Chapter 2

1678 Words
Chapter 2 “MAGANDA yata ang gising mo pare ah!?. Para ka kasing sira ulo ngumingiti kang mag-isa! ano bang meron ah!?” Hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala si Ryan. Sabay akbay nya sa balikat ko. Hindi na ako nakatulog kanina pag-gising ko kaya minabuti kong pumasok nalang nang maaga at dito sa University nalang mag-almusal. Hindi mawaglit saglit man sa isipan ko ang mukha nya, kahit saan ako tumingin parang siya lagi ang nakikita ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. “Oo, maganda nga sya pare!” pagkaraa’y sabi ko sabay ngiti. “A-aaah! ano?” hindi nya nakuha ang ibig kong sabihin.  “Saan ka ba nagpunta kanina? Ang aga kong nakita ang sasakyan mo na nakapark. Hinahanap kaya kita kanina pa, wala ka sa canteen, wala ka rin naman sa room natin!” sabi nya sa’kin.  “Parang-- nakita kitang palabas nang library kanina pare ah?” sabat naman ni Adrian. Gulat siyang lumingon sa’kin. “Library? anong ginawa mo dun!? ang alam ko natapos mo na yung design na ipipresent natin nung isang araw pa.” nagtataka pa nyang tanong sa’kin. Magkaklase kami mula elementarya hanggang ngayon ni Ryan. Civil Eng’g ang kurso namin at graduating na kami ngayong taon dito sa University. Pagkabanggit nang salitang library may naalala ulit ako. Ang wierd sa pakiramdam napapangiti akong mag-isa hindi talaga s’ya maalis alis sa isipan ko. “Bawal na ba akong pumunta doon para magbasa basa pare!?.” sabi ko para hindi na sya mag isip nang kung anu-ano pa. Tinignan nya ako na parang hindi makapaniwala, sabay iwas ko dahil alam kong medyo makulit din ang isang ito. Alam kong nakatingin siya sa’kin. “Hindi lang talaga ako makapaniwala pare!” nakangiti sya at iiling iling. “May mga naliligaw yata mga pare!” Sabi nang kasamahan namin habang nakaupo kami sa labas nakaharap ako sa kanila kaya hindi ko nakikita ang sinasabi nila. “Lawrence pare!” sabi ni Ryan sabay nguso sa likuran ko. Lumingon ako para tignan kung ano ang meron. Binalik ko rin agad sa kanila ang tingin ko dahil wala naman akong nakita interesanteng bagay. “Bakit?” inosenteng tanong ko sa kanila. Lumapit sya sa’kin at bumulong. “Yung pinaka maganda ng COM SCI Dep't nadito! kanina ko pa sila nakikitang nakatingin dito sa gawi natin, kanina pa sila d’yan! paglabas natin kanina napansin ko na sila.” Tumalikod ulit ako para tignan, nakatingin nga sila at papalapit na sila sa dereksyon namin. Nandito kami ngayon sa labas ng Eng'g Department dahil katatapos lang nang aming klase, naisipan namin lumabas muna para makalanghap nang sariwang hangin. Isang oras pa naman bago ang susunod na klase namin. Medyo malayo ang building ng Com Sci Dep't sa Eng'g Dept kaya nakapagtataka kung napadaan lang sila. Habang papalapit palang sila gusto ko sanang umalis nalang. Naisip ko kabastusan naman kung gagawin ko iyon. Parang nahihiya pa sila nang lumapit sa’min. May babaeng lumapit sa’kin at nakangiti sya nang may iabot sa’kin puting sobre. “Hi Lawrence! I’m Jean Montemayor.” Sabi nya ng tumingin sa’kin. “Iinvite sana kita! i mean kayo nang mga friends mo sa saturday 6PM.” nagtataka ako kung bakit kilala nya ako.  Hindi ko nalang siya tinanong, tahimik lang akong nakikinig at nakatingin sa invitation na inabot niya. Maganda nga siya pero hindi siya ang tipo ko. At ayoko sa mga babae ang unang gumagawa nang motibo para mapansin sila nang mga lalaki. “Anong meron?” tanong naman ni Ryan nang mapansin niyang hindi ako interesado.  “Birthday ko! sana makapunta kayo, aasahan ko kayo doon.” habang nagsasalita siya nakatingin sya sa’kin. Tumango lang ako sa kanya at hindi nagsalita para ipakita na hindi ako interesado. Kahit medyo matagal pa ang oras bago ang susunod naming klase inaya kona ang mga kasamahan namin sa loob para makaiwas sa kanina. “Ano pare pupunta ka ba? halatang type ka nang isa yun ah! ang tanong pasado naman kaya siya s-sayo?” “Pare wala ako sa mood!” kunwari inis ako.  “Sus! alam ko na yang palusot mo na iyan, hindi mo type no!? para namang hindi kita kilala pare. Subukan mo lang naman malay mo sya na pala yung hinihintay mo!.” hindi ko nalang sya pinansin sa sinabi nya.  “Pumunta kayo isama mo sila.” sabay turo sa mga kasamahan namin at inabot ko yung invitation sa kanya. “Lawrence! Ano ka ba pare, ikaw nga yung inimbita sasabit lang kami. Pag hindi ka pumunta hindi rin kami mapapansin dun.” Huminto ako saglit sa paglalakad “Eh di ‘wag na rin kayong pumunta, ganon lang kasimple.” sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol nya ko. “Lawrence pare! alam mo, sa dinami dami nang mga babae na humahabol sayo bakit wala kang magustuhan kahit isa? Ayaw mo bang magka girlfriend man lang? Ano bang hinahanap mo sa babae pare? ‘wag mong sa-bihing-- ako ang type mo pare!,” sabay ngisi ni Ryan sa’kin, halatang nang iinis, natatawa nalang ako sa mga sinasabi nya. Alam kong inaasar lang nya ako dahil kilalang kilala namin ang isa't isa. Bata palang magkakilala na kaming dalawa at naging matalik na magkaibigan. “Pare! ganito nalang, may ipapakilala nalang ako sayo.” sabi nya habang sinusundan ako. Kaya minsan hindi ko nalang siya pinapansin dahil sa kakulitan niya. “Ikaw pare tigil tigilan mo ako sa kalokohan mo ah!” sabi ko sa kanya. Sinundan pa ako hanggang makaupo “Seryoso ako pare hindi ako nagbibiro. Kung gusto mo ngayon na! puntahan lang natin sya, nasa katabing building lang oh! Malapit lang.” sabay turo sa BA Dep't, hindi ko nalang sya pinapansin. “Pare! tara na samahan mo na kami, punta tayo sa kabilang building sa BA Dep't.” ayoko siyang patulan dahil may ipapakilala daw sya sakin, baka ano na namang kalokohan ang gawin niya.  “Ayoko! kayo nalang, at tsaka may klase pa tayo.” sabi ko. “Ito naman! ang lapit lang natin tsaka sandali lang naman tayo, may itatanong nalang ako kay Blessie! sige na Lawrence.” Pagpupumilit pa niya. “Itatanong? o- may gusto ka lang makita doon pare?” ang sabi ko sa kanya. “Ipapakilala nga kita sa kanya kaya kita inaaya. Gusto ko nga siya pare, pero may Ellise na ako. Kaya ipapakilala ko nalang siya sayo. Maganda talaga siya pare tara na!” sabi ni Ryan sa’kin. “Ikaw talaga pare! bat ba ang kulit mo?” sabi ko nalang sabay iling. "Kayo nalang huwag nyo na akong isama sa mga kalokohan nyo!"  "Ayaw mo talaga? bahala ka pare mag sisisi ka!" balik nya sakin. Natatawa nalang ako sa kanya, mas gusto kong pumunta nalang nang library kaya pag alis nila umalis din ako. Maraming tao sa library nang pumasok ako, naghanap ako nang mauupuan walang bakante. Nilibot ko pa ang library na parang may hinahanap nung wala na talaga akong mapagpwestuhan nagpasya nalang akong bumalik ulit sa Eng’g Building.  Pagdating ko, nandito na rin sila. "Oh bakit ang bilis nyo naman yata?" "H-hayyy,,, mabuti nalang Lawrence hindi ka sumama wala naman sila doon." dismayado nyang tugon. "Pare! labas naman tayo mamaya." aya ni Ryan "Sama ako" sabi ni Adrian "Pass muna ako," sabi ko "Lawrence naman! kelan ba yung huling labas natin? last year pa yata yun pare!" "Sya nga naman pare para makapagrelax naman tayo kahit paminsan minsan lang." sabi ni Adrian. Wala rin naman akong gagawin kaya nagpasya akong sumama na sa kanila. *** "SIR Lawrence! tumawag po si Senyora Lara hinahanap po kayo. Tumatawag daw po siya sa inyo hindi nyo sinasagot." kapapasok ko lang nang pinto nang sabihin sa’kin ni Manang Sol. Naramdaman ko nga kaninang panay ang vibrate nang phone ko, nasa labas kami nang tumatawag sya pero hindi ko sinasagot dahil alam ko tatanungin ako nang tatanungin, o kaya naman sesermunan lang ako. Kinapa ko sa bulsa ang cellphone pagtingin ko marami na nga siyang misscall. "Pakitawagan daw po sya pagdating nyo sir Lawrence." sabi ulit ni manang Sol. "Sige po manang salamat." sabi ko nalang at umakyat na ako para pumunta nang kwarto. Pag pasok nang kwarto umupo ako sa kama habang nakatitig lang sa phone ko iniisip ko kung tatawagan ko ba sya.  Masyado akong nasasakal sa mga ginagawa nya, kaya tama ang desisyon kong hindi sumunod sa kanila. Gusto nya sya lagi ang nasusunod, paano naman ang mga gusto ko?. Pati sa pag-aaral gusto niya kumuha ako nang Bussiness Management dahil ako daw ang magtutuloy sa mga naiwan ni Papa. Hindi ko sya sinunod sa bagay na iyon. Nang mamatay si Papa gusto niya sa ibang bansa nalang kami manirahan, pinakiusapan ko lang na dito muna ako mag aral at susunod nalang ako sa kanila. Kahit ang totoo wala naman talaga akong balak na sundan sila doon. Kahit malayo na sya parang lagi parin syang nakabantay sa mga kilos ko, nakasalungat sa mga gusto kong gawin. Paano nalang kung nandito lang siya sa tabi ko? Hindi ako makagalaw nang malaya nasasakal ako, gusto kong malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin. Biglang tumunog ulit yung phone ko. "Hello Lawrence! ano ba? kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinasagot!" sabi ni Mama sa galit na tono. "Naiwan ko po yung phone ko kanina Ma, kaya hindi ko po nasasagot mga tawag nyo." pagsisinungaling ko sa kanya, ang totoo talagang iniiwasan ko ang mga tawag niya. "Hwag ka nang magsinungaling Lawrece alam kong iniiwasan mo lang sagutin! hindi mo man lang kami magawang kumustahin ng kapatid mo!" sabi nya na galit parin ang tono.  Lingid sa kaalaman ni Mama lagi kaming nag uusap nang kapatid ko.  “Bakit hindi mo nalang kasi ako sundin Lawrence! dumito ka nalang. Ano ba kasing hindi mo maiwan d’yan ah Lawrece!?” sabi pa nya. "Ma!  busy lang po talaga ako ngayon kasi kakasimula palang nang semester, ‘wag po kayong mag alala bibisitahin ko po kayo dyan." sabi ko nalang nang hindi na siya magtampo sabay patay nang phone ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD