Chapter Thirteen

1828 Words
Chapter Thirteen Pawn A G A P E WALA SA sarili kong kinakagat anag kuko ko habang nakikinig sa aming teacher na nagd-discuss. Kanina pa ako hindi mapakali dahil simula noong napadaan kami sa cafeteria para tingnan ang menu mamaya ay hindi ko na ulit namataan si Denisa. Pinilit ko pa rin siya hanapin sa bawat sulok ng cafeteria pero ni bakas niya ay hindi ko talaga makita hanggang sa tumunog na ang Golden Bell, senyales na nagsisimula na ang unang klase. Umasa ako na baka nauna na siya rito sa classroom namin pero wala naman siya. Saan nanaman kaya siya nagpunta? "Okay, class. Your next activity will be by group," nabalik kay Ms. Richii ang atensyon ko. Oo nga pala, kasalukuyan akong nasa gitna ng Science class. Lumipad nanaman ang isip ko dahil sa pagaalala kay Denisa. "Since you are 42 in this class, each group will be composed of 3 members to avoid freeloaders, okay?" Naglakad sa gitna si Ms. Richii habang hawak ang kanyang class record. "So how do you want to be grouped? Akong pipili o kayo na ang bahalang maghanap ng mga ka-grupo niyo?" Napuno ang aming class room ng samu't saring sagot mula sa mga kaklase ko. Ang karamihan ay gustong magpilian nalang ng mga ka-grupo para makasama nila ang mga kaibigan nila pero may mga iilan din na umaasang sana ay si Ms. Richii nalang ang gumawa ng groupings lalo na't unang linggo palang namin at ang iba ay wala pa gaanong ka-close. Ako rin naman, kung hindi siguro ako sinasamahan lagi ni Denisa ay wala akong magiging kaibigan sa klaseng ito. "Silence!" Hinampas ni Ms. Richii ang hawak niyang class record sa teacher's table na gumawa ng ingay kaya natahimik ang lahat. Tumikhim siya at sinuyod ng kanyang mga mata ang buong kwarto. "Let's put it this way, sa mga gusto ng ako ang gagawa ng grupo, kindly raise your hands," ani niya at inabangan ang mga magtataas ng kamay. May mga mangilan-ngilang nagtaas ng kamay mula sa klase at nang bilangin ito ni Ms. ay mga sampu lang ang inabot. "Next, sa mga gustong kanya-kanyanh pilian ng mga group mates, kindly raise your hands too," Nagsitaasan ulit ng kamay ang mga kaklase ko at sa pagkakataong ito ay halos lahat sila ay nakataas ang kamay. Mukhang marami pala talaga ang gusto na kanya-kanya ang pilian ng mga ka-grupo. Samantalang ako ay hindi makapag-desisyon kung ano nga ba ang mas mainam kaya hindi ako nakapagtaas ng kamay sa kahit anong choices. Hindi na binilang pa ni Ms. Richii ang mga kamay na nakataas dahil halata naman na nanalo na ang pangalawang pinagpipilian. "Okay. Sorry but according to the majority's vote, you'll be having a freedom to choose your members," tumalikod si Ms. Richii at may pinindot sa itim na at maliit na remote na hawak niya tapos ay biglang nag-flash sa screen ang mga guidelines ng aming group activity sa Science. "I will give you the remaining time to make your own group. Pag-usapan niyo na kung paano niyo gagawin ang activity na ito. After the Golden bell, you can now proceed to your respective Clique Assembly," ani ni Ms. Richii bago tumayo at umambang lalabas na ng pinto. Saka ko biglang naalala na biyernes na nga pala. Ibig sabihin ay ngayon ang unang beses na magkakaroon kami ng Clique Assembly. Ayon kay Denisa, para raw iyong weekly meeting ng bawat clique sa school na ito at ginaganap iyon sa kanya-kanyang conference halls sa club building. Bago tuluyang lumabas sa pinto si Ms. Richii ay saglit niya muna kaming nilingon. "You have the freedom to choose your group so work diligently," iyon ang kanyang mga huling salita bago siya tuluyang lumabas ng silid-aralan at isinara ang pinto. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay nagsimula nang umingay ang buong classroom. Kasaluluyan nang naghahanapan ng mga ka-grupo ang mga kaklase ko. Karamihan sa kanila ay mukhang excited dahil makakasama nila sa group ang kanilang mga kaibigan. Pero may mangilan-ngilan ding nanatiling tahimik at hindi alam kung sino ang lalapitan para maging ka-grupo. 'You have the freedom to choose...' Naalala ko ang sinabi ni Ms. Richii kanina. Pero matatawag nga bang freedom ang ganito? Gumala ang mata ko sa paligid, karamihan sa mga kaklase ko ay may kanya-kanya nang grupo ng tatlo. Pero ang iba ay naiilang pa rin at kasalukuyang naghahanap. Pakiramdam ko ay imbes na kalayaan ay mas lalo lang nagipit ang ilan sa amin sa simpleng paghahanap ng mga ka-grupo. Hindi naman kasi lahat ay may maraming kaibigan gaya ng iba. Bumuntong-hininga ako at tumayona rin. Medyo nakakabahala dahil wala rin naman ako gaanong ka-closed sa classroom bukod kay Denisa tapos hindi ko naman siya mahagilap ngayon. Kinagat ko ang labi ko habang sinusuyod ang buong classroom sa pag-asang baka makahanap ako ng dalawang groupmates. Namataan ko si Chelsea, ang isa sa mga kaklase ko na tahimik. Kasama niya si Bea at mukhang naghahanap sila ng isa pang bubuo sa grupo nila. Kaya nahihiya man ay naglakas-loob pa rin akong lumapit sa kanina. "U-Uhmm... hello," naiilang kong pagpukaw sa atensyon nila. Medyo gulat na napalingon si Chelsea sa akin samantalang si Bea naman ay nanatiling walang emosyon ang mukha habang nagkatingin sa akin, kinabahan ako lalo dahil nagmukha siyang masungit dahil sa salamin niya. Sa pagkakatanda ko ay transferree rin si Bea kagaya ko at naging closed niya siguro si Chelsea dahil pareho silang tahimik. "P-Pwede ba 'kong sumali sa grupo niyo?" Nahihiya kong tanong, nakatitig sa sahig habang sinasabi iyon. Bahagya kong tinaas ang ulo ko para makita ang ga reaksyon nila. Nagpalitan ng tingin sila Chelsea at Bea na para bang nag-uusap sila kahit sa pamamagita lang ng mga mata. Hindi ko mabasa kung ano ang ipinapahiwatig ng tingin nila pero sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Bumalot ang matinding katahimikan sa aming tatlo bago nagsalita si Chelsea. "Uhh... sorry--ano kasi, may...uhm. Kumpleto na kami, eh. Sorry, Agape," Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Napasulyap ako saglit sa bakanteng upuan sa tabi ni Bea. Akala ko... Ah, baka nagkamali lang ako. Kumpleto na pala ang grupo nila, nakakahiya naman. "Ay, gano'n ba?" Hilaw akong tumawa. "Sorry..." yumuko ako bago nagpasyang lumakad na palayo para makapaghanap na ulit ako ng ibang ka-grupo. Pero nang medyo nakalayo ako nang kaunti sa kanila ay may bigla namang ibanh lumapit sa kanila. "Pwedeng bang sumali sa group niyo, if okay lang?" Tanong iyon ni Jenifer 'kila Chelsea at Bea. Medyo bumagal ang lakad ko. "Oh, sure! Ayan kumpleto na tayo," dinig ko ang maligayang sagot ni Bea sa kanya. Napakurap ako ng ilang beses habang dinanarama ang parang pagbigat ng dibdib ko sa narinig. Akala ko kumpleto na raw sila sabi ni Chelsea kanina pero bakit... Huminga ako nang malalim at pinilit na iwaksi iyon sa isipan ko. Pinalakas ko nalang ang loob ko at sunubukang maghanap pa ng pwede maging ka-grupo pero bawat lapitan ko ay lagi nilang sinasabing kumpleto na sila. "Sorry, Agape. Hanap ka nalang ng iba jan. Baka sakaling may tumanggap sa 'yo," sabi ni Helena nang sinubukan kong tanungin ko pwede ko ba siya maging ka-grupo. Limang beses na akong nakapagtanong pero lahat sila ay pareho ng mga sinasabi. Nginitian ko siya at tumango bago ako tumalikod at nag-desisyon na bumalik nalang sa pwesto ko. Bawat hakbang ko ay parang mabigat sa kalooban. May 40 minutes pa bago matapos ang period na ito at bago magsimula ang Clique Assembly. Sa loob ng natitirang oras ay dapat may mapasa na kami kay Ms. Richii na nasimulan sa aming group activity pero sa sitwasyon ko ngayon... mukhang malabo. Bumigat lalo ang nararamdaman ko at parang nagsimulang lumabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Ano ba ito, bakit ba napaka-emosyonal kong tao? Nanginig ang mga paa ko habang naglalakad pabalik sa upuan ko. Bawat ay gumugulo ang takbo ng utak ko. "Agape, walang gugustuhing makipaglaro sa 'yo!" Huminga ako nang malalim at sinubukang alisin ang mga alaalang nagsisimulang makatakas sa kaibuturan ng isip ko. "Ang weird mo. 'Di na kita gusto maging friend?" Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko. "Agape, anong klaseng tao ka? Doon ka na nga lang magkulong sa bahay niyo. Hindi ka bagay ka rito." Saglit kong ipinikit nang mariin ang mga mata ko para pawiin ang mga boses pero patuloy pa rin itong gumugulo sa isip ko. "Kahit na anong gawin mo o kahit saang lugar ka pumunta, hindi ka makakahanap ng lugar kung saan ka babagay..." Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko kaya aksidente akong nawalan nang balanse. Pero nagawa kong kumapit sa kung ano man ang unang mahawakan ko para hindi ako tuluyang matumba sa sahig. Hinilot ko ang sentido ko habang sinusubukang kalmahin ang sarili. Nang medyo luminaw na ang paningin ko ay saka ko unti-unting nakita ang mga nagkalat na piraso ng mga chess pieces sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized na ang bagay pala na nahawakan ko kanina para maibalanse ang sarili ko ay walang iba kung hindi ang... Binaling ko ang tingin kung saan nanggaling ang chess pieces na nahulog. ...mula ito sa arm chair ni braindead. Aksidente ko palang natabig ang maliit na chess board na nakapatong sa kanyang arm chair. Nakatulala siya habang pinagmamasdan ang wala na sa ayos na chess board niya. Gawa pa ata iyon sa glass mabuti nalang at hindi ko natabig ang buong chess board! Pero... yumuko ako para pulutin ang mga natabig kong chess pieces at na-realize na babasagin rin pala ang mga ito. Hindi ako gaanong pamilyar kung paano ba iyo laruin pero tanda ko ang tawag sa bawat piraso ng mga ito. Isa-isa kong pinulot ang mga nahulog na pieces at nagmamadaling ibinalik iyon sa tabinging chess board ni braindead. "S-Sorry! Sorry talaga hindi ko sinasadya." Naibalik ko nang maayos iyong mga nahulog na pieces pero nanh tatayo na sana ako ay may nahagip ang ang mata na isang piece na hindi ko pala napulot kaya yumuko ulit ako para kunik iyon at maibalik sa kanya. Sa hugis ng chess piece ay nakilala ko na agad ang tawag dito... pawn. "Sorry talaga! Sorr--" nabitin sa ere ang kamay kong magbabalik sana ng pawn sa ibabaw ng chess board niya nang biglang hinawakan ni braindead ang pulso ko nang mukhang mariin. Natigil ako sa pagsasalita dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Mukhang mariin talaga iyon dahil nagsimula nang mamutla ang kulay ng kamay ko. Mula sa pagtitig sa chess board ay tumaas ang tingin niya hanggang sa magtama ang paninin naming dalawa. Saglit lang iyon dahil medyo unfocused ang kanyang mga mata. Pero hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng kaba dahil sa titig niya. "I hate it when an irrelevant piece suddenly pops out and decided to change the game," nanlamig ako dahil sa bigla niyang sinabi. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD