bc

Who Will Die?

book_age18+
94
FOLLOW
1K
READ
revenge
killer
dark
tragedy
bxg
demon
city
lonely
brutal
shy
like
intro-logo
Blurb

Misaki Ortiz is an average student who has taken a liking to Shinigami (also known as god of death). While researching on it, she made friends with two people - Ezrel who wanted to be a Shinigami and Ria who could see a Shinigami.

Everything's in confusion because Ezrel is unknowingly mad at Ria, especially when Misaki woke up from a nightmare and the first thing she saw... is a shinigami.

chap-preview
Free preview
Death One
"Shinigami or also known as god of death, death bringer and death spirit are gods or supernatural spirits that invite humans toward death in certain aspects of Japanese religion and culture..." Mahinang basa ko habang titig na titig sa nakasulat sa notebook ko. Ililipat ko pa lang ito sa susunod na pahina pero napahinto ako at napahawak sa kapitan ng jeep dahil sa biglang pagdaan nito sa bako-bakong kalsada. Nahulog ang notebook ko sa sahig ng jeep kaya kinailangan kong yumuko para kuhanin 'yon pero may nauna na sa'kin. It was a girl. She had long black hair. Nakasuot din ito ng itim na t-shirt at jeans. Kataka-taka lang ang suot niyang tsinelas na may design pang Hello Kitty. I was expecting that she was wearing a black rubber shoes but anyway, it didn't matter. She still looked cool. "Shi... ni... gami?" Putol-putol na basa no'ng babae sa harap ko habang hawak 'yong notebook na pinulot niya. Nag-angat ito ng tingin sa'kin at ngumiti. Wow, that was beautiful. Napaayos agad ako ng upo at kinuha sa kanya ang notebook no'ng ilahad niya 'yon sa'kin. Ngayon na nakita ko nang mas malinaw ang mukha niya, hindi ko maiwasang isipin na artista ang kaharap ko dahil sa puti at ganda niya. Parang nahiya tuloy ako na nag-eexist ako sa tabi niya. "Interested ka sa mga shinigami?" Nakangiti nitong tanong at sumulyap sa notebook ko. I didn't expect that she'd talk to me. Isa pa, hindi rin naman gano'n karami ang may interesado sa ganitong bagay. Hindi rin naman sila totoo kaya wala ring kwenta kung sasayangin mo ang oras sa pagri-research sa kanila. Pero mahilig ako sa mga walang kwenta. Wala naman sigurong masama kung sasayangin ko ang oras ko, 'di ba? Binuksan ko 'yong bag ko at tinago roon ang notebook saka marahang tumango. "Uh, oo." Iyon lang ang nasagot ko kasabay ng pagkawala ng isang mahabang buntong-hininga. Kumunot ang noo niya at nag-aalalang tumingin sa'kin. "Naabala ba kita sa pagbabasa mo?"  Mabilis akong umiling at winagayway ang kamay ko. "H-Hindi, ayos lang!" Napaiwas na lang ako ng tingin nang maisip na napalakas yata ang pagkakasagot ko. Habit lang talaga ang pagbuntong-hininga ko tuwing may nakakausap na ibang tao. Hindi kasi ako sanay at wala rin ako masyadong nakakausap kaya pakiramdam ko nakaka-exhaust ang pakikipag-usap sa iba kahit na sandali lang. "Akala ko lesson niyo 'yon sa school," patuloy niya pa ring kausap sa'kin. Ginala ko ang paningin ko sa loob ng jeep at napansing wala masyadong tao rito. Lima lang kami kaya tingin ko, hindi gano'n ka-awkward ang magsalita. "Interesado lang ako..." Mahina kong tugon at hinawakan ang palda ko. "Wow, talaga? Parang bihira 'yong mga gan'yang teen ager, ha?" Natutuwa nitong sabi at pinagkrus ang dalawa niyang braso. "Bakit ka interesado sa shinigami?" Hindi siya mukhang nagtataka dahil sa laki at tamis ng ngiti niya sa labi. Lumayo ako ng tingin at nagkibit-balikat. "There's no particular reason... nakuha lang talaga 'yong interes ko–" napatigil ako at agad na lumingon sa kanya dahil sa biglaan nitong pagtayo at paglipat sa tabi ko. Umaandar ang jeep at medyo bako ang daan kaya bahagya siyang napahiga sa upuan. "O-Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong at tinulungan siyang makaupo. Nakakakaba naman siya kausap. Bakit ba hindi na lang siya mapakali sa inuupuan niya? "Syempre naman!" Masigla pa rin nitong sabi. Daig niya pa ang naka-enervon sa dami ng energy niya. "So, bakit ka nga ulit interesado sa kanila?" Patuloy niya sa pangungulit. Umiling ako at hinigpitan ang hawak sa palda ko. "Wala... nakuha lang nila ang interes ko." Walang buhay na sagot ko. Nakakakaba pa rin ang pagsasalita kahit na mukhang mabait siya. "E, gano'n ba? Akala ko pa naman kasi nakakita ka na," pabulong ang huling linya niya pero nagawa pa rin ng tainga ko na marinig iyon. "Nakakita? Hindi naman posible 'yon. I-I mean, hindi sila totoo... 'di ba?" Hindi ko maiwasang ma-fired up ng kaunti. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya na kumatok sa bubong ng sasakyan. "Manong, para na po!" Magalang at malakas nitong sabi bago tumingin sa'kin. Lumapit ito sa tainga ko at bumulong. "You know, I can see them." Bulong niya na nagpataas ng ilang balahibo sa katawan ko. Natigil ng ilang segundo ang pag-function ng utak ko. Namutla ang mga kamay ko na tila naudlot ang pagdaloy ng dugo. Nakakita na siya? "S-Seryoso ka–" naiwan sa ere ang bibig kong nakabukas nang mapansin na iba na pala ang nasa tabi ko. Bagong sakay na lalaki at kapareho ko ang uniform. Nakababa na 'yong babae kanina. Probably, she was messing with me. Ni hindi niya nga yata alam kung ano ang shinigami... o kamatayan. It kinda pissed me off that she was taking it lightly but remembering that she was a beauty, nawawala ang inis ko at napapabuntong-hininga na lang. "Okay ka lang?" Napasinghap ako nang marinig na nagtanong ang katabi ko. Kinakausap niya ba ako? Na-stuck yata sa mukha niya ang tingin ko dahil sa kagwapuhan nito. Ano ba ang mayro'n ngayong araw at puro may itsura ang nakakasalamuha ko? Pinapamukha ba sa'kin na pangit ako? "Uy, okay ka lang?" Kumaway siya sa harap ko at ngumiti. That smile was beautiful. "Uh, oo..." Parang mas awkward na kausap siya kaysa roon sa babae. "Ano 'yong sinasabi mo kanina? May itatanong ka ba?" Umiling agad ako. "Hindi, wala 'yon." "May problema ka?" "O-Okay lang ako..." "Sure?" I nodded. "Oo..." Natigil ang pag-uusap namin pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa'kin. Alanganin akong napangiti. "I-Ikaw ba?" Parang ang rude kung hahayaan kong mag-end ng gano'n ang usapan namin. Palagi akong nanonood ng mga tips kung paano maging extrovert at tingin ko ito na ang time para mai-apply 'yon. "Well, medyo problemado ako ngayon sa studies ko." He was still smiling. I didn't expect that he'd actually confess his problem to me. "B-Bakit naman?" "Ngayon kasi 'yong start ng pagta-transfer ko sa school na lilipatan ko... uh, wait." Tumingin ito sa suot ko. "Schoolmate yata tayo, 'no?" I nodded. "Yes..." So, transferee pala siya. "E 'di ba second grading mahigit na ngayon?" "Uh, oo..." "Namomroblema ako na baka mahirapan akong makahabol," "Ah, gano'n ba..." Anong pwede kong sabihin?! Nanghihingi ba siya sa'kin ng advice o ano?! Hindi ko na alam ang susunod! Walang kwenta lahat ng tips na pinanood ko, wala akong nagamit kahit na isa. "Anong grade ka na ba?" Buti naman at nagtanong siya. Wala kasi akong maisip na sasabihin. "Grade 10," "Cool, same! So, you're 16? Or 15?" Maybe, we were classmates? "I'm 18..." "Seryoso?" Hindi siya makapaniwala. "Oo. Nag-stop kasi ako..." "Oh, I see..." "Uh, ano..." "Ano 'yon?" Ako lang ba o mas lumaki 'yong ngiti sa labi niya? "P-Pwede kitang tulungan kung nahihirapan ka sa mga subjects..." "W-Weh?" Hala, ayaw niya ba? "Kung gusto mo lang–" "Gusto ko, syempre!" Masiglang wika niya at tinaas ang kamay niya sa ere. Nakatitig lang ako ro'n at hindi gumagalaw. Ilang segundo pa bago siya alanganing tumawa. "A-Apir tayo?" Aniya. Eh... so, gusto niya lang ng apir? Hindi niya agad sinabi! Awkward kong tinaas ang kamay ko at nakipag-apir sa kanya. Nabigla na lang ako nang bumulalas siya ng tawa at tapikin ang ulo ko nang mahina. "You're a good girl, I like you." Mahinang aniya at nginitian ako. L-Like?! Napatungo ako at tumango na lang. "T-Thanks..." Hindi ko alam ang tamang sasabihin sa kanya! "Ouch, thanks? Rejected ba ako?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "H-Huh? Bakit? Mali ba 'yong sinabi ko?" Nag-aalalang tanong ko. He chuckled. "No, I was just kidding." "Uh, okay..." Kinabahan ako sa sinabi niya. Bakit ba ang energetic ng mga tao sa paligid ko? Nakaka-exhaust sila masyado. No'ng, nasa tapat na ng eskwelahan, hinawakan ko na ang bag ko at saka kumatok sa bubong ng jeep. Huminga ako nang malalim at ni-ready ang sarili ko. "P-Para po!" Mahina ang boses ko kaya hindi yata nagawang marinig 'yon no'ng manong pero kumatok din agad ang lalaking katabi ko. "Para!" Malakas nitong sigaw at agad na pumreno ang jeep kaya muntikan na akong mangudngod sa upuan, buti na lang at nahawakan niya ang braso ko kaya nahila niya ako. "You okay?" Tanong nito no'ng huminto na ang jeep. He smelled good. He was really kind to me. "Uh... oo..." Bumaba kami ng sasakyan na hawak niya pa rin ang braso ko. Binitawan niya lang 'yon no'ng tuluyang nakababa na kami. "Thank you." Tipid kong sabi. "Welcome!" Masigla nitong sabi at nauna na sa'kin papasok sa gate ng school. Pagpasok ko sa loob, huminga muna ulit ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad. Wala pa sa kalahati ang araw ko pero pagod na ako. Napangiwi na lang ako para mawala ang bad vibes na bumabalot sa katawan ko. Sinilip ko muna ang loob ng classroom bago pumasok. Wala pa man ako sa upuan ko ay napansin ko na 'yong lalaking madaldal kanina sa jeep. Dito ba siya? Tama ako. Magkaklase nga kami. Nakakatuwa lang na marami agad ang nakikipag-usap sa kanya kahit na bago pa lang siya. Must be good to be an extrovert, huh? Pero tingin ko, nakakapagod din 'yon. Nahalata yata nitong nakatingin ako sa kanya kaya kumaway ito sa'kin at ngumiti. "Yo!" Sigaw niya. Tumingin ako sa likod ko dahil hindi naman ako sigurado kung ako 'yong binati niya. No'ng makita kong walang ibang tao sa likod ko, tipid lang akong ngumiti at dali-dali nang umupo sa upuan ko dahil sa sama ng tingin sa'kin ng ilang babae. Dumating ang homeroom teacher namin at pormal siyang pinakilala. Ezrel... ang pangalan niya. Mula siya sa isang probinsya pero marami siyang alam sa technology na kahit kami ay hindi pa alam kaya hangang-hanga sa kanya ang teacher namin. Sa likod ko pinaupo si Ezrel kaya paminsan-minsan, kinakalabit niya ako at tinatanong ng mga ilang bagay na sa tingin ko naman ay alam niya na. Nagtataka rin ako kung anong sense ng tanong niya pero hinayaan ko na lang tutal bago pa lang siya. Madaldal naman talaga ang mga katulad niyang extrovert kaya understandable na rin. "Saan ka kumakain?" Pati lunch ay nakasunod ito sa'kin. Wala ba siyang ibang kaibigan na nahanap? "S-Sa rooftop..." Mahina kong sagot at dali-daling naglakad para mauna sa kanya. "E, bakit hindi sa cafeteria?" Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya. Bawat estudyante yatang nadadaanan namin ay napapatingin sa'min pero binabaliwala ko na lang. "Hindi ako makapagfocus doon kasi maingay," sagot ko at saka binuksan ang pinto ng rooftop no'ng nasa tapat na kami. "Focus? Sa pagkain?" Bahagya itong natawa at nauna pa sa'king pumasok. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang enjoy na enjoy sa hangin. Parang gusto ko na lang manghingi ng energy sa kanya. "H-Hindi, sa pinag-aaralan ko..." "Oh, ikaw ba 'yong top one?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti nang malaki. "Kaya pala gusto mo akong tulungan, ha." Mabilis akong umiling. "H-Hindi, ah!" Kinakabahan nga ako tuwing may recitation. "Uh... so, honor student ka?" Umiling ulit ako. Nawala ang ngiti niya at pumitik sa hangin. "Alam ko na. Bagsak ka kaya nag-aaral ka at inaya mo ako para sabay tayong mag-aral. Tama ba?" Seryosong sabi niya at nakataas pa ang isang kilay. Muli akong umiling. "Average student lang ako. Hindi honor pero hindi rin bagsak." Pinatong ko sa railings ang tupperware na may laman no'ng pagkain ko at binuksan 'yon. Humalo agad ang amoy no'n sa hangin at tumabi siya sa'kin. "G-Gusto mo?" Nahihiyang tanong ko at inusod sa kanya ang tupperware. Kumuha siya roon ng isang shanghai at kumurot sa manok ng adobo. "E, ano bang pinag-aaralan mo?" Taka niyang tanong habang tinitingnan ang pagkain na hawak niya. "Uh, shinigami..." Ilang na sagot ko bago tahimik na nagdasal. "Shinishgamish?" Aniya habang ngumunguya. Tumango lang ako. Nilunok niya muna 'yong kinakain niya bago ulit siya nagsalita. "Gusto mo ba sila?" "Hindi... medyo interesado lang," "Huh? Bakit hindi?" "Basta..." Interesado ako pero hindi dahil sa gusto ko sila. "Gusto mong makakita?" Pumangalumbaba siya at tiningnan ako. "H-Hindi rin. Parang nakakatakot sila," opinyon ko. "Talaga ba?" Tumango ako. "Ako, gusto kong maging shinigami." Aniya na nagpakunot sa noo ko. "Bakit?" "Kapag naging shinigami ako, papatayin ko lahat ng iba pang gano'n." Hindi ako agad nakasagot. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko in-expect na may gano'n siyang mindset. Ang wi-weird naman ng mga tao ngayon. Puro imposible ang sinasabi nila. "Bakit mo 'yon gagawin?" Interesadong tanong ko. Nagkibit-balikat ito at tumawa. "Who knows?" Tumalikod ito sa'kin at kumaway. "See you around, una na ako. Thank you sa pagkain!" "O-Okay..." Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto siya roon sa pintuan. Akala ko ay bababa na siya pero humarap ulit ito sa'kin. "Kapag nakakita ka no'n, anong gagawin mo?" Kunot-noo niyang tanong.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook