Chapter 4
NASA bahay na ako at nakahiga nang tumawag si Adrian. "Pare asan kana? sige pare susunod ako may tatapusin lang ako."
Ang totoo ayaw ko sanang pumunta mas gusto kong umuwi nalang at magpahinga pero hindi ako makatulog kaya nagpasya akong sumunod sa kanila naligo lang ako saglit at nagbihis nang mabilis.
"H-hayyy sa wakas nakarating ka rin! kanina ka pa namin hinihintay nakaalis na tuloy si Gianna."
"Sino na naman ang Gianna na yan?” Tanong ko
"Kaibigan ko! ipapakilala sana kita sa kanya kaya lang nakaalis na siya kani kanina lang, kung mas napaaga ka pa sana nang kaunti eh di sana naabutan mo pa siya!."
"Oo nga pare! ang gandang babae bagay na bagay kayo, diba mga pare?" sabi pa nang isang kasamahan namin.
"Pero bakit parang hindi pamilyar sa’kin yung mukha nya? nung pinakilala mo siya kanina akala ko sa ibang University sya nag aaral. Magkalapit lang ang BA sa Eng'g kaya imposibleng hindi natin siya nakikita."
"Transferee nga lang daw siya ngayong taon. Kaya hindi siya pamilyar at ngayon mo lang sya nakita. Sa BA Dep't lang siya parati nakatambay kasama nang kaibigan niya."
"Sa ganda nyang yun siguro may boyfriend na yun mga pare. Palagay nyo?"
"Wala naman siguro eh di sana hindi sya pinayagan sumama sa’tin kanina." singit nung isa.
"Malay mo hindi lang siya nag paalam." tugon naman nung isa pa.
"Kaninang nandito siya, bakit hindi nyo tinanong!? Eh di sana naklaro nyo sa kanya." sabi ko sa kanila, habang pinapakinggan ko ang palitan nila nang mga diskusyon.
"Nahiya ako baka kasi matakot sa itsura ko baka kahit wala sabihin nya meron na." tawa sila nang tawa sa mga kalokohang pinagsasabi nila.
Patuloy pa rin silang nagkukwentuhan, tahimik lang ako nakikinig sa pinag uusapan nila at nahihiwagaan ako kung ano ba talagang itsura ng Gianna na sinasabi nila.
"Pare! masyado kang seryoso dyan!" puna sa'kin Ryan.
"Nandito tayo para magsaya tapos tatahi tahimik ka lang dyan!" sabi pa ni Ryan.
Tinapik tapik pa ako sa balikat “Oh sige na nga pare! Huwag ka nang mag alala, hindi na kita ipapakilala sa kanya kung iyan ang gusto mo.” Tumango nalang ako nang lingunin ko siya bilang pag sang-ayon.
Maya maya nagsalita ulit siya “Pero-- ‘wag kang magsisi pare pag ipinakilala ko na siya sa iba.”
“Oo na! puro ka talaga kalokohan.”
***
LATE na akong natapos sa ginagawa ko kaya naman nagmamadali na ang mga kilos ko. Tinignan ko ang oras, siguradong kanina pa nila ako hinihintay sa canteen para sabay sabay na kumain. Sinabi ko kasi kanina sasabay akong kakain nang tanghalian sa kanila.
Hindi nila ako nakita pag pasok ko. Busy sila sa mga hawak nilang cellphone nakita kong may kanya kanya na silang tray nang pagkain sa harapan kaya naglakad na ako para pumila.
Napansin kong ilan nalang at wala nang gaanong nakapila, pumwesto ako sa likuran. Hindi siguro niya inaasahang may tao sa likuran niya, kaya nung pag harap nya sa’kin nagulat sya. Nabunggo nya ako kaya natapon ang laman nang tray na hawak nya at nadumihan ang damit ko.
"H-ayyy sorry, sorry hindi ko sinasadya!" hingi niya agad nang paumanhin. Hindi nya ako tinitignan punas lang sya nang punas sa damit ko na nadumihan niya.
Ang bilis nang kabog nang puso ko nang magsalita siya. Hindi nya ako nakikitang nakatitig lang sa mukha nya. Hindi ko mapigilang hindi siya titigan nang matagal. Dumako ang mga mata ko sa mapula nyang mga labi. Napalunok ako, ang sarap sigurong halikan sabi nang isip ko.
"Sorry-- talaga hindi kita napansin." nakakunot noo pa siya habang tinititigan ko.
"Hindi kasi tumitingin yan tuloy!" sabi nung mga nasa gilid namin.
"Oh baka naman sinadya lang nya?" singit naman nung isa pa.
Naririnig nya yung mga sinasabi nila pero hindi nalang siya umiimik, nagkunwaring parang walang naririnig.
"Lawrence" nakita kong dun pa lang siya nag angat nang tingin sa’kin, nabigla pa sya nung makita akong nakatingin sa kanya.
"Ok ka lang Lawrence!? OMG... nadumihan ang damit mo?" sabi nya na parang close na close kaming dalawa. Pinagtitinginan na rin kami nang ibang kumakain na malapit lang sa'min.
Tinignan ko siya hindi parin siya umiimik, hindi rin makatingin sa’kin nang deretso, hiyang hiya parin sa nangyari sa damit ko.
"Ok lang ako miss! aksidente naman ang nangyari kaya wala kang dapat ikabahala." sabi ko sa kanya, nginitian ko pa siya para ipakita na okey lang talaga ako.
Bumuntung hininga lang siya hindi ko alam kung para saan yun.
“Pasalamat ka mabait si Lawrence! kaya ikaw sa susunod mag iingat ka naman!?" mataray na sabi ni Jean sa babaeng nakabunggo sa’kin,
Tumango siya sa kanya at sinabing “Sorry.”
Para naman akong nainis kay Jean, baka isipin pa niya na girlfriend ko ang babae na ‘to.
"Best! anong nangyari?" humahangos na sabi nung kadarating lang, nahiya pa siya nung ininguso yung damit ko na nadumihan.
"O-oww paktay.!" sabi nya nang hindi rin makatingin sa’kin.
Nagsalita ako para hindi na sila mag-alala pa "Hwag na kayong mag alala may dala naman akong extra t-shirt magpapalit nalang ako, tsaka alam ko naman hindi mo sinasadya Miss." baling ko ulit sa kanya.
“Salamat at pasensya na talaga.” sabi nya na hindi pa rin kumbinsido.
"Blessie!? Gianna!?" narinig kong tinig ni Ryan.
Hinahanap ko ang tinawag niyang Gianna, nakatingin siya sa babaeng nakabunggo sa’kin.
"Lawrence!? Nandito kana pala!" nabigla din siya nung makita ako doon.
Gianna! siya pala yun! Gianna na bukang bibig nila, yung gustung gustong ipakilala sa’kin ni Ryan? sabi ko sa isip ko.
"Kaya pala! kanina ka pa kaya namin hinihintay gutom na gutom na nga kami pare!." agaw niya sa atensyon ko.
Lumapit ang kaibigan niya kay Ryan "Ryan! ikaw na ang bahalang humingi ng pasenya para kay Gianna." bulong nung kaibigan nya.
"Bakit ano bang nangyari?" sinabi nya nadumihan niya yung damit ko.
Tinabihan siya ulit nang kaibigan niya "Sinadya mo lang yata best!?" narinig kong bulong nang kaibigan nya, at nagkatinginan silang dalawa, halatang inaasar pa sya.
Hindi ako nagsasalita tinitignan ko lang si Gianna, habang nakatingin sa kaibigan niya.
"Akong bahala sige mabait naman itong kaibigan ko eh." bulong din sa kanya ni Ryan, oh sige aalis na kami sabi pa niya.
Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya “Tara na best! Best--” Sabay hila sa braso niya nang kaibigan niya nang hindi pa rin siya tuminag sa kanyang kinatatayuan.
"Oo sige ako nang bahala.” Sabi ni Ryan sa kanila.
“Tara na pare kain na tayo!" sabi ni Ryan at umalis na rin kami.
Nakaupo na kami sa mesa at kumakain ang mga kasama ko, pero ako tulala pa rin hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina, pati yung mukha nya hindi ko rin makalimutan.
Iginala ko ang mga mata ko sa canteen hinahanap ko kung saan sila nakaupo, kung kumakain na din ba sila pero hindi ko na sila makita. Iniisip ko kung nakakain kaya sya kasi natapon yung pagkain na dapat sana kakainin nya.
Napatingin si Ryan sa’kin, napansin niyang hindi pa ako kumakain. "Pare! kumain kana muna!" doon palang ako nagsimulang sumubo. Samantalang ang mga kasama naming nauna na silang umalis at tapos nang kumain.
Habang kumakain kami "Oh pare nakita mo na si Gianna? maganda siya diba!?" Gusto kong sabihin kay Ryan na hindi lang siya maganda. Gusto kong idugtong na magandang maganda.
"Siya sana yung ipapakilala ko sayo pare, kaso ayaw mo naman kaya sa iba ko nalang sya ipapakilala." parang balewala niyang sabi sa’kin, habang may hawak s'yang baso nang tubig sa kanyang kamay.
"Payag na ako, ipakilala mo na siya sa’kin!" walang gatol kong sabi. Bigla nyang naibuga yung tubig na iniinom niya sana. Nahiya pa siya sa paligid dahil may ilan pang tao sa canteen.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Seryoso ka pare!?" tanong niya sa’kin nang mahimasmasan na siya sabay lunok. Tumango naman ako bilang tugon.
“Seryoso ka ba talaga pare?” at lumapit pa siya sa gilid ko, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Bat hindi mo sinabi kanina!? Sa w-wakas-- tinamaan ka na rin ni kupido!" at iiling iling habang nakangiti sa’kin.
***
"Pare--! pare may nag hahanap sayo!" sabi ni Ryan, humihingal pa siya na parang galing sa pagtakbo, hindi ko siya pinapansin dahil busy akong gumagawa nang design kailangan kong matapos ito ngayon para maipasa ko na bukas.
“Sino?” tanong ko. Nakikinig rin ang mga classmates namin at nakatingin.
"Babae pare, at maganda." sabi ulit ni Ryan na parang kinikilig. Hiyawan ang sunod kong narinig sa kanila.
"Sabihin mo nalang busy ako at may ginagawa." tamad kong tugon
"Sigurado ka pare?" at umupo pa siya sa tabi ko
"Oo." Walang gatol kung sabi.
Sumigaw siya nang malakas. "Sabihin n’yo daw kay Gianna-- busy si Lawrence!" nakangisi na siya nang tumingin sa’kin.
Nang marinig ko kung sinong naghahanap sa’kin mabilis akong napatayo. Tawanan ulit sila habang nakatingin sa’kin.
Nakita ko rin si Ryan tawang tawa din sa ginawa ko. "Akala ko ba busy ka pare!?" pang iinis pa niya sa’kin.
Hindi ako makasagot sa tanong niya.
"Ngayon naniniwala na ako. Ang lakas talaga nang tama mo sa kanya pare! tara na puntahan na natin sya!. Nasa harap siya nang building baka mainip na yun." sabay akbay sa’kin.
"Pag butihin mo pare ah!"sabi niya sa’kin habang naglalakad kami palapit sa kinaroroonan niya.
"G-iannaaa!"
Habang papalapit kami bumibilis ang t***k nang puso ko kinakabahan ako. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito sa buong buhay ko.
"Hi! hindi ko ba kayo naabala?" tanong niya agad sa amin.
"Hello miss beautiful. hindi naman!" si Ryan ang sumagot.
"Ikaw Lawrence! Baka-- naabala ka nya?" pang aasar pa niya sa’kin.
"A-ahh hindi naman! wala naman kaming gaanong ginagawa." sabi ko nalang. Sabay tingin ko kay Ryan baka kasi ibuko niya ako.
"Gianna, si Lawrence nga pala kaibigan ko, Lawrence, si Gianna kaibigan ko rin" at nagkamayan kaming dalawa.
"Oh pano pare tutal magkakilala na kayo, iiwan ko muna kayo dito para makapag usap. May gagawin lang muna ako." Kumindat pa sa’kin si Ryan bago siya umalis.
Nang kami nalang dalawa, nakita ko may dala siyang paper bag at inabot niya sa’kin.
Kinuha ko "Ano to!?" sabi ko. Tinignan niya ang damit ko na may mantsa.
Ang totoo sinadya ko talagang hindi palitan ang suot ko dahil parang nararamdaman ko parin yung presensya niya kanina habang hawak niya ang damit ko.
"Umalis kasi kami kanina naisip ko na ibili ka nang damit, pamalit sa nadumihan ko." nagulat ako hindi ko inaasahan na ibibili pa niya ako.
"Hindi kana sana nag abala pa." sabi ko sa kanya.
"Ganun! kung ayaw m-mo di sige ok lang!" parang may tampo sa boses nya sabay bawi sa paper bag na hawak ko.
"Hindi gusto ko! akin na, salamat!" sabi ko na nginitian siya.
Base sa kilos nya nahihiya pa rin siya sa’kin. "Nakakain ka ba kaninang lunch? hindi na kasi kita nakita sa canteen pag katapos nang nangyari."
"Oo, inaya akong kumain sa labas nang kaibigan ko. Hindi kasi ako mapalagay kaya naisipan kong bumili n’yan, baka kasi sinasabi mo lang na may pamalit ka pero wala naman talaga!" malumanay nyang sabi sa’kin.
Natawa ako sa advance niyang mag-isip. "Hindi, meron talaga! nasa sasakyan, kung gusto mo samahan mo ako para makita mo?" sabi ko sa kanya para mawala ang ilang namin sa isa't isa.
"Sige na nga naniniwala na ako" at sabay pa kaming napangiting dalawa.