Chapter Two

2137 Words
Chapter Two   Band   A G A P E   TININGNAN KO ang wallclock....   ...at nakitang alas-tres palang ng madaling araw.   Pero... nasaan na ang mga roommates ko kung ganoon?   Napaawang ang labi ko nang mapansing bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto. Nilapitan ko ito para mas lalong matitigan at para mahawakan ang doorknob.   Namangha ako nang may maramdamang kaunting init at pawis sa bakal na doorknob.   Ibig sabihin ay hindi pa gaanong matagal mula nang hawakan ito ng isang tao.   Posible kayang eto iyong narinig kong kaluskos kanina?   Muli akong naglakad pabalik sa loob ng kwarto, papunta sa mga higaan nila Tiffany at Victoria. Kinapa ko ang dalawang kama sa double deck at napagtantong malamig na ang mga ito. Ibig sabihin ay kanina pa sila umalis, kung ganoon?   Inilipat ko naman ang pansin ko sa double deck-sa mismong higaan ni Denisa na masinop na nakaayos at iyon naman ang kinapa ko. Namangha ako nang may nasalat akong kaunting init mula roon.   Napaisip ako, kung ganoon ay hindi pa nagtatagal noong nakalabas si Denisa sa kwarto? Siya kaya ang narinig kong nagsara ng pinto kanina?   Parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at namalayan ko nalang na naglalakad na pala ako palabas ng pintuan. Sinalubong kaagad ako ng malamyang ilaw, halos hindi nito magawang pawiin ang kadilimang bumabalot sa pasilyo. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan sa likod ko at lumingon ako sa paligid para makita kung may mga tao ba.   Tahimik ang buong paligid at mukhang wala namang bakas ng kahit sino man. Pawang nakasarado ang mga katabing kwarto namin, walang senyales ng taong gising.   Lumiko ako sa kaliwa-ang daan palabas ng dormitoryo. Niyakap ko ang sarili ko habang marahang naglalakad sa gitna ng madilim na gabi. Minu-minuto ay napapatingin ako sa paligid; natatakot na baka may biglang sumulpot na kung ano kagaya ng mga nangyayari sa mga napapanuod naming horror movies.   Sa paglalakad ay hindi ko namalayang nasa may hagdanan na pala ako. Tumigil ako sa paglalakad.   Bakit ba kasi ako lumabas? Wala namang kakaiba rito. Baka naman nagbanyo lang sila Denisa-pero naalala kong may banyo naman pala sa bawat kwarto ng dorm!   Napahawak ako sa noo at napapikit para mas lalong mag-isip sa mga posibilidad.   Sa pagmulat ng mga mata ko ay halos hindi ko na naibuga ang hanging nilanghap ko nang bigla akong may nakitang mga aninong mabilis na gumalaw sa may ibaba ng hagdan.   Nakarinig din ako ng kaunting yabag na parang paakyat... paakyat! Papunta sila sa kinatatayuan ko. Naririnig ko ang mga boses na nag-uusap.   "Unang araw palang ng taon ganyan ka na agad."   "Psh. Ayokong magpahuli sa mga ibang talunan diyan, 'no!"   Kinagat ko ang kuko ng hinlalaki ko dahil sa pagkabalisa. Iyong mga boses na narinig ko, boses ng babae at... lalaki. Eh, girl's dormitory ito, hindi ba? Dapat bawal ang mga lalaki rito pero b...bakit?   "Just don't rush things. I don't want stuffs to get too messy..." Isang panibagong boses ng babae ang narinig kong sumagot sa usapan.   Habang nagpapatuloy sila sa pag-uusap ay mas lumilinaw sa pandinig ko ang mga yapak nila. Papalapit na yata sila sa kinatatayuan ko.   Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Mabilis akong nagtago sa likod ng katabi kong monumento. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang inaantay na makadaan sila. Saan namang kwarto kaya sila pupunta rito sa girl's dormitory?   "How about epsilon?" Nagtanong ulit iyong lalaking narinig ko kanina.   "Sa tingin ko ay hindi pa siya kumikilos..." sagot naman ng boses ng babae kanina.   Ramdam kong palapit na sila sa direksyon ko dahil sa tunog ng mga yapak nila. Sinubukan kong pigilan ang hininga ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako nagtatago... may masama lang akong kutob sa posibilidad na makita nila ako. Parang may mangyayaring masama kapag nalaman nilang may ibang taong narito bukod sa kanila.   Pero habang nagpipigil ako ng hininga ay may biglang nangyari...   May itim na gagamba ang bumaksak sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko at bibig. Naramdaman ko ang kilabot na dumaloy mula sa batok ko habang nakatingin sa gagamba na nasa itaas ng ilong ko, mistulang nakatitig din yata sa akin.   "G-gagam-hmpf!" Sisigaw na sana ako sa pinaghalong takot at gulat nang may tumakip sa bibig ko.   "Hmpf!" Nagpumiglas ako sa taong biglang nagtakip ng bibig ko pero parang malakas yata siya dahil hindi ako makatakas sa higpit na hawak niya sa braso at bibig ko.   "Shh..." bulong niya sa akin, ramdam ko ang hininga niya na kumalabit sa tenga ko.   Magpupumilit sana ako ulit makawala pero narinig ko ulit ang mga boses ng mga taong nag-uusap kanina.   "Parang may narinig akong tunog kanina..." rinig kong usal ng lalaki.   Nanlaki pa lalo ang mga mata ko at tumigil sa panlalaban sa taong tumatakip sa bibig ko.   "Are you sure?" Sagot ng isang babae sa naunang tanong ng lalaki kanina.   "Oo nga. Maybe you are just hallucinating." Dinig kong segunda ng isa pang boses ng babae.   Ngayon, napagtanto kong tatlong tao pala sila. Dalawang babae at isang lalaki, malaking katanungan pa rin sa akin ang katotohanang may kasama silang lalaki papasok dito sa dorm ng girls.   "Anong tingin niyo sa 'kin? A lunatic? May narinig nga sabi ako rito banda..." pagalit na sinagot ng lalaki ang dalawang babaeng kasama niya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa estatwang tinataguan namin. Pinagpawisan ako ng malamig nang lumapit nang husto rito ang tunog ng yapak niya.   "Tss. Will ya calm your t**s? Let's go now, sinasayang mo lang ang oras, eh. 'Lam mong may pasok pa bukas." Medyo iritado ang boses ng isang babae nang pagsabihan niya ang lalaki.   Ilang segundo ko pa pinigilan ang hinga ko bago ko narinig ang mga yapak nilang palayo na. Marahil ay napilit na ng dalawang babae iyong lalaki na umalis na rito dahil matapos nang ilang sandali ay wala na akong narinig na tunog kung hindi ang sarili kong hininga.   Mayamaya ay naramdaman ko rin ang unti-unting pagbitiw sa akin ng taong nakahawak sa bibig ko.   Agad kong nilingon kung sino ang taong iyon pero hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil sa hilaw na liwanag na tamad na gumagabay sa pwesto namin.   Bahagya akong lumayo sa kanya habang siya ay nanatili lang sa pwesto niya, mga dalawang metro ang inilakad ko paatras bago ako nagkaroon ng lakas na loob para magsalita.   "S-sino ka?" Medyo kinakabahan kong tanong. Itinago ko sa likod ang mga kamay kong nanginginig.   Ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Hanggang sa nagsimula siyang naglakad palapit sa akin. Sa gulat ay hindi ko nagawang gumalaw. Sa paglakad niya palapit sa akin ay mas nadapuan ng liwanag ang mukha niya kaya naman nakita ko nang malinaw ang itsura niya ngayon.   Mula sa seryosong ekspresyon ay napalitan iyon ng ngiti--isang friendly na ngiti. Nakakapagtaka dahil kahit hindi ko siya kilala ay hindi ko maipaliwanag ang paggaan ng loob ko sa ngiti niya.   "Natakot ba kita?" Lalong lumawak ang ngiti niya kaya kuminang sa kadiliman ang puting-puti niyang ngipin na pwede nang gamitin sa commercial ng toothpaste. Napahawak siya sa batok niya. "Sensya na..." parang nag-init ang pisngi ko nang ginawa niya iyon. Lalo na nang itinagilid niya nang kaunti ang mukha niya habang nakahawak sa batok. Ang... ang cute niyang tingnan.   Tinanggal niya ng kamay niya sa batok at naglakad ulit siya palapit sa akin hanggang sa halos kalahating metro nalang ang layo niya sa akin.   "Medyo weird pero gusto kong magpakilala. Ako nga pala si Sygmund." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong niya at muling itinagilid ang ulo. Pakiramdam ko ay namula ulit ako dahil doon. Ang cute talaga!   "A-ako si A-Agape..." utal kong pagpapakilala.   Ngumiti naman siya... killer smile ba ang tawag doon? Pakiramdam ko kasi aatakihin ako sa ganda ng ngiting iyon.   "Nice to meet you, A-Agape." Patawa niyang ani.   Kumunot naman ang noo ko dahil sa paggaya niya sa paraan ng pagpapakilala ko kanina.   Tumawa siya nang bahagya.   "Just kiddin'" tawa niya ulit. Tapos ay bahagya siyang tumingin sa relo niya bago inilipat ang tingin sa akin.   "You know what? Gabi na, kailangan mo nang bumalik sa kwarto mo. Hindi magandang gumagala tuwing gabi." Medyo seryosong utos niya ngayon. Nawala iyong bakas ng ngiti niya kanina.   "P-pero 'yong mga tao kanina..." hindi maituloy-tuloy na katwiran ko.   "Ah. Iyon ba? Ako nang bahala sa kanila." Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay, napansin ko ang glow in the dark niyang wrist band sa pulso. May korona na simbolo rito.   Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng suot niya at ang marka nito. Nakita ko iyon kaninang umaga sa mga estudyanteng nag-assist sa amin papasok sa school!   "S-student officer ka?" Manghang tanong ko sa kanya.   Ngumiti siya muli bago binaba ang kamay. "Yep. Nandito ako para bawalan ang mga estudyanteng makukulit, kaya sorry at nakita mo 'ko rito sa loob ng girl's dorm." Ngumisi siya saglit bago itinaas ulit ang kamay para i-pat ang ulo ko. Bahagya akong nagulat doon.   "Bumalik ka na sa kwarto niyo. Ako na ang bahala sa mga makukulit na iyon..." sabi niya sa kin.   Uminit ulit ang pisngi ko. Marahan akong tumango at sumunod sa utos niya.   HALOS hindi ako makapaniwala sa mga nangyari pagbalik ko ng kwarto namin. Ganoon ba talaga sa school ng mga mayayaman? Pasaway ang mga estudyante? Naku naman...   Dumiretso nalang ako sa kama ko at muling nahiga. Wala pa rin ang tatlo kong roommate pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mas naging kalmado ako ngayon kahit na wala ang mga kasama ko.   --   KINAUMAGAHAN ay parang walang nangyari, paggising ko kasi ay naabutan ko si Victoria na nagp-plantsa ng buhok habang si Tiffany naman ay bini-blade ang kilay.   Si Denisa naman ay mukhang bagong ligo habang inaayos ang gamit sa kanyang bag. Nagulat ako nang mapansing nakapaghanda na sila sa first day ng school samantalang ako ay kagigising palang. Mukhang napasarap yata ang tulog ko!   Nagmadali kong kinuha ang mga gamit kong panligo at nagmadaling pumasok ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko sila Tiffany at Victoria na akma nang palabas ng kwarto.   Inirapan ako ni Tiffany bago pihitin pabukas ang doorknob. "Bahala kayong ma-late diyan." Masungit niyang singhal bago tuluyang lumabas ng kwarto.   Lalo tuloy akong kinabahan kaya halos hindi na ako magkamayaw sa pag-aayos ko ng sarili habang si Denisa naman ay mukhang inip na nakasandal sa isang monoblock chair habang pinapanuod ako.   Medyo nahiya ako dahil mukhang inaantay niya yata akong matapos.   "P-pwede ka nang maunang pumasok, Denisa. Baka ma-late ka pa d-dahil sa 'kin." Mahina kong usal habang binubotones ang blouse.   Bumuntong hininga lang siya bago tumingin sa bintanang katabi niya. "Sige na. Bilisan mo nalang. Baka maligaw ka pa kapag hinayaan kitang pumasok mag-isa, konsensiya ko pa," inip niyang sagot habang nakatingin pa rin sa may bintana.   Mas lalo tuloy akong nahiya sa sinabi niya kaya naman binilisan ko na ang ginagawa ko.   Ilang minuto lang din ay nakaalis na kami. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at ganda ng paaralang ito habang naglalakad kami ni Denisa. Ipikanita ko nga pala ang schedule ko sa kanya at laking tuwa ko na kaklase ko pa pala siya! Totoo ngang may himala.   "Dahil transferee ka, magu-undergo ka ng test mamaya." Kaswal na sabi niya sa akin habang naglalakad papasok ng classroom namin.   Nabigla naman ako at napalingon ako sa kanya. "H-huh? First day palang may test na kaagad? Saka bakit mga transferee lang ang may test-test na ganyan?"   Kumunot naman ang noo niya at sumagot habang diretso lang ang tingin sa aming nilalakaran. "Protocol 'yon dito sa school. Saka isa pa, hindi naman 'yon test na magdidikta sa grades mo. Ibang klaseng test 'yong sinasabi ko."   Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Eh? Anong klaseng test naman 'yan?" Grabe, ah. Iba talaga ang school ng mga mayayaman.   Ilang segundo siyang nanahimik bago sumagot.   "Clique test."   Pagkasabi niya noon ay saka ko napansin na nandito na pala kami sa classroom.   Grade 10- Liberty   Sabi ni Denisa sa akin kanina ay hetero-style daw ang sectioning dito. Ibig sabihin ay walang higher section o lower section. 'Evenly distributed' ang mga estudyante sa bawat klase.   Pumasok si Denisa kaya sumunod na rin ako papasok sa loob. Napagalaman ko rin pala kanina na sila Tiffany at Victoria ay grade 11 na. Senior high school na pala sila--ibig sabihin ay ate ko sila!   "Dito ka na umupo," tinuro ni Denisa ang isang armchair sa tabi niya. Tumango naman ako at tahimik na tinungo ang upuan pero nang palapit na ako roon ay bigla ako natalisod dahil sa isang bagay na natapakan ko.   Nadapa ako sa sahig at muntik nang sumusobsob ang mukha ko sa sahig.   "Hoy! Ayos ka lang ba?" Mabilis akong dinaluhan ni Denisa.   Napatingin ako sa bagay na natapakan ko kanina kaya nadapa ako.   Isang rubik's cube.   -C.N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD