That was insane. Normal na sa'kin na nakakakita na may namamatay sa harap ko pero ibang case 'yong gano'n. Tingin ko, nadala lang din si Ezrel ng damdamin niya kaya dumating sa gano'ng punto. Nagsisisi rin ako na iniwanan ko pa silang dalawa. Hindi ko naisip na pwedeng umabot sa gano'n. Akala ko, magiging okay lang lahat kapag sinubukan kong pagsamahin sila... pero iba 'yong nangyari. Ezrel was still quiet. He wasn't crying anymore and I guess, he finally calmed down but still, I was worried about him. Gusto ko siyang i-approach at tanungin kung ayos lang ba siya pero natatakot akong magsalita. Baka may masabi akong makapagpa-trigger lalo sa kanya. "Misaki." Kumabog agad nang malakas ang dibdib ko nang marinig ang pagtawag niya sa'kin. "A-Ano 'yon?" Sinubukan kong ngumiti per

