Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.
I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week.
Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Punyemas naman, Sonny!
Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga?
Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro sa mga plano nila sa nalalapit na election at ang pagtatapos ng term ni Tito Sally.
"So, how's the preparation for the merging and the wedding, MJ?"
And I snapped. Para akong naibalik sa earth nang tawagin ni Tito Sally ang pangalan ko.
"P-Po, Tito? Hindi ko pa po alam ang mga details, Tito, nagpo-focus pa po kasi ako sa graduation ko po and after that, I'll be hands on with it, but it will always depends if Mama will allow me."
'Yon lang ang naging usapan tungkol sa kasal, hindi na ulit nasundan dahil nasa ibang topiko na sila. Feeling ko rin na sinusubukan ng magkapatid na ilayo ang topiko sa kasal namin ni Sonny.
Kasal namin ni Sonny... Talagang ikakasal na kami.
Matapos ang tanghalian ay agad nagpaalam si Vad. Wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya dahil siya naman talaga ang kasama ko ngayon. Magalang na nagpaalam ako sa kanilang apat.
Nakatayo lang kami malapit sa lamesang pinaglagyan ng mga blueprint. May tent naman kaya hindi masiyadong mainit. Nakatingala si Vad sa building at eksaheradong bumuntonghininga.
"So... Engineer Sonny is it?"
"Yes..." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa isang worker na nagmamasa ng semento gamit ang pala.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min?"
"I didn't tell anyone kasi ayokong mabulabog ang huling taon ko sa college," explanation ko. "And it was said na hindi sasabihin sa ibang tao until the engagement party."
"But why did Tito Rest tell Dad?"
"I don't know. Baka pinagkakatiwalaan ni Papa si Tito Sally, after all, they're good friends."
"Aren't we, MJ?"
Punyemas.
Mariin kong itinikom ang bibig ko dahil sa sarkastikong pagkakasabi ni Vad no'n. May halong hinanakit.
Tama nga naman, MJ, bakit nga ba hindi mo sinabi sa kanila? Hindi mo ba sila trusted friends?
"Gaya ng sabi ko, Vad, gusto ko nang matiwasay na buhay bago ang engagement party kaya wala ako ni isang sinabihan. Sasabihin ko naman talaga sa inyo, kaso naghahanap pa ako ng saktong panahon para sabihin sa inyo. Alam ko kasing magugulat kayo."
Malalim ulit siyang bumuntonghininga.
"Look, MJ, hindi naman talaga ako galit dahil hindi mo sinabi sa amin na si Sonny pala. Nagtatampo lang ako dahil kaibigan mo naman kami, bakit hindi mo magawang sabihin? Just a drop a name and don't explain, we'll understand it anyway."
"Hindi ko masabi sa inyo kasi maski ako, hindi ko rin maintindihan. Like what I said, gusto kong umiwas sa issue ng mga Lizares, gusto kong sa tuwing may issue sila ay hindi ako nali-link, hindi ako nadadawit, kasi alam kong once nalaman ng lahat na ipakakasal ako sa kaniya, kahit anong gawin ko, madadawit at madadawit ako. Gusto kong mag-aral nang matiwasay. 'Yon lang, Vad, 'yon lang."
Malungkot akong tiningnan ni Vad at hindi ko malaman kung bakit naging ganoon ang expression ng mukha niya.
"Sigurado ka na bang magpapakasal ka kay Sonny?"
Napa what-the-s**t-are-you-talking-about Vad ako. Isang malaking question mark na yata ang nakadagan sa mukha ko ngayon dahil sa pagtataka.
"It doesn't matter if I'm sure or not. It's my parents decision so I can't say no to that. You know that, Salvador."
Eksaherado ulit siyang huminga at mataman akong tiningnan sa mga mata.
"A-Alam mo na ba?"
Bigla akong nagtaka.
"Ang ano?"
"Tungkol kay Sonny."
"Anong tungkol kay Sonny?"
Sige, Salvador the fifth, mambitin ka't ibibitin din kita patiwarik!
"I know you don't do social media or check on them but I guess sana by now, alam mo na?"
Ah, punyemas!
"Ang ano nga, Salvador the fifth?" Nauubosang pasensiyang tanong ko.
"Engineer Montero, pinapatawag ka ng Daddy mo."
Oh, punyemas!
Sabay kaming napasinghap at umiwas ng tingin ni Vad sa isa't-isa nang marinig namin ang isang pamilyar na baritonong boses.
"I'll be back, MJ," ani Vad.
"Aalis na rin naman ako mamaya. Baka bago ka makabalik."
"Okay, see you," huling narinig ko sa kaniya bago siya nawala sa pandinig at paningin ko.
Nakaharap pa rin ako sa building. Pinagmasdan ko ang mga workers na abala sa kani-kanilang gawain. May ibang nagmamasa ng semento, may ibang nagpupukpok, may ibang nagpipintura, may ibang nagbubuhat, may ibang nagpapahinga muna.
I heavily sighed.
Paano ko kaya sasabihin sa iba kong kaibigan? Hihintayin ko pa ang engagement party o sasabihin ko na sa kanila ngayon din? Baka katulad ni Vad, sa iba pa nila malaman. Siguro kailangang sabihin ko sa kanila sa lalong madaling panahon. Pero paano? Magiging abala pa ako sa mga susunod na linggo dahil sa graduation. Paano?
I sighed again and slowly remove the hard hat. Inilapag ko ito sa katabing table at pinagmasdan ulit ang building.
"Do you want to have coffee?"
Punyemas kang demonyo ka!
Punyemas! Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita mula sa likuran ko. Punyemas! Nandito pa pala siya? Akala ko ba sumabay na siya kay Vad paalis?
Padarag akong lumingon sa likuran ko at kunot-noo siyang tiningnan.
"N-Nand'yan ka pa pala?"
"Uh... yeah," kibit-balikat na sagot niya. He's still on his same outfit and gesture - hands on his pocket.
"B-Bakit tayo magkakape?"
"To calm you?"
Ha? Bakit? Halata ba sa mukha kong hindi ako kalmado?
"Si Callie? Nasaan nga pala si Callie?" Pilit iniiba ang usapang sabi ko. Pilit pinapakalma ang sumasabog na sistema ko.
How could you...
"Bakit ang hilig mong hanapin ang mga taong wala?" And then he smirked. Pero walang humor ang pagkaka-smirk niya. It was a sarcastic smirk. "Let's go. My treat, sa Pinch."
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko namalayan ang sarili kong nakasunod na pala sa kaniya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa isang cafe na nasa tabi lang ng police station. Hindi naman malayo at walking distance lang kaya naglakad na kami and kung susuwertehin ka nga naman...
"O, MJ, Darry? May in-laws bonding ba kayo?"
Kung susuwertihin ka nga naman... nakasalubong mo pa ang pinsan mong maloko pero naging sindikato, ay este, police.
"Magandang hapon, SPO2 Osmeña."
Huminto si Darry para batiin ang pinsan kong police. Nakipagkamayan pa nga siya.
"Magandang hapon din, Darry!" Bati rin niya.
Bahagya akong lumapit sa kaniya at nakipag-beso. "Hi, Kuya Clee."
Dazzling on his police uniform, standing right in front of us is Police Senior Master Sergeant Cleeopeter Armen R. Osmeña o mas kilala ng lahat na SPO2 Clee Osmeña. Yes, the Clee Osmeña.
"Join us, Kuya Clee, magkakape lang sa Pinch," offer ko sa kaniya, umaasa na sana sumama nga para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Yes, SPO2, join us."
"Oh, thanks for the offer but I can't. Aside sa duty ko ngayon, kailangan ko munang puntahan ang rotunda para makita ang trapiko roon," he then tap my head. "You two can go."
Kuya Clee! Sama ka na kasi!
Teka, bakit ba kasi ako sumunod sa kaniya? Puwede naman akong tumanggi, a? Bakit ba? Gusto mo ba?
Oo. gusto ko... gusto kong magkape, libre raw o!
Nagpaalam na nga si Kuya Clee at sumakay na sa police patrol along with the other policemen. Kami naman ni Darry ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa Pinch. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tahimik akong pumasok sa loob.
"Iced coffee lang akin. Thanks," simpleng sagot ko sa kaniya habang naghahanap ng lamesa. Siya naman ay dumiretso sa counter.
Habang naghihintay sa kaniya sa napili kong table ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Ewan! Sumasabog na naman ang lahat ng sistema ko sa katawan. Hindi ko alam. Nakakakaba na nakakapanatag na nakakasaya. Pinaghalong fireworks, granada, at sinamahan pa ng nuclear bomb. Sunod-sunod na nagsisabogan. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, nakatayo pa ako at buhay pa kahit na sa loob ko ay grabeng giyera na ang nararamdaman ng sistema ko. Buhay pa ba talaga ako? Ako ba talaga si MJ Osmeña? The Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña na walang nararamdaman? Na dapat walang maramdaman? Bakit ngayon, sari-saring pakiramdam ang nadarama ko?
Ang nangunguna sa listahan: kasiyahan.
Punyemas! Bakit ako masaya? Hindi naman siguro bawal maging masaya? Wala rin naman akong rason para malungkot.
"I added cheezy bacon, is that okay with you?"
Sa isang iglap, biglang nasa harapan ko na siya ngayon.
Tumingala ako sa kaniya at saktong nagtatanggal na siya ng specs. Maingat niyang inilapag ang specs niya sa table namin at marahan akong tiningnan. Siguro naninimbang sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
Nakikita niya ba sa aking mga mata? Nararamdaman ba niya? Isinisigaw ba ng mukha ko na masaya akong kasama siya?
Pero mali! Hindi nga pala dapat ako masaya. May granadang sumabog sa loob ko kasabay ng fireworks. Dapat nangangamba rin ako.
Pero sa anong paraan?
"Y-Yes, it's fine. K-Kumakain naman ako ng fries."
Ah, punyemas, ba't nauutal, MJ?
"I know, it's your favorite."
"Ha?"
He mumbled something na hindi ko masiyadong nakuha.
"Nothing..." At tumitig ulit siya sa akin.
Doon ko nakita nang klaro ang kaniyang mga mata.
That eyes. That damn eyes. That damn tantalizing eyes! Isang titig niya lang, mapipigtas na ang garter ng panty at bra mo. Damn, bakit ito ang naiisip ko? Stop it, MJ!
Lakas-loob kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at itinikom ang bibig ko. Mas lalo kaming natahimik na dalawa nang biglang may inilapag na isang pitsel ng tubig at dalawang braso sa table namin habang naghihintay ng order.
"Salamat..." Tipid na ngiting sabi ko sa serbedora sa inilapag niyang tubig. Bahagya naman siyang yumuko bago umalis.
Napatitig ako sa tubig. Naghahanap ng puwedeng pag-usapan.
Nang maalala ko si Sonny, nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Tama! Si Sonny lang dapat ang bibigyan mo ng pagkakataon, MJ!
"Saan nga pala pumunta si Sonny?"
Sinubukan ko ang sarili kong hindi siya matingnan sa mata. Ayoko na ulit, kung anu-anong naiisip ko sa tuwing napapatingin ako nang diretso sa mata niya. Mabuti pa noong may suot pa siyang specs.
"Hindi niya sinabi sa'yo?"
Punyemas ba siya? Magtatanong ba ako kung alam ko? Duh, Darry! Guwapo ka nga, hindi naman madalas ginagamit ang sentido kumon.
"Hindi..." Simpleng sagot ko.
"He's in Singapore to represent the company for an annual convention."
"How long will he stay there?"
"He's been there since Wednesday and the convention will due until Monday next week. That's a five days convention." Kumuha ako ng tissue sa tissue rack habang nagsasalita siya at wala sa sariling pinahid iyon sa kamay ko. "He seriously didn't tell you na aalis siya?"
Natigil ako sa pagpapahid ng tissue at panandalian siyang tiningnan para umiling.
Wednesday... kung Miyerkules siya umalis, busy nga ako ng mga panahong iyon pero nagti-text pa naman siya sa akin. Like the usual good morning and good night texts. Nothing unusual, nothing said na umalis siya ng bansa para sa isang business trip or convention. Kung meron man, sinabi na dapat niya sa akin. Nagsasabi naman 'yon, e.
I sighed heavily.
"Ni-text, wala?" Umiling ulit ako, nanatiling sa tissue ang tingin. "And it's okay with you na hindi ka sinabihan?"
Isinantabi ko ang tissue'ng hawak ko at ngumiti sa kaniya. Pinilit ulit ang sarili na labanan ang mga titig niyang parang naghahamon ng tukaan.
Hoy, teka, sandali! Anong tukaan? Away, MJ, A.W.A.Y!
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isipan ang medyo marumi at kasing green ng lumot na isipan.
"Okay lang naman. Wala naman siyang responsibilidad sa akin. I'm not that clingy to know everything about him. Besides, busy din ako," rason ko which is kind of true. Busy naman talaga ako.
But the truth is... medyo na disappoint ako sa move na ito ni Sonny. He always tell me kung may pupuntahan siyang malayo, like out of town or out of the country. Always. Since magkamabutihan ang ugali naming dalawa. Ngayon lang talaga siya pumalpak at sa mga kapatid niya pa nalaman ang mga dapat kong malaman.
May koneksiyon ba ito sa sinabi niya sa akin noong huli naming pagkikita? May dapat ba akong malaman? Sonny, meron ba?
Dum Spiro Spero. While I breath, I hope.
While I breath, I hope. I hope that I fall for someone who's worthy to be fallen to.
I hope that when I fall for him, I'll let my self because I know he's the one and he's not going to hurt me.
I hope that when I give my trust on him, he must treasure it for it's all that I have.
I hope that when I give him the chance, he'll never gonna waste it.
I hope that he's my tree and I'm the leaf. He's going to be my source of life.
I hope that when I give him my heart, it's all on him to take care of.
I hope Sonny's the one.
I hope beacuse I am still breathing.
Dum Spiro Spero.
~