"Yo, Misaki!" Muntikan ko nang maihagis ang dala-dala kong libro at halos nanginig din ang tuhod ko dahil sa biglaang sigaw na 'yon kasabay pa ng paghawak niya sa dalawang balikat ko.
Ginulat niya ako... akala ko ay lalabas na ang puso ko roon. Pakiramdam ko, nabawasan ng limang taon ang buhay ko dahil sa ginawa niya.
"B-Bakit?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinigpitan ang hawak sa mga librong dala ko.
"Free ka mamayang uwian?" Ang sigla palagi ng boses niya.
Ilang araw ko na rin siyang kaklase at sa mga nakalipas na araw na 'yon, lagi siyang nakabuntot sa'kin saan man ako magpunta. Hindi lang talaga ako masanay sa mga biglaan niyang pagsulpot. Pakiramdam ko nga, may mga lihim ng galit 'yong mga kaklase ko sa'kin dahil dito. Nakakagulat nga naman na ako pa 'yong pipiliin ni Ezrel na maka-close. Marami kaming kaklase na mas popular at may silbi kaysa sa'kin.
Lito ko siyang tiningnan at kinunutan ng noo. "Uwian? Bakit?" Hindi nakatingin sa'kin si Ezrel at diretso lang ang tingin niya sa daan.
Iniisip ko kung naiilang din ba siya sa mga tingin ng ibang estudyante? Hindi ako sure pero parang ang sama ng titig nila sa'kin na para bang may ginawa akong mali. 'Yon lagi ang eksena. Kasalanan bang lumakad kasabay si Ezrel?
"Gusto kong pumuntang library." Inilagay niya sa likod ng ulo niya ang magkahawak niyang kamay at ginawa niyang parang sandalan.
"Library nitong school?" Tanong ko ulit at umiling siya. "E, saan?"
Dahil sa palagi niya akong ina-approach, nasanay na rin ako sa pakikipag-usap sa kanya. Though, minsan dumarating pa rin 'yong time na naiilang ako.
"Sa may bayan. Mas malaki ang library doon, 'di ba?" Tumango ako. "Pwede tayong maghanap ng libro ro'n tungkol sa mga shinigami para mas lumawak 'yong alam natin." Binuksan niya ang pinto ng classroom namin at kinuha sa'kin ang mga libro para siya na ang maglagay sa mesa ng teacher.
"T-Talaga..." Mahinang aniko noong makaupo na kami. Nanlaki na lang ang mata ko no'ng nilapit niya ang ulo niya sa batok ko para bumulong sa'kin. Sa likuran ko kasi ang upuan niya.
"Yup, kaya samahan mo ako mamaya. Okay ba?" Napalayo ako ng kaunti dahil nakakakiliti ang hininga niya, na mukhang napansin niya rin agad dahil sa paglayo nito. "Uh, sorry. Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.
"Uh, oo..." Umiwas na ako ng tingin dahil sa nakakailang na mata ng mga kaklase kong titig sa'kin.
Parang nilalagyan nila ng issue ang pakikipag-usap ko kay Ezrel. Mali ba siyang kausapin?
But anyway, nakakatuwa lang na balak niya akong samahan sa pagri-research ko tungkol do'n. Pero hindi ba siya napipilitan lang o naaawa sa'kin kasi lagi akong walang kasama?
Napaawang ang bibig ko nang maramdaman kong kalabitin nito ang tagiliran ko. Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa dahil sa kiliti. I was afraid that I could make a weird sound because of it.
May maliit na piraso ng papel ang nakalusot sa upuan ko. Nakahawak ang kamay ni Ezrel sa dulo kaya kinuha ko 'yon sa kanya para mabasa ang nakalagay.
Sorry ulit about don. Meet mo ko mamaya sa front gate ha? See you!:)
Iyon lang ang nakalagay. Tinupi ko ang papel at pasimpleng inilusot sa bulsa ng palda ko. Lumingon ako kay Ezrel at nginitian lang siya. Sabay naman kaming napatayo no'ng biglang bumukas ang pinto ng classroom at nakita si sir na pumasok.
Nagtapos ang klase namin nang bandang alas kwatro. Limang minuto pa akong naiwan sa classroom dahil isa ako sa cleaners. Hindi pa rin agad ako nakauwi kahit na tapos na kaming maglinis dahil pinag-report pa ako ng leader namin kay ma'am about sa mga warnings ng mga kaklase ko ngayong araw.
Hingal na hingal akong nakarating sa front gate at sumalubong sa'kin ang ngiti ni Ezrel kasama no'ng mineral water sa bote. Inabot niya sa'kin iyon, hindi naman ako nag-alinlangang kuhanin dahil uhaw na uhaw na rin ako.
"S-Sorry, matagal ka ba rito?" Nahihiya kong tanong habang naglalakad na kami papunta sa library.
"No. Saka ayos lang, ako naman ang nag-invite sa'yo." He was too polite. "Ikaw? Ayos ka lang?"
I nodded. "Oo. Thank you sa tubig. Magkano ba ang bili mo ro'n? Babayaran ko na lang."
"No, 'wag na. Binili ko talaga 'yon para sa'yo." His smile was from ear to ear as usual.
"Sure ka?" Nag-aalalang tanong ko at tumango lang ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko matiis na tahimik kaming pareho kaya ako na ang nag-first move na magsalita– level up 'to para sa'kin.
"Ano..." But I was stuck in that. I couldn't think of any ideas. Wala akong alam sa pagkausap sa ibang tao at hindi talaga ako magaling sa pag-iisip ng topic. I knew and I accepted that I lack the social skills.
Matagal na akong nag-give up sa pagta-try na maging extrovert. Though, I still watched some tips kahit na mukhang walang tulong.
"Hmm?" I was really envious of him. Mabilis niyang nakaclose ang mga kaklase ko, na kahit ako ay hindi pa masyadong close, gano'n din ang mga teachers namin. Narinig ko nga roon sa isang bully na student na teacher's pet daw si Ezrel.
Inggit siguro ang isang 'yon. Mabait si Ezrel kaya hindi kataka-takang maraming may gusto sa kanya.
"'Yong sinabi mo pala no'ng nakaraan..."
"Ano 'yon?" Hindi niya siguradong tanong.
"Kapag nakakita ka no'n, anong gagawin mo?" Kunot-noo niyang tanong.
Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko ang tanong na 'to. Buo ang paniniwala ko na hindi sila totoo kaya wala rin sa plano ko na makita sila kahit na seryoso ako sa pagri-research. Pero ngayong tinanong niya 'to, tila nagulo rin ang isip ko at hindi alam kung anong gagawin.
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya bago umiling at sumagot. "Ewan..." Hindi ko siguradong wika.
Kung makakakita man ako no'n, tiyak patay na ako. Iyon ang pinakaayaw kong mangyari sa lahat. Kaya hindi ko gugustuhing makakita ng shinigami.
Itinago nito sa bulsa niya ang dalawang kamay at makahulugang ngumisi. "Kapag nakakita ka..." He trailed off as he looked at the sky.
"U-Uh?" I felt something wrong.
For the first time, nawala ang komportableng atmosphere sa pagitan namin ni Ezrel.
Humangin nang malakas kaya nilipad no'n ang ilang hibla ng buhok ko at tumakip sa mukha ko. Ramdam ko rin ang pagtaas ng mga balahibo ko sa braso pero hinayaan ko lang.
"Anong mangyayari kapag nakakita ako?" Mahinang tanong ko.
"Hindi mo na sila matatakasan." Hindi ako nakatango dahil hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya. Ang alam ko na lang ay kumaway na siya sa'kin at bumaba.
Hindi ko naman talaga matatakasan ang kamatayan kahit na ano pang gawin ko. Pero nalito ako sa sinabi niya. Lalo na sa kakaibang ngisi sa labi niya. Hindi 'yon ngisi na masaya o mapaglaro... ramdam ko 'yong lungkot do'n.
No'ng isang araw ko pa siyang gustong tanungin dahil interesado talaga ako pero lagi akong pinapangunahan ng anxiety ko.
"'Yong part na hindi ko na matatakasan," I replied.
Marami na rin kaming napag-usapan kaya tingin ko, nawala na 'yon sa isip niya. Mostly, siya ang gumagawa ng topic. Baka abutin kami ng isang dekada kapag ako ang nag-volunteer na magkuwento. Lagi niya rin akong sinasamahan tuwing lunch dahil mukha raw akong malungkot at parang walang kaibigan– hindi ko sure kung nang-ooffend ba siya o ano pero gan'yan talaga ang pananalita niya. Masaya naman ako na kasama siya kahit na nakakapagod halos lahat ng pinaggagawa niya sa buhay niya.
"Ah, iyon." Binulsa niya ang mga kamay niya. "Nabother ka ba ro'n? Nakakita ka na siguro ng shinigami, 'no?" Pabiro niyang sabi at ngumisi.
Mabilis akong umiling at winagayway ang kamay ko. "H-Hindi pa, ah... pero medyo nabother nga ako ro'n," hindi ko tinanggi.
"Wala lang 'yon. Kalimutan mo na lang, saka malabo namang makakita ka o ako kasi tao lang tayo, 'di ba?" Paliwanag niya at kinuha ang ballpen sa bag para mag-log in doon sa logbook ng library.
"Uh, yeah... tama ka naman," pagsang-ayon ko.
Halatang makaluma 'tong library sa dating pa lang ng pintura at mga design. No'ng ipahid ko ang daliri ko sa bintana ay umitim agad ang balat ko dahil sa alikabok. Binigyan naman ako ng alcohol ni Ezrel no'ng mapansin niya 'yon.
"Madalas ka ba rito?" Tanong ko at pinagmasdan siya sa paghahanap niya ng libro.
Umiling siya at pinagpag ang dalawang kamay niya dahil sa alikabok. "Ngayon pa lang. Galing akong probinsya, alala mo?"
"Ah, oo nga pala. Sorry." Nakalimutan ko agad na hindi siya lumaki rito. Natigil ako sa paglalakad nang kurutin niya ang ilong ko at humalakhak siya.
"You're really weird, you know?" Umiwas ako ng tingin at tinanggal ang kamay niya sa ilong ko.
He was weirder, though. Unang kita pa lang namin, feeling close na siya agad sa'kin. Well, it was an extrovert thing pero hindi ko pa rin kinakaya 'yong mga gano'ng galawan nila.
"Weird ba na magkainteres sa shinigami?" Kunot-noong tanong ko. Dahan-dahan siyang umiling at bumalik sa paghahanap ng libro. Kanina niya pa binubulong ang title no'n habang hinahanap kaya tinulungan ko na rin siya sa pagbubuklat ng mga libro.
"Hindi naman weird," mahinang aniya. "Cool nga 'yon, e. Pero sure ako na maraming may interesado sa mga gano'ng bagay pero kaunti lang 'yong talagang seryoso... tulad mo,"
"E, ikaw?" Sinulyapan ko siya. "Interesado ka, 'di ba? Pero seryoso ka ba... uhm, tulad ko?"
Mabilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Nakaka-thrill lang siguro na ako ngayon ang gumagawa ng tanong para sagutin niya.
"Seryoso ako,"
"W-Weh?"
"Uy, ito na!"
"H-Huh?"
Humarap siya sa'kin at pinakita ang librong hawak niya na puro alikabok. Mukhang sa dulo pa ng shelf niya 'yon kinuha. "Ito na 'yong book na sinasabi ko. Sabi na nga ba't makikita ko 'yon dito, e."
"Ano ba 'yang hinahanap mo?" Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang libro. Hindi ko na mabasa ang title dahil halos fade na ang cover niya.
"Book 'to tungkol sa mga shinigami,"
"T-Talaga? Patingin nga!" Hindi ko na maiwasan ang paglakas ng boses ko.
Natawa siya ng bahagya at binigay 'yon sa'kin.
"Hanap ka muna ng uupuan natin. Lalabas muna ako para bumili ng pagkain,"
"Pagkain? 'Di pwede 'yon dito, 'di ba?"
Lumitaw ang mapaglarong ngisi sa labi niya at saka kumindat. "Akong bahala."
"H-Hoy! Baka mahuli tayo!"
"Hindi 'yan, akong bahala..." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinulak ako papunta sa dulo. "Sige na, hanap ka lang d'yan. Hahanapin na lang kita mamaya."
"O-Okay... ingat ka, ah..." Wala na rin akong nagawa kundi hayaan siya.
Mukhang hindi rin naman siya mapipigil sa gusto niya. Ganito ba talaga ang mga extrovert? Laging nakakakaba 'yong mga ginagawa nila.
Tulad ng sabi niya, naghanap ako ng upuan at mesa naming dalawa. Sinadya kong pumwesto sa tagong lugar para hindi kami mahuli ni Ezrel mamaya kung talagang makakalusot ang bibilhin niyang pagkain.
No'ng makaupo na ako, binuklat ko ang libro na binigay sa'kin ni Ezrel at sinimulang basahin ang panimula no'n.
"You really like shinigami, 'no?"
Napatigil ako sa paglipat ng page nang may nagsalita sa gilid ko. Inangat ko ang tingin ko roon at umawang ang labi nang mapansin na ito 'yong babae sa jeep no'ng nakaraan.
Nakalugay ang mahaba niyang buhok at nakangiti habang nakatingin sa'kin.
"Hi," casual niyang bati at kumaway.
"H-Hello?" Awkward akong umiwas ng tingin at kinagat ang labi ko.
Another extrovert, huh?
Hindi pa ako nakakapag-break kay Ezrel pero mayro'n na namang bago.
"Mag-isa ka lang dito?" Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo roon.
"May kasama ako... may..." Napahinto ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya na bumili ng pagkain si Ezrel?
"May?"
Umiling ako. "Wala..."
Hindi ko dapat sabihin dahil baka mapasama lang kami. Kahit na mukhang mabait ang babaeng 'to, wala pa rin akong tiwala sa kanya.
"Kaibigan mo ba 'yong kasama mo?" She was still smiling widely.
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko."
Magkaibigan ba kami ni Ezrel o sumasama lang siya sa'kin dahil naaawa siya?
Pumangalumbaba ito at nawala ang ngiti sa labi niya. "Hindi ka dapat sumasama sa kung kani-kanino."
Was she lecturing me?
Anong dapat kong isagot?
"Baka mapahamak ka..." Bumaba ang tingin niya sa libro na binabasa ko. "Tapos 'yon ang maging way para makita mo 'yong shinigami na susundo sa'yo."
"Huh?"
Itinaas niya ang daliri at may tinuro sa likod ko. "Katulad no'ng babae na 'yon."
Mabilis akong lumingon sa likod ko at nakita nga ang isang babae na may kasamang lalaki. Medyo malayo ang pagitan nila sa'min pero malinaw pa rin sila sa paningin ko.
"Anong ibig mong sabihin?" My forehead creased a little.
"She'd now meet her shinigami,"
"Huh?" Mas lumaki ang nabubuong confusion sa utak ko.
Bago pa ako makapagtanong ulit ay nanlaki na lang ang mata ko dahil sa biglaang pagsaksak no'ng lalaki sa babae. Mabilis na umagos ang dugo at bumagsak sa sahig ang babae.
"AAAAHH!" Bumalot sa library ang malakas na sigaw ng isang babae na nakapansin din sa pagsaksak, dahilan para maglingunan pa roon ang ibang tao. Sa isang iglap, nagkaroon ng kumpol ng mga tao sa lugar na 'yon.
Mabilis ang t***k ng puso ko. Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko habang unti-unting nililingon ang babae sa tabi ko... pero wala na siya roon.