Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.
Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.
Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.
Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chain na iyon. Matapos kong sabihin 'yon, umalis na ako. Ayoko sana kaso pinaalis niya ako, e, wala akong nagawa.
Nalungkot ako sa nangyari. Marami pa sana akong gustong sabihin kay Raffy. Pero baka mas lalong madagdagan ang sakit kapag sinabi ko pa.
Hindi na ako nakadaan ng opisina. Pinadalhan ko na lang ng message si Aira na masama ang pakiramdam ko at uuwi na lang ako. Hindi na rin naman siya nagtanong.
Umuwi ako sa penthouse para mag-ayos ng gamit. Bukas ng gabi, babalik na ulit ako ng Negros para ipagpatuloy ang naudlot na pagri-review at babalik sa susunod na buwan para sa another set of diagnostic testing.
Pagkarating ko sa penthouse, mag-isa lang ako dahil masiyado pang maaga at nasa school pa ang dalawa kaya inayos ko na lang talaga ang mga iilang gamit ko na puwedeng dalhin sa bahay.
Nang ma-bored ay nanuod ako ng isang movie sa salas at habang nanunuod ay bigla akong inantok.
"Her secretary said she's not feeling well."
Pero biglang nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng isang napaka-pamilyar na baritonong boses.
"Mukhang hindi naman siya nilalagnat, e." Na sinundan ng isang boses ng babae at ang pagdampi ng palad sa may noo ko."Hindi naman mainit ang noo n'ya."
"Baka nasa loob ang sama ng pakiramdam, ano, Sir?" Nagsalita na rin ang isa pa na si Erna.
While still in a sleeping position, I shifted my position hugged more the throw pillow.
"Ang iingay, nakitang may natutulog, e," I mumbled then went back to sleep.
"Ay Sir, hindi masama ang pakiramdam n'yan, masungit, e," ani Alice na tinawanan ni Erna pero masiyado pa rin akong antok kaya pinabayaan ko silang tatlo roon at natulog ulit.
Nagising ulit ako at ang unang nakita ng aking mga mata ay ang detailed chandelier ng penthouse. Ilang segundo ko 'yong tinitigan bago bumangon sa sofa na kinahihigaan ko.
Pero sa pagbangon ko, ang unang nakita ng mata ko ay ang crush kong prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Yeah, I'm claiming he's my crush, wala naman sigurong masama?
Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya sinuklian ko rin ng seryoso ring tingin habang dahan-dahan at ma-drama kong tinanggalan ng muta ang aking mata. It's my instinct everytime I wake up but this time, I'm doing it with utmost emotion and with a purpose. Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko sa kaniya habang ginagawa 'yon kaya kitang-kita ko ang sumilay na maliit na ngiti galing sa kaniya. At doon ako tumigil sa katangahang ginagawa ko. Bigla akong tumayo at nilagpasan siya nang may ngiti na rin sa aking mga labi.
Punyemas, baby, kung sinabi mo lang na mapapangiti pala kita sa pagiging tanga ko, sana noon pa lang ginawa ko na 'to. Punyemas baby.
Umakyat ako sa kuwarto ko at nagbihis ulit. Wala lang, para naman kahit papaano'y presentable tayo, ano?
Bababa na sana ako nang may kumatok sa pinto ko. Agad ko itong pinagbuksan at kahit hindi ko pa alam kung sino, ngumiti na ako. Baka kako si baby pala. Punyemas, MJ Osmeña Lizares, ang pangit mo palang magka-crush? Punyemas!
"Yes?" In my sweetest smile, I greeted the one who knocked on my door.
Punyemas?
Pero unti-unti ring nawala ang malawak at matamis kong ngiti nang makitang si Alice ang nasa labas ng pinto.
"Bakit?" Medyo masungit kong sabi, disappointed.
"Lawak ng ngiti kanina, ah. Nag-i-expect kang si Sir Darry ang kumatok sa 'yo?" Nakangising sabi ni Alice na tinaasan ko ng kilay. "Asa ka pa, baka nga nagseselos 'yon, nakipagkita ka pala kay Raffy Javier?"
What?
Unti-unting nagpantay ang kilay ko at napatayo ako nang maayos dahil sa sinabi ni Alice.
"Paano mo nalaman?" Nagtiim-bagang ako. Paano nila nalaman? Imposibleng si Aira kasi hindi ko naman pinaalam sa kaniya ang pangalan ni Raffy.
I know it's nothing pero naalala ko na naman kasi ang usapan namin kanina ni Raffy. Hindi 'yon maganda at medyo bumabagabag 'yon sa utak ko.
"Habang tulog ka kanina, tinawagan ulit ni Sir Darry 'yong secretary mo, si Miss Aira? Tinanong kung sinong college friend mo ang kasama mo kanina. E, hindi naman kilala ni Miss Aira kaya pina-describe na lang ni Sir sa kaniya. E, narinig ko kaya akala ko si Raffy Javier, at base sa reaksiyon mo ngayon, mukhang si Raffy Javier nga."
Pa-simple akong umiling at ngumiti sa kaniya.
"E, ano ngayon kung si Raffy nga ang kasama ko kanina?" Taas kilay na tanong ko. "At si Darry? Magseselos? Nang dahil sa akin? Asa ka pa, Alice." Mukhang sarili ko ang dapat kong pagsabihan no'n, ah? Naks naman, MJ, 'wag ka nang umasa!
"Manhid ka pala Ma'am?"
"Bakit ka ba kasi nandito?" Singhal ko sa kaniya para wala na siyang masabing iba.
"Maghahapunan na, bumaba ka na at sabayan mo na ang asawa mo," and then she walked away. Leaving me in awe. Wow.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya sa pagbaba.
Walang pinagbago sa penthouse. It's still the same from the last time I was here. Walang bakas ng pagbabago although I expected na sana meron kahit na one month lang akong nawala rito.
Habang naglalakad sa salas ay napatingin ako sa malaking espasyo sa itaas ng table na nilalagyan ng mga muwebles. Nakalimutan ko kung anong tawag sa table na 'yon, basta 'yon na 'yon. Pader na actually malaking espasyong iyon, magandang sabitan ng paintings o kahit ng portrait. Hmmm, lagay ko kaya r'yan 'yong wedding picture namin?
Ay punyemas, may wedding picture ba kami? Hindi ko alam, wala na ako sa sarili ko matapos ang kasal na 'yon, e, kaya hindi ko alam kung meron ba. But I remembered Kuya Yohan and Kuya Tonton, they were holding cameras that time. May kuha kaya sila ng picture namin?
"Ma'am MJ, kain na po."
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makita si Erna na sumilip sa akin mula sa dining area.
Tahimik ang naging hapunan namin. Hindi sumabay si Alice at Erna sa amin kumain, sinasadya nilang hindi sumabay lalo na kung kasama ko si Darry sa pagkain. Sasabay lang sila sa akin kung mag-isa lang ako. Ganoon 'yong routine noong nandito pa ako. Ngayong nagbabalik na, mukhang balik na naman sa dati. Isang tahimik na hapunan sa malaking hapag-kainan na 'to. Gusto kong magsalita pero baka supalpalin ako nito. Mukhang galit pa rin sa akin dahil sobrang grumpy ng mukha niya ngayon habang kumakain kami. Ayokong mag-take ng risk to open up a conversation, baka bigla rin akong bugahan ng apoy. Mahirap na, madali pa naman akong matupok ng apoy ngayon, lalo na't nagbabaga at nag-aalab na apoy ng kaniyang tingin.
Punyemas, Maria Josephina Constancia, you really are a one hella crazy girl.
Bigla ako napasubo ng kanin at hindi na nga napigilan ang sariling ngumiti. Punyemas, MJ, ang bagsik mo palang magka-gusto! Punyemas. Mababaliw na yata ako. Normal pa ba ito? Kumakain lang naman kami pero kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.
"Why are you smiling?"
Punyemas.
Matinding tikhim ang nagawa ko at napaayos na rin ng upo at nagpatuloy pa sa pagkain nang marinig kong nagsalita na ang katabi ko... sa wakas.
Nilingon ko siya at nginitian.
"Bakit? Bawal na bang ngumiti sa penthouse na 'to? Bakit hindi ko alam?" May panunuyang tanong ko pero lalong umismid ang mukha niya at parang na-insulto sa sinabi ko. Kaya very, very light akong nagseryoso. "Wala, may naisip lang." Kaonting ngiti muna tapos nagpatuloy sa pagkain.
"You remembered your date with Raffy Javier earlier?"
Punyemas? Date? Ha? Ano 'yon?
Matinding tikhim ulit ang ginawa ko tapos salubong ang kilay kong nilingon siya.
"No! Bakit ko naman iisipin 'yon? At saka anong date? Hindi date 'yon, aksidente lang kaming nagkita kanina. Friends naman kami at saka ang rude ko naman kung hindi ko siya sasamahan." Depensa ko naman. Kasi totoo naman talaga, bakit ko naman iisipin 'yon, e, siya naman ang dahilan kung bakit nangingiti ako bigla.
"Really, huh. May I remind you, wife, that you're a married person now. Hindi ka na dapat nakikipagkita sa kung sinu-sinong lalaki."
OMG! Tinawag niya ulit akong wife! Aaaaaaah s**t naman baby! Teka sandali, hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti, sandali lang! Bakit ba. Kinikilig ako! Punyemas! Sa kauna-unahang beses sa buhay ko, ngayon lang ako kinilig ng ganito. Wrong timing, wrong moment, punyemas! Ah basta kinikilig talaga ako, ano ba!
"You called me wife!" Nakangiti ko siyang itinuro. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin pero wala akong pakialam! Masaya ako baby! You called me wife, again!
Umiling siya, nagtiim ang bagang at umismid na nagpatuloy sa pagkain, pero ako, heto't hindi na maalis ang ngiti. Ay bahala ka r'yan!
Hindi na ulit siya nagsalita kaya nagpatuloy kami sa pagkain.
"Ma'am MJ, may tumatawag po sa cell phone n'yo."
Boses ni Erna ang narinig ko nang magsalita siya at mukhang nasa salas siya ng penthouse.
Bahagya akong napatigil sa pagkain at panandaliang sinulyapan si Darry bago sumagot ng pasigaw kay Erna.
"Sino, Erna?"
"Raffy po ang nakalagay, Ma'am."
Punyemas.
Isang matinding paglunok na naman ang nagawa ko. Hindi na makatingin kay Darry.
"Hindi pala na-enjoy, huh."
Lunok ulit. Punyemas, napaka-wrong timing!
"H-Hayaan mo na, Erna. 'W-Wag mo na lang sagutin." Napayuko ako at inabala ang sarili sa pagkain. Fighting the urge to answer the call kasi kaonti na lang, magkakamabutihan na kami ni Darry, ayoko namang maantala dahil lang sa tawag ni Raffy.
"Kanina pa po kasi tumatawag, Ma'am. Baka po importante." Biglang sumulpot si Erna sa dining area bitbit ang phone ko na umiingay na nga ngayon, mas malakas kasi nasa malapit lang.
"P-Pakisagot na lang muna, Erna, kumakain pa kasi kami ng asawa ko." Sinulyapan ko si Darry para makita kung anong magiging reaksiyon niya sa sinabi ko pero wala, wala siyang naging reaksiyon kasi patuloy lang siya sa pagkain.
"Okay po, Ma'am MJ." Lumabas ulit si Erna ng dining area kaya kahit papaano ay nakaginhawa ako nang maluwag. Pero ang hirap ng bumalik sa pagkain lalo na't alam mong may masamang elemento ang sumasapi ngayon sa katabi kong demunyu. Hay naku!
"Ikaw na sumagot, wala na rin naman sa akin kung magkikita kayo ulit."
Wow. Ang sakit.
Natameme ako sa sinabi ni Darry. Napaawang pa ang bibig ko. Parang ang sakit no'ng sinabi niya, ah.
Umalis siya sa hapag at saktong palabas na siya ng dining area nang bumalik si Erna. Bali nagkasalubong sila pero napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Erna. Maski ako napatayo at napalapit sa kaniya.
"Ma'am, ikaw po ang hinahanap. Sa ospital daw po."
"Hospital?" nagtatakang tanong ko kaya agad kong kinuha ang phone ko at ako na mismo ang sumagot.
"Anong atin?" Kalmado ko pang tanong. Bakit parang kinabahan ako?
"Is this Miss MJ Osmeña?" Babae ang sumagot kaya mas lalo akong kinabahan.
"Yes, ako nga. Bakit?"
"Miss Osmeña, this is from Saint Lukes Medical Hospital, ikaw po kasi ang nakalagay na emergency contact ng patient. Nandito po si Mister Raffy Javier ngayon sa emergency room ng hospital. If you are a close relative of the patient-"
"Anong nangyari sa kaniya?" Hindi ko na pinatapos kung anong pinagsasabi ng babaeng iyon. Mas lalo akong kinabahan. Hospital nga ang tumawag sa akin! I mean hindi 'yong mismong hospital na building ha, staff from the hospital! "BGC o Quezon City?"
"Quezon City, Ma'am."
"Okay pupunta ako." Dali-dali akong umalis ng dining area para puntahan ang kuwarto para makapagbihis.
Anong ginagawa ni Raffy sa hospital? Punyemas, anong nangyari Raffy?
"Saan ka pupunta?"
Bago pa man ako makaakyat ng hagdan ay napigilan na ako ni Darry ng tanong.
Humigpit ang hawak ko sa railings ng hagdan at tiningnan siya sa nag-aalalang expression.
"Hospital. Dinala sa hospital si Raffy."
"Ihahatid na kita. Magbihis ka muna."
Pilit akong ngumiti sa kaniya at tumango. Kinakalma ang sarili ko sa mga posibilidad na naiisip ko. Punyemas, Raffy, anong nangyari?
Isang madaliang bihis lang ang ginawa ko. Nagdala na rin ng mga importanteng dadalhin like cash, phone, and IDs. Nang bumaba ako sa hagdan, nakita ko si Darry na nakaabang lang sa akin sa may salas. Hindi siya nagbihis.
"Sa Saint Lukes Quezon City tayo," sabi ko nang pareho na kaming nasa kotse niya.
Tahimik ako buong biyahe, hindi muna inaalala si Darry. Ang inaalala ko ngayon ay ang kalagayan ng kaibigan ko. Kinakabahan ako kasi ako ang huli niyang kasama at kung pagbabasehan pa ang mga sinabi ko sa kaniya, baka nga may kinalaman 'yon sa nangyari sa kaniya ngayon.
I care for Raffy, okay? He's like a brother to me, a younger brother I never had. Kaya kahit anong mangyari, mananatili akong kaibigan niya at patuloy akong mag-aalala sa kaniya kasi kaibigan ko siya. Kaibigan lang talaga.
Tahimik din ang kasama ko hanggang sa makarating kami sa ospital na sinabi ng babaeng tumawag gamit ang phone number ni Raffy.
Agad akong pumasok sa emergency room ng hospital at nilapitan ang reception table nito. Tahimik lang din siyang nakasunod sa akin.
"Miss, may pasyente ba kayong Raffy Javier ang pangalan?"
May ch-in-eck naman agad ang nurse na nandito sa reception table yata. Isa-isa niyang tiningnan an mga clipboard na nakalatag sa harapan niya.
"Yes, Miss, he's on a third bed," sabay turo niya sa bandang kaliwa ko, kung saan ang mga hospital bed ng emergency room.
Nang lumingon ako roon, nakita ko kaagad si Raffy na nakaupo sa hospital bed at nakatingin na sa akin.
Malaking kaginhawaan sa pakiramdam ang naramdaman ko nang makita siyang nakaupo at walang grabeng nangyari sa kaniya.
"Thank you, nurse!" Nakangiti na ako sa Nurse nang magpasalamat ako sa kaniya.
Ewan ko ba! Sobrang nakaka-relief na hindi grabe ang nangyari sa kaniya. Lumapit ako kay Raffy at doon ko unti-unting nakita ang pasa niya sa mukha. Putok ang labi at dumudugo pa, may malaking pasa din siya sa may bagang niya at pisnge, pati sa mata. Pero halatang nalapatan na ng paunang lunas ang mga pasa at sugat niyang iyon.
"A-Anong nangyari sa 'yo?" Pero kahit na hindi naman grabe ang nangyari sa kaniya, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na mag-alala dahil sa mga natamo niyang pasa.
Mas lalong yumuko si Raffy at halos hindi na makatingin sa akin.
"Miss, are you related to the patient?"
Ay char, hindi ko naman alam na mga englishero at englishera pala ang mga nagta-trabaho rito sa St. Lukes. Char.
Ah punyemas, MJ! Ngayon ka pa talaga makaka-isip n'yan?
"Y-Yes, I'm MJ Osmeña, ako 'yong tinawagan kanina."
Tumango ang Nurse na iyon.
"Okay po, pakihintay lang po si Doctor Maravillas, parating na po siya para i-explain sa inyo kung anong nangyari kay Mister Javier."
"S-Sige." Ibinalik ko ang tingin ko kay Raffy na nanatiling tahimik habang nakayuko. Gusto ko siyang ratratin ng tanong pero inaalala ko rin ang mga sugat niya sa mukha.
Nakipag-suntokan ba siya? Kanino naman?
Suminghap ako nang makitang masiyadong namaga ang mukha ni Raffy.
"Oh, bay? Anong ginagawa mo rito?"
Napalingon ako sa kanan ko nang may nagsalita. Una kong nilingon si Darry na nasa may dulo ng hospital bed at mukhang may kausap kaya agad akong napalingon sa harapan niya.
Oh?
Automatic na napataas ang isang kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Isang beses ko lang siya nakita pero natatandaan ko pa ang mukha niya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at nang makitang naka-doctor's coat siya ay mas lalo akong nagtaka.
Doctor pala 'to? Hindi halata, ah?
~