Chapter 14.2: 23 Days Before The Engagement (Part 2)

3058 Words
More than two weeks before the graduation day and the engagement party, hindi pa rin ako pinapasali nina Mama at Papa sa paghahanda ng engagement party at mismong wedding. Hinayaan nila akong abalahin ang sarili sa nalalabing araw sa school.   It's fine with me though. Mas mabuti siguro 'yon. Ayokong ma-stress, ayokong ma-attach sa preparation.   Nasa department store kami ni Sonny ngayon. Bibili ulit ako ng panyo. Schedule talaga naming magkita ngayon kaya I make use of his time by shopping anything.   Matapos ang coffee session namin ni Darry, hindi ko na nagawang i-confront si Sonny tungkol sa convention nila. Nawala lang sa isipan ko kaso siya na mismo ang nagsabi sa akin right after niyang makauwi. Monday night.   Sa pamimili ko ng panyo, napalayo yata ako kay Sonny kasi no'ng pag-angat ko, wala na siya sa tabi ko. So, I need to gala-gala my eyesight to see where he is.   And there... I saw him at the baby's section... with whom?   Medyo malayo ang stall ng mga panyo sa baby's section. Nasa SM kami ngayon, wala sa Robinsons kaya may kalayuan. Pero naaaninag ko naman ang puwestong iyon. Nahalata ko lang maman si Sonny dahil sa buhok niya sa batok kasi nakatalikod siya sa puwesto ko. Halata ring may kinakausap siya, hindi ko lang maaninag kasi malaki ang katawan niya at natatabunan niya ang kung sino man 'yon.   Bitbit ang tatlong set ng iba't-ibang design ng panyo, dahan-dahan at maingat akong naglakad papunta sa baby's section. Medyo nag-move pa ako pa-side para maaninag talaga ang kung sino man ang kausap niya.   Nang mga dalawang dipa na lang ang layo ko sa kaniya, doon ko tuluyang nakita ang kung sinong kausap niya.   Hindi lang pala sino, kundi sinu-sino.   "Sonny? Darry?"   Nagpalipat-lipat lang sa dalawa ang tingin ko, hindi man lang pinasadahan ng tingin ang isa pang kasama nila.   "M-MJ! Tapos ka na? Tara na!" Bigla siyang lumapit sa akin at marahan akong hinawakan sa siko para pumunta na sa counter.   "Teka... si Darry 'yon, 'di ba? I want to say hi."   Gusto kong lumingon pero masiyadong matigas ang katawan ni Sonny para sundin ang gusto ko.   "No need, it's not yout obligation to say hi everytime you see him."   Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa counter.   "Kapatid mo 'yon, dapat lang na mag-hi ako sa kaniya, Sonny," mariing sabi ko sabay pasada ng tingin sa pinanggalingan namin... pero wala na sila. "At magkaibigan ba sila ni Ayla? Bakit sila magkasama?"   Tiningnan ko si Sonny para sa sagot kaya kitang-kita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mata.   "Kilala mo si Ayla? May sinabi ba siya sa'yo?"   "Huh? Oo, kilala ko siya kasi kaibigan siya ni Raffy. At saka wala naman siyang sinabi sa akin, hindi nga ako pinapansin no'n, e," kinuha ko ang plastic na may laman ng pinamili ko at ang card. "Or baka naman nandoon lang si Ayla kasi mamimili ng damit para sa baby niya? Ang sabi kasi ni Raffy, buntis siya, kaya baka nandoon. So, anong ginagawa ni Darry doon sa baby's section?"   Nagsimula akong maglakad palabas ng department store para makapag-hapunan na kami.   "Don't mind that, MJ."   "Buntis ba si Callie? Bakit nandoon si Darry sa baby's section? Kasi imposibleng magkasama sila ni Ayla. Mukhang hindi naman sila magkakilala."   What the s**t? Teka, kaya ba wala na akong balita sa kaniya nitong mga nakaraang linggo?   Is she... pregnant? With Darry's baby? What the s**t?! No!   Anong, no, MJ?   "I said stop thinking about it, MJ, it's a waste of time!"   Hell. No.   Napatigil ako sa paglalakad dahil sa mataas na boses ni Sonny. Pa-simple kong iginala ang tingin ko sa paligid at may iilang napapalingon na sa aming dalawa.   Tumaas ang isang kilay ko.   "Fine. You don't need to shout," defensive kong sabi bago tuloy-tuloy na naglakad papasok ng Cabalen.   Hindi ko pinansin kung nakasunod ba si Sonny o hindi, ang gusto ko lang ay makaupo sa isang kainan at kumain ng hapunan. That's all.   Dire-diretso ang naging lakad ko hanggang sa tuluyang makapasok... at matigilan.   What the s**t?   Now, I just punyemas confirmed it.   Sitting on a table for four near the glass wall is the bastard in his manbun and specs with the pregnant high school classmate of my engineering friend, Raffy. Yeah, MJ, so much for thinking na hindi sila magkakilala.   "We'll find another resto, MJ, 'wag tayo rito."   Nanatili akong nakatayo, naka-crossed arms, at nakatingin sa nag-uusap sa 'di kalayuang table.   "Bakit tayo kakain sa iba? Nandito kapatid mo, o, dito na lang tayo kumain."   I tried my very best not to sound sarcastic.   Bago pa man niya ako mahawakan sa braso o siko ay naglakad na ako palapit sa table nila.   "Hi, Ayla, Darry, can we join?"   Sabay silang napalingon sa akin nang batiin at ngitian ko sila. Parehong gulat ang mga expression nila sa mukha. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagtingin nila sa likuran ko.   I sighed heavily.   There is something going on between them. I want to tell myself... they're only friends, magkakilala lang sila. Pero paano? What are the circumstances para maging magkaibigan sila? Bakit nakikipagkita ang isang babaeng buntis at may boyfriend sa isang lalaking may girlfriend na? Bakit nga ba?   Unless... punyemas, MJ? Punyemas 'yang utak mo!   "I don't like it here, MJ, let's eat at Gilligan's instead," pinipilit pa rin ako ni Sonny.   Sige Sonny, isa na lang talaga, iisipin kong kasali ka sa kanila at may tinatago kayo.   "I want it here, Sonny, dito na lang tayo," at bago pa man ako kaladkarin ni Sonny palabas ng Cabalen ay umupo na ako sa espasyong katabi ni Ayla. Katabi mismo ng glass wall ng resto.   Ilang segundo pang nakatayo sa gilid si Sonny bago niya tuluyang inupuan ang bangkong kaharap ko at katabi ng kapatid niya.   "Have you ordered na ba? It's my treat, since naki-share kami ng table sa inyo. I'm not interrupting something naman, 'di ba?" Inosenteng tanong ko.   Pinasadahan ko pa ng tingin ang dalawa. Si Ayla ay nakayuko lang habang hawak ang tiyan. Si Darry ay umayos nang pagkakaupo at tumikhim. Tiningnan ko rin si Sonny na mariing nakatingin naman sa akin.   Nilapitan kami ng waiter and I said my orders and ganoon din sila kahit na halatang tipid na tipid ang pagkakasabi nila.   Nang makaalis ang waiter, umayos ako nang pagkakaupo.   "Hi, Ayla! How's your baby? We bump with each other again, sana naman pansinin mo na ako ngayon, kaibigan din naman ako ni Raffy," sinsero kong sabi sa kaniya.   Nilingon ako ni Ayla. Halatang-halata sa mukha niya ang awkwardness. I'm not supposed to feel anything pero hindi ako ganoon ka-ignorante para hindi malaman kung anong nararamdaman ng isang tao.   "H-Hi, MJ."   Ngumiti nga siya, hindi naman umabot sa mga mata niya.   "Magkakilala pala kayo ni Darry?"   Panandalian kong nilingon si Darry na naabutan ko pang lumingon sa kapatid niya kaya wala sa sarili akong napalingon din sa kapatid niya.   Isa na lang talaga. One last punyemas hint.   "U-Uh, na-nagtatrabaho kasi ako sa milling nila kaya ma-magkakilala k-kami," hindi pa rin makatingin sa mga mata kong sagot ni Ayla.   Nagkibit-balikat ako.   "Oh, that makes sense. Okay... kaya  ba magkasama kayo ngayon? For work purposes?"   I am still trying not to burst my bubble of sarcastic. Trying so punyemas hard.   "MJ!" Sonny snapped.   "What? I'm just asking lang naman, bawal ba? Nagtataka lang kasi ako, e, bawal ba talaga Puwede namang diretsahin ako kung bawal malaman ang rason."   "We need to discuss something, MJ," kalmadong sagot ni Darry kaya napatingin ako sa kaniyang mga mata. Ako na mismo ang umiwas ng tingin, hindi ko kaya.   "Anong idi-discuss n'yo? Tungkol ba sa baby niya?" Sabay muwestra sa tiyan ni Ayla.   "MJ!" Sonny snapped again but I ignore it.   "Bakit nga pala kayo magkasama kanina sa department store? Bibilhan mo ba siya ng mga gamit pambata?" I added.   "MJ, stop it!" Sonny again.   "On the other day, nakita rin kita, Darry, sa department store namimili ng damit pambata. Para ba sa kaniya 'yon, Darry? Are you the father of her child?"   "I said stop it, MJ!"   A slam on the table made me stop.   I knew it. There is something wrong with this.   Padarag akong tumayo sa kinauupuan ko.   "Uuwi na ako. Enjoy the dinner," at kumaripas na ako ng takbo.   Whoever chase me, bahala kayo r'yan. Ang gusto ko lang ay ang makalayo.   May mali talaga. May mali sa kanilang tatlo. Sasabog na yata ang utak ko kung aalamin ko pa kung ano. Tama na siguro 'yon, na nalaman kong may mali. Maski ang mga pinagsasabi ko kanina, ayokong kumpirmahin ng kahit na sino sa kanila.   Ayla who's silently crying beside me while I bombarded her with questions na normal lang naman.   Darry who coldly answered my questions and being with Ayla na hindi ko makita ang rason kung bakit sila magkasama. It's beyond office hours kaya bakit sila magkasama? Bakit, Darry?   And Sonny for trying everything to stop me from seeing them, joining them, and asking them.   What the s**t is going on between them?   I run, as fast as I can. Sumakay ako ng taxi para mabilis ang pagdating ko sa terminal ng bus.   Uuwi ako sa amin, hindi ko kayang manatili sa condo. Gusto kong umuwi. Gustong-gusto ko.   Ang bigat-bigat sa puso. Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa utak ko ang nalaman... nakabuntis si Darry sa isang trabahador ng milling nila? Bakit ang sabi ni Raffy may boyfriend si Ayla? Imposibleng si Darry ang ama. Darry has Callie. At saan naman maipapasok si Sonny sa picture kung totoo ang iniisip at hinala ko? Anong papel ang ginagampanan niya sa dalawa? Tinatago ba nila kaya ganoon ang mga naging reaksiyon nila? Kung tinatago, bakit nagmo-mall? Bakit sa mall nagkikita? Kung tinatago, dapat sa hotel, sa liblib na lugar, sa walang tao, kaya bakit sa mall?   Bakit. Ba. Big. Deal. Sa. Akin. Ito?   Nasa terminal na ako nang may napagtanto. Dahan-dahan akong umupo sa mga benches.   Bakit nga ba ako apektado? I shouldn't. Hindi naman si Darry ang pakakasalan ko, kundi si Sonny. Si Engr. Edison Thomas Lumayno Lizares! Ang pang-lima sa Lizares brothers. Si Sonny na single. Si Sonny na walang sabit. Kaya bakit?   E, ano ngayon kung si Darry ang ama? Dapat si Callie ang nasasaktan. Dapat si Callie ang apektado. Pero bakit parang unti-unting gumuho ang pader na pinapatayo ko... para kay Darry?   Ang gulo! Ang gulo-gulo! Punyemas! Sabi ko si Sonny lang. Kay Sonny lang. Dapat si Sonny lang! Kasi si Sonny, walang girlfriend. Kasi si Sonny, walang sabit. Kasi si Sonny, walang masasagasaan. Kasi si Sonny, may gusto sa'yo. Kaya dapat si Sonny lang! Si Sonny lang, MJ! Parang awa mo na.   Sana... I should have sticked with what I believed in... The Lizares are untouchables. I shouldn't touched them. I shouldn't agree with it. Sana pala tumutol ako, naghanap ng ibang pamilya. Sana.   But it's punyemas late! Too damn late! I don't want to burst my parents bubble of happiness and contentment. Ayoko.   I sighed very hard and relaxed myself a bit by watching the buses take off to their own destinations. Madilim na, kumukulo na ang tiyan ko pero hindi ko alintana. Anong oras na ba?   I stayed there for another couple of hours until the lights of terminal dimmed. Nang maramdamang okay na ako, unti-unti akong tumayo at naglakad papunta sa labas para makasakay ng jeep na dumadaan sa O Residences. Mabuti na lang at twenty-four seven and biyahe ng Bata-Libertad na routa, makakasakay pa ako.   After I payed for the fare, I glanced at my wrist watch. 11:10 PM. I sighed again.   Pang-ilang buntonghininga ko na ba ito sa gabing ito? Hindi ko na mabilang, napapadalas na yata. Parang ngayon ko kailangan ang bakasyon.   Habang nasa biyahe, I mentally memorized my schedule for the next couple of days. Mukhang free pa naman ako, hindi pa naman start ng graduation practice, so I think a vacation is not a pain in the ass?   Pumara ako nang nasa tapat na ako ng building. Panandalian kong pinasadahan ng tingin ang paligid, nagbabakasakaling may sumunod sa akin na isang pamilyar na kotse.   Pero wala.   Bagsak ang balikat, umakyat ako sa condo ko. Hanggang sa natulugan ko ang pag-iisip.   ~ Kinabukasan, nagising ako sa isang matinding vibration ng phone.   Naaalimpungatan pa, kinapa ko ang kama ko kung saang sulok ko nailagay 'yon kagabi. Nang makapa, pikit-mata kong tinanggap ang tawag.   "Anong atin?" I said in a husky voice. Bakit ba? Bagong gising, e, kaya dapat husky!   "Thank heavens you answered!"   Nadilat ko ang isang mata ko nang marinig na boses ng lalaki ang sumagot.   "Sino 'to?" Medyo naiirita kong tanong. Inaantok pa ako!   "Tingin-tingin din sa caller ID, Osmeña!"   "Raffy?" Kung kanina, isang mata lang ang naidilat ko, ngayon dalawa na. Napikit ko pa ulit kasi nabigla sa liwanag ng kuwarto. Hindi ko pala nasarado ang bintana kagabi kaya ayon, ang liwanag ng kuwarto ko. "Ba't napatawag ka?"   "Kagabi pa kita tinatawagan! Ring lang nang ring hanggang sa hindi na nagri-ring. Anong nangyari sa'yo?"   Umayos ako sa pagkakahiga at inaalala ang ginawa ko kagabi sa phone ko. Ch-in-arge ko 'to kagabi bago ako matulog dahil na-dead batt ito nang i-check ko pag-uwi.   "Ba't ka nga napatawag?" Medyo iritado kong tanong, atat malaman ang rason.   "Nandito ako sa labas ng unit mo. Kain tayo!"   I huskily groaned on what Raffy said.   "Ang aga mo naman!"   Dahan-dahan akong tumayo. Binalanse muna ang sarili bago naglakad palabas ng kuwarto.   "Anong maaga? Alas-diyes na! Brunch na nga lang kainin natin."   Ngayon, papuntang pintuan naman ang tungo ko.   In-end ko na ang call at pinagbuksan si Raffy. Alam kong magulo pa ang pagmumukha ko pero wala akong pakialam. Nakita na rin naman ako ni Raffy sa bagong gising state ko so, what's new?   "Sabog na sabog, a? Nag-party ka ba kagabi nang hindi sinasabi sa'min?"   Nang makapasok si Raffy, agad akong dumiretso sa ref para kumuha ng tubig para inumin, alangan namang kainin.   "Ipagluto mo na lang ako, Raf, tinatamad akong lumabas, e," sabi ko habang umiinom.   Nakasunod na rin siya sa kusina.   "May dala ako, ito na lang kainin natin," sabi niya sabay lapag sa mga supot ng isang kilalang fast food chain na dala niya sa lamesa na ngayon ko lang napansin.   Sumandal ako sa ref at inayos ang robe na suot ko, hawak pa rin ang baso at nakatingin sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga pagkain. Pinabayaan ko na, alam na naman niya ang gagawin, e. Siya ba naman maging tambay ng condo ko.   "Anong sadya mo nga pala rito?"   Medyo nagbabalik na sa normal ang sarili ko. Hindi na inaantok, hindi rin naman masiyadong energetic para simulan ng masaya ang araw na ito.   "May problema ka ba? There's a phot of you na nagsi-circulate sa Facebook."   I'm not new to this kind of issue. Matagal nang may nagpi-picture sa akin tapos kakalat sa f*******: tapos ipapakita sa akin ng mga kakilala ko kasi nga wala naman akong f*******: account.   "What kind of picture? Nude ba?" Pagbibiro ko pa. As if I sent some nude photos to someone nor took some shots of myself. Like duh, mamamatay nga akong virgin!   "Oo, e!" Pa-iling iling pa na sabi niya kaya natawa ako.   "Gago! Ano nga?"   May kinuha siya sa bulsa ng pants niya at inilapag sa lamesa at itinulak palapit sa akin.   "Check mo sa GC naming boys, s-in-end ni Joemil 'yon, e."   Binuksan ko ang phone ni Raffy at dumiretso ako sa messenger niya. Agad kong nakita ang group chat na sinasabi niya. Dapat kasali ako kaso wala nga akong social media accounts except Skype kaya hindi ako kasali.   Kahit wala ako no'n, I know how it works kaya dumiretso ako sa mga shared photos ng group chat. Cl-in-ick ko ang recently shared sa GC.   Isang screenshot.   May nag-take ng picture ko at p-in-ost sa f*******:. It was photographically beautiful. Parang nasa isang photoshoot or music video. Naka-side view ako, nakaupo sa bench ng terminal at tulala. I am alone pero kahit naka-side view, makikita sa angle ng mukha ko na malalim ang iniisip ko, na meron talagang bumabagabag sa akin.   Nag-swipe ako at nakita ko rin sa shared photos ang original picture. Doon, klarong-klaro na ako talaga 'yon. Nakahawak pa ako sa strap ng sling bag ko habang nakatanaw sa malayo, na sa pagkakaalala ko ay sa mga yellow buses ng terminal. Para talaga siyang photoshoot dahil sa pagkaka-edit ng photo.   Ibinalik ko sa screenshot photo. May caption ito na "Aesthetically Endangered" at ang nag-post nito ay may pangalan na Cyrus Photography. I checked the number of likes, comments, and shares. Kaonti pa lang pero nakita ko sa screen na one minute ago pa lang nang i-screenshot ito nang kung sino man.   "Can I see the real post?"   Ibinalik ko kay Raffy ang phone niya.   After a few seconds, ibinalik sa akin ang phone niya para ipakita sa akin ang real post. Cyrus Photography is a f*******: page pala.   Pagkakita ko sa post, marami na ang reactions. Pinakamarami ang heart na sinundan ng sad then wow. From what I am seeing right now, meron itong 29, 650 reactions, 11, 745 comments, and 16, 270 shares and still counting. As in wow!   The caption is now edited kaya I read it silently.   'Aesthetically Endangered.   To Ms. MJ Osmeña,   I'm sorry if I took your picture without your permission. I was just amaze of how expressive you were that night. One face, two eyes, with hundreds of overflowing emotions. Whatever you're up to, I hope you can do it. You are so beautiful and at the same time it looks like you're in a harm situation. Thus, aesthetically endangered.   P.S. I was told (and also kind of researched) that you don't have any social media accounts but I do hope you'll be able to see this one. It will be my pleasure if you do. I also hope that I can photograph you soon. God bless, Ms. MJ Osmeña.'   I left a comment using Raffy Javier's account.   'To Cyrus Photoraphy: This is MJ Osmeña and thank you so much for the appreciation. I do hope we'll see each other soon and will be able to acquire a clearer and bigger copy of that shot. It is indeed beautiful! It feels real. You are so good! God bless, Cyrus Photography!   ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD