Chapter Three
Fight or Flight
A G A P E
INALALAYAN AKO ni Denisa sa pagbangon. Paulit-ulit niyang tinanong kung okay lang daw ba ako at sinasabi ko naman na ayos lang.
Pero halos pilitin niya ako na umamin kung may masakit ba sa akin lalo na nang nakita niyang dumudugo nanaman ang tuhod ko. Tinamaan kasi yata iyong sugat ko kahapon.
"Ayos lang ako, Denisa." Pag-ulit ko sa sinasabi. Hindi naman talaga masakit. Wala naman akong nararamdaman.
Samantala, naririnig ko naman ang bahagyang pagtawa ng mga kaklase namin.
"Gandang entrance no'n, ah."
"Pfft. Oo nga, ibang klase talaga si braindead..."
Rinig ko ang mahinang mga bulong-bulungan nila pero hindi ko nalang pinansin. Nginitian ko nalang si Denisa at saka tumayo.
"Bakit ka ba kasi bigla-biglang natatalisod diyan mag-isa?" May kaunting iritasyon sa boses niya.
Napatingin ako sa sahig kung nasaan ang rubik's cube na dahilan at saka tinuro iyon.
"Dahil diyan, natapakan ko kasi kaya ayun..."
Tiningnan ni Denisa ang bagay na sinasabi ko, bahagya siyang natulala tapos ay ilang sandali napalitan ng iritasyon ang mukha niya bago siya marahas na bumaling sa likod ko at may kung sino roon na tiningnan niya nang masama.
Kuryoso ko namang sinundan ang tingin niya at napagalamang isang lalaki ang tinitingnan niya nang masama.
Nakaupo ang lalaki sa isang armchair sa kabilang row. Naglalaro siya ng isang rubik's cube. Sa ibabaw ng armchair niya ay may nakapatong pang limang rubik's cube. Tatlo roon ay magulo at ang dalawa ay nakaayos na. Binalik ko ang tingin ko sa rubik's cube na tumisod sa akin kanina, sa kanya siguro galing iyon?
Humalukipkip si Denisa at naglakad palapit sa lalaki. Pinukulan niya ito ng masamang tingin.
"Hoy, braindead. pwede bang sa susunod itabi mo naman 'yang mga laruan mo?" Punong-puno ng iritasyon ang boses ni Denisa habang sinisinghalan ang lalaking-teka lang... anong tawag niya sa lalaki? Braindead? Iyon ba ang pangalan ng lalaki? Grabe naman...
Binalingan ko ang lalaking seryoso pa rin sa pags-solve ng mga rubik's cube, parang hindi niya naririnig ang pagsinghal sa kanya ni Denisa. Para siyang may sariling mundo.
"Hoy, braindead! Naririnig mo ba 'ko?" Inis na pagtawag ni Denisa sa pansin ng lalaki.
Pero nanatiling tahimik ang lalaki. Nilapag niya ang isang rubik's niya na katatapos lang niyang buuin at muling kumuha ng bagong buuin.
Grabe, mukhang hindi niya naririnig si Denisa kahit na halos sumigaw na ito.
Kaya naman pakiramdam ko ay mas lalong nainis si Denisa at tama nga ako dahil nagulat ako nang bila niyang bayolenteng tinabig ang mga rubik's cube na nakapatong sa armchair ng lalaki.
"Naririnig mo ba 'ko?" Inis na sigaw niya sa lalaki.
Nanlaki ang mata ko at biglang nakaramdam ng kaba. Lalo na nang mapansin kong napatigil na sa pagtawa ang mga kaklase namin at biglang nanahimik ang buong klase.
"D-Denisa, o-okay lang naman 'yon. H-hayaan mo na siya," naga-alangan at medyo kabado kong inawat ni Denisa.
Ang totoo niyan ay naaawa ako sa lalaki kahit na mukhang wala naman itong pakielam at nanatili pa ring focus sa pagbuo sa kanyang hawak na laruan habang nakakalat na sa sahig ang iba niyang cubes.
Muling humalukipkip si Denisa at parang sinusubukan pa ring kalmahin ang sarili. Habang ako naman ay pinipilit siyang hatakin pabalik sa upuan namin. Sa kalagitnaan ng ayos namin ay biglang pumasok sa classroom ang tingin ko'y teacher namin.
Itinaas niya ang kanyang brown na kilay habang mariin kaming tinititigan.
"What's this mess all about?" Istrikta niyang tanong habang pinagmamasdan ang nagkalat na rubik's cube sa sahig.
Bumaling pa ito sa aming dalawa ni Denisa.
"And what are you two doing?" Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. "Sit down!" Ma-awtoridad niyang utos na agad naming sinunod.
Tahimik akong bumalik sa tinurong upuan ni Denisa kahit na mukhang masama pa rin ang mood dahil sa nangyari.
Samantala, naging tahimik naman ang buong klase lalo na noong malakas na kumalabog ang teacher's table nang ipatong ng guro ang kanyang mga dalang modules.
"Alright. Today will be the first day of the school year 2020-2021." Panimula niyang salita habang iniisa-isa kaming tinititigan. Bahagya pang nanatili ang tingin niya sa akin kaya medyo nailang ako. Yumuko ako sa table at nagpanggap na may kinakalikot.
"Another year..." may kinuha siyang isang maitim na bagay-mukhang isang maliit na remote control. May pinindot siya na kung ano roon at biglang bumukas ang malaking touch screen board sa likod niya. "...another opportunities for you all. If you are bold enough to grab it."
Napanganga ako sa astig na board ng paaralan na ito. Isang malaking, "Fight or Flight" na naka-flash doon.
Naglakad ang guro sa gitna ng classroom habang ako naman ay kasalukuyan pa ring gulat.
"To those who are still not familiar with me, may it be transferees or former students who are too lazy to memorize the names of the faculty members--whatever the reason may be, let me introduce myself to you." Muli ay may pinindot siyang kung ano sa hawak niyang remote control.
Nag-flash sa touch board ang isang pangalan na tingin ko ay kanya.
Ms. Mercenna Bing
Kumurap-kurap ako at tinandaan ang pangalan. Miss Mercenna Bing. Okay!
"I am Ms. Mercenna Bing. Just call me miss Bing. I will be your class' adviser as well your History teacher. That being said, let me officially welcome you to this brand new academic year."
Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Miss Bing. Tanging ang katabi ko na si Denisa ang nanatiling nakapirming nakatingin sa labas ng bintanang nasa gilid niya.
"Now, as I have said earlier, this academic year will offer you lots of chances to improve, grow and explore new possibilities-but only if you are courageous enough to go out of your comfort zones." Napakaseryoso ng boses ni miss Bing at punong--puno ng awtoridad.
Sa hindi malamang dahilan ay naramdam ko ang nabuong tensyon sa buong silid-aralan dahil sa simpleng mga salitang binitawan ni miss.
"As the Psychology and our saying goes..." pinindot niya ang maliit na remote at nag-flash ulit sa touch board ang mga pamilyar na salita mula kanina.
"Fight or Flight." Si miss na mismo ang nagbasa ng nakalagay sa touch board. Naglakad-lakad ulit siya sa kabuuan ng classroom.
"In this school, you only have two choices; to be a champion and fight or be a coward loser and flight. Whichever will be your choice inside this school will definitely reflect your future. Just as how the past reflects the present and how our present time will affect the future." Tumigil sa paglalakad si miss sa aking tabi. Bigla tuloy akong kinabahan.
"So the choice will fall upon you. Choose wisely," hindi ko maipalawinag ang pakiramdam nang dapuan ng kilabot ang buong katawan ko. Lalo na nang mapansin ang bahagyang paglingon sa akin ni miss nang banggitin niya ang huling dalawang salita.
Napahawak ako sa puso ko sa biglaang kabang naramdaman ko.
"But anyway! Since it is just the first day of the school year, you need not to stress yourselves out." Mula sa pagiging seryoso ay medyo sumigla ang boses niya. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagluwag ng mood sa classroom dahil dito.
"During every first day in a school year, it is part of the tradition to introduce yourselves--" hindi pa man natatapos ni miss Bing ang sinasabi niya ay napuno na ng mga reklamo ang paligid, parang ayaw yata nila ang introduce yourself portion.
Tinitigan ko si Denisa sa tabi ko kung kontra rin ba siya sa sinasabi ni miss pero tahimik pa rin siya sa isang gilid, abala pa rin sa kung anong tinititigan niya sa may bintana.
"Now, now... looks like most of you detest the classic idea of introducing yourselves in front of your classmates?" Nagtaas-baba ang kilay ni miss sa kanyang tanong.
"Yes! Oh, please. The whole thing is just too old, it is starting to get boring." Rinig kong reklamo ng isang kaklase ko na mukhang pinaboran ng iba pa.
Napuno ng mga dismayadong reklamo ang buong classroom na agad namang nawala nang malakas na hinampas ni miss Bing ang teacher's table.
Ang kaninang mga nagr-reklamo kong kaklase ay biglang nanahimik, ang ilan ay napayuko.
"It seems like introduction is not your cup of tea despite of its necessity," gumapang ang tingin niya sa aming lahat. "However, in my class, you shall do what I say and when I require you to introduce yourselves, you will do as what you are complied to do. Understand?"
"Yes, miss..." sagot ng buong klase sa isang mababang tono. Mukhang natakot yata sila sa paraan ng pananalita ni miss Bing. Maging ako rin naman wala nang masabi! Walang magagawa ang isang estudyante sa isang guro na ganito ka-istrikto!
"So to start the introduction segment, let me first call..." pinasadahan ni miss ang buong klase at saka may itinuro, "you..." aniya, ang hintuturo niya ay nakaturo kay Denisa.
Lumipad ulit ang tingin ko sa katabi ko. Kasalukuyan pa rin siyang nakatitig sa kawalan, ang akala ko ay hindi niya narinig o napansin ang pagturo sa kanya kaya kakalabitin ko na sana siya pero bigla naman siyang tumayo at kaswal na naglakad papunta sa harapan ng klase.
Tahimik ang lahat nang tumayo siya sa harap naming lahat.
"Ako si Denisa, Denisa Ching. Hindi ko alam kung bakit may ganito pang pagpapakilala eh halos kilala niyo naman ako laha tat kung hindi man, may isang taon tayo para magka-kilalahan."
Napanganga ako sa mga sinabi niya. Parang ako ang kinabahan para sa kanya, taranta akong napatingin sa direksyon ni miss Bing para tingnan kung nainis ba siya sa mga sinasabi ni Denisa pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig kay Denisa.
"Great. I see... you seems to be like an untamed tigress." In-adjust ni miss Bing ang kanyang salamin gamit ang kanyang hinlalato. Pinagpawisan ako dahil pakiramdam ko ay may bahid ng iritasyon ang kalmadong pananalita ni miss. Ginawaran niya ng seryosong tingin si Denisa na sinalubong naman siya ng matapang na tingin.
Napuno ng makapigil-hiningang katahimikan ang apat na sulok ng klase. Lalo na nang isang ngisi ang nabuo sa mga labi ni Denisa.
"I'm pretty sure that a tigress would only appear as a tiny kitten compared to my feral nature." Napatakip ang malamig kong kamay sa bibig ko nang marinig ang matapang na sagot ni Denisa sa aming adviser.
Denisa... wala bang takot ang babaeng ito?
Pwedeng-pwede siyang bumagsak sa unang araw palang ng klase.
Ang akala ko ay mapupuno na ng iritasyon si miss Bing pero taliwas doon ang reaksyon niya. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti rin siya. Napatingin ito sa sahig habang nakapamewang at nakangiti, para bang may naisip siyang nakakatawa habang nakatingin sa ibaba.
"Very well. In that case, what kind of hobby does someone like you enjoys?" Inangat ni miss ang tingin niya kay Denisa at binigyan ito ng makahulugang tingin.
"Sports, martial arts... and honestly I prefer action than conversation. This kind of thing bores me to the core so can I now finally seat?"
Naihilamos ko na ang palad ko sa mukha ko dahil sa huling bwelta ni Denisa sa aming guro. Hindi ko inaasahan na ganito siyang klaseng tao.
Nagpakawala si miss Bing ng isang malalim na hininga bago tumango.
"Very well, you may now return to your seat miss Ching." Bago pa man matapos ni miss Bing ang sinasabi niya ay nasa tabi ko na si Denisa. Binigyan ko siya ng gulat na tingin pero binalewala niya lang ako at bumalik ulit sa pagtingin sa katabi niyang bintana.
Sa ilang minutong lumipas ay nagtawag na ulit ng ibang estudyante si miss Bing. Agad na napawi ang kaninang tensyonadong atmosphere sa klase nang magiliw na nagpakilaa ang iba. Matagal ding napuno nang tawanan ang kaninang tahimik na silid-aralan hanggang sa...
"Next, you..."
Parang magic na nanahimik ulit ang buong klase nang ituro ni miss ang lalaking dahilan ng pagkadapa ko kanina. Maging si Denisa na katabi ko ay napansin kong napabaling din sa gawi niya."
Bumalik sa pagiging tensyonado ang classroom nang hindi natinag ang lalaking tinawag nilang braindead sa pagkalikot ng kanyang mga rubik's cube. Inaabangan ng lahat ang kung ano man ang reaksyon niya pero mukha pa rin siyang may sariling mundo. Nanatili pa ring nakaturo ang daliri ni miss Bing sa kanya kaya pati ako ay nababalisa na sa mga nangyayari. Una, si Denisa, pangalawa, eto namang lalaking ito. Hindi ako sanay sa mga taong lantaran ang pag-taliwas sa awtoridad.
Sa gitna ng tensyonadong katahimikan sa loob ng silid-aralan ay marahang naglakad si miss Bing, nagsusumigaw sa awtoridad ang bawat hakbang niya.
Huminto siya sa harap ng lalaking tinatawag nilang braindead na mukhang hanggang ngayon ay may sarili pa ring mundo. Tumitig ang walang emosyong mga nata ni miss sa lalaki habang akmang kukunin ang isa sa mga rubik's cube niyang nakapatong sa kanyang desk.
Pero hindi pa man lumalapat ang dulo ng daliri ni miss Bing ay nabitin na ito sa ere nang biglang mariing hawakan ng lalaki ang kanyang pulso.
Nakarinig ako ng mahinang pagsinghap mula sa mga kaklase namin-mukhang pati sila ay nagulat din sa hindi inaasahang bilis at alertong disposisyon ng taong tinatawag nilang braindead.
Ang buong klase ay tahimik lang siyang pinagmamasdan habang mariin niyang hinawakan sa pulso ang aming guro. Marahang inangat ng lalaki ang ulo niya-ang mga mata niya ay wala sa focus. Sa iba't ibang direksyon tumitingin, para bang hindi niya alam kung saan siya dapat tumitig kahit na malinaw at madiin niyang hawak sa pulso si miss Bing.
"I'm sorry but isn't it rude to touch someone's thing without prior permission?" Nagulat ako nang biglang magsalita ang lalaki.
Ang kaninang mga daliri niyang mariing nakagawak sa kamay ni miss Bing ay unti-unti niyang kinalas. Mabilis na binawi ni miss ang kanyang pulso. Pero bago niya maitago iyon sa bulsa ng kanyang blouse-sa tingin ko ay parang nakita ko ang pulang markang iniwan ng lalaki roon.
Bahagyang tumkhim si miss Bing at inayos ang sarili.
"Alright then, my apologies for the sudden intrusion to your introspective universe." Naglakad si miss patalikod at bumalik sa sa pwesto niya kanina sa harapan. "But as you see, we would appreciate if you will share the same level of cooperation by kindly introducing yourself in front of the class." Kalmado pero may diin ang bawat salitang lumalabas sa mga labi ni miss Bing.
"Oh..." tipid na usal ng lalaki. Bahagyang lumibot ang paningin niya sa kubuuan ng silid-aralan na parang ngayon niya lang nauwaan na nasa gitna pala siya ng klase.
Nakirinig ako ng mahihinang hagikgik ng mga kaklase ko dahil sa itsura niya.
Saglit lang gumala ang malikot niyang paningin sa paligid bago ibinalik itong muli sa hawak niyang rubik's.
"It is not in my nature to engage in a rather dull tradition that is downright absurd so I don't mind being uncooperative." Diretsahan at mahina niyang usal bago muling kinalikot ang munti niyang laruan at para bang nagkaroon ulit ng panibagong mundo.
Umani naman ng mas malakas na tawanan mula sa mga klase ang ginawa niya.
Samantala, gumala naman kay miss Bing ang paningin ko, takot sa anumang bayolenteng reaksyon na pwede niyang gawin.
Naglakad siya papunta sa kanyang table at malakas na hinampas ulit ito na muling nagpatahimik sa klase. Mukha mang walang emosyon ang mga mata ni miss pero alam kong may nakakubli ritong iritasyon dahil sa ginawa ng lalaki.
"Alright. Let us proceed to the next person..." anunsyo ni miss na parang walang nangyari. Gumala ang paningin niya at huminto sa akin. Pinagpawisan ako nang malamig.
"You, beside miss Ching." Aniya habang direktang nakaturo sa akin ang kanyang hintuturo.
-C.N. Haven-