Nagsimula kami sa admin building. In-explain ni Tibor lahat nang pagbabagong gagawin, medyo makaluma na ang stracture ng building at karamihan sa ginamit ay kahoy pa. Ang plano ay gagawin itong concrete building at mas palalakihin pa ito. Meron akong suggestion pero 'wag na, ayokong magsalita, baka mali ako. International renowned engineer pa naman ang kinuhang engineer ng mga Lizares, anong panama ko roon?
Sasamantalahin ang off-season sa pagr-renovate kaya ngayon ito sisimulan, kaka-close lang kasi ng central at hindi pa tumatanggap ng mga tubo para gagawing asukal and by products. Sa October pa ang balik ng operation.
Matapos sa admin building, pinuntahan naman namin ang mismong factory, ang malaking factory kung saan ginagawa ang mga asukal at iba pa. Kaonti lang ang gagawing renovation doon pero kailangan pa rin nang masinsinang gawain.
"So what can you say about the renovation plan, wife?"
Tumikhim ako pagkasalita ni Darry at nginitian ko siya.
"It's good, it's good. I've got nothing against it," simpleng sagot ko sa maligayang paraan, para hindi maramdaman ang tension kung meron man.
"B-Boss Darry..." Magsasalita pa sana si Darry tungkol sa naging komento ko nang biglang may lumapit sa amin na isang trabahante ng milling nila. "Pasensiya na po sa abala, pero pinapatawag po kayo ni Engineer Jansen at Engineer Sonny, boss, ipapakita lang po nila ang bagong makina ng milling," dagdag na sabi no'ng trabahante, parang nahihiya pa sa presence namin.
Darry groaned to what the man said.
"Kuya really knows how to ruin the moment," he mumbled and since ako ang katabi niya, ako lang ang nakarinig no'n.
Sonny is here?
"Sige Fernan, susunod ako. Ihahatid ko lang ang asawa ko sa opisina."
"Sige po, Boss," magalang na sagot naman ng trabahanteng iyon at na-una nang naglakad pabalik sa kaniyang pinanggalingan.
"'Wag mo na akong ihatid, matatagalan ka pa kung pupunta ka pang opisina. Kaya ko na ang sarili ko. I'll just wait there," pahapyaw akong ngumiti sa kaniya at bago pa man siya makapalag ay inunahan ko na siya sa paglalakad.
Binilisan ko ang paglalakad papuntang opisina para kalmahin ang sarili ko. Being near with Tibor and Darry at the same time gives me an unidentified feeling. A mixture of contentment and chaos.
Pumasok ako sa opisina ni Darry at agad dumiretso sa malaking bintana niya na gawa sa kahoy.
Bumuga ako ng malalim na hangin at tinanaw ang kabuuan ng factory: ang malaking factory ng asukal kung saan ginagaling ang mga tubo para gawing asukal. The main product of the Lizares Sugar Corp.
Ilang segundong kapayapaan ang naramdaman ko bago ulit ako kinabahan nang marinig ang pagsarado ng pinto ng opisina ni Darry. Marahan akong pumikit. s**t.
"Siguro naman ngayon, makikipag-usap ka na sa akin?"
Punyemas.
Mas diniinan ko ang pagkakapikit ko at pinigilan ang huminga, pinigilan ang puso sa pagkalabog ng mabilis, baka marinig niya.
"Ano bang pag-uusapan natin, Engineer Valmayor?" Like the usual tone na ginagamit ko sa tuwing nakakaharap ko siya, pormal na pormal pa rin ito. Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang ibuka ko ang aking mata para tingnan kung palabas na ba si Darry galing sa factory. Pinag-ekis ko ang aking kamay habang nasa ganoong posisyon.
"Engineer Valmayor? Really, Cony?"
Matinding paglunok ang nagawa ko nang tumawa siya nang napaka-sarkastiko. I can feel the sarcasm in the air. Punong-puno ito.
He is really different now. Way too different sa Tibor na nakilala ko. He grew up. Very well.
"What's the problem, Engineer Valmayor? Dapat lang na tawagin kita sa title mo, 'di ba? You are the hired engineer of the Lizares. You are here to do a certain job," nakatalikod ko pa ring sabi. Siguro, mabuti kung ganito na nakatalikod ako, hindi ako aatakehin ng matinding kaba. Mas malakas ako kung nakatalikod ako sa kalaban kahit na hindi ko alam kung anong atake ang gagawin niya.
"Anong nangyari, Cony? Bakit hindi mo tinupad ang pangako natin sa isa't-isa?"
"Pangako natin sa isa't-isa?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya sabay padarag na lumingon, nagkaroon ng lakas ng loob na harapin siya. "Pangako mo lang 'yon. Ikaw lang ang nangako no'n na hindi mo tinupad kaya 'wag mong isusumbat sa akin na hindi ko tinupad kasi pangako mo lang 'yon!"
Kitang-kita ko ang pagbalatay ng gulat sa kaniyang mukha nang lumingon ako sa kaniya.
"Pinanghawakan ko ang sinabi mong mahal mo ako, Cony! Pinanghawakan ko kahit na hindi ka na bumalik sa mga sumunod na bakasyon. Pinanghawakan ko kahit na mukha na akong tanga kahihintay sa 'yo sa tuwing magbabakasyon ang Lolo at Lola mo! Bakit hindi ka na bumalik? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit bigla kang nang-iwan?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling sa bookshelves ang tingin ko. Maybe it's time to let it all out?
"Really, Tibor? Ako pa ang susumbatan mo? Ako pa ang sasabihan mo na nang-iwan na well in fact, ikaw ang naging rason kung bakit hindi na ako bumalik! At saka, bakit ba natin pinag-uusapan 'to? Isang dekada na ang nakaraan, Tibor, panis na panis na ang issue'ng ito. Isang dekada nang tapos! Ngayon ka na nga lang magpaparamdaman, susumbatan mo pa ako. Ako pa talaga?"
Matinding pagpipigil ang ginawa ko para isigaw ang mga salitang iyon. Ayokong mag-aksaya ng energy. This feeling is way over due.
"Cony, nagsikap ako! Nagsikap ako nang mabuti para mapantayan ka! Nagsikap ako nang mabuti para makuha kita nang hindi ako minamaliit ng pamilya mo. Nagsikap ako para matupad ko ang ipinangako ko sa 'yo. I am who I am today because of you! Tapos uuwi ako ng Pilipinas... malalaman na ikinasal ka na? At ang masaklap sa lahat, sa kaibigan ko pa! Kay Darry pa! Bakit, Cony?"
Punyemas. Punyemas!
Nilabanan ko ang titig niya. Ang mga mata niyang minsan kong tinitigan. Ang mga mata niyang pulang-pula na halatang pinipigilan ang sariling maiyak. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Spoiled brat!" Madiing sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mapapait na mata. "Spoiled brat ako 'di ba? Anak mayaman na spoiled brat na por que maraming pera ay kaya nang manakit ng ibang tao kasi lang naiirita siya sa taong 'yon, 'di ba, Tibor? Spoiled brat? 'Yon ang tingin mo sa akin?" Pero kahit anong sabihin mo, hindi na mababago ang nangyari. Nang dahil sa'yo, muntik na akong... s**t I still can't even say it. I still can't.
His eyebrows furrowed. Looking confuse on what I said.
Punyemas, namnamin mo!
"'Yon lang? Dahil doon kakalimutan mo ang pangako ko sa 'yo? Dahil lang doon hindi ka na babalik sa probinsiya namin? Dahil lang sa sinabihan kita ng spoiled brat?"
Wow. The guts!
Pagak akong natawa sa sinabi niya. What the s**t. Gusto kong umiyak! Gustong-gusto ko! Frustrated na frustrated na naman ako! Ang bigat-bigat na naman sa dibdib.
"Lang?" Sarkastikong tanong sa kaniya. Ipinilig ang ulo at masama siyang tiningnan, nag-i-echo na rin sa utak ko ang eksaktong salitang sinabi niya. "You judged me, Tibor. You judged me badly. I was judge by the person whom I thought really knew me well. You judged me, Tibor!"
Umatras ako na animo'y nandidiri sa kaniya. Yumuko siya at marahas na hinilamosan ang mukha bago ako tiningnan sa namumungay na mata.
"N-Nasabi ko lang naman 'yon kasi nagtatampo ako sa 'yo. Nagtatampo ako na nakipagkita ka kay Eliseo. Nagtatampo ako na sinabi mong may gusto ka rin sa kaniya. Nagtatampo ako na sa lahat ng puwede niyong puntahan, bakit sa paboritong tambayan pa natin. Nagtatampo lang ako kaya ko nasabi 'yon, Cony."
What. The. s**t?
Napaawang ang bibig ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What the s**t. Isang napakalaking punyemas!
"I-I-I n-never said t-that!" I cover my mouth kasi naramdaman kong nanginig ang labi ko habang sinasabi ko 'yon. Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita ang nanginginig kong sistema. Punyemas.
"I know... Alam kong nagsisinungaling si Eliseo nang sabihin niya 'yon. Alam ko... Pero huli na ang lahat, bigla na kayong umalis at hindi ka na bumalik."
Please stop... Please stop mentioning his name. Please Tibor, stop!
"Naghintay ako, Cony, para manghingi ng tawad sa sinabi ko kaso hindi ka na bumalik. Hanggang sa wala na akong naging balita sa 'yo. So I just strived my way to the top para sa susunod na magkita tayo, I am succesful as you are, as your family are."
But what you said, what you did, and what happened in the past will never be changed. Hindi na mababago. Kaya kahit anong sabihin mo, Tibor, wala na, tapos na, nangyari na at hindi na mababago ng salita mo ang kung ano ako ngayon.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
"What's done is done, we can't bring it back. Let's just move on, Tibor," kalmadong sabi ko na ngayon. Namumungay ang kaniyang mga mata na animo'y nagmamakaawa. Halos hawakan niya ang braso ko pero ako na ang kusang lumayo.
Please... Darry, dumating ka na.
"What if I can? What if I can still do what I promised you?"
What?
Padarag akong lumingon sa kaniya at kunot-noong tiningnan siya.
"What will you do? You can't do it, Tibor. You can't!"
Ang kaninang nagmamakaawang tingin niya ay unti-unting napalitan ng naglalarong ngisi.
"Hindi n'yo naman mahal ang isa't-isa 'di ba? Nagpakasal lang naman kayo para sa kompanya ng mga pamilya n'yo, 'di ba?" May sumibol na kaba sa aking dibdib nang sabihin niya iyon. "I can offer double or triple the amount of investment your company can offer, Cony. Kaya ko ring sabihin sa kaniya na ikaw ang babaeng mahal ko, alam niya ang tungkol sa 'yo, hindi nga lang niya alam na ikaw 'yon. Kaya kong gawin ang lahat, mapasa akin ka lang, Cony. I have choices just to bring you back. Sabihin mo lang at gagawin ko. Hindi na ako ang Tibor na kaya kang pakawalan kasi wala akong yamang hawak, hindi na ako ang Tibor na anak ng caretaker ng mansion n'yo. Hindi na ako ang mahirap na Tibor. Kaya ko nang ibigay ang lahat sa 'yo, Cony."
Umiling-iling ako. You just gave me a reason na hindi hiwalayan si Darry.
Ngumisi ako, para itago ang kabang nararamdaman ko. He's a powerful man now, by the looks of him and his credentials, I know he can do it.
"You're not going to use force to get me, Tibor."
"Bakit? Kusa ka bang babalik sa akin?"
I scowled. I harshly scowled on his remarks. Kung puwede lang tumawa, ginawa ko na.
"Kasi hindi na ako babalik sa 'yo. Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo kahit anong gawin mo, Tibor. Mauubos lang ang yaman mo, mapapagod ka lang, mapapahiya ka lang pero hindi mo na ako makukuha. I told you, Engineer Thibault Valmayor, what's done is done," seryoso ko siyang tiningnan. Pinantayan naman niya ang titig ko.
"You don't know me, Maria Josephina Constancia Osmeña. You don't know what I can do."
Ang frustration na naramdaman ko kanina, ang sakit at ang mga masasamang alaalang naalala kanina ay biglang naglaho dahil sa inis. Naiinis na ako kay Tibor. Naging mayabang siya. Mataas nga ang kaniyang naabot, naging mayabang naman siya.
"Hindi mo na rin ako kilala, Tibor. Kung sinong Cony man ang nakilala mo noong bata pa tayo, malayong-malayo na 'yon sa Cony na nasa harapan mo ngayon." Umatras ako at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Umiwas ako ng tingin at nagtiim-bagang. Nakita kong nakasuot sa kamay palapulsohan niya ang pamilyar na bracelet na ibinigay ko sa kaniya. Matagal na panahon na 'yon pero tandang-tanda ko pa ang desinyo no'n. Pinigilan ko ang sarili na bumigay. Hindi ko man inaasahan ang pagkikita namin ngayon matapos ang ilang taon, alam ko sa sarili ko na wala na talaga at hindi na puwede.
"'Pag sinabi kong hindi na puwede, hindi na puwede, Tibor. Kasi muntik na akong-" Tumalikod ako at hinilamosan ang mukha.
Punyemas. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin. Napapangunahan ako ng takot, ng kaba, ng sakit. Hindi ko kaya. Hindi ko pa rin kayang banggitin kahit ilang taon na ang nakalipas. Maaaring natanggap ko na sa aking isipan, pero hindi ko pala kayang sabihin sa iba. Wala akong lakas na loob. Natatakot pa rin ako.
Lumapit ako sa may bintana at mariing pumikit. Kinakalma ang ngayo'y naghuhuramentado na namang puso.
Kanina pa ako nagdadasal na sana dumating na si Darry pero bakit hindi ako dinidinig ng sampung santo na palagi kong tinatawag sa tuwing nasa alanganin ako. Bakit ngayon pa? Bakit ba ang tagal mo, Darry? Bakit!
"Whatever you say, Cony. I will still get you no matter what. I am true to my words at sana ganoon ka rin."
Matinding paglunok ang nagawa ko at nagawa ko pang haplusin ang bandang puso ko nang bigla itong kumirot.
Ang hirap. Mahirap pa ito kaysa sa confrontation ko kay Sonny. Mas mahirap balikan ang nakaraan na pilit mong kinakalimutan.
Tumahimik ako, dinama ang tanawin sa malayo. Mga ilang minuto kaming naging tahimik. Singhap ni Tibor at buntunghininga ko ang namutawing ingay sa loob ng opisina ni Darry.
Saktong lilingon na sana ako kay Tibor nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Halos sabay kaming lumingon doon ni Tibor. Ako, nasa may malaking bintana. Siya, nakaupo sa couch ng opisina.
Ang tingin ko ang unang nakita ni Darry nang pumasok siya. Aaminin ko, nagkaroon ng kapayapaan ang puso ko nang makita ko siyang pumasok sa opisina. It feels like I am really safe and no one's gonna harm me anymore. Isang pasada lang ng tingin, isang ngiti lang galing sa kaniya, kapayapaan na ang aking naramdaman.
"Pasensiya na natagalan, ang daming sinabi ni Kuya, e."
Nag-iwas ako ng tingin at mahinang tumikhim sa isang gilid.
"Sonny is still the same, huh?" Si Tibor ang sumagot na animo'y relax na relax at parang hindi nakipagsagutan sa akin kanina.
"Still the same, bay. Sinabi mo pa," natatawa pang sagot ni Darry habang papalapit sa akin. He looked at me intently and I can't even stare at him in the eyes kaya panandalian ko lang siyang tiningnan. "Nag-usap ba kayong dalawa kanina habang wala ako?" Tanong niya sa akin.
Pinasadahan ko muna ng daliri ang buhok ko at diretsong tiningnan si Tibor na nakatayo na ngayon at pinagmamasdan ang bawat galaw naming dalawa.
"Yeah, nasabi ko na sa kaniya ang mga suggestions ko tungkol sa renovations," sagot ko nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kaniya. Tinaasan ko na rin siya ng isang kilay.
Alibi ko 'yon kaya ikaw nang bahalang gumawa ng alibi mo.
"You talked about that, bay?" Mas lalong lumapit si Darry sa akin at bahagyang hinawakan ang likuran ko. Nasa gilid ko na siya ngayon at pareho na naming hinarap si Tibor. Hindi na ako nagreklamo sa gesture ni Darry. Para sa akin mas mabuti nga iyon para makita ni Tibor na wala na talaga. Na kahit anong gawin niya, wala na talaga.
"Y-Yeah... I mean, yeah, minor changes lang naman kaya hindi naman masiyadong mababago ang overall changes ng renovation." Nakipagsukatan si Tibor ng tingin sa akin. Chin up pa siya na animo'y nagmamayabang sa nasabi niyang alibi. "And I am looking forward to be her colleague soon. Magaling ang asawa mo, bay, magaling na magaling." Ramdam na ramdam ko ang bawat diin sa huling dalawang salitang sinabi niya. Pero binalewala ko. Ayokong gumawa ng unecessary movements lalo na't nandito si Darry. "Sana nga makasama siya sa renovation," dagdag niya na inismiran ko.
"Let's go, Darry, baka naghihintay na sina Mama." Nauna akong naglakad palabas ng opisina ni Darry, nilampasan si Tibor nang hindi pinasadahan ng tingin.
Mahirap tibagin ang pusong may napili ng mahalin, Tibor. If only you just came earlier. If only. Mabibigyan sana kita nang pagkakataon despite everything. You are late. Very latish.
Nakapasok na ako sa kotse ni Darry at siya naman ay nasa tabi ko lang at parang walang balak na paandarin ang kotse niya. Kaya naiinis ko siyang tiningnan.
"What are you staring at?" Lakas-loob na tanong ko kahit na hindi nakatingin sa akin.
"Why are you so silent and uneasy whenever Tibor is around?"
Punyemas.
Marahas na paglunok ang nagawa ko at mariing tiningnan ang daang nasa harapan ko. Kumalabog na rin ang puso ko. Nahahalata ba niya? Halata ba talaga ang bawat galaw ko sa tuwing nandito si Tibor?
"What are you talking about, Darry?" Patay-malisyang tanong ko.
"May gusto ka ba kay Tibor?"
What the s**t?
This time, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tingnan siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at mukhang naninimbang.
Natulala ako. Hindi dahil sa naging tanong niya. Natulala ako dahil sa paraan ng kaniyang pagtitig. Hindi ko mapangalanan kung anong expression ang pinapakita niya sa akin ngayon. I can't even understand its language.
"N-No. What are you talking about? You are talking nonsense!" Just like my usual defense, pinataas ko ang boses ko, tinatago ang tension sa kalooblooban ko.
Punyemas. Masiyado ba talaga akong halata? Bakit hindi man lang niya nahahalatang siya... ang... gusto... ko... at hindi si Tibor?
~