Chapter Fifteen
The Peacemakers
A G A P E
ITUTULAK KO na sana ang pinto para bumukas pero bago pa man lumapat ang palad ko ay kusa na itong bumukas mula sa loob kaya nawalan nanaman ako nang balanse at napaluhod sa sahig.
Agad akong tumingila mula sa pagkakasalampak sa sahig nang ma-realized na may dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko--sila siguro ang nagbukas ng pinto bago ko pa iyon mabuksan kanina.
"Who are you?" Tanong ng isa sa akin habang nakatitig sa akin ang walang emosyon niyang mga mata.
Bago ako sumagot ay inayos ko na muna ang sarili ko at pinilit na tumayo mula sa pagkakasalampal sa sahig.
Pagkatayo ko ay saka ko napagtantong dahil sa pagkakadpa ko ay nakapasok na pala ako sa loob nitong conference hall. Hindi ko mapigilang punahin kung gaano kalawak ito, marami na ring estudtante ang nandito sa loob at lahat sila ay nakatingin sa akin pero walang anumang bakas ng ekspresyon ang mga mukha nila. Binalot nang matinding katahimikan ang buong lugar hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob para makapagsalita.
"U-Uhh. Agape... Agape Cristobal. Uhm, dito po ba ang conference hall para sa mga R-Reconcilers?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ako sigurado kung tama ba ang paraan ng pagtatanong ko.
Tinitigan ako ng dalawang babae. May katangkaran sila pareho kaya para silang dalawang toreng kulang nalang ay takpan ang paningin ko. Ang isa ay may mahaba at itim na buhok at ang is nama'y may pixie cut na buhok.
"Yes, dito nga pero hindi mo ba alam na kanina pa nagsimula ang assembly?" Sagot babaeng may mahabang buhok gamit ang isang mahinahon pero ma-awtoridad na boses.
Napalunok ako sa sinabi niya.
"You should always remember that time is very essential in this school," dagdag pa ng katabi niyang babaeng may maikling buhok. Malumanay lang din ang boses niya pero ramdam ko ang pagtusok ng kaseryosohan sa kanyang bawat salita.
Nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya. Tingin ko pa ay lahat ng mga tao rito sa loob ng malaking conference hall ay mariin nang nakatingin sa amin.
"S-Sorry..." yumuko ako. "Natagalan kasi ako sa pagpasa ng isang a-activity namin kaya nahuli ako sa pagdalo nitong assembly," nakabaling lang ang mga mata ko sa sahig habang sinusubukang magpaliwanag. Nahihiya akong salubungin ang mga tingin nila sa akin.
Pakiramdam ko ay hindi na naging maganda first impression nila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil tama naman sila. Napakahalaga ng oras sa school na ito--iyon ang bagay na araw-araw na pinaalala sa amin ng tunog ng Golden Bell. Buti nga ay pumasok pa si Denisa sa klase namin kahit na late na siya, eh. Dahil kung hindi, baka kahit ang pagdalo rito sa assembly ay hindi ko na rin nagawa.
"Sorry po talaga..." niyuko ko lalo ang ulo ko sa harap ng dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko.
"That's enough,"
Napansin ko ang biglang pag-diretso ng tayo ng dalawang babae sa aking harapan nang may isang hindi pamilyar na boses ang nagsalita. Kumunot ang noo ko at bahagyang inangat ang ulo para sulyapan kung saan nanggaling ang boses pero tangin ang matatangkad ba pigura lang ng dalawang babae sa harap ko ang nakikita ko.
Nanatiling nakakunot ang noo ko nang mapansin na parang nag-iba bigla ang atmosphere dito sa loob ng conference hall matapos magsalita ang boses na iyon.
Kanina tahimik lang pero ngayon sobrang tahimik na. Parang halos katulad na nito iyong katahimikan nang naglakad sa harapan ang school director noong araw ng orientation.
Sa gitna ng katahimikan ay namayani ang tunog ng mga yabag. Pero hindi ko malaman kung saan nanggagaling iyon dahil nasa harapan ko pa rin itong dalawang matangkad na mga babae. Hanggang sa narinig kong palapit nang palapit ang mga yabag... ibig sabihin ay kung sino man ang taong ito na naglalakad--papalapit siya sa amin. Matapos ang ilang segundo ay tumigil ang tunog ng mga yabag tapos ay...
"I would appreciate it so much if you will move a bit so I can see the girl," dinig kong turan ng boses na narinig ko kanina.
Napayuko ang dalawang babae sa harapan ko bago dahan-dahan na tumabi sa gilid. Nang dahil doon ay nakita ko kung sino ang taong nakatayo sa likuran nila. Naagaw agad ng atensyon ko ang matamis niyang ngiti at ang kulot at mahaba niyang buhok na hanggang baywang.
Siya siguro ang naririnig kong nagsasalita kanina.
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized na pamilyar ang taong ito. At isa pa, ang suot niyang uniporme... kulay puti.
Hindi ako pwedeng magkamali, isa siya sa mga taong nakaputi na nakita ko noong araw ng orientation.
"I'm sorry for that, sweetie. Na-intimidate ka ba nila?" Marahan niyang tanong habang hindi nawawala ang matamis niyang ngiti.
Natulala ako sa mukha niya ng ilang segundo bago ko tuluyang naintindihan ang sinasabi niya.
Masyado akong na-distract sa mala-anghel na mukha ng babaeng ito.
"A-Ah, h-hindi naman po..." nagkanda utal-utal ko ulit na sagot.
Sinulyapan naman niya ang magkabilang gilid niya kung saan nakayuko nang nakatayo ang dalawang babaeng humarang sa akin kanina.
"Seah and Lilya, why did you do that to the poor girl? You could've traumatized her or something," marahang tanong niya sa dalawa. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa bawat kibot ng labi niya ay napakahinhin tingnan.
Pero nawala roon ang atensyon ko nang mapansin na parang biglang naging kabado ang ekspresyon ng dalawang babaeng nakausap ko kanina. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanila ngayon dahil kasalukuyan lang din silang nakayuko at ni hindi magawang salubungin ang tingin nitong babaeng nakaputi.
"B-But, Iota. You know the rules, late na siya dumating kaya dapat siyang masa--"
"Seah..." naputol ang sinasabi ng babaeng may mahabang buhol nang biglang tawagin nitong babaeng nakaputi ang pangalan niya.
Napalunok ako ng laway habang pinapanuod ang pag-uusap nila. Hindi ko alam kung bakit pero binubulong sa akin ng utak ko na nag-iba nanaman ang atmosphere sa paligid. Para bang numipis bigla ang daloy ng hangin dito sa loob dahil sa paraan ng pagbanggit ng babaeng nakaputi sa pangalan ng kausap niya. Nandoon pa rin ang lambing sa boses niya pero sa likod noon ay ramdam ko ang kakaibang antas ng awtoridad.
"I'm sorry but... are you trying to lecture me, Seah?" Dahan-dahan ang pagbigkas ng babaeng nakaputi sa bawat salita. Walang bakas ng galit o iritasyon sa boses niya pero may kakaiba ang dulot nitong tensyon.
"N-No. No. I'm sorry... I'm sorry, Iota," hindi magkandaugaga na paghingi ng tawad ng babaeng nagngangalang Seah.
Palihim na kumunot ang noo ko ulit dahil sa isang salitang kanina ko pa naririnig.
Iota? Teka, pangalan ba iyon?
Pangalan ba iyon nitong babaeng nakaputing uniporme? Bakit parang kakaiba naman ata ang tunog.
Namayani ang katahimikan ng ilang segundo bago lumapat muli ang isang palakaibigang ngiti sa mga labi ng babaeng nakaputi.
"Alright. My bad, I'm sorry... I thought you are trying to lecture me or something. Guess you are just really concerned to the order of our family. Riht, Seah?" Malambing na sinabi niya habang dalawang beses na tinapik sa balikat si Seah.
"Y-Yes, yes." Halos walang boses na sagot ng babaeng may mahabang buhok.
Lumapad ang ngiti ng babaeng nakaputing uniporme bago bumaling ulit sa akin.
"I really appreciate your efforts, hun. But you don't have to be obsess over the proper order or systems and the likes because we're not, Rectifier afterall." Dagdag na ani niya para sa dalawang babae kahit na nakatuon na sa akin ang kanyang mga bilungang mata.
Mukha itong inosente kung titingnan, para siya iyong mga batang kerubin na napapanuod ko sa mga palabas. Kung tutuusin pa ay hindi nalalayo ang height niya sa akin-- hindi siya gaanong katangkaran kaya lalo siyang nagmukhang inosenteng batang anghel sa paningin ko. Pero sa likod ng medyo maliit niyang pigura ay bumubuga pa rin siya ng ma-awtoridad na aura.
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang epekto niya pati na rin ang iba rin niyang kasamahan noong orientation na may puting uniporme rin. Nagsimula nanamang bumalik ang napakaraming tanong sa isip ko pero naputol iyon kaagad nang inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.
"I'm really sorry for that, sweetie. I hope you won't take that to the heart. But now, let me just introduce myself to you, I am Sandra Corgeza and I happened to be the leader of this family for some reasons,"
Natulala ako saglit sa kamay niyang nakalahad sa akin bago ako nahimaamasan ng katinuan. Agad kong pinunasan ang kamay kong pasmado bago ko siya kinamayan.
Itong babaeng kinakamayan ko ngayon... siya ang leader ng Reconcilers Clique?
"Agape... a-ang pangalan ko naman ay Agape Cristobal,"
Nagulat ako nang biglang natigil sa ere ang ang kaninang pags-shake hands niya sa akin at parang naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko nang banggitin ko ang pangalan ko.
"I'm sorry, sweetie but what's your name?" Pagtatanong ni Sandra.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? Masyado atang mahina ang boses ko.
Kaya tumikhim ako ng kaunti para malinis ang kung ano mang nakabara sa lalamunan bago nagpakilala ulit.
"Agape Cristobal po,"
Hindi ko alam kung bakit pero parang umawang ang labi niya nang banggitin ko ulit ang pangalan ko. At hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero parang saglit din na nanlaki ang mga mata niya na para bang may naalala bago ito agad na bumalik sa palakaibigang tingin.
Kumurap siya ng tatlong beses bago shinake ulit ang aking kamay at napansin ko rin na bumalik na sa dating higpit ang pagkakahawak niya rito.
"I see, what a lovely name," aniya niya habang diretso akong tinititigan sa mata na para may direkta siyang hinahanap sa kaluluwa ko. "Agape means unconditional love and that is exactly what we are promoting in this family!" Masigla niyang sabi bago marahang pinakawalan ang kamay ko.
"Anyway, the assembly has started fifteen minutes ago but that does not mean that you can no longer join. So please feel free to find your seat as we resume our assembly," iginiya niya ako sa kalawakan ng conference hall. Naglakad pa kami sa gitna ng mga upuan kaya nakaramdam nanaman ako ng kaba nang makumpirma na nakatingin nga ang lahat ng mga estudyante rito sa amin. Pero wala naman akong naririnig na salitang nanggagaling sa kung sino man maliban kay Sandra. Napakatahimik lang ng paligi kung tutuusin.
Nang huninto kami sa first row ng mga upuan, malapit sa stage ay itinuro ni Sandra ang mga bakanteng upuan kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umupo na ako agad sa isa sa mga iyon.
Samantala, mahinhin naman na naglakad si Sandra sa podium na nasa gitna ng stage sa harapan. Sa likuran niya ay isang malaking white screen kung saan naka-flash ang malaki at malinae na logo ng kalapati na lumilipad sa gitna ng araw.

"Okay, to continue what we have been discussing earlier..."
Naagaw na ulit ni Sandra ang atensyon ko nang nagsimula na siyang magsalita.
"I'd like to welcome you all to the family of the Reconcilers. In this family, we value honesty, credibility, love, kindness and above all, peace. These five words are our core values that we must uphold at all cost," huminto siya saglit para ilibot ang mga mata sa kabuuan ng conference hall.
"Just like what our what are dictum says..." nag-flash sa white screen ang isang pangungusap na binasa namam ni Sandra.
"...harmony is the key to tranquillity. A simple phrase to remind us that our goal in this school is to strive for peace, to promote peace, and to maintain peace. The Traiblazers wish to rekindle the sense of competitiveness of everyone; the Contrivers ought to exhibit intelligence in the face of silence; the Rectifier impose order and discipline; the Devisers strive for cunning ways; the Beautifiers express beauty in the form of creativity; the Indulgers exhibit calmness amidst the raging academic pressures; and for us, Reconcilers, we have have the responsibility to act in a way that will not jeopardize other cliques' existing principles while simultaneously manifesting our moral values,"
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil sa pagkamangha sa paraan ng kanyang pananalita. Malambing, marahan at puno ng kapayapaan. Siya ang perpektong halimbawa ng isang estudyanteng parte ng Clique na ito. Kaya pala siya ang leader.
Pero bukod sa kakaiba niyang galing ay may napansin ako sa mga sinabi niya. Nabanggit niya kanina ang bawat cliques at ang mga pinaniniwalaan ng mga ito. Pero gaya ng palagi kong naririnig ay pito lang ang nabanggit niyang cliques, kasama na roon ang clique namin. Pero noong ipinaliwanag naman sa akin noon ni Denisa ang C-system, nabanggit niya na may siyan na cliques sa school na ito. Posible bang nagkamali lang siya?
"...we are the peacemakers. Our primary objective is to avoid anything that may cause ruckus or chaos--"
Bigla akong nahiya nang maalala na na-involve ako sa gulo noong unang araw ko palang sa Academy.
"Hence, we extend our love and kindness to everyone in this campus. However, actions speak better than words so even if I make speak of our principles the whole day, we will not be entirely sure if you will consistently uphold our peaceful duty," naramdaman ko ulit ang pamilyar na daloy ng awtoridad sa malambing niyang boses.
"So for to assure that each of one is sticking to what our dictum says, each of us must have this," nag-flash sa white screen ang picture ng isang kulay puting digital watch.
Inilahad din ni Sandra sa amin ang kanyang kamao at nakasuot din siya ng relo na kagayang-kagaya ng naka-display sa white screen.
Isang ngiti ang kumurba sa kanyang labi.
"I think it is time to introduce our white guardian..."
Limang estudtante ang nagtulak ng mga trolly sa harapan ng stage at ang mga trolly na iyon ay nagkalaman ng maraming relo na kapareho ng suot ni Sandra at ng naka-flash sa white screen.
-C. N. Haven-