Chapter Twelve

3344 Words
Chapter Twelve Sleep Walking A G A P E TAHIMIK KONG sinusuklay ang buhok habang si Denisa ay walang-kibong nakasandal sa pader tabi ng pintuan. Nakabulsa ang kanang kamay niya habang kaliwa naman ay tamad na nakababa habang nakatitig siya sa kawalan. Sinusubukan ko nang bilisan ang pagkilos ko dahil nakakahiya na hinihintay niya nanaman akong matapos. Ilang araw na ang lumipas at hindi ko akalain na nagawa kong mairaos ang mga iyon at ngayon ag biyernes na kaya makakahinga na ako nang maluwag kinabukasan. Ibinaba ko na ang suklay tapos ay dinaluhan ang bag kong nakapatong sa higaan para maayos ko na ito nang mabilisan. Sobrang nakakahiya talaga dahil ako lang yata ang mabagal kumilos dito. Lagi ngang nauunang umaalis sa amin sila Tiffany at Victoria kahit na naglalagay pa sila ng makeup. Ako na kahit pulbos ay hindi naglalagay sa mukha ay sobrang bagal pa rin. Isinukbit ko na ang bag sa balikag ko at umamba na lalabas ng kwarto. Hindi ko na kailangang magsalita na tapos na ako dahil awtomatiko nang binuksan ni Denisa ang pinto sa kayang tabi. Hindi ko maiwasang mailang habang naglalakad kami palabas ng dorm. Alam ko naman na tahimik na tao si Denisa pero parang sobrang tahimik niya ngayong umaga. Ni hindi ko man lang nga siyang narinig na nagsalita mula kanina. Masama kaya ang pakiramdam niya? Gusto ko sana siyang tanungin pero parang natatakot ako dahil mukhang wala talaga siya sa mood. Nauuna siyang naglalakad sa akin samantalang tahimik lang akong naglalakad sa likuran niya. Tanging ang mga yapak lang namin ang naririnig. Parang hindi ako sanay sa ganito... mas gusto ko pa yata siyang makita na sinusungitan ako kesa sa sobrang tahimik niya. Wala sa sarili kong nakagat ang labi habang naglalakad. Pinag-iisipan ko kung dapat ba akong magbukas ng topic at kausapin siya. Halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat nang makapag-desisyon... bahala na. "U-Uhm... D-Denisa?" Uutal-utal at tunog alanganin kong tawags sa kanya. Hindi siya tumigil sa paglalakad bahagya siyang lumingon sa akin, saglit kong nakita ang singkit niyang mga mata bago siya bumaling ulit ng tingin sa harapan. "Hmm?" Tunog pinaghalong tamad at iritado niyang tanong. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Hindi ko pinaghandaan kung anong sasabihin ko sa kanya! Kuryoso lang talaga ako kung anong gumugulo sa isip niya dahil hindi normal ang pagiging tahimik niya ngayon. "A-Ahh, ano, uhm... tingin mo, a-ano kayang is-serve na pagkain sa c-cafeteria m-mamaya?" Binatuka ko ang sarili sa isipan. Walang saysaya ang topic na binuksan ko pero wala na talaga akong maisip na pwedeng pag-usapan. Bahagya niya ulit akong nilingon at napansin ko ang pagkunot ng kanyang noon. Para bang hindi niya makuha ang saysay ng mga pinagsasabi ko. Binalik niya ulit ang tingin sa harapan  at tahimik nag naglakad. Akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong kong ni hindi ko napag-isipan pero mayamaya ay narinig ko siyang kumibo sa unang pagkakataon ngayong araw. "Ba't 'di ka pumunta ro'n para malaman mo," malamig niyang ani. Napasinghot ako sa lamig ng boses niya. Hindi ko alam kung nairita ba siya sa akin o ano pero hindi ko mabasa ang mga kilos niya. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umiba ng direksyon ng nilalakad. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong naglalakad siya sa direksyon ng cafeteria. Sa gulat ko ay medyo bumagal ang lakad ko kaya napalayo siya sa akin. "T-Teka Denisa!" Nang mahimasmasan ay hinabol ko siya. Mukhang sineryoso ni Denisa ang tanong ko! Nagawa kong makahabol sa paglalakad niya at ngayon ay nasa gilid niya na ako. "B-Bakit tayo naglalakad papuntang c-cafeteria?" Medyo kabado ko nang tanong dahil baka mamaya ay singhalan niya na ako sa iritasyon. "Sabi mo gusto mong malaman ang pagkain mamaya," simple niyang sagot sa isang malamig na tinig. "May bibilhin din ako," dagdag niya sa sinasabi kaya nakahinga ako. Akala ko naabala ko nanaman siya pero mukhang may gusto rin siyang bilhin. Tahimik ulit naglakad papunta sa cafeteria. Pero mas magaan na ngayon ang kalooban ko dahil mukhang makakausap naman pala nang maayos si Denisa kahit papaano pero hindi pa rin maalis sa isipan ko na parang may kung ano mang gumugulo sa isip niya. Napansin ko na iyon simula pa kagabi... Natutulog na ako nang mahimbing pero parang naalipungatan ulit ako sa isang tunog na parang kaluskos. Ayoko ko sanang magmulat ng mga mata dahil sa antok pero namayani sa akin ang kuryosidad nang marinig ang mahinang tunog ng pintong sinasarado. Naghikab ako habang dahan-dahang minumulat ang mga mata kong gustong-gusto pang matulog. May nagbukas ba ng pinto? Bakit parang may narinig ako tunog kanina? Inalis ko ang kumot na nakatabon sa mukha ko para pasadahan ng tingin ang paligid at nang dumako ang tingin ko sa pinto ay nakasara naman iyon. Napadako rin ang tingin ko sa mga higaan nila Tiffany at Victoria at nandoon naman sila, masarap ang mga tulog. Kung nandito sila, sino iyong narinig kong nagsara ng pinto kanina? Guni-guni ko lang ba iyon? Bumangon ako sa higaan habang kinukusot ang mga mata. Nagpasya ako na silipin ang higaan ni Denisa para makasigurado kung guni-guni ko lang ang narinig ko kanina. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang bakante ang higaan niya... kung ganoon, siya ba ang narinig kong lumabas kanina? Natulala pa ako saglit habang pinagmamasdan ang higaan niyang may tatlong unan at itim na kumot. Nilingon ko ulit sila Tiffany at Victoria bago ako tahimik na naglakad papunta sa banyo dahil baka nandoon si Denisa. Hindi ko alam kung bakit ba ako hindi mapakali. Nilalamon ulit ako ng matinding kuryosidad. Naalala ko kasi na nangyari rin ito noong unang gabi ko rito sa dorm. Nagising nalang ako bigla ng hating-gabi tapos ay ako nalang pala ang mag-isa sa kwarto dahil biglang nawawala ang mga roommates ko. Pero sa sitwasyon na ito, si Denisa lang ang mukhang nawawala. Na-kumpirma ko ang ideyang lumabas nga siya ng kwarto nang pihitin ko pabukas ang doorknob ng banyo at makitang wala namang tao. Parang bumilis ang t***k ng puso ko sa pinaghalong kaba at kagustuhang malaman kung nasaan si Denisa. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto namin at nakitang alas dose na ng hating gabi. Saan pa siya pupunta ng ganitong oras? Istrikto sa curfew ang paaralan na ito kaya malabong nagliliwaliw lang siya kung saan pero... Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. Pakiramdam ko ay parang nawala ang antok ko nang wala sa oras. Dapat ko pa bang alamin kung nasaan siya ngayon? Bakit ba kasi umaalis pa siya nang ganitong oras? Anong mangyayari kung bigla siyang mahuli ng mga student officers o guards na nagp-patrol? Hindi kaya ma-guidanxe siya? Bigla akong kinabahan sa posibilidad na maaari siyang magkaroon ng kaos sa guidance dahil sa ginagawa niyang ito. Kahit na ilang araw palang kaming magkasama ay alam ko nang hindi talaga ugali ni Denisa na matakot sa kung sino mang awtoridad sa paaralan na ito, sa totoo lang ni hindi ko nga alam kung may takot ba siya. Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang isipin na responsibilidad kong siguraduhing maayos siya bilang roommate niyang at bilang kaibigan. Tama, siya lang ang itinuturing kong kaibigan dito. Hindi ako matutuwa kung makikita siyang mapagalitan dahil sa paglabag niya sa school rules. Kaya kahit na kinakabahan ay nagpasya akong lumabas din. Sinulyapan ko ulit ang dalawa ko pang roommates na mahimbing na natutulog sa mga higaan nila. Tapos ay dahan-dahan akong naglakad papunta aa pinto. Halos hindi na sumayad ang mga paa ko sa sahig para lang hindi makagawa ng tunog habang naglalakad. Napalunok ako nang marahang pihitin ang doorknob. Napalingon ako nang huling beses sa natutulog na Tiffany at Victoria bago tuluyang binuksan ang pinto. Lumikha iyon ng kaunting ingay pero pakiramdam ko naman ay hindi sapat para gisingin ang dalawang natutulog. Nakahinga ako nang maluwag nang matagumpay akong makalabas sa kwarto. Niyakap ko ang sarili habang naglalakad aa madilim ba pasilyo ng dormitory. Ano ngang tawag nila rito... ah! De ja vu. Parang de ja vu itong nangyayari sa akin. Tanda kong nag-desisyon din akong maglakad palabas ng dormitory noong unang gabi ko rito dahil hindi ko makita ang mga kasama ko sa kwarto. Habang naglalalad sa nakakatakot na pasilya ay tahimik akong nagdarasal na sana ay wala akong makasalubong na guards o student officers dito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling ako pala ang mag-guidance dahil sa  ginagawa kong ito. Sa paglalakad ay natanaw ko na ang hagdanan pababa sa 4th floor. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip kung bababa ba ako sa hagdan o liliko para mag-elevator nang makarating agad ako sa ground floor pero isang hindi inaasahang pigura ng mga tao ang nakita ko sa hagdanan. Awtomatikong napatigil ang mga paa ko sa paglalakad at nagtago ulit sa pamilyar na monumento malapit sa kinatatayuan ko. Teka... tanda kong dito rin ako nagtago dati, ah. Nawala agad sa lugar na pinagtataguan ko ang atensyon ko nang nabaling ulit ang tingin ko sa mga taong nakatayo sa may hagdanan ay mukhang may kung anong pinag-uusapan. Nangingig ang mga daliri ko habang wala sa sarili kong nginangatngat ang aking mga kuko. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil parang bumubulong lang sila sa hina nito. Basta ang sigurado ko lang ay... si Denisa ang isa sa kanila. Halos pinipigil ko ang hininga ko habang pinagmamasdan sila. Medyo hindi ko pa gaanong maaninag ang itsura ng taong kausap ni Denisa dahil sa dilim pero sa itsura ng pigura nito ay nasisigurado kong lalaki siya. Lalaki... bakit kaya sa tuwing lalabas ako  ng hatinggabi lagi akong may dinadatnang lalaki rito sa loob ng girl's dormitory? Saka, bakit siya kausap ni Denisa? Nanlaki ang mga mata ko nang may maasip. Napahawak ako sa sa magkabilang pisngi, hindi kaya... b-boyfriend ito ni Denisa at palihim silang nagkikita ng ganitong oras? Nag-init ang pisngi ko dahil sa ideyang iyon. Umiling-iling ako at agad na isinantabi ang kaisipan na iyon. Ano ba itong naiisip ko? Mukhang wala namang boyfriend si Denisa! Binalik ko nalang ang tingin ko sa kanila. Napansin kong umambang maglalakad na pababa ng hagdan ang misteryosong lalaki pero bigla siyang hinila ni Denisa sa braso kaya saglit na natigil ang lalaki sa paglalakad. Halos manlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga nasasaksihan. Habang pinagmamasdan ko sila ay mas lalo kong naunawaan ang sitwasyon, parang meron silang pinagtatalunang dalawa at gusto nang umalis ng lalaki pero pinipigilan siya ni Denisa sa hindi ko pa malamanh dahilan. Mariing hinawakan ni Denisa ang kamay ng lalaki at napansin kong medyo tumataas na ang boses niya kaya bahagya kong narinig ang ilan sa mga sinasabi niya. "Hindi mo na ba naalala?" Kumunot ang dahil sa mga narinig. Hindi ko maintindihan... Nasaksihan ko kung paanong dahan-dahan na nilingon ng lalaki si Denisa at may akmang sasabihin nang biglang may tumunog na cellphone. Kinabahan ako at halos atakihin sa puso nang akalain na sa akin iyon pero naaalala ko na wala nga pala akong cellphone. Napagtanto ko na mula pala ang tunog na iyon sa lalaking kausap ni Denisa. Umiilaw ang bulsa nito, senyales na baka may tumatawag sa cellphone na nasa kanyang bulsa. Dinukot niya ito at tiningnan kaya nasabuyan ng kaunting liwanag na nanggagaling sa cellphone ang misteryoso niyang mukha... At hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagkagulat ko nang mapagtanto ko ang pamilyar na mukha ng lalaki. Napigil ko na ang hininga ko dahil sa gulat... hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ang lalaking kausap ni Denisa... ...ay walang iba kung hindi ang kaklase naming tinatawag nilang braindead. Sapat na ang liwanag mula sa kanyang cellphone para ilawan ang kanyang mukha. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga iyon. Dumapo ang palad ko sa bibig dahil sa sobrang pagkabigla. Anong ginagawa ni Denisa kasama siya at dito pa sa loob ng girl's dormitory? Akala ko ba ay mainit ang dugo ni Denisa sa lalaking ito? Napapansin ko na lagi siyang iritado tuwing nakikita sa loob ng classroom si braindead pero bakit... Nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahang umangat ang tingin ni braindead mula sa kanyang cellphone at hindi inaasahang nagtama ang mga tingin namin. Pakiramdam ko talaga ay hindi na ako nakahinga sa mga susunod na segundo. "Bakit--" "Shh..." pinutol ni braindead ang pagsasalita ni Denisa bago niya itaas ang daliri para ituro ang direksyon ko. Dumiin ang pagkakatakip ng palad sa bibig ko nang makita ang akmang paglingon ni Denisa sa kinatatayuan ko pero bagi pa man mangyari iyon ay nagmamadali na akong naglakad palayo roon. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako sa posibilidad na makita niyang pinapanuod ko sila. Hindi ko na naisip kung gumagawa ba ng ingay ang mga yabag ko basta ang nasa isip ko nalang ay makabalik na kaagad sa loob ng aming kwarto. Gamit ang nanginginig kong kamay ay marahan kong pinihit pabukas ang aming doorknob at dumiretso na sa higaan. Ramdam ko pa ang panlalambot ng mga binti ko habang binabalot ang sarili sa kumot. Naalala ko ang sarili ko noong bata pa ako at pinapakielaman ang mga makeup ni Nanay at aksidente kong naputol ang kanyang red listick tapos ay bigla ko siyang namataan na pabalik na ng bahay kaya nagmamadali kong ibinalik ang mga gamit niya at ang sira niyang lipstick sa kanyang bag tapos ay nagpanggap na natutulog. Parang ganoon ang nangyayari sa akin ngayon. Ang kaibihan lang ay nagpapanggap akong natutulog hindi para iwasana ng kumprontasyon sa aking ina kundi para hindi malaman ni Denisa na nanunuod ako sa mukhang sikretong pagkikita nila ni braindead. Siguradong hindi niya magugusuhan kung malaman niya nasaksihan ko sila. Ilang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa mga susunod na minuto bago ko narinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto namin. Kahit na hindi ko ibaba ang kumot ay alam ko na agad na si Denisa ang pumasok dahil sa pamilyar na tunog ng kanyang bawat yapak. Palapit nang palapit ang yapak niya hanggang sa huminto siya sa tabi ng higaan ko. Ramdam ko ang presensya niua na nakatayo sa aking harapan. Akala ko talaga ay bigla niyang hahablutin paalis ng kumot na nakatakpip sa akin pero nakahinga ako nang maluwag nang umakyat na siya sa kanyang higaan sa 2nd deck. Kahit na may aircon sa aming kwarto ay pawis na pawis pa rin ako at nanatiling kabado. Hindi ko alam at hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko ngayong gabi... "Hoy..." napalundag ako nang magsalita sa tapat ng tenga ko mismo si Denisa. Nahimasmasan ako at bumalik ang ulirat sa kasaluluyan. "B-Bakit?" Medyo gulat ko pang tanong. Kinunutan niya ako ng noo bago may itinuro kung saan. "Sabi ko 'yon iyong menu mamaya," ani niya at sinundan ko ng tingin ang bagay na tinuturo niya at naliwanagan ako nang makita na iyong white board pala sa tabi ng counter ang tinututo niya. Nakalista na kasi roon ang mga is-serve mamayang recess pati na rin sa lunch. "Kanina pa kita kinakalabit," medyo iritado niyang ani. "S-Sorry. Hehe. May iniisip lang," sagot ko na totoo naman. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Pinagmasdan ko nalang ang white board para tingnan kung ano nga ang mga pagkain para mamaya. "Tss," dinig kong naglakad palayo si Denisa. Nang sulayapan ko siya ay nakita kong naglalakad siya papunta roon sa vending machine ng mga inumin kaya hinayaan ko nalang siya. Iyon siguro ang sinasabi niyang bibilhin niya kanina. Nakapag-almusal na naman kami ni Denisa kanina. Iyon ang unang ginagawa namin matapos gumising at mag-sipilyo, pupunta agad kami sa cafeteria kapag narinig namin ang Golden Bell. Halos lahat ah nakapangbahay pa pero ayos lang dahil kakain lang naman ng agahan. Saka kami bumabalik sa dorm para magbihia kapag natapos na kaming kumain. Dahil sa bagal kong kumilos ang lagi nalang akong hinihintay ni Denisa na matapos. Mabuti nalang ay may sapat pa rin na oras ngayon para dumaan dito sa cafeteria. Matapos kong basahin ang posibleng menu nakasulat sa white board ay may napusuhan agad akong putahe kaya tumalikod na ako para sana tawagin si Denisa at tanungin kung anong kakainin niya mamaya pero nang nilingon ko ang vending machine kung nasaan siya nakatayo kanina ay wala na siya. Luminga-linga pa ako para hanapin siya pero wala akong makitang ano mang bakas niya. Nasaan nanaman kaya siya at bakit lagi siyang nawawala nalang bigla? Luminga-linga ulit ako sa paligid ay naglakad-lakad para patuloy na hanapin siya nang bigla akong mabangga ng isang estudyanteng tumatakbo sa loob nh cafeteria pero ni hindi man lang ito huminto para lingunin ako, nagpatulog lang siya sa pagtakbo palabas ng cafeteria. Samantalang ako naman ay napaatras dahil sa impact ng pagkakabangga niya sa akin at dahil sa aksidenteng kong pag-atras ay mukhang may nabangga rin akong estudyante na nasa likod ko dahil paglingon ko ay nakasandal na pala ako sa katawan ng isang lalaking estudyanteng kasalukuyang nakapikit habang may malaking headphones na nakatakip sa tenga at may hawak na karton ng gatas sa kanyang kamay. Napaalis ako sa pagkakasandal sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Ang lalaking ito... Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at agad na nagtama ang mga tingin namin. Nag-init agad ang pisngi ko nang maalala ang pamilyar niyang mukha. Tinanggal niya ang kanyang headset habang pinagmamasdan ako. S-Siya iyong lalaking nakita kong nakatayo sa paanan ng hagdanan noong araw na dumausdos ako pababa roon! Tapos nakita niya pa ang... ang... "Dora," malamig niyang turan matapos kaming magtitigan ng ilang segundo. Mas lalong nag-init ang pisngi ko dahi sa sinabi niya. "B-B-Bastos!" Halos hindi ko masabi nang maayos ang salitang kulang nalang ay bumara sa lalamunan ko. Naalala niya rin ako at ang nakita niya sa akin noong araw na iyon! Tumaas naman ang kilay niya na animo'y nagyayabang. "Oh? Hindi ba parang mas bastos sa parte mo dahil ikaw naman ang nagpakita ng dora mong pant--" Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya para hindi maituloy ang pagsasalita. Nakita kong parang nagulat pa siya sa nangyari dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad ding bumalik sa malamig na tingin ito. Napalingon ako sa paligid nang mapansing parang biglang tumahimik ang buong cafeteria. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makitang halos lahat ng mga estudyante ay nakatitig sa aming dalawa ng lalaking ito. Bakit sila nakatingin sa amin? Bumalik sa lalaki ang atensyon ko nang baklasin niya ang palad na nakatakip sa bibig niya. Agad niya binitawana ng pulso ko nang matanggal niya na ang kamay ko. Ginawaran niya ako ng isang malamig na tingin bago naglakad paalis sa akin. "Sa susunod, aralin mo kung papaano bumaba ng hagdan para hindi makita ang tinatago mong dora," Nag-init nang husto ang pisngi ko at parang gusto ko siyang sigawan o pagsabihan dahil sa mga sinabi niya pero mas pinangunahan ako ng pagkapahiya. Ako lang naman ang nakarinig sa sinabi niya pero hindi pa rin iyon maalis sa isipan ko. Naglakad na siya palayo sa akin pero kumunot ang noo ko nang makitang ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata habang naglalakad papunta sa counter. Napaawang ang labi ko nang makitang nagawa niyang makapaglakad nang maayos papunta roon nang hindi man lang nababanga o nakakasagi ng kahit ako habang nakapikit. "Ham and cheese sandwich," dinig kong ani niya sa counter habang nakapikit pa rin. Ni hindi niya man lang pinagmasdan kung ano ang mga pagkaing available na nakapaskil sa monitor. Tahimik niyang ibinigay ang kanyang card sa cashier nang maiabot na ang kanyang sandwich tapos ay tumalikod na ito at naglakad na ulit paalis sa cafeteria. Para akong tuod na nanatiling nakatayo nang dinaanan niya ako. Pinaghalong pagkalito at pagkamangha ang naramdaman ko nang masaksihan kung paano niya nagawang maglakad papabas sa cafeteria nang hindi man lang nakakabangga ng kahit ano kahit na nakapikit ito. Para bang kabisado niya ang nilalakaran niya... At para bang isa siyang taong nags-sleep walking pero ang kaibahan lang ay alam kong gising siya. Napansin kong bumalik na sa dating ingay ang mga tao estudyante sa cafeteria nang makalabas ang lalaki. Parang may kakaiba tungkol sa kanya... -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD