Chapter Twenty Two

2300 Words
Chapter Twenty Two Weekend Special MATAPOS ANG seryosong usapan namin ni Denisa ay nagpasya na rin akong maligo para makadiretso na kami sa cafeteria at makapaghapunan. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papunta roon. Hindi na ulit dinagdagan pa ni Denisa ang mga nabanggit niya kanina pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na mapaisip sa sinabi niya. Bakit naman malalagay ako sa panganib kung mapapalapit ako kila Sygmund? Hindi naman siya mukhang masamang tao, saka ilang beses na rin niya akong tinulungan. Sa katunayan ay lagi ko nga siyang nakakasalubong dito sa campus sa loob ng isang linggong pananatili ko rito. Sa maikling panahong iyon ay nabuo ang konklusyon sa utak ko na mabuti talaga siyang tao. Pero... kung hindi siya masama, ano naman ang dahilan ni Denisa para payuhan ako nang ganoon? Hanggang sa makakuha kami ng pagkain at makahanap ng mauupuan ay laman pa rin iyon ng isip ko. Wala namang kibo si Denisa habang kumakain. Habang sinusubo ko ang kutsara ng kanin ay napagtanto ko na siguro ay hindi naman si Sygmund ang problema. Sadyang hindi lang siguro gusto ng ibang estudyante na kinakausap niya ang isang tulad ko. Napapansin ko kasi na bawat araw na lumilipas ay madalas na akong pinagtitinginan ng ilang mga estudyante. Sobra ang respeto ng eskwelahang ito kay Sygmund at sa mga kaibigan niya kaya siguro medyo protective sila sa kanya. Iyon marahil ang tinutukoy ni Denisa... na wala naman akong karapatan na mapalapit sa isang taong kagaya niya... Isang taong tinitingala at nir-respeto ng nakararami. Wala akong ganang kumain pero pinilit ko pa ring ubusin ang pagkain ko dahil laging bilin nilq nqnay qt tatay na huwag magsasayang ng pagkain. Tahimik naming niligpit ni Denisa ang mga platong ginamit namin at nagpasya na bumalik na ng kwarto namin para makapagpahinga. Pero nang naglalakad kami pabalik ng aming dorm ay may nakasalubong kaming isang pamilyar na lalaki. Walang iba kung hindi si Khalil at Carter. Malawak nanaman ang ngiti ni Khalil nang mapansin niyang sabay-sabay kaming naglalakad paalis ng cafeteria. "Now, look who's here," natutuwang ani niya habang pinagmamasdan kami ni Denisa. Awtomatiko namang napairap sa ere si Denisa dahil sa presensya ni Khalil. Alam ko naman na hindi talaga niya gustong nakikita ang lalaki. "Vida-vida," dinig ko pang bulong ni Denisa na sapat lang para marinig ko dahil katabi niya ako. "What better way to end the day than to have a lovely conversation with these two adorable ladies," iniyuko pa ni Khalil ang ulo niya at walang pasabing hinablot nanaman ang kamay ko at parang nabalisa nanaman ako dahil mukhang balak nanaman niyang halikan ito. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto na pinagtitigan nanaman kami ng ibang mga estudyanteng napapadaan din. May bahid ng disgusto sa kanilang mga mukha, halatang hindi pabor sa nakikita nila. Naging buo tuloy ang loob ko na bawiin ang palad mula kay Khalil pero bago ko pa nagawa iyon may isang tao nang humila sa kanya palayo sa akin. Parang nanuyo ang lalamunan ko nang makitang ang taong humila sa kanya ay walang iba kung hindi si Sygmund. "Tama na nga, you're making her uncomfortable," kalmadong suway niya kay Khalil tapos ay ibinaling ang tingin sa akin. Isang palakaibigang ngiti ang gumihit sa mga labi niya nang magtama ang paningin naming dalawa. Noong myerkules ko lang ata siya huling nakita pero pakiramdam ko ay napakatagal na nang huli kong nasilayan ang mukha niya. Ano ba naman ito, ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng mahigit isang buwan pero ganito na ang naiisip ko. "Kamusta na, Agape?" Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at sa mga dumadating estudyanteng napapalingon sa direksyon namin. Siguro tama si Denisa, dapat ay hindi na ako mapalapit sa kanila dahil siguradong kahit anong gawin ko, hindi sasapat ang pagkatao ko para maging kaibigan man lang nila. Kaya naman wala sa sarili kong hinatak ang kamay ni Denisa at naglakas-loob siyang ayain umalis. "U-Uhm. A-Aalis na kami. K-Kailangan naming matulog nang maaga dahil m-may pasok pa bukas," sabi ko bilang pagpapaalam at palusot kay Sygmund at sa dalawa niyang kaibigang kasama. Binulungan naman ako bigla ni Denisa. "Okay ka lang? Sabado bukas, walang pasok," aniya. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko. Hala, oo nga! Saglit kong nilingon ang direksyon nila Sygmund na kasalukayang nakakunot ang noo, si Khalil naman ay nakalobo ang pisngi at parang nagpipigil ng tawa habang si Carter ay tahimik lang na nanunuod. Binawi ko ulit ang tingin ko at saglit na napapikit sa kahihiyan. Lagi nalang mali ang mga salitang lumalabas sa bibig ko! "Wala namang... pasok bukas," hindi na nakatiis si Sygmund at sinabi niya rin ang laman ng isip. Nataranta ako sa isasagot kaya naman hindi ko na ito gaanong napag-isipan pa. "A-Ah, oo. P-Pero matutulog pa rin kami nang m-maaga para sa lunes," sabi ko saka hinatak na si Denisa palayo roon. "Lol, didn't know na advance pala siya mag-isip," nahagip pa ng tenga ko ang naging komento ni Khalil habang naglalakad kami palayo pero isinantabi ko na iyon. Ginulo nanaman ako ng mga salitang sinabi ko kanina hanggang sa pagtulog. Hindi ako tinigilan ng mga maling desisyon ko sa buhay habang sinusubukang ipikit ang mga mata ang kumbinsihin ang sarili ba matulog na dahil hating gabi na. Naririnig ko na nga ang mga hilik nila Tiffany at Victoria sa katapat na double deck bed nila. Tingin ko ay maging si Denisa ay kasalukuyan nang tulog samantalang ako ay gising na gising pa dahil sa dami ng mga nangyari ngayong araw na ito. Mula sa Clique Assembly hanggang sa sinubukan kong pag-iwas kay Sygmund sa cafeteria. Napapaisip ako kung naging tama ba ang desisyon ko. Pero sa alon ng mga tanong na pilit ba bumabagabag sa akin ay hindi ko na namalayan na nilamon na pala ako nito at tuluyan nang nakatulog sa pagod at antok mula sa mga pangyayari. Noong gabing iyon ay napanaginipan ko na kasama ko ulit sila nanay at tatay, tinutulungan ko silang maghain ng pagkain sa hapag. Si Porty ay seryosong gumagawa ng assignments sa sala at si Priscy naman ay nilalaro ang paborito niyang manika. "Agape, anak. Dagdagan mo ang plato, darating daw ang kuya Asher mo," bilin ni tatay sa akin na kasalukuyang nilalagyan bg tubig ang pitsel. Lumapad naman ang ngiti ko dahil sa anunsyo ni tatay. Buti naman at naisipan ni kuya na bumisita rito sa bahay. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Nang inilapag ko na ang huling plato sa hapag ay narinig ko ang marahang pagkatok sa aming pinto. Maligaya at dali-dali akong naglakad para pagbuksan ang kumakatok dahil malamang ay si kuya iyon. Mahilig talaga siyang kumatok kahit na hindi naman na kailangan pa. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng malapad na ngiti ni kuya, suot niya pa ang uniporme sa eskwelahan nila. Ang talino talaga ni kuya at nakakuha pa siya ng scholarship grant sa isang magandang eskwelahan. "Kuya Ashy! Kamusta ka na?" Masaya kong bati sa kanya. Lumapad naman ang ngiti niya at ibinuka ang bibig para magsalita. Pero imbes na boses ang lumabas sa bibig niya ang iba ang nangyari. Tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig habang kumikibot ang kanyang labi. Hindi mo maintindihan ang sinasabi niya dahil walang boses na lumalabas sa lalamunan niya, tanging ang dugong nag-uunahang tumulo sa bibig niya ang nakikita ko. Nanlalaki ang mga mata habang tinititigan siya, hindi nakapaniwala sa nakikita. Awtomatikong napahakbang paaatras ang mga paa ko ng isang beses habang nasasaksihan ang pagsuka niya ng dugo. Unti-unti ring nagbago ang kulay ng balat niya at naging pula, o brown, o kayumanggi--hndi ko na alam basta ang itsura ay parang nasusunog na laman. "K-Kuya Asher..." Natatakot ko siyang pinagmasdan at napahakbang ulit palayo ng isang bses. Bumuka ulit abg bibig niya at may tinuran na mga salita at sa pagkakataong ito ay narinig ko na ang nais niyabg iparating, "A-Agape... t-tulungan m-mo 'ko, kapatid ko..." Bawat salitang sinasabi niya ay mas lalong bumibilis ang pagtulo ng dugo mula bibig niya. "K-Kuya..." Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot. Hindi ko alam kung anong gagawin, gusto ko siyang tulungan pero naguguluhan at natatakot ako sa mga nangyayari. Humakbang siya palapit sa akin at napaatras akong muli. Sa bawat paglapit niya mas lalong tumitindi ang takot at pighati sa puso ko. Parang unti-unti ring lumalabo ang paligid namin, ang kaninang pintuan ay naglaho hanggang sa nabalot nalang ng kadiliman ang buong paligid. Ang kaawa-awang itsura ni kuya Asher ang huli kong nakita bago tuluyang binalot ng kadiliman ang paningin ko. NAPABANGON ako sa higaan habang mabilis ang paghinga. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo. Panaginip. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na kinakalma ang sarili. Napanaginipan ko nanaman si kuya Ashy... akala ko ay nakalimutan ko na ang insidenteng iyon pero parang sariwa pa rin sa akin ang lahat. "Para kang constipated diyan," Naputol ang samu't saring alaala na bumaha sa isipan ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Denisa. Kasalukuyan siya nakaupo sa pasama ng malaking bintana sa kwarto. Tamad siyang nakatanaw sa labas habang nakapatong ang siko sa kanyang tuhod. Napakurap ako pilit inintindi ang sinabi niya. Parang wala pa ako sa sarili dahil sa napanaginipan ko. "U-Uh. A-Anong oras na ba?" Napadako ang tingin ko sa wall clock at nakitang alas onse na pala! Grabe! Ang haba pala ng tulog ko. Sabado kasi ngayon at wala namang pasok kaya sinamantala ko muna ang pagkakataon para makatulog. Sinuyod ko ang buonh kwarto at nakitang kami lang ulit ni Denisa ang naririto. Wala sila Tiffany at Victoria, saan kaya pumupunta ang mga estudyante kapag ganitong walang pasok? Naghikab si Denisa bago bumaba mula sa pagkakaupo sa pasamano. Tapos ay nilongon niya ako habang nag-uunat ng buto. "Ilang oras ka nang natutulog diyan. You're wasting the opportunity to be productive," aniya habang pinapatunog ang kanyang kamao. Kinusot ko naman ang mata ko at naghikab. "Huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "M-May pasok din ba tayo kahit sabado?" Gulat kong tanong. Akala ko ay ang weekend ay pagkakataon naming mga estudyante para makapagpahinga. "Tsk. Iyan ang napapala ng mga hindi marunong magbasa ng student's handbook..." May binulong si Denisa na kung ano pero hindi ko gaanong naintindihan dahil medyo mahina. "A-Ano iyon?" "Wala. Sabi ko magbihis ka na para nakapagtanghalian na tayo. Anong oras na," tinalikuran niya ako at naupo sa kalapit na couch sabay pulot ng isang babasahin saka prenteng umupo. Natulala muna ako ng ilang segundo bago nang-desisyon na sundin ang sinasabi niya. Naligo na ako at nagbihis ng kaswal na damit. Ngayon lang ako maglalakad sa campus nang hindi naka-uniporme. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko sa harap ng malaking salamin ay namamataan ko si Denisa na seryosong nagbabasa noong hawak niya. Hindi ko alam kung anong klaseng libro iyon pero merong mga drawing ng tao. Pero hindi naman ito gaya ng binibiling comics ng kapatid kong si Porty. Ang mga comics kasi namin sa bahay ay may kulay pero iyong binabasa ni Denisa ay puro puti at itim lang na mga drawings. "U-Uh. Ano iyang binabasa mo?" Kuryoso kong tanong. "Manga," tipid naman niyang sagot. Napatigil ako sa pagsusulay at napalingon sa kanya. Mangga? Prutas iyon 'di ba? Namali ba ng dinig si Denisa sa tanong ko? "A-Ano? Mangga? I-Iyang binabasa mo?" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napatingin sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya pero parang mukha siyang natatawa. May mali nanaman ba sa sinabi? Akala ko ay sesermunan niya ulit ako pero napailing nalang siya bago itinabi ang binabasa siyang mangga. "Gutom lang iyan, tara na..."aniya bago tumalikod at dumiretso sa pintuan. "T-Teka lang naman!" Hiyaw ko at nagmamadaling binitawan ang suklay para mahabol siya. Lagi nalang siyang nauunang maglakad, ang lalaki at bilis pa man din ng hakbang niya. Kung titingnan ay parang lalaki magsalita at kumilos minsan si Denisa pero sa paraan naman ng pananamit niya ay masasabi kong mas lalo nitong pinagtitingkad ang kagandahan niya! Ang itim niyang palda ay swabeng gumagalaw kasabay ng pinong hangin at ang kulay pula niyang long sleeve ay bumagay sa puting kutis niya. Nakakahiya tuloy na tumabi sa kanya ngayong ang suot ko lang ay isang simpleng dilaw na t-shirt at ang pinaglumaan kong maong na shorts. Sa sobrang pag-iisip ko sa mga damit namin, hindi ko agad na-realize na parang mali kami ng direksyon na dinadaanan. "U-Uh. Denisa, hindi ata ito ang daan papuntang cafeteria," sabi ko sa kanya habang pinipilit pa ring pantayan ang bilis ng lakad niya. Mas matangkad siya sa akin kaya naman mas mahaba ang binti kaya lagi akong nahihirapan! "Sino bang may sabing sa cafeteria tayo pupunta?" Tamad niyang ani at hindi man lang nagbago ang bilis ng lakad niya. "H-Huh?" Lito kong kumento. Hindi ba sabi niya magtatanghalian kami? Kaya bakit hindi kami sa cafeteria pupunta? Itong direksyon na tinatahak namin ay ang bandang likuran ng mya dormitories. Alam ko wala namang ibang matatagpuan dito maliban da mga d**o d**o at isang lumang-- "--ay!" Gulat akong nasubsob sa likuran ni Denisa nang bigla siyang huminto nang walang pasabi. "Now, witness the limited luxury of the Weekend Special," aniya sa isang natutuwang tono habang nakapako ang mga mata sa kanyang harapan. Kumunot naman ang noo ko at umalis sa kanyang likuran para silipin kung ano ba ang tinititigan niya. Agad akong napanganga nang masilayan iyon. Sa harapan namin ay ang lumang gusali na nakatirik sa likuran ng girls' and boys' dormitories. Pero hindi ito nilulumot at sira-sira gaya ng inaasahan ko dahil ang building na ito ay kumikinang na itim na gusali na may malaki at kumikislap na signage. Ang nakalagay ay: 'Weekend Special Mini Mall' -C.N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD