Chapter Fourteen
Clique Assembly
A G A P E
NANATILI AKO nakatayo sa harapan ni braindead habang sinusubukang intindihin ang sinabi niya.
Samantala, kasalukuyan na siyang nakatitig sa chess board na nasa kanyang armchair. Hindi ko namalayan na napigilan ko na pala ang hininga ko dahil sa pagkagulat at pagkalito ko sa mga sinabi niya. Ngayon ko lang tuloy napagtanto na tinititigan na pala kami ng buong klase.
Tahimik sila pero taliwas doon ang mga ekspresyong nakapinta sa kanilang mga mukha. Ang ilan ay walang paki at binalik nalang ulit ang atensyon sa grouo activity pero ang ilan ay nakatitig sa amin gamit ang malisyosong mga mata na para bang may naiisip silang hindi naman nila dapat isipin. Ang ilan ay nakangisi at meron ding palihim na natatawa kahit na wala namang dapat na ikatawa sa sitawasyon namin.
Napalunok ako at napayuko, nakaramdam ulit ako ng hiya dahil hindi inaasahan na ako nanaman ang sentro ng atensyon kahit na hindi ko naman alam kung ano nanaman ba ang nagawa ko. Hindi ko naman sinasadyang matabig ang chessboard niya, sadyang nagsimula lang na mapuno ng kung ano-anong bagay ang utak ko kaya parang nawala ako sa konsentrasyon at nawalan na rin ng balanse.
"Sorry talaga..." yumuko ako ng huling beses sa harap ni braindead bago ako nagpasya na tuluyan nang bumalik sa upuan ko. Pakiramdam ko kasi kahit na anong gawin kong piga sa utak ko, hindi ko pa rin mag-gets ang sinabi niya kanina.
Akmang lalakad na ako pabalik sa upuan ko ay bigla akong napahinto nang tawagin ako ng isa sa mga kaklase ko.
"Hey, Agape!" Nilingon ko ang pamilyar na matinis na boses ni Mathilda.
May ngising naka-display sa kanyang mukha at sa hindi malamang dahilan ay parang kinutuban ako bang masama.
"B-Bakit?" Kinakabahan kong sagot.
Humalukipkip siya at tumayo, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi. "'Di ba you still don't have a group pa?" Tanong niya habang nilalaro ang kanyang mahabang buhok.
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Napapalakpak siya na para bang natuwa siya dahil sinabi ko ang sagot na ini-expect niyang sasabihin ko.
"Great! Wala pa ring ka-group itong si braindead, eh. What if kayo nalang ang maging mag-group? Tapos if ever na dumating si Denisa, edi mas happy--makulumpleto na ang group niyo!" Ani niya sa isang maligayang tono.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at saglit na napasulyap kay braindead na kasalukuyang nakaupo pa rin at mukha namang walang pakielam sa paligid.
Narinig kong bumungisngis sa tawa ang ilan sa mga kaklase ko na para bang natawa sila sa sinabi ni Mathilda. Maging sila Chelsea at Bea ay nakita kong nakikitawa sa gilid pero nang nagtama ang mga maga namin ay bigla silang tumigil sa pagtawa at ibinalik ang atensyon sa sinusulat nila. Pero karamihan pa rin sa mga kaklase ko ay tawang-tawa na pinupuri ang naging suhesyon ni Mathilda.
"Oh, what do you, Agape? Such a good idea, right?" Pinunasan ni Mathilda ang luha sa gilid ng mata niya dahil katatapos niya lang din makitawa sa kanila.
Nanginig ang kanang kamay ko kaya ibinulsa ko iyon. Napasulyap ulit ako kay braindead at hindi pa rin siya nagpapakita ng anumang senyales kung naririnig niya ba itong pinag-uusapan namin. Kasalukuyan niya lang inaayos ulit ang kanyang chess pieces sa board.
"Ano? What do you think, Agape?" Tanong ulit ni Mathilda habang suot pa rin ang kanyang ngisi.
Nakaramdam ako bigla ng panliliit. Halos lahat sila ay nakatitig sa akin, tumatawa. Hindi ko alam kung ano ba eksakti ang rason kung bakit sila natatawa--kung ako ba ang tinatawanan nila o kung may nagawa ba akong dapat nilang pagtawanan.
Sinubukan kong huminga nang maayos sa likod nang mabilis na t***k ng puso ko dulot ng kaba dahil sa pagiging biglang sentro ng atensyon sa hindi ko malamang dahilan.
"A-Ano kasi--"
"Oh, come on! We are suggesting you an opportunity na nga, oh!" Biglang putoo ni Mathilda sa dapat na sasabihin ko. "Look, kanina pa kita nakikitang naghahanap ng pwede mong maging groupmates and for some reason, they keep on rejecting you so why don't you just team up with braindead? Tutal ay mukhang siya lang naman ding mag-isa. Baka sakaling may chemistry pala kayo."
Humagalpak sa tawa ang mga kaklase ko dahil sa sinabi nila. Nagbiruan pa sila ng kung ano-ano tungkol sa mga sinabi ni Mathilda.
Napayuko ako habang sinusubukang kontrolin ang paghinga ko. Ngayon sigurado na ako, ako talaga ang pinagtatawanan nila pero hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit.
May nagawa ba ulit akong mali? May nagawa ba akong nakakahiya?
Bakit...
Pinagmasdan ko ang mga mukha nilang para bang sayang-saya sa mga sinasabi nila. Sobrang tawa ang dinudulot ng pag-uusap nila tungkol sa tambalan namin ni braindead. Nagmarka sa utak ko kung paano kumurba ang mga labi nila sa isang ngisi bago humalakhak at hunagalpak sa tawa. Parang wala nang pagsisidlan ng tawa ang mga ekspresyon nila...
Sobra siguro akong katawa-tawa.
Na kahit nakatayo ako sa harapan nila ay ni hindi man lang sila nagdalawang-isip na tawanan ako na akala mo ay hangin lang ako sa harapan nila.
Bakit...
Kahit saan ako magpunta, hindi ko kailanman naramdaman na nandoon ako?
Siguro, sadyang hindi ganito lang ako...
Isang malakas na paghampas ang biglang nagpatahimik sa lahat.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nagulat nang makita na mula pala iyon kay braindead. Basag na ang chess board na kaninang nakapatong sa kanyang armchair. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dugong dumadaloy sa mga daliri niya. Doon ko napagtanto na marahil ay hinampas niya ang isang chess piece na hawak niya sa chess board kaya napabasag iyon at lumikha ng malakas na ingay.
Nabalot ng katahimikan ang buong classroom. Ang bawat isa ay nakatitig lang sa kanya. Ako naman ay nabalot ng pagkabahala dahil sa sugat sa kamay niya. Parang may parte sa akin na gustong gamutin iyon kahit na sa totoo lang ay wala naman akong kalayahan sa paglilinis ng sugat. Kung nandito lang sana si Denisa...
Marahas na tumayo si braindead saka ibinulsa ang dumudugong kamay.
"So f*****g noisy," tumindig ang balahibo ko nang sabihin niya iyon sa isang mahina pero parang nanggigil na boses.
Napaatras ako nang magsimula siyang umambang lalakad palabas ng classroom.
Walang nagtangkang magsalita sa mga kaklase ko. Nanatili lang na nakatitig ang lahat sa bawag yapak ni braindead na para bang hindi rin nila inaasahan ang naging reaksyon niya.
Ni hindi man lang nag-abala si braindead na kunin ang naiwan niyang basag na chess board at ang mga nagkalat na chess pieces. Dumiretso lang talaga siya ng lakad papunta sa pinto, mukhang balak talaga niyang umalis kahit na may natitira pang halos 20 minutes sa klase.
Nanatili lang din akong nakatayo, hindi alam kung dapat ko ba siyang pigilan o hahayaan ko nalang siya sa pag-alis niya na posibleng tawagin bilang pagc-cutting class.
Pinihit niya ang seradura ng pinto para buksan ito at nagulat ako sa taong bumungad sa labas ng classroom pagkabukas na pagkabukas ni braindead sa pinto.
Nakatayo sa labas ng classroom ay si Denisa na mukhang medyo nagulat din na ang bumungad sa kanya sa pintuan ay ang mukha ni braindead. Nakaawang ang labi niya habang ang kanang kamay ay namabitin sa ere--mukhang akma niya rin sanang bubuksan ang pinto pero naunahan siya ni braindead na mabuksan ito.
Inaasahan kong may sasabihin si Denisa na kung ano o 'di kaya'y sisinghalan ang lalaki pero nanatili lang din siyang tahimik nakatayo habang medyo gulat pa ring nakatingin sa taong nasa harapan niya.
Matapos ng ilang segundo ay walang pasabing nagpatuloy na naglakad si braindead, nilagpasan niya lang sii Denisa na para bang hindi niya ito nakita.
Nanatiling nakatayo si Denisa sa tapat ng pintuan kahit na wala na si braindead sa harapan niya. Pero matapos ng ilang saglit ay para siyang nahimasmasan at nagtama ang mga paningin namin saka siya dumiretso ng lakad papunta sa akin.
Tahimik siyang umupo sa upuan niya kaya sinundan ko siya at tumabi sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago pa mukhang nahimasmasan ang iba ko pang mga kaklase. Nagsimula na ulit silang mag-usap kaya nagkaroon ng kaunting ingay sa classroom, pero hindi na iyon kagaya ng pagtawa nila sa akin kanina. Wala na ring nakatingin sa akin at palihim na ngumingisi, bumalik lang lahat sila sa kanya-kanyang gawain na para bang walang nangyari kanina.
"Anong nangyari?"
Medyo nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Denisa. Napahawak ako sa dibdib ko nang nilingon ko siya sa tabi. Mariin siyang nakatitig sa akin na para bang ini-examine niya ako.
"U-Uh, may... may pinapagawa lang na group activity si Ms. Richii," ani ko, hindi sigurado kung tama ba ang naging sagot.
Nailang ako nang mariin niya pa rin akong tinitigan nang ilang segundo na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Umiwas ako ng tingin.
Huminga siya nang malalim na nauwi sa buntong-hininga bago niya binawi ang tingin sa akin at tamad ba sumandal sa kanyang upuan.
"Ano, by group ba 'yan? Ba't sila nag-uumpukan do'n?" Kaswal na tanong ni Denisa. Kasalukuyan siyang nakapikit at nakasandal sa upuan.
"Ah, oo. Pumayag si Ms. Richii na mamili ng kanya-kanyang ka-grupo kaya ayon..." sabi ko, hindi na alam kung ano pa ang sasabihin.
Nahahati ang atensyon ng isip ko sa pagsagot sa tanong ni Denisa at sa pagsagot sa sarili kong mga tanong tungkol sa hindi inaasahang pag-akto ni braindead kanina, ang bigla kong pag-alala sa pagkikita nila ni Denisa kagabi, at kung bakit ngayon lang siya nakadalo sa klase--hindi ko alam kung dapat ko pa bang itanong sa kanya ang rason nito.
Minulat ni Denisa ang isa niyang mata saka sinulyapan ang guidelines ng activity na naka-flash sa touch board. Saka siya bumuntong-hininga ulit bago dumukot ng ballpen sa kanyang bulsa. "May papel ka ba?" Tanong niya bigla sa akin.
"Ah? A-Ah, oo meron..." hinalungkat ko ang one whole sheet of paper sa loob ng bag ko saka ko nilapag sa armchair.
Kaswal na kinuha iyon ni Denisa at kalmadong sinulat ang objectives na naka-flash sa touch board. Saka ko lang na-realized na sinisimulan na pala niya ang activity!
Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kamay niya na masinop na nagsusulat sa papel.
Hindi niya ako tinanong kung may ka-grupo na ba ako, o tinanong man lang kung ayos lang ba na maging magka-grupo kami para sa activity na ito. Basta sinumulan niya lang agad ang pagsusulat sa activity.
Walang anumang salitang kailangan... parang nagsimulang mag-init ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha.
Kanina, sinusubukan kong makahanap ng mga pwedeng maging ka-grupo noong wala si Denisa pero wala ni isang pumayag o tumanggap sa akin.
Pero siya...
Nanginig ang labi ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko para yakapin siya.
Tumaas ang balikat niya sa pagkagulat dahil sa ginawa ko.
"Hoy, anong ginagawa mo?" Pabulong na bulyaw niya sa akin habang nakayakap ako sa kanya, may bakas ng matinding gulat sa boses niya.
Umiling lang ako bilang sagot habang patulot na nakayakap sa kanya. Suminghot ako ng dalawang beses para pigilan ang mga luha.
"Ano ka ba, tulungan mo na nga lang ako rito," pabulyaw niyang sinabi pero tingin ko ay pinilit lang niya na magtunog masungit.
Suminghot ulit ako. "T-Thank you..." nahihiya kong sinabi bago humiwalay sa kanya. Hindi ko alam kung pinapanuod ba kami ng mga kaklase ko pero sa mga oras na iyon ay hindi na iyon naging mahalaga sa akin.
Ang naiisip ko lang ay ang pasasalamat na nandito na ulit si Denisa.
"Tss," singhal ni Denisa bago itinuon ang atensyon sa pagsusulat sa papel.
Tunog masungit ulit siya at magkasalubong ang mga kilay niya pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang mabilis na pagkorte ng mga labi niya sa isang ngiti.
NATAPOS na ang lagpas 20 minutes ag hindi pa rin kami tapos ni Denisa sa activity. Samantala, ang karamihan naman sa mga kaklase namin ay nakalabas na ng classroom. Kani-kanina pa kasi tumunog ang Golden Bell. Ibig sabihin ay tapos na ang Science period at oras na para sa Clique Assembly. Pero hindi pa rin namin magawang makaalis ni Denisa dahil kailangan pa naming tapusin ito.
Sinasagutan namin ang sampung tanong na naka-flash sa touch board. Bawat tanong ay nagr-require ng 300 word essay. Si Denisa ang nagsusulat ng aming final answer sa papel, samantalang ako naman ay nagsusulat muna sa scratch bago iabot sa kanya para ipa-check kung tama ba ang mga ideya ko. Mukhang masakit na rin ang kamay niya dahil kanina pa siya nagsusulat. Pinapagpah niya na ito sa ere na para bang namamanhid na.
Nag-volunteer ako kanina na ako nalang ang magtutuloy na magsulat sa final answer namin pero tinanggihan niya ako, hindi siya pumayag dahil pangit daw ang sulat ko--na totoo naman. Kanina pa nga siya nagr-reklamo dahil hindi raw niya maintindihan ang mga pinagsusulat kong sagot sa aking scratch paper. Nahiya tulot ako dahil sobrang linis ng penmanship ni Denisa samantalang ang akin ay parang kinayod ng pato nila aling Remedios na kapitbahay namin sa probinsya.
Wala sa sarili kong kinagat ang kuko habang papalit-palit ang tingin mula sa mga papel na sinusulatan ni Denisa at sa wall clock sa aming classroom. Late na kami para sa Clique Assembly.
Lumipas pa ang ilang segundo ay kami nalang dalawa ni Denisa ang natira sa loob ng classroom, nakaalis na ang lahat ng mga kaklase namin at malamang at um-attend na sa kanya-kanya nilang Clique Assembly.
Nang mapansin ni Denisa na mukha na akong balisa ay nilingon niya na ako. "Mauna ka na sa Assembly niyo, kung kabado bente ka jan," aniya bago ibinalik ang tingin sa sinusulat. "Ir-rewrite ko nalang naman ang mga sagot,"
Umiling naman ako. "Hindi, hihintayin kita," sagot ko naman.
Napansin kong medyo napahinto sa pagsusulat si Denisa nang sumagot ako pero mayamaya ay nagpatuloy na ulit siyang magsulat.
Wala nang nagsalita sa amin sa mga sumunod na minuto. Inabot siguro kami ng mga sampung minuto pa bago natapos sa wakas si Denisa.
"Bullshit. Salamat naman tapos na," ani niya habang nag-uunat ng kamay. Tapos ay ibinulsa niya na ang kanyang ballpen bago pinunit mula sa pad ang sampung page ng whole sheet of paper na pinagsulatan namin ng sagot.
"Tara, pasa na natin 'tong salot na activity," ani niya bago isinukbit ang bag sa balikat.
Sinundan ko naman agad siya at nagmamadaling sinuot na rin ang bag.
Mabilisan kaming pumunta sa faculty office para maipasa ang activity namin. Ang karamihan sa mga kaklase namin ag sabay-sabay na nagpasa kanina pero dahil late na kami sa Golden Bell ay solo tuloy kaming nagpapasa.
Tapos namin mapasa ang papel ay agad kaming dumiretso sa club building ng school kung saan matatagpuan ang pitong conference halls kung saan ginaganap ang kanya-kanyang assembly ng bawat cliques.
"Diyan, kumanan ka lang jan," ani ni Denisa, tinuturo niya ang daan papunta sa conference hall na para sa Reconcilers.
"Salamat,"
Tamad na tinanguan niya lang ako bago siya naglakad sa kaliwang direksyon, doon siguro ang conference hall na para sa Trailblazers.
Huminga ako nang malalim saka binilisan ang lakad para marating na ang assembly na para sa mga Reconcilers.
Bawat hakbang ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na't 20 minutes na ata akong late. Napakaimportante pa man din ng oras sa school na ito.
Huminto ako sa tapat ng kahoy na double doors at huminga nang malalim bago ito binuksan.
-C. N. Haven-