Chapter 25.2: The Review (Part 2)

2759 Words
Tahimik akong lumabas ng review center. Keeping my identity lowkey para hindi na talaga ako maka-draw ng attention. That's the least I want to have right now: other people's attention.   Iisang attention lang naman ang gusto kong makuha as of this moment, e: ang makuha ang atensiyon niya.   Punyemas. Baliw na yata ako? O epekto nang makapigang utak na diagnostic testing kanina. Punyemas, maybe it's the latter.   Dala ko ngayon ang Trailblazer ni Darry at mag-isa lang ako at ako na mismo ang nag-drive. Ayoko nang mang-hassle ng ibang tao kaya kung kaya ko naman, gagawin ko na.   Mga bandang alas-sais ako nakalabas ng review center kaya agad akong naghanap ng makakainan. Parang gusto kong mag-shopping! Ilalabas ko lang ang stress na naramdaman ko kanina sa diagnostic testing. But before entering the mall, nag-text na muna ako kay Alice. Saying na sa mall na ako magdi-dinner.   After that, I locked my phone and enter the premises of the mall with my phone and my card holder in my hand.   Saan ba masarap kumain dito?   Ah! Alam ko na. Finestra Italian Steakhouse na lang. Parang nag-c-crave ako ng steak, e.   Pumasok nga ako sa isang Italian Restaurant dito sa mall. Tinanong agad ako ng waitress kung table for what ba. Siyempre, alangan naman sabihin kong good for two kahit na wala naman akong kasama.   Dinala ako ng waitress sa pinaka-sulok na parte ng resto, pero makikita pa naman ang view sa labas.   Tsk, por que mag-isa lang ako, kailangan ba talagang i-isolate ako? Punyemas, nakakapang-insulto, ha. Charot lang.   Binigyan ako ng menu. Isang pasada lang ng tingin at hindi ko na pinatagal, sinabi ko agad kung anong order ko. Ano bang kine-crave ko? 'Di ba steak? Edi steak nga ang in-order ko. Sinamahan ko lang ng iilang side dishes.   Umalis 'yong waitress na umasikaso sa akin para asikasuhin naman ang in-order ko.   Nakapanglumbaba akong nakamasid sa kabuuan ng restaurant. Inaaliw ang sarili habang hinihintay ang pagkain. Nagpa-serve na rin ako ng wine para may pinagkaka-abalahan ako while waiting.   Habang nasa ganoong posisyon, napansin ko ang pagpasok ng isang magandang babae sa entrance ng resto. Isang pamilyar na magandang babae. Pamilyar na pamilyar.   Oo nga pala! Punyemas!   Napa-ayos ako ng upo at sinundan ng tingin ang babaeng kapapasok lang sa resto.   Oo nga pala! Kumusta na kaya siya? Wala na akong naging balita sa kaniya. Kung anong naging reaksiyon niya at kung saan na siya napadpad. Bakit ba hindi ko inalam ang kalagayan niya? At kung anong naging reaksiyon niya sa pagpapakasal ng kaniyang ex sa akin? Ang alam ko lang, naghiwalay na sila. Pero paano at bakit?   Matinding paglunok ang nagawa ko nang isa-isang pumasok sa isipan ko ang pangamba. Ex-girlfriend siya ni Darry at nasa Manila rin siya. Nagkita na ba sila? Noong wala ba ako rito sa Manila, nagkita kaya sila?   Between me and her, mas matimbang ang nararamdaman nila sa isa't-isa dahil nagka-relasyon sila. Kami, ipinagkasundo lang. No feelings involved. Pero ang sabi ni Darry... mahal niya raw ako. Totoo ba 'yon? Dapat ko bang panghawakan 'yon?   Lumipat ako ng bangko, sa tapat lang ng inuupuan ko, 'yong nakatalikod ako sa puwestong inupuan ni Callie Dela Rama. Malayo naman siya at sa dami ng tao rito sa resto, imposibleng makita niya ako. Pero grabe na kung kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang makita siya. Hindi naman niya siguro ako nakita pero kinakabahan pa rin ako.   Sa buong oras kong pagkain at paglilibot, 'yon lang ang naging laman ng utak ko. Ang presensiya ni Callie Dela Rama! Nakalimutan ko siya! Nakalimutan kong meron nga palang girlfriend ang taong pinakasalan ko. Hindi na ako magtataka kung magagalit siya sa akin. Pero ang sabi ni Mommy Felicity at Daddy Gabriel, hiwalay na sila bago pa man kami ikasal kaya anong kinakatakutan ko?   Natatakot ako na baka... bumalik si Darry sa kaniya at iwan ako. Ganoon.   Kaya kinabukasan, tulala ako habang inaasikaso ang mga papeles ko for the board exams. Nakatulogan ko na't lahat, 'yon pa rin ang laman ng utak ko.   "Boss, okay ka lang ba?"   Nilingon ko si Aira at pagak na ngumiti sa kaniya.   "Oo, medyo nagkulang lang sa tulog."   Kasama ko ngayon si Aira para magpatulong sa pag-f-file. Madali lang naman daw kaso first time ko kaya nagpasama pa rin ako.   "Um, Boss, kanina ko pa napapansin..." Umayos ako ng upo at tiningnan si Aira. Nakaupo kasi kami sa waiting area ng PRC Manila, hinihintay namin 'yong huling step ng processing.   "Anong napansin mo?"   "May isang lalaki po kasi sa bandang kaliwa n'yo po, Boss, kanina pa po tingin nang tingin sa inyo. Baka kilala mo Boss?"   Walang pagdadalawang isip kong tiningnan ang bandang kaliwa ko. Medyo maraming tao rito sa PRC Office kaya naghanap pa ako ng isang mukha na nakatingin sa akin. Pero wala akong ibang nakita na pamilyar sa akin.   Maliban sa isang lalaking hindi lang pamilyar, kundi kilalang-kilala ko mismo.   "Wait for me here, Aira. Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko."   "B-Boss..."   Ibinigay ko ang hand bag ko kay Aira at hindi nag alinlangang nilapitan ang puwesto niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya, maski ang pagkurap ng aking mata ay hindi ko ginawa. Nag-iwas siya ng tingin sa akin and I saw that he shifted on his seat.   "Raffy!" Maligayang bati ko sa kaniya. "You're here!"   Finding a familiar face in this busy city of Manila ay sobrang nakakatuwa na. Lalo na kapag alam mong close friend mo 'yon.   "MJ..." Malamig na sambit niya sa pangalan ko. Mahina lang pero naririnig ko despite of the commotions around us.   Oo nga pala, hindi nga pala maayos ang huli naming pag-uusap na dalawa. Sana okay lang siya.   "Dito ka ba nagri-review? Dito ka rin kukuha ng exams?" I smiled again, ayokong isipin ni Raffy na apektado ako sa nangyari sa amin noong graduation day. Ang gusto kong isipin niya ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya.   Tumayo siya sa pagkaka-upo at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti pa rin ako kahit na medyo kinakabahan ako sa mga aksiyon niya.   Hinayaan ko siya sa ginagawa niyang pagsipat ng tingin sa akin hanggang sa tumigil ang tingin niya sa kaliwang kamay ko.   Punyemas. Oo nga pala. Nalaman kaya niya?   "So it's true that you're married?"   Punyemas. Sinasabi ko na nga ba.   Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sobrang seryosong boses ni Raffy na sinamahan pa ng seryoso niyang tingin.   "Grabe ka naman Raf! Ilang buwan tayong hindi nagkita, 'yan agad itatanong mo sa akin?" Naka-ngiting sabi ko para kahit papaano'y maramdaman niyang nagbibiro lang naman ako.   "Oo nga, MJ, ilang buwan tayong hindi nagkita, hindi mo man lang nasabi sa aming kinasal ka na pala pagkatapos lang ng graduation."   Back to you, MJ!   Napasinghap ako sa sinabi ni Raffy.   "Yeah, I got married." Kibit-balikat na sagot ko.   "Kaya pala ayaw mo sa akin dahil ikakasal ka na pala."   Ramdam na ramdam ko talaga ang bawat pait sa mga sinabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pa-simpleng tiningnan ang puwesto ni Aira. Nakatingin siya sa amin at may halong pag-aalala at pagtataka ang tingin niya.   "Do we really need to talk that here, Raf?" This place is an inappropriate place to talk about that. Maraming tao at abala ang lahat sa pag-f-file at iba pa.   Mabigat na buntunghininga ang ginawa niya bago siya nagsalita.   "Mag-lunch tayo. Tapos ka na bang mag-file?"   Nakahinga ng maluwag ang baga ko nang marinig ang malumanay na boses ni Raffy.   "Patapos na, hinihintay ko na lang ang NOA ko. Ikaw?"   "I'm done. Ikaw lang talaga ang hinihintay ko. I'll wait for you outside." Bago pa man ako makasagot, lumabas na siya ng PRC office at hinintay nga ako sa labas.   Binalikan ko si Aira na ganoon pa rin ang expression sa mukha.   "Wala pa ba?" Nakangiting tanong ko, ignoring her looks of questioning. Alam kong gusto niyang magtanong pero natatakot siya.   "M-Malapit na Boss, ikaw na yata ang susunod," sagot niya na tinanguan ko lang.   "That was my friend, college friend," panimulang sabi ko. "And sabay kaming magla-lunch after. Kaya sorry, Aira, kasi hindi kita masasamahan pabalik ng opisina."   "Po? Pero Boss ang sabi po ni Sir Darry dapat kasama po kita pabalik ng opisina."   Utos ni Sir Darry. Oo, inutusan din siya ni Sir Darry niya na samahan ako ngayon. Punyemas.   "Susunod ako sa opisina pagkatapos ng pananghalian namin. Mag-uusap lang naman kami, Aira."   "Okay po Boss."   Hindi na ako nakasagot kay Aira dahil tinawag na ang pangalan ko para ibigay na sa akin ang NOA o Notice of Admission. It serves as a ticket during the board exam. Kung wala ka nito, hindi ka makakakuha ng exams.   Bago pa man kami makalabas ng PRC office ay naghiwalay na kami ng landas ni Aira. Agad din siyang nagpaalam kahit ramdam na ramdam sa expression niya sa mukha na nag-aalinlangan siyang iwan ako.   "Who's that?" Bungad na tanong ni Raffy nang makalapit ako sa kaniya. Sinusundan niya ng tingin si Aira hanggang sa makalayo ito.   "My secretary. So, saan tayo kakain ng lunch?" Casual na tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid.   "Jollibee? Like the usual?" A sly smile crept on his lips kaya wala sa sarili akong napangiti sa kaniya.   "Sure!" Sagot ko naman. "Kaso saan? D'yan ba sa malapit? I saw one."   "Puwede rin."   "I have a car, sabay ka na sa akin?"   Tumango siya sa sinabi ko kaya iginiya ko siya papunta sa trailblazer ni Darry. Umupo siya sa front seat at ako naman sa driver's seat, siyempre. Dahil sa ngiti ni Raffy kanina, kahit papaano'y umaliwalas ang pakiramdam ko sa kaniya.   Paalis ako ng parking nang basagin niya ang katahimikan namin.   "Sa 'yo ba 'tong sasakyang ito?"   Bahagya ko siyang nilingon bago tuluyang itinoon ang atensiyon sa daan. Pa-simple niyang iginala ang tingin sa kabuuang interior design ng kotse.   "Nope. Pinahiram lang sa akin." Nag-turn left ako para mapuntahan ang Jollibee na sinasabi ni Raffy.   "Oh? Kanino? Amoy lalaki, a."   Halata ba talaga na panlalaki ang kotseng ito? Sabagay, ngayon ko lang ulit ito nagamit. Baka nagamit ito ni Darry no'ng wala ako kasi amoy pabango ng lalaki nga.   "Kay Darry," maingat kong sinabi kaya saktong nakarating kami sa parking lot ng Jollibee ay natahimik bigla si Raffy. Pinasadahan ko siya ng tingin at tulala lang siya sa dashboard ng kotse. Inayos ko ang pagkaka-parking sa kotse at inayos na ang sarili. "Tara na?" Pinilit kong ngumiti kahit hindi na nakangiti si Raffy.   Suminghap muna siya bago lumabas ng kotse na sinabayan ko naman.   Nakasunod lang ako sa kaniya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng store. Agad siyang dumiretso sa counter before turning his face on me.   "Ako na ang mag-o-order, find a place for us."   Tinanguan ko ang sinabi niya at agad akong naglakad para maghanap ng mauupuan. Masiyadong maraming tao sa first floor kaya naisipan kong sa second floor na maghanap.   Pinili ko ang pinaka-sulok na parte ng kainan. Hindi kasi katulad ng sa first floor, kaonti lang ang nasa second floor. Siguro dahil past lunch time na at kaonti na lang ang nananghalian.   Matiyaga kong hinintay si Raffy kaya nang makita ko siyang papalapit na sa table namin dala ang order. Usual order namin ito kasi madalas din kaming kumain sa ganitong fast food chain no'ng college days.   Tahimik kaming kumain na dalawa. No one dared to speak a word while munching our own foods. After a few minutes of minding our own foods, Raffy finally broke the silence.   "Kumusta ka na?" Tanong niya habang umiinom sa iced tea niya.   Pinahiran ko muna ng tissue ang bibig ko bago ako ngumiti sa kaniya.   "I am fine! Ikaw? How are you, Raffy?" Sinserong tanong ko.   "You said you have a secretary, may trabaho ka na?"   Wala sa sarili kong binasa ang labi ko nang hindi sinagot ni Raffy ang naging tanong ko. Bagkus, iniba niya pa ito.   "Yeah. Not literally a job. Ako kasi 'yong acting CEO ng company nina Papa for the past two months pero not now kasi bumalik na sila Papa sa trabaho so basically I am jobless right now." Dinaan ko pa sa tawa ang huling sinabi ko.   "So... Darry Lizares is your husband?" Matinding lunok ang nagawa ko at hindi tiningnan si Raffy. Masiyado siyang seryoso sa boses niya! "Why him, MJ?"   Gulat akong napa-angat sa kaniya ng tingin.   "Why him?" Nagtatakang tanong ko.   "Nagsinungaling ka sa akin, MJ, 'di ba? Ang sabi mo, hindi mo pa alam kung sino sa mga Osmeña ang ipakakasal sa mga Lizares? Pero ang totoo, alam mo! Alam mo na ikaw."   Natameme ako sa sinabi ni Raffy. Literal na natameme.   "N-Nasabi ko 'yon?" gulat pa rin sa sinabi niya. Did he asked me about the engagement ba? Nakalimutan ko, punyemas!   He sarcastically laugh at me and glance at the view outside. Mas lalo akong napalunok nang makumpirmang nasabi ko nga yata, base sa naging reaksiyon ni Raffy.   "If I ever said that, I did it to hide it kasi gusto kong hindi ako mabulabog, kapag nalaman ng iba na ako 'yon, hindi na matatahimik ang pag-aaral ko," depensa ko naman nang maka-recover sa pagkagulat.   "Bakit ang mga Lizares, MJ? Bakit hindi ang mga Javier?"   What?   Hindi pa nga tuluyang nakaka-recover sa unang sinabi ni Raffy, nadagdagan na naman ako ng pagtataka sa sinabi niya.   "Anong ibig mong sabihin?"   "Isa sa mga pamilyang nanligaw para matulungan niyo sa pagkakalugmok ay ang mga Javier, MJ, negosyo ng pamilya ko. Law Firm ni Dad!" Ano? "Lugmok din naman ang mga Javier, MJ, pero bakit ang Lizares ang napili ninyo?"   Napaawang ang bibig ko. Gulat na gulat sa mga nalaman kay Raffy. Oo, alam kong maraming pamilya ang gustong maikasal sa akin pero hindi ko inalam kung sinu-sino sila lalo na noong nalaman kong ang Lizares ang napili ng mga magulang ko. Hindi ko alam na kasali ang mga Javier doon!   Gusto kong magsalita pero pino-proseso pa ng utak ko ang mga nalaman. Punyemas.   "K-Kasali ang pamilya mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" At sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas para makapagsalita.   "Kaya nga sising-sisi ako nang malamang ikaw ang ipakakasal ng mga Osmeña sa mapipiling pamilya. Hindi ko inalam, hindi kita tinanong. Kaya sising-sisi ako!" Bahagya kong iginala ang tingin sa paligid namin nang tumaas bigla ang boses ni Raffy. Mabigat ang naging buntunghininga ko. Hindi alam kung anong sasabihin. "Ako dapat ang ipakakasal sa 'yo, MJ, e. Ako sana. Kung binigyan n'yo ng pagkakataon ang mga Javier. Bakit ba kasi ang mga Lizares? Mayaman na sila, hindi nila kailangan ng tulong ng ibang kompanya kaya bakit sila?"   Hindi ko alam kung paano aluin si Raffy. I don't know what jargons to say. Wala akong alam sa ganito. Napatitig ako sa kaniya. Naghahanap ng mga salitang puwedeng sabihin. Paano ba 'to?   "R-Raf, wala akong alam. Kung nalaman ko lang, baka sakaling nagawan ko ng paraan, baka sakaling natulungan namin ang pamilya n'yo. Raf, wala akong alam kasi hindi ko rin naman inalam. Mama and Papa didn't mention it to me. About the Javiers," depensa ko nang makahanap ng mga salitang sasabihin.   "Kung nalaman mo ba na kasali sa pagpipilian ang mga Javier, may chansa ba na magugustohan mo rin ako sa paraan na gusto ko, MJ? May chansa ba na ako sana ang asawa mo ngayon? May chansa ba na tayong dalawa ang masaya ngayon?"   Natameme ulit ako. Punyemas.   Humugot ako ng malalim na hininga at maingat na tiningnan si Raffy sa mga mata niya.   "Siguro..." Pa-unang sabi ko habang nakatingin lang sa kaniya. "Pero hindi rin tayo magtatagal Raf, hihiwalayan din kita lalo na kung lumalago na ulit ang negosyo n'yo kung sakaling tayo man ang ipakasal. Hindi rin tayo magiging masaya," nakangiti sabi ko kahit napakahirap na itong sabihin sa mismong kaibigan ko. "Kaya siguro hindi ko nalaman nang mas maaga kasi para isalba ka sa sakit. Kasi kapag sa akin ka ikinasal, masasaktan ka lang, Raf. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang nasasaktan ang mga kaibigan ko. Kung puwede lang saluhin lahat ng sakit na naramdaman mo, Raf, ginawa ko na. Pero hindi, e. Hindi... kasi ako mismo nag-cause sa 'yo ng pain. Raf, pasensiya ka na talaga, hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo. Isa ka sa pinakamatalik na kaibigan ko sa college, marami na tayong memories together and ayokong ibasura 'yon dahil lang umamin ka sa akin. Trust me, Raf, ayoko kitang saktan pero kailangan, e, para mas masalba ka sa mas malaking sakit. Kaya please? Tama na?"   ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD