Chapter Eighteen

1445 Words
Chapter Eighteen The Guy A G A P E NILINGON KO ang reaksyon ni Sandra sa sinabi ng lalaki at nakitang nakakurba pa rin naman ang kanyang labi sa isang ngiti. Pero tingin ko ay wala na itong bakas ng tuwa o ano pa man. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang may tensyong nabuo sa pagitan ng lalaki at ni Sandra. Wala ni isa man sa loob, kahit na gaano man kami karami, ang nagtangkang magsalita o magbigay ng kahit anong komento tungkol sa kasalukuyang nangyayari. Tikom ang bibig ng bawat isa habang nakatitig sa umaatikabong palitan ng tinginan sa pagitan ni Sandra at nitong lalaking bigla-bigla nalang padabog na pumapasok sa loob ng aming conference hall. Ang maririnig lang dito sa loob ay ang marahang paghinga habang nakapako ang mga mata namin sa kanila. "I would appreciate if you refrain from calling my family a sham because you know that is not the case here," kalmadong ani ni Sandra. Pero may kakaiba akong kutob na parang sa likod ng kalmado niyang pananalita at nakangiti niyang labi ay nagkukubli ang namunuong iritasyon mula sa kanya. Parang napaka mapanghusga ko naman yata! Pero hindi ko maiwasang isipin iyon, lalo na't nakakuyom na ang kamao ni Sandra sa gilid niya. "Hm," nagpakawala ng tunog ang lalaki sa isang mapanuyang tono. "I know exactly what the real case here," dugtong niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. Kumunot ang noo ko at hindi gaanong naunawaan ang sinabi niya. Napansin ko rin ang lalong pagdiin sa pagkakakuyom ng kamao ni Sandra sa kanyang gilid. Halos mamuti na ito sa sobrang diin, pero taliwas pa rin iyon sa maaliwas na ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi na ako halos makahinga dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng lalaking ito at ni Sandra. Para bang may invisible na kidlat sa pagitan nila, halos numipis na ang hangin dito sa loob ng conference hall. Huminga nang malalim si Sandra na para bang sinusubukang kalmahin ang sarili. Napansin kong unti-untinh nawala sa pagkakakuyom ang kanyang kamao. Mukhang epektibo ang paghinga niya nang malalim. "You know what? If you want to see me, we can just set a schedule or something. No need to barge here without any prior notice," ani niya sa lalaki gamit ang malambing na boses--pero parang may napansin akong kaunting sarkasmo roon. "Hm," panunuyang sagot ulit ng lalaki. "'Wag kang mag-alala, hindi ka naman ganoon ka-espesyal para sadyain ko pa rito," sabi pa niya sa isang mapangutyang tono bago pinutol ang pakikipagtinginan kay Sandra at ibinaling ang mga mata sa akin. Napasinghap ako dahil sa sinabi niya kay Sandra. Hindi yata maganda ang hugis ng dila niya! At saka bakit bigla niyang nilipat ang tingin niya sa akin? Hindi agad nakasagot si Sandra sa sinabi ng lalaki. Parang medyo nagulat siya at nanatiling nakatayo sa harapan namin, samantalang ako naman ay napako rin sa kinauupuan ko habang tiningnan ang lalaking ito na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. "Then, why are you even here?" Biglang sumingit sa usapan si Seah, iyong isa sa roon sa mga babaeng humarang sa akin kanina noong na-late ako ng dating. Mukhang hindi nila nagustuhan ang paraan ng pagsagot ng lalaking ito sa aming Clique leader. Hindi nga naman naging maganda ang paraan ng pananalita at tono niya kay Sandra. Dinukot ng lalaki ang kanyang kamay mula sa bulsa ng itim niyang pants. Nagulat ako nang makita kung ano ang nakaipit sa dalawang daliri niya nang inilabas niya ito galing sa bulsa ng pantaloon. Iyon ang... clique card ko! "Meron kasing tangang nakahulog nito sa cafeteria," ang sabi ng lalaki habang nakatitig sa akin ang tamad niyang mga mata at winagayway sa daliri ang hawak niyang clique card ko. Teka, paanong... Kaya pala hindi ko mahanap ang clique card ko! Naiwala ko pala iyon sa cafeteria? Napanganga ako habang tinititigan ang card kong nakaipit sa gita ng kanyang hintuturo at hinlalato. Tingin ko nanaman ay nakakatitig nanaman ang mga estudyante sa akin. Marahil ay na-gets agad nila na ako ang tangang tinutukoy niya. Binalot nanaman ng matinding kahihiyan ang buong pagkatao ko habang pinagmamasdan ang Clique Card ko sa kamay ng lalaking ito na hindi ko naman kilala. Ano ba iyan, Agape! Bakit ba lagi nalang akong naliligaw o 'di kaya'y nakakaligaw ng gamit! Gamit ang nanginginig na mga binti ay sinubukan kong maglakad palapit sa lalaki. Ang kaninang sobrang tahimik na conference hall ay napuno na ngayon ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante. Pero sinubukan ko pa ring patatagin ang aking sarili sa kagustuhang mabawi na ang Clique Card kong ito. Nag-aalangan kong itinaas ang kanang kamay ko para sana abutin ang card mula sa kamay ng lalaki. "U-Uh, S-Salamat sa pagsauli--" Halos masamid ako sa nanunuyo kong laway nang bigla niyang hinablot ang kamay ko at hindi inaasahang hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang halos masubsob na ako sa dibdib niya dahil sa pwersa mula aa paghila niya sa akin. Napuno rin ng singhap at iba't ibang gulat na reaksyon ang buong conference hall dahil sa ginagawa ng lalaking ito. Bakit niya ako biglang hinila palapit sa kanya? Akala ko noong una ay iaabot niya lang ang card pero ngayon bakit... Bakit nakatapat ang labi niya ngayon sa kanang tenga ko? "Save your 'thank yous' because this act isn't for free," hindi ko magawang kumurao man lang matapos kong marinig ang malamig na bulong ng lalaki sa akin. Matapos niyang sabihin iyon ay dinistansya niya na ulit ang sarili mula sa akin. Nagkatitigan ulit kami ng ilang segundo--ang blangko niyang ekspresyon ang huli kong nakita bago niya ako kaswal na tinalikuran at walang pasabing naglakad palabas ng conference hall. Kahit ilang metro na ang layo niya sa akin ay hindi ko pa rin kaagad nagawang huminga dahil sa pagkabigla at pagkalito sa mga ginawa at sinabi niya sa gitna ng mga kuryosong estudyanteng nanunuod sa amin. Napakurap-kurap ako nang mapagtantong papalabas na siya ng hall at wala ni isang pumipigil sa kanya, parang maging sila ay gulat at lito sa mga pinaggagawa ng lalaking ito. Pero sa gitna ng mga katanungan sa isip ko may isang nangingibabaw... Iyong clique card ko? Hindi ko pa nakukuha mula sa kanya! "T-Teka lang!" Pinwersa ko ang ang sarili na maglakad papalapit sa kanya pero nandoon na siya sa tapat ng pinto at akmang bubuksan na ito. Ni hindi man lang siya tumigil sa paglalakad. "Ang... ang clique card ko! Hindi mo binalik sa akin," desperado kong tawag ulit sa lalaki pero ni hindi man lang siya lumingon para pagbigyan ako ng pansin. Tamad niyang binuksan ang pintuan ng conference hall para makalabas na. "I-Iyong clique card ko, pakisauli sa akin, please!" Halos mangiyak-ngiyak ko nang tawag ng pansin sa kanya dahil hindi niya ako pinapansin. Bago siya tuluyang makalabas ng pintuan ay nagbitiw siya ng mga salita. "Kesa ngumawa ka jan, bakit hindi mo tingnan iyang bulsa mo," ani ng lalaki sa isang tamad na toni bago tuluyang isinarado ang pinto. Lito ko namang tiningan ang bulsa ng palda ko at gulat nang makitang nandoon ang clique card ko. Teka, kelan niya... Natulala ako ilang saglit sa clique card kong ito at pilit inalala kung nakita ko ba siyang nilagay ito rito pero parang hindi ko naman napansin kanina. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay nanlaki ulit ang mga mata ko nang ma-realized na nakatitig pala sa akin ang lahat ng estudyanteng nandito sa loob ng conference hall. Maging si Sandra na nasa gitna ng podium ay nakapako rin ang tingin sa akin. Dahan-dahan kong nilunok ang laway na parang nakabara sa lalamunan ko habang iniisip kung ano ang pwede kong gawin sa ganitong klaseng sitwasyon. Hindi ko mabasa ang kasalukuyang ekspresyon ng aming Clique leader. Blangko ang mukha niya habang mariing nakatitig sa akin. Lumipas ang ilang segundo at para lang akong estatawa na hindi makagalaw habang sila naman ay titig na titig akin. Bakit parang ako ang tumatanggap ng atensyon na dapat ay para roon sa lalaking bigla-bigla nalang pumapasok dito at aalis nang walang pasabi? Halos manuyo na ang lalamunan ko sa katitig nila pero mayamaya rin ay napalitan ulit ng isang matamis ba ngiti ang kaninang blangkong ekspresyon ni Sandra. Maligaya niyang ipinalakpak nang isang beses ang mga kamay niya at tinanguan ako. "It's alright, Agape. You can go back to your seat now," aniya sa gamit ang malambing na tono. Nahihiya naman akong naglakad pabalik sa pwesto ko kanina habang nakayuko, pilit ba iniiwasan ang hindi mawala-wala na titig ng mga tao. Nang makaupo na ulit ako ay lumawak ang ngiti ni Sandra at iginala ang mga mata sa paligid. "Shall we resume out conference then?" -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD