"M-Magsi-cr lang ako." Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya at hindi na siya tiningnan ulit. Kinakabahan ako. Kailangan kong makaalis sa situwasyong ito, baka masagot ko ang sinabi niya. Mas lalong nakakakaba 'yon. Punyemas!
Umalis ako sa dancefloor at tuloy-tuloy ang naging lakad ko. Ini-ignore ang bawat kantyaw ng mga taong malapit sa akin. Kahit i-deny ko, alam kong nakita nila ang scene naming iyon ni Darry. Kahit hindi nila narinig ang sinabi niya, alam kong madudumi na ang mga isipan ng mga walang hiya.
"Hoy, bruha! Tatakas ka? Hahahaha hoy!" Naglalakad ako palabas ng venue nang bigla akong habulin ng mga kaibigan ko. Hindi naman talaga ako tumatakbo, ewan ko ba kung bakit kailangang habulin nila ako.
Pero may tama nga sila, tumatakas nga ako.
"Aba, aba, aba, aba bruha! Anong ka-dramahan 'yong na-witness namin kanina? May pasayaw-sayaw tapos pasandal-sandal sa dibdib. Ay aba!"
Ang unang nag-salita kanina ay si Paulla na sinundan naman ni Lorene.
"MJ! Magtapat ka nga sa amin, at 'wag na 'wag kang magsisinungaling!" Pinandilatan ako ni Lory ng mata bago pumasok sa isang bakanteng cubicle at umihi.
Nasa labas lang yata sila ng cubicle dahil naririnig ko pa ang mga usapan nila.
"May gusto ka na ba kay Darry?" Si Ressie naman ang nagtanong. Sumigaw pa siya kasi nga nasa loob ako ng cubicle.
Napatitig ako sa likod ng pinto, iniisip nang mabuti kung sasabihin ko ba.
Punyemas, maiingay ang mga 'to, e. Pero mapagkakatiwalaan naman kapag sinabihan mo.
Hindi muna ako nagsalita, tinapos ko muna ang dapat gawin bago lumabas at dumiretsong sink para maghugas ng kamay. Kahit hindi ko lingunin, ramdam na ramdam ko ang presensya ng apat sa likuran ko. Nakahawak pa nga sila sa balikat ko, e.
Sayang Nicole and Jessa, you missed the fun!
"My God, MJ! Please naman, kahit ngayon lang magsabi ka naman ng totoo sa amin. Alam naman naming sooner or later, mahuhulog talaga ang loob mo kay Darry pero please naman, magsabi ka naman sa amin nang hindi kami nagiging assumera. We're tired of living in an illusion na you are falling for someone else na! 'Yong totohanan, 'yong hindi na laro!" Ani Ressie.
Napatigil ako sa ginagawa at mataman silang tiningnan sa salaming nasa harapan namin. Bumuntunghininga ako at dahan-dahang tumalikod para harapin sila. Umayos naman sila sa pagkakatayo na matiyagang naghihintay sa kung anong sasabihin at rebelasyon ko sa buhay.
"Ayoko munang mag-salita ngayon. Ayokong masira ang review ko. I need to prepare for the boards and I want it with clearer mind. Kaya promise, after the boards, I will tell you all everything."
"You're still confuse," conclusion ni Paulla sa sinabi ko.
"I am damn confuse right now and it's bad for my review habit. I can't stick with it kaya ayoko munang magsalita. Mahirap mag-conclude."
Sabay-sabay na bumuntunghininga ang apat.
"Okay, hindi ka namin pipilitin na umamin. Pero at least, it's a relief na you feel something. You're a normal girl and you can feel something! That's not new but it's a damn good news!" Ani Lorene.
Nagpatuloy ang chikahan nila hanggang sa makabalik kami sa venue. Usapan pa rin sila. Si Vad na wala kanina sa eksena, hindi maka-relate sa pinag-usapan ng mga girls kaya napiling si Lina na lang ang kausapin.
"Ate MJ, pinapatawag ka ni Lolo Mado." Nang makabalik kami sa table naming magkakaibigan, agad akong sinalubong ng pinsan kong si Jest.
Tumango ako at pinaturo sa kaniya kung saan banda nakaupo sila Lolo. Pero malayo pa lang ako, parang gusto ko nang umatras. Bumabahag na naman ang buntot ko. Dapat masanay na ako. Kasi sa tingin ko, mapapadalas ang pagkikita namin kung magta-trabaho siya sa mga Lizares. Punyemas, this is hard.
"Oh, heto na pala ang aking apo," bungad ni Lolo Mado sa akin. Yumakap ako sa kaniya at nang matapos ay hinayaan siyang akbayin ako. He's facing some fine gentlemen in the business field. I slightly smiled and greeted them with utmost respect. And I swallowed very hard when one of them is Tibor.
Yeah! Anong ginagawa niya rito? Wala siya kanina, a? Imbitado ba siya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya nabanggit kanina? Kararating lang ba niya?
And now I bombarded myself with lots of unethical questions. Punyemas this feelings.
One second I'm falling for Darry and the second I'm being haunted by Tibor's presence. Punyemas feelings! Sali ka kaya sa SEA Games, ang galing mong maglaro! Damn Punyemas!
"Constancia, do you still remember your friend from our ancestral house in Cebu? The son of our then caretaker?" Matapos ang madaliang batian namin ni Lolo, agad siyang nag-introduction.
Punyemas your memories, Lolo! Ba't ang talas mo sa pagmememorya? Lolo naman!
"Ha? Bakit po Lolo?" Pa-inosenteng tanong ko, idagdag mo na rin ang pagpapatay-malisya. Punyemas.
"He's here!" Iminuwestra niya ang harapan naming dalawa, sa tapat mismo ni Tibor. "He's now an international engineer! Naaalala ko pa na sa tuwing nagbabakasyon tayo ng Cebu noon, kayo palagi ang magkasama and I would like to thank you for that, Engineer Valmayor, for listening to my granddaughter's caprices whenever we're there."
Punyemas. Lolo Amado Osmeña just punyemas spilled the tea in front of my husband. Ka-very good Lolo oy. Punyemas.
Pagak akong natawa habang humihigpit ang pagkakahawak sa baywang ni Lolo, trying to stop him to whatever he will say next.
"It's my pleasure po, Senyor Mado, to be one of Cony's friend way back then."
"Oh! You still call her Cony!" Mas lalong natuwa si Lolo sa narinig niya mula kay Tibor. "I hope you can be good friends again and you are both on the same field. Bring back the memories and make another one, right apo?" Nilingon ako ni Lolo pero nanatiling sa sahig ang tingin ko. "You can ask Engineer Valmayor about some stuffs in civil engineering. Magaling si Engineer at may tiwala akong marami kang matututunan sa kaniya. You can even help him for the renovation of the Lizares Sugar Corporation. It's a good start for your career, Constancia."
Napalunok ako nang matindi. Tama siya. May tama si Lolo. 'Pag sasali ako sa team ni Tibor, marami akong matututunang field works and experience. It's so tempting but it's not a good idea, Lolo, I'm sorry kasi as of the moment, I can feel the peircing eyes of my husband, just few inches away from us, Lolo.
"I am still focusing on my reviews Lolo, the field work isn't in my mind as of this moment." Mahinang sagot ko, enough para marinig ni Lolo.
"I can also help you with your review, Cony."
Punyemas naman, Tibor. Ano bang plano mo? Bakit mo ba ginagawa 'to sa harap ng kaibigan mo?
O baka alam na ni Darry ang tungkol sa amin ni Tibor at nanatili lang siyang tahimik? Besides, he's the bestfriend, he knows everything.
Wait... so that means, alam din ni Tibor na may gusto na si Darry sa akin?
Teka, sandali, wait, ang hirap namang ipa-sink in ng lahat ng ito sa isang bagsakan lang. Punyemas.
"She can do well studying alone, Tibor. She don't need anybody else's help."
Kainin mo na nga ako, lupa. Sobrang na-awkward-an na talaga ako! Wala na talaga akong lakas ng loob ng lingunin ang kahit isa sa kanila. Nanghihina na ako. Kung hindi lang nakasuporta si Lolo sa akin ngayon baka kanina pa ako natumba sa sahig na kinatatayuan ko.
"My apo is the best but she still needs guidance, Darwin, and I believe Engineer Valmayor can provide that guidance to my apo sooner or later."
Nilingon ko si Lolo para matigil na siya. Ngumiti ako sa kaniya.
"Like what I said, Lo, I am still focusing on my reviews and my husband is right, I am better when I am reviewing alone."
Natahimik si Lolo at pinagmasdan ako, parang tinatantiya ang aking sinabi pero unti-unti ring napalitan 'yon ng tawag.
"Apo, do you still remember when I said to you na our ancestral house in Cebu was sold?" Pag-iiba ni Lolo sa usapan. Pagod akong tumango sa kaniya.
Yeah, I got saddened when Lolo broke that news to me. I know wala na akong balak na bumalik sa lugar na iyon but I want it to be preserved noong nag-aaral pa lang ako sa engineering. I want it to be still ours at gusto kong iyon ang ipamana nila Lolo sa akin when the time comes. Pero ibinenta nila ang lupaing iyon nang tatlong taon na akong hindi sumasama sa kanila. Napapagod na rin daw sila sa kakabiyahe papunta roon nang hindi ako kasama kaya napagdesisyonan nila ni Lola na ibenta na lang. Hindi ko alam kung kanino at may balak pa sana akong alamin para bilhin ulit pero naging busy na rin ako't nawala na sa isipan ko.
"Engineer Valmayor bought that land! He bought it after he got a scholarship abroad. Ang sabi niya pa nga noon na bibilhin niya ang lupain natin dahil balang araw, doon niya patitirahin ang babaeng una niyang minahal at ang pakakasalan niya." Oh s**t. Tell me what I'm thinking is wrong. Way too wrong! Hindi ako 'yon! Hindi! "Saan na nga pala ang babaeng iyon, Engineer Valmayor? Did you two got married already?"
Ayoko na. Ayoko nang marinig ang kung anong sasabihin niya.
"Ple-"
"No, Senyor Mado. I'm still waiting for her to file her annulment. I came late but I am still patiently waiting for her."
No. f*****g. Way!
"She's married?" Nagulat si Lolo sa sinabi ni Tibor. But that's not my concern right now. All I want is to stop Tibor! Ano bang ginagawa niya? Bakit ba siya nagsasalita nang ganyan?
"Yes but it's a marriage for convenience and eventually they will file an annulment since she doesn't have a romantic feeling for her husband. Kaya maghihintay ako kung kailan sila maghihiwalay para matupad ko ang pangako sa babaeng totoong mahal ko."
Please stop! I don't want to hear this anymore!
"You are so persistent, Engineer Valmayor! I like that quality of a man to be part of my family! Kung hindi pa lang kasal si Constancia, baka sa'yo ko na ipakasal itong apo kong ito-"
"Lo, please excuse us, pupuntahan muna namin sina Mama." Hindi na ako naghintay ng sagot mula sa kanila. Basta ko lang hinigit si Darry palayo sa kanila.
I get it. Lolo Mado doesn't like Darry. Hindi niya gusto si Darry bilang asawa ko. I get it Lolo but you don't have to say it in front of him! He's still an honorable man, you can't just undergrade Darwin Charles Lizares like that.
"'Wag kang makikinig sa mga pinagsasabi nila." Hindi ko siya nilingon pero nagsalita na ako. Pero bago ko pa man siya madala sa isang sulok na lugar, natigilan na ako dahil bigla siyang huminto.
"Bakit? Kasi nagsisinungaling sila kaya hindi dapat ako makinig?" Matinding paglunok ang ginawa ko nang marinig ang sinabi niya. Despite of the booming music, I can clearly hear it. Loud and clear. Punyemas.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya pero papatalikod na siya sa akin kaya pinigilan ko.
"Sa bahay ka ba matutulog mamaya?" Buong lakas na tanong ko. Napahinto siya sa pagtalikod at malamig pa sa dating turing niya sa akin ang naging tingin niya. He looks at me with utmost abhorrent.
"Umuwi ka na muna, MJ."
Punyemas.
MJ? He calls me wife. Why does he's calling me MJ now?
Hindi niya alam at ngayon niya lang nalaman ang lahat. Ayoko nang ungkatin ang nakaraan kaya nanahimik ako. Kailangan ko bang mag-explain sa kaniya?
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa naging reaksyon niya matapos marinig ang napag-usapan ni Lolo at Tibor. Matalino siyang tao at alam kong na-gets niyang ayaw nga ni Lolo sa kaniya. Pero nakaka-punyemas naman?! Anong gagawin ko? Nasasaktan din ako!
Umuwi ako ng bahay nang hindi pinatapos ang party. Tumakas ako at since nandoon sa venue ang lahat ng kasambahay namin ay mag-isa ako ngayon sa malaking bahay namin. Nasa veranda ako ng third floor, nakatanaw sa gate ng bahay habang tinutungga ang isang bote ng Jose Cuervo Silver. Yes, no lemons and salt. Just pure tequila.
Hinihintay ko ang pagdating ni Darry. Alas-dose na, lumalalim na ang gabi, at alam kong nagsisi-uwian na ang mga bisita. Kung tatamarin sina Mama at Papa, baka sa hotel ng event center na sila mag-stay. Ang alam ko ang family ni Kuya Yosef at Ate Tonette ay nandoon sa hotel na iyon.
Ako lang ang hindi nagpa-book ng room dahil may balak sana akong mag-after party with friends sa Old House kaso I ditched them and went home instead. So here I am, waiting for my husband to come home.
Nakasandal lang ako sa swing na nandito sa veranda at ninanamnam ang huling patak ng bote. Umiikot na ang mundo ko at kung tatayo ako ngayon siguradong kailangan ko ng suporta ng pader ng bahay.
Paglapag ko sa walang lamang bote ay saktong may paparating na kotse sa premises ng bahay namin. Pinagbuksan ito ng nag-iisang sekyu ng bahay. Nahirapan pa akong aninagin kung kaninong sasakyan 'yon dahil sa umiikot kong paningin. Punyemas, lasing na ba ako?
Nang makitang isang pick-up ang paparating ay agad akong ngumisi. Isa lang naman ang kilala kong may pick-up sa bahay na ito, e, at siya lang 'yon, wala ng iba.
Pinagmasdan ko ang bawat galaw ng sasakyan sa loob ng bakuran ng bahay. Hindi ito naka-park sa garahe, nanatili itong nasa tapat lang ng bahay.
Pumikit ako at dinama ang hangin ng madaling araw. Nasa bukid ang bahay namin kaya sobrang lamig na ngayon lalo na't season na ng bagyo. Mabuti na lang at hindi pa maulan dito sa ciudad namin.
Dinama ko ang hangin, pinakiramdaman ang paligid, hinihintay siyang puntahan ako.
At least he came home. At least he's here. At least my heart is in peace.
Nang marinig kong bumukas ang sliding door ng veranda ay marahan akong nagbukas ng mata at tiningnan ang madilim na paligid, tiningnan ang munting ilaw sa ibabaw ng malaking cross na nasa Mt. Lunay.
"Why are you still awake?" Pambungad na tanong niya gamit ang baritonong boses niyang saulado ko na, sauladong-saulado na ng puso at ng isipan.
Nakatanaw pa rin ako sa maliit na ilaw na iyon at biglang napangiti. Aba ewan, lasing na yata talaga ako.
"I'm waiting for you," malumanay kong sabi. Pinagsalikop ko ang kamay ko sa ibabaw ng coffee table na nasa harapan ko habang nakatingin lang sa ilaw.
"With an empty bottle of Jose Cuervo," full of sarcasm na sabi niya. Wala akong nagawa kundi ang pasadahan ng tingin ang walang lamang bote ng Jose Cuervo sa harapan ko. "Go to sleep, it's late."
Nakarinig ako ng kaluskos na parang paalis na kaya nilakasan ko na ang loob ko.
"Kung mag-i-explaing ba ako, pakikinggan mo ba ang rason ko?" Nakatitig pa rin sa bote ng tequila na sabi ko.
Naramdaman kong natigilan siya. Gusto ko siyang lingunin pero lalo yata akong manghihina kapag nilingon ko siya o kaya'y tingnan ang kaniyang mapupungay na mata? Hindi ko yata kaya, kaya mas mabuting ang bote na lang ang tingnan ko.
"You don't need to explain. I already knew everything."
Nag-iwas ako ng tingin sa bote at nagtiim bagang sa pait ng kaniyang pagkakasabi.
He knew everything? No. You don't.
"Hindi mo alam ang lahat." Mariin akong pumikit habang hinihintay ang kung ano man ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Kailangan ko ba talagang malaman lahat, MJ?"
MJ. Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko. Nasaan na ang wife, baby? Nasaan na? Ganoon ka ba ka galit sa akin sa nalaman mo? Ganoon ba? Akala ko ba mahal mo ako?
"M-Mahal mo ako 'di ba?" Lakas loob na tanong ko at nilakasan na rin ang urge para tingnan siya sa mapupungay na mata. Gustong kong marinig ulit, Darry. Gustong-gusto ko. Baby, please tell me again.
"Anong panama ko sa taong kaisa-isang nagpatibok sa puso ni Maria Josephina Constancia? Anong panama ng pagmamahal ko roon, MJ?"
Hindi ako nakuntento sa pagtitig lang sa kaniya, tumayo ako at hinarap siya. Nagmamakaawang sabihin ulit niyang mahal niya ako.
"Mahal mo ba talaga ako, Darry?" May nagbabadyang batallion ng luha sa gilid ng aking mata pero matibay na barikada ang ipinangpigil ko sa kanila para hindi tuluyang makawala habang nakatitig lang sa mga mata niya.
Please give me an assurance, Darry. Pangako, susugal ako.
"Hindi ko na alam, MJ, matapos malamang ikaw ang babaeng mahal ng kaibigan ko, matapos malamang siya lang ang minahal mo, hindi ko na alam."
Punyemas!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inilapit ko ang labi ko sa kaniya. Inilapit ko ang malambot kong labi sa malambot niyang labi. Bahala na.
Kung ayaw mong magbigay ng kasiguraduhan, ako, bibigyan kita ng kasiguraduhan na ikaw na. Ikaw na ang laman nitong putragis kong puso na isang dekada kong hindi pinakinggan. Ikaw na ang laman, Darry.
Hindi niya ako pinigilan nang maglapat ang labi naming dalawa. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na baka naramdaman na niya ang nararamdaman ko. Limang segundo lang bago ko iginalaw ang labi ko para mas mahalikan pa siya pero punyemas... biglang tumulo ang batallion ng luha kong binarikadahan ko pa nang hindi siya tumugon sa halik ko. Masakit. Oo masakit!
Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang kusa kong ihiwalay ang labi ko sa kaniya. Pa-simple kong pinalis ang luha kong parang falls kung makabagsak. Sinisiguradong hindi niya nakikita ang pa-simpleng ginagawa ko.
"Matulog ka na, MJ." Ang huling narinig kong sabi niya bago niya ako iwan sa veranda nang umiiyak.
Punyemas.
~