Chapter Sixteen
White Guaedian
A G A P E
NAKAPAKO LANG ang atensyon ko sa mga trolleys na itinutulak ng limang estudyante sa harap ng stage. Kasama sa mga nagtutulak ay ang dalawang babaeng humarang sa akin kanina. Ang laman ng mga metal trolleys ay dose-dosenang mga puting relo na kaparehong-kapareho sa larawan na naka-project sa white screen at sa mismong relo ba suot ni Sandra. Kasalukuyan niya pa ring inilalahad ang kamao niya sa aming harap na para bang proud siyang dini-display ang suot niyang relo.
"I know most of you are already familiar with this since you have beem part of the Reconcilers family for years but I will still explain just what's the deal with this watch for the sake of the new and transferree students..."
Ani ni Sandra habang iginagala ang paningin sa kabuaan ng naming nandito sa conference hall. "So basically, every cliques in this school have its respective watches and they only differ in terms of designs. The primary purpose of a clique watch is to monitor the activities of us students. No, it is not use to spy--it's just that sometimes, there are cases wherein some students are trying to illegally leave the school campus without prior notice or approval from the school administration. In addition, clique watches are also use to digitize the current status of your C-points; it acts as an extension to your Clique cards which I am certain that you already have?" Aniya habang nakangiti. Iginala niya ulit ang paningin sa paligid para siguro tingnan kung may umaalma ba sa sinasabi niya.
Clique cards... iyon ang card na ibinigay sa amin nang matapos namin ang Clique examination at ang ginamit namin ni Denisa sa pagbili ng mga pagkain sa cafeteria. Ngayon, mas nauunawaan ko na ang mga salitang binabanggit ni Sandra ngayon
Mabuti nalang at kahit papaano ay marami ring naipaliwanag sa akin si Denisa.
"Furthermore, just like what I have mentioned awhile ago, Clique watches in every cliques have different designs and name as well. Hence, this cutie watch that we have here..." itinaas niya ulit ang kanya g kamao para ipakita ang relo. "...is called the White Guardian. As you can see, simplicity is its concept and that explains its color which is white. I would also want to explain its features," iminuwestra naman niya ang kanyang kamay sa white screen kung saan lumipat ng slide ang presentation at pinroject naman ang mas konprehensibong larawan ng relo. May mga arrows na nakalagay roon kung saan mga nakakabit na mga features at explanations.
Binasa ko iyon isa-isa...
Core features:
- Time-check
- Alarm
- Heart-monitor
- Built-in flashlight
- Built-in Gps/tracker
- Exclusive messaging app for students
- Built-in software that monitors a student's C-points
- Built-in software that monitors a student's conduct and behaviour, academic achievements, and extra curricular activities
- Customizable interface
- Can be recharged through the convertion mechanical energy(movement of the host) to electrical energy as well as through solar energy
- Student pass, digital/secondary school i.d.
Napanganga ako nang mabasa isa-isa ang mga core features ng relo na iyon. Sa unang tingin kasi aakalain mong ordinaryo lang siyang digital watch pero hindi ko lubos maisip na meron pala siya ganito karami at nakakalulang features!
Pinaliwanag isa-isa ni Sandra ang mga naka-project sa white screen. Nakakamangha ang paraan ng page-explain niya dahil napakahinhin ng boses niya--iyong tipong hindi naman nakakaantok bagkus nakakagana pa nga.
"The clique watches have 11 features which primarily aim to give us students a more convenient time inside our school..."
Hindi ko talaga mapigilang mapabilib sa mga nababasa ko sa white screen. Hindi ko lubos maisip kung paanong ang relo na iyon ay may ganoong klaseng technology talaga. Grabe, iba talaga ang paaralan ng nga mayayaman!
"That is why, we should always wear this watch every day as we attend all of our classes. Because technically speaking, starting from monday, your attendance would not be acknowledged to school if you fail to wear our lovely white guardian as if serve as your digital identification," nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa harapan niya ba natahimik dahil sa kanyang sinabi.
Naramdaman ko nanaman ang pagiginh istrikto ng Libertio Academia. Napaka-partikular nila pagdating sa oras at pati na rin sa pagpapatupad sa mga sistema nila. Mukhang napakahalaga talaga ng ginagampanang papel ng mga relong ito.
"Hence, I will expect all of us to comply to the rules--and yes, we are not Rectifiers but we must still stick by the rules for the sake of peace which is our number one priority in this school," huminto siya saglit bago huminga nang malalim. "Can I expect yout cooperation?" Marahan niyang tanong habang suot ang matamis niyang ngiti.
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Wala akong nakitang may violent reactions o kung ano man. Parang lahat naman ay nagustuhan ang sistemang ito at sa totoo lang, nabibilib nga ako na may ganito palang klaseng sistemang umiiral sa loob ng Academy. Kaya napakaayos ng takbo ng paaralang ito.
Maligayang napapalakpak naman sa ere si Sandra na para bang natuwa siya sa pagsang-ayon ng lahat.
"Alright! If that's the case then let us already proceed to the distribution of your own white guardian watch!" Excited na pumalakpak si Sandra at bigla namang nagsikilusan ang limang estudyanteng may tulak-tulak na trollys na naglalaman ng mga relo.
Tahimik nilang binigyan ang bawat estudyante ng tig-iisang relo. Pormal din akong inabutan nito at sa gulat ko ay ilang segundi muna akong natulala roon bago ako natauhan at nanginginig na kinuha iyon. Ang karamihan sa mga nandito sa loob ng conference hall ay mukhang sanay na sa mga nangyayari. Para bang hindi na ito bago sa kanila. Ganoon din ang itsura ng mga katabi kong estudyante--sa itsura nila ay mukha silang mas matanda sa akin. Siguro ay mga senior high school na. Matagal na silang nag-aaral dito, kaya siguro mukhang kabisado na nila ang mga nagaganap at wala nang bahid ng gulat o pagka-surpresa man lang sa mga mukha nila. Samantala, meron din namang kagaya ko na mga estudyanteng medyo gulat at mangha rin habang inaabutan ng mga relo. Nanlalaki ang mga mata nila habang pinagmamasdan ang white guardian sa kanilang palad.
Inabot ng mga ilang minuto bago matagumpay na nabigyan ang bawat estudyanteng naririto sa loob ng conference hall. Nang matapos na iyon sa wakaa ay nabaling na ulit kay Sandra ang aming atensyon.
Maaliwalas ang kanyang mukha habang nakangiti, mukhang nasisiyahan dahil lahat kami ay meron nang kanya-kanyang relo na hawak. Itinapat niya ba ulit ang kanyang labi sa mike ng podium, senyales na magsasalita na ulit siya.
"I, Sandra Corgeza, represents the entire school administration to bestow to you all, these spectacular tool for us to be more united and efficient as we spend the next months inside this school. You can now wear your respective white guardian watches," lumapad ngiti niya habang pinagmamasdan kami na sinusuot ang relo sa aming pulso.
In-examine ko muna ang kabuuan ng relo na hawak ko bago ko ito sinubukang isuot. Napakalinis tingnan ng kulay puti nitong disenyo. Sa paningin ko ag mukhang madulas ang texture ng strap nito pero medyo hindi ko sigurado kung gawa ba ito sa plastic dahil parang hindi naman ito kasing flexible ng mga nabibili kong murang relo sa baryo namin na may plastic na strap. Kumikinang din itim na screen ng relo, kasing taas ng buong hinlalaki ko ang height at width ng relo--hindi kalakihan o kaliitan, mukhang tama lang. Tapis ay wala pang naka-display rito na kung ano man... mukhang kailangan itong i-power on pero hindi ko sigurdo kung paano.
Sinimulan ko na iyong isuot sa pulso ko at napansin na mukhang kumportable naman siyang suotin. Hindi naman mabigat o makati sa balat.
"Now, let me ask you... did you bring your Clique cards with you?" Nagsalita ulit si Sandra muka sa Podium kaya napalingon ulit kami lahat sa kanya.
Nag-'yes' naman ang karamihan sa mga estudyante at isa-isang kinuha sa bulsa o wallet ang kani-kanilang mga cards. Kumurap-kurap naman ako bago napagtanto na dapat ko na rin palang kunin ang akin.
Sinilip ko ang bulsa ng palda ko para sana kunin ang card mula roon pero laking gulat ko nang hindi ko iyon makita.
-C. N. Haven-