Here comes the coffee addict.   "Ma'am MJ, nand'yan na po si Sir Darry."   Napahinto ako sa paglalakad palabas ng kusina nang marinig ang sinabi ng isang kasambahay na si Mely.   "Anong ginagawa niya rito?" Matinding pagtaas ng isang kilay ang ginawa ko. Gulat na gulat sa ibinalita ni Mely.   "Kararating niya lang po galing Maynila, Ma'am. Sinundo po ni Manong Bong."   Matinding singhap ang nagawa ko dahil sa dagdag na impormasyon.   "E, bakit nandito siya? 'Di ba dapat nandoon siya sa mansion nila? Anong ginagawa niya rito?"   Anong trip na naman 'to, demunyu?   Napakamot si Mely sa batok niya at parang nahihiya na may pagtatakang napatingin sa akin.   "'Di ba po mag-asawa na naman kayo, Ma'am MJ? Baka po dito siya tutuloy sa pananatili n'yo rito, Ma'am?"   What? The? s**t?   "Nasaan siya?"   "N-Nasa kuwarto n'yo po, Ma'am."   Punyemas.   Mariin akong napapikit.   "May dala bang gamit?"   "Opo Ma'am, isang maleta."   Nice.   What are you doing, Darwin Charles!   Tinapos ko na ang usapan namin ni Mely at agad nag-martsa papuntang kuwarto ko. Tahimik ang buong bahay, siguro tulog pa silang lahat. Nakalimutan kong itanong dahil sa naging balita ni Mely sa akin. Nawala tuloy sa isipan ko. Punyemas!   Padarag kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at handa nang ratratan ng salita ang demunyung lalaking iyon pero isang napakatahimik na kuwarto ang nadatnan ko.   My room is silent and empty, with no traces of a human being but I can see a luggage beside my bed. Untouched luggage. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto pero walang bakas ni Darry. Pabagsak ko ring sinarado ang pinto baka sakaling nasa banyo siya at malaman niyang may tao na sa kuwartong ito.   Naglakad ako papunta sa luggage na iyon at pinagmasdan itong mabuti. Plain black. Panlalaking maleta nga.   Pabagsak akong umupo sa kama at padarag na tinanggal ang airpods sa tenga at bastang inilapag sa bedside table habang masama pa rin ang tingin sa maleta, as if I can melt it and its owner. Punyemas, ano bang nangyayari sa akin!   Pinagpahinga ko muna ang kaluluwa ko. Pagod at gulat. Pagod dahil sa ginawang pagtakbo sa lupain at gulat sa nalaman galing kay Mely.   I did a breathing exercise. Tamang inhale, exhale lang, ganoon.   Isang minuto akong ganoon hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Habang nakaupo ay tinitigan ko ang pinto hanggang sa kusa itong nagbukas.   Sa amoy pa lang ng pumasok, alam ko na kung sino kaya isang masamang tingin ang sinalubong ko sa kaniya.   "What are you doing here?" Puno ng pait na tinanong ko habang nasa ganoon akong posisyon.   Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's on his usual out of the office look. Gray V-neck shirt, six pocket shorts, boat shoes, his medium length messy hair, rimless specs, and his three day stubble beard. Punyemas, he still looks good and goddamn it, MJ! You're supposed to be mad at him! Magalit ka!   Tumayo ako at taas-noong sinalubong ang paglapit niya. He still looks fresh, parang hindi bumiyahe kaninang madaling araw.   "Bakit nandito 'yong gamit mo?" Iminuwestra ko po ang maleta niya sa tabi ko.   He heavily sighed and calmly look at me.   "Ang sabi ni Mama, dito na muna ako mags-stay."   Gusto kong tumawa. Gusto kong tumawa ng malakas.   "You are driven again by my parents! When will you stand on your own and have a decision by yourself? Malaki ka na, Darry, nagpapadikta ka pa rin sa mga matatanda?"   "And I also want to stay here with my wife."   Lalo akong natawa sa likod ng aking isipan. Umiling ako at ipinakita sa kaniyang disappointed ako sa naging desisyon niya.   "Gusto mo kasi gusto nila, ganoon 'yon. 'Wag mo nang ipilit ang gusto nila Darry. You can stay in your house. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Araw-araw na tayong magkasama sa penthouse mo tapos pati rito, isang weekend lang sa bahay namin, kasama pa rin kita? Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako medyo nagsasawa, e."   Teka, parang mali yata ang nasabi ko? Punyemas, MJ, ano 'yong sinabi mo?!   Naglakad siya palapit sa akin at biglang kinuha ang maleta niya.   "Teka!" Bago pa man siya makapaglakad papunta sa pinto ng kuwarto ay nakasigaw na ako.   Teka nga, bakit ba ako sumigaw?   Huminto siya pero nakatalikod pa rin sa akin. Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang sarili.   "Okay, dito ka muna, baka magtaka sina Mama kung bakit aalis ka kung nasabi na pala nila sa 'yong dito ka mags-stay," nag-iwas ako ng tingin at napilitang sabihin 'yon. Oo, napilitan talaga. "Hysterical pa naman si Blakelyn Osmeña 'pag nagtaka, baka hindi mo kayanin," dagdag na sabi ko.   E, kung bakit ba kasi dito pa patutulugin ni Mama 'to? May mansion 'to dito sa ciudad, e! Naman Mama Blakelyn, Papa Restituto! Ano bang trip n'yo sa buhay?   He slowly turn his back and face me with menacing eyes.   Uh, did I just hit a dangerous button?   "Are you sure?"   I scowled, very hard. Punyemas this demunyu jud oy!   "Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong manatili rito? O, e, bakit parang ayaw mo?"   "Gusto mo bang manatili ako rito?"   "Importante pa ba kung anong gusto ko? E, palagi namang ang gusto ng magulang natin ang nasusunod," walang ganang sagot ko. Tumingin ako sa kaniya at ganoon na lang ang naging gulat ko nang makitang nakangisi na siya.   "Now look who's being driven by adults now."   Aba't!!!!!!   Sobrang nagtitimpi na talaga ako ng inis ngayon! Gustong-gusto ko siyang supalpalin!!!!   Na-back to you ka, MJ! Isang hardcore na back to you!   "Kung wala ka ng gagawin sa kuwarto ko, puwede ka munang lumabas." Pero pinigilan ko ang sarili kong ratratan siya sa naging sagot niya sa akin kanina.   He look at me from head to toe kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.   "You went jogging with that clothes?" Matapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa, pupunahin naman niya ang suot ko na parang naiinis. Ano bang problema ng demunyung ito?   "O, e, ano ngayon sa 'yo? Alangan namang mag-gown ako sa pagj-jogging?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya.   Anong problema sa dri-fit cropped racerback tank top at cycling shorts?   Mas lalo siyang nairita sa naging sagot ko at nag-iwas ng tingin.   "Paano kung may nakakita sa iyong trabahante n'yo sa tubohan habang nagj-jogging ka nang mag-isa?" May panghahamong tanong niya sa akin kaya umismid ako.   "Bakit ba ang damit ko na naman ang pinagdidiskitahan mo? Pati mga trabahante sa tubohan dinamay mo pa! E, ano ngayon kung makita nila akong ganito? I've been doing this and been wearing this since high school and malaki ang respeto nila sa akin!"   Yumuko siya at bahagyang hinilot ang bridge ng kaniyang ilong at mariing pumikit. Mukhang pinipigilan ang pasensiya sa akin.   Aware naman akong naiinis na siya sa akin, gusto ko naman talaga siyang inisin. Nakakainis kasi siya kaya iinisin ko siya.   "Just take a bath and prepare, we're leaving in an hour. Pupunta tayong milling."   What?   Aangal pa sana ako sa sinabi niya kaso bigla na lang siyang nawala sa harapan ko, nawala sa kuwarto ko, nawala sa paningin ko. Lumabas siya ng kuwarto? Ang bilis a?   Napailing na lang ako at nag-ayos ng sarili.   Pagkalabas ko ng kuwarto, agad akong tinawag ng isa pa naming kasambahay para sa agahan. Kumpleto kaming lahat, at kasama na ang demunyung si Darry.   Tama nga ang narinig ko sa kaniya, aalis kami after breakfast papunta sa milling nila para bisitahin ito. Sina Ate naman ay pupuntahan na ang venue ng birthday ni Kansas, sasama na rin sina Mama roon. Mamayang alas-tres pa kasi ng hapon magsisimula ang party kaya puwede pa raw kaming pumunta ni Darry sa milling hanggang hapon. Aba ewan ko, gusto ko nga'ng tumulong sa paghahanda pero hindi naman ako pinatulong kasi nga aalis kami ni Darry.   Punyemas, importante pa ba ang bisitahin ang milling nila kesa sa tumulong sa birthday ng pamangkin ko? Ano ba kasing gagawin ko roon? Ako ba maggagaling ng asukal ng mga tubo? Ako ba gagawa ng asukal? Ako ba? Ano ba?!   "We'll check the parts of the milling na ipapa-renovate," ani Darry nang makarating kami sa milling nila.   Sabado ngayon kaya ang milling site lang nila ang nag-o-operate, close na naman ang administrative building nila. Teka, kailan ko ba mati-tiyempohan na bukas ang opisina nila?   "Nandito si Engineer Valmayor to explain the actual renovation."   Punyemas?   Nasa parking lot kami ng Lizares Sugar Corporation nang sabihin ni Darry ang tungkol sa pagdating ni Tibor na saktong pagdating ng isang Jeep Commander.   Punyemas.   Matinding paglunok ang ginawa ko habang nakahawak sa sling ng chain bag ko. Unti-unti na ring kumakabog ang puso ko.   Bakit ba hindi ko naisip 'to? Na tungkol sa renovation ang pinunta namin sa milling? Bakit?   "Bay!" Lumunok ako ulit nang makalabas siya sa kotse niya at salubungin siya ni Darry ng pagbati. "Con--MJ, magandang umaga."   Pagak akong ngumiti sa kaniya at hindi man lang makatagal ng titig sa kaniyang mga mata. Tango lang talaga ang kaya kong gawin sa kaniya. Punyemas naman, MJ! Baka mahalata ka ni Darry, o! Ingat-ingat naman sa pagkilos.   "So, shall we start the tour?" Ani Tibor.   Another episode of being a tuyong dahon. Nagpapatianod sa agos at halinghing ng hangin. Kung saan man ako dalhin ng buhay, doon ako. Hahayaan ang hangin na dumikta sa kapalaran ko.   Pero sinubukan kong makinig nang hindi ako mapaghalataang nakalutang lang sa ere at sa pagpapatianod sa hangin. Dapat walang makahalata. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD