Chapter 3

1639 Words
Chapter 3 ARAW nang martes panibagong semester na naman wala pang gaanong ginagawa kaya nakakainip. "Best samahan mo nalang kaya akong bumili nang gift sandali sa mall." "Para kanino naman?" "Sa lola ko best! bibisita kasi kami sa kanya, hindi ko lang alam kung kelan kaya ireready ko na tutal wala namang tayong ginagawa ngayon."  Sumama ako at naghanap nga kami nang maireregalo pagkatapos kumain narin kami, nang magsawa sa pag-lilibot bumalik ulit kami nang school. Maraming mga estudyanteng ang papunta nang gym dahil may competition nang basketball sa bawat Department. "Best, tara punta tayong gym nood tayong basketball game."  "Katatapos lang maglaro ng BA dep't hindi ba?" "Oo nga best! hindi naman sila ang papanuorin natin eh," nagtataka ako, kailan pa nagkaroon nang interest sa basketball ang bestfriend ko? Nakatingin ako sa kanya "Oh best bakit ganyan ka makatingin!? may laro daw ang Eng'g dep't, usap usapan yan dito sa campus tara na best dali! baka nag uumpisa na balita ko maglalaro daw si Lawrence ngayon."  "At sinong Lawrence na naman yan?" walang interest kong tanong sa kanya. "Si Lawrence hindi mo pa siya kilala. Varsity Player din sya ng Eng'g Team, kaibigan nila Ryan at Adrian, diba nakilala mo sila? magaling sa basketball, gwapo din yun best promise! Balita ko single pa daw kaso walang dating ang beauty ko sa kanya." Mahaba niyang lintaya. Wala na akong nagawa kaya sumama nalang ako. Pag dating namin sa gym marami nang tao sa loob, halatang inaabangan nga nila ang susunod na laro Eng'g v's CCS dep't, kanya kanyang sigawan at tilian na nang mga estudyante ang maririnig sa loob nang gym.             "Go Lawrence…! Go Lawrence…!" sigaw ng mga taong nanunuod sa loob nang gym. "Oh diba exciting best! hindi pa nagsisimula yan ah!" pati ako inabangan din ang magiging laban nang dalawang Department. Mas lalong lumakas ang hiyawan at sigawan ng lumabas ang mga manlalaro. "Go Lawrence…! Go Lawrence…!" sigaw nila, hindi ko naman kilala ang Lawrence na sinisigaw nila. Kabilang pala si Ryan at Adrian sa Eng'g na maglalaro, hanggang dumako ang mga mata ko sa isang kasama nila. Bigla nalang kumabog ang dibdib ko parang tumigil ang mundo ko, parang siya nalang ang nakikita ko.  Matangkad, gwapo, matipuno ang pangangatawan, matangos na ilong at lalo akong natulala nang ngumiti sya. Hindi ko na namalayan na kinakausap na pala ako ni Blessie. "Oy best! isara mo nga yang bibig mo baka may pumasok!." pang aasar pa nya sa’kin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya kahit medyo malayo. "Best! best sino-- yung katabi ni Adrian?" nahihiya pa ako nang itanong ko sa kanya. Tumingin siya at tinignan kung sino ang tinutukoy ko "S'ya yung sinasabi ko sayo best! Siya si Lawrence Dela Rama ang gwapo diba!? kaso parang walang gusto sa mga babae." lumapit pa siya at bumulong. "Sa palagay mo best h-hindi kaya s-sya? alam mo na!" bahagya ko siyang naitulak. "Puro ka talaga kalokohan, tumahimik kana baka marinig pa nila tayo."  "Ang gwapo niya noh! kaso walang pinapansin na babae." Bulong ulit sa’kin ni Blessie. Maging ang mga katabi namin pinag uusapan din ang pangalang Lawrence "Ang gwapo talaga ni Lawrence noh!?” “Buti nalang nakapaglaro siya ngayon! nung nakaraan kasi hindi sya nakapaglaro kaya yun talo sila." “Sigurado pag nandyan si Lawrence panalo na ang Eng’g team.” Yung taong sinasabi nila at ang taong tinitignan ko ay iisang tao lang pala! Napaka gwapo nga niya, ang sarap titigan. Tilian at sigawan ang mga tao kapag nakakashoot si Lawrence. Halos siya nga ang nag-panalo sa kanilang laro. Hanggang matapos ang laro at panalo nga ang Eng'g team.  "Pare ang galing talaga natin!" sabi ni Ryan sa mga kasama  "Gumaling ka lang naman kasi naglaro si Lawrence.” sabi naman nang mga kasama nila kay Ryan sabay sabay silang natawa.  "Ang importante panalo tayo. Tsk… tsk… tsk…. Oh paano kitakits nalang mamaya." Hindi kalayuan ang kinaroroonan nila sa’min kaya dinig namin ang asaran at kulitan nang Eng'g Team. Nakapako lang ang mga mata ko sa isang tao. Habang tinititignan ko sya parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang bilis nang t***k nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong damdamin. Nang wala nang gaanong tao nagpasya na kaming lumabas ng gym.  Malapit na kami sa BA dep't nang may magsalita "Hello! mga Miss Beautiful." Nagulat kami ni Blessie ng biglang pagsulpot ni Ryan sa dinaraanan namin, tinignan ko kung may kasama pero nag iisa lang sya. "Ikaw talaga para kang kabuti ang hilig mong bigla susulpot nalang." sabi ni Blessie. "Nanood ba kayo sa laro namin?" tanong niya. "Oo ang galing nyo! panalo kayo congrats." sabi ni Blessie. "O ikaw Gianna!?” “Ahhh--?” “Hindi mo ba ako icocongratulate?" sabi ni Ryan na kunwari may tampo sa boses. “Congrats.” simple kong sabi. "Thank you! A-actually yayayain ko sana kayong kumain sa labas simple celebration sa pagka panalo namin, ano pwede ba kayo?"  "Siguro kayo nalang muna, kailangan ko kasing umuwi nang maaga hinihintay nila ako sa bahay birthday kasi ni ate Candy sabay sabay daw kaming maghahapunan." "Mamaya pa naman yun best ang aga pa kaya! Tsaka sasama naman ako sa inyo diba? sumama na tayo madalang lang naman tayong lumabas, tsaka kasama mo naman ako."  "O sige na nga! pero sandali lang tayo best ah!" “Ok sige.” sabi ni Blessie. Lulan kami ng sasakyan ni Ryan hindi ko mapigilang mailang lagi ko syang nahuhuling nakatingin sa’kin, inalis lang nya nang may biglang tumawag, huminto siya sandali sa isang tabi para sagutin ang tawag. "Hello Adrian! oo pare papunta na kami! may kasama ako, si Lawrence ba wala pa? sabi nya susunod siya, tawagan mo nalang ulit pare, sige bye." Nang marinig ko ang pangalang Lawrence biglang nalang bumilis ang kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit. "Oh ayan na pala si Ryan!" sabi ng mga kasama nya pagdating namin.  "Guy's, si Gianna at Blessie.” Hello, halos sabay sabay na sabi nila pagdating namin. "Kaya pala matagal itong si Ryan may magagandang dilag na kasama." Narinig kong sabi ni Adrian sabay ngiti samin ni Blessie, sumenyas ang kamay niya pinapaupo kami.  Nagkakasayahan na sila nag dumating kami. Asaran at tawanan lang ang nangyari kaya hindi kami na OP ni Blessie, mababait ang mga kasama nila lagi nila kaming inaasikaso sa pag kain lalo na si Ryan. Hindi kami umiinom nang alak kaya softdrinks lang at cake ang binigay nila sa’min. "Bakit hindi si Ellise ang inaya mo?" sabi ni Blessie kay Ryan habang kumakain.  "Ang totoo n’yan una ko syang sinabihan bago kayo, kaso nainis lang ako sa kanya, talagang walang pakialam sa’kin yung kaibigan mo na yun, lagi nalang galit sa’kin."  "Bakit ano bang sabi nya?" tanong ni Blessie. Tahimik akong nakikinig lang ako habang nag-uusap silang dalawa.             "Kung sasama daw siya at susuwayin lang daw nya ako mas mabuti pang huwag nalang daw syang sumama," malungkot nyang sabi "Sabagay may point naman siya sa sinabi niya." sabi ni Blessie na inaasar pa si Ryan.  Mabait naman si Ryan meron lang talaga syang kapilyuhan sa katawan. "Syempre gusto ko rin naman syang makasamang lumabas gaya ngayon kaso lagi nalang akong sinusungitan.  “Alam mo naman kahit ganun siya, love na love ko pa rin siya." sabagay medyo may pagka masungit nga naman si Ellise sabi ko sa sarili. "Tinawagan nyo na ba si Lawrence pare!? bat hanggang ngayon wala pa siya dito?" ayan na naman ang kabog ng dibdib ko pagkarinig ng pangalang Lawrence.  "Malelate daw sya nang konti may tinatapos lang daw.” sabi ni Adrian. Pag tingin ko sa relo ko 6PM na, baka hinihintay na nila ako sa bahay inaya ko na si Blessie. "Ryan! guys pano mauuna kami" sabi ko habang tumatayo na, sumunod na rin si Blessie. "Oo sige” “Mag-iingat kayo.” “Sige kitakits nalang sa school.”  Sabi nang mga kasama nila.  Tumayo na rin si Ryan "Guy's ihahatid ko lang sila sa labas." sabi ni Ryan sa mga kasama. Habang naglalakad kami "Sayang naman hindi siya umabot!" sabi ni Ryan. Tumingin lang ako sa kanya, tumingin din si Blessie sa kanya "Sino?" nagtatakang tanong ni Blessie kay Ryan.  "Yung ipapakilala ko sana kay Gianna, kaso wala pa sya hangga ngayon hindi ko alam kung darating pa sya!" "Siguraduhin mo lang na matino yang ipapakilala mo sa bestfriend ko ah Ryan!"  "Siguradong sigurado ako dyan." sabay kindat pa sa’kin.  Hinintay munang nyang makasakay kami bago siya bumalik sa mga kasama niya. "Oh sige na mag iingat kayo" at umalis na kami. Pagdating namin nang bahay hinihintay na nila ako, nakapagluto na rin si Mama nang mga pagsasaluhan namin. Hindi nila alam na kasama ko si Blessie nayon. Sinabi ko sa kanya na Birthday ni ate kaya bumili siya nang regalo at sumama ngayon tutal kilala na naman siya samin. "Happy Birthday ate Candy!" sabi ni Blessie sabay abot sa kanyang regalo. "Thank you Bless!." "Happy Birthday ate Candy!" inabot kona rin ang regalo ko sa kanya. "Thank you bunso!" "Tara kain na tayo!" aya na ni ate sa’min Nauna na palang binigay ni Mama at ni Papa ang kanilang mga regalo. "Oh sige na pumunta na kayo dito at nang makakain na tayo." tawag naman ni Mama nang nakapaghahin na. "Ang sarap po talaga nang mga luto niyo Mama." sabi ni Blessie habang kumakain kami. "Naku! ikaw talagang bata ka binola mo pa ako. Alam mo namang kahit kailan mo gustong pumunta at kumain dito palaging bukas ang bahay namin para saiyo iha." sabi ni Mama. "Hindi po kita binobola Mama totoo po ang sinasabi ko." natatawa nalang kami sa kanya. Mama at Papa na rin kasi ang tawag niya sa mga magulang ko. At hindi na rin iba ang turing nang mga magulang ko sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD