Death Three

2043 Words
"Uy, Misaki, ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Ezrel habang sakay kami ng jeep. Pauwi na kami at hindi na natuloy ang pagbabasa namin sa library dahil nga sa nangyaring insidente. Pinasara muna ng panandalian ang library'ng 'yon. Nahiram naman namin ni Ezrel 'yong libro na gusto niya– or more like, tinakas. Hindi niya na pinagpaalam at basta na lang isinilid sa loob ng bag ko. Wala na naman akong nagawa dahil masyado akong nagulat sa nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa normal na takbo ng isip ko. Sana lang, maging ayos na ulit ang lahat bukas. "Oo naman, ayos lang ako..." mahinang sagot ko at pinanatili ang tingin sa labas ng sasakyan. "Are you scared?" Umawang ang labi ko nang marinig ang tanong niya. It was just a whisper and nothing was special about that but it somehow soothed me. "Just a bit," I mumbled. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa ulo ko at paghaplos nito sa buhok ko. "I'm sorry if I'm not there," "I-It's fine..." "Hindi kita dapat iniwan," "A-Ayos lang talaga. Hindi mo kailangang mag-isip ng sobra–" "Hindi ayos 'yon," "E-Eh..." Hindi ko na alam ang sasabihin sa kanya! Pakiramdam ko, naiilang ako sa mga kinikilos niya. Siguro, dahil ngayon ko lang ulit naramdaman 'yong ganito. Na may nag-aalala sa'kin at nagsasabi na dapat hindi niya ako iniwan. It made me happy. Hearing that from him made me really happy. At the same time, it was embarrassing because he was... a boy. "Are you scared to die?" Napatigil ako sa paglalakad nang makababa kaming jeep dahil sa tanong niya. Nasa dulo ng subdivision ang bahay namin kaya kailangan ko pang maglakad. Medyo madilim na rin pero may ilaw naman sa kada bahay kaya hindi nakakatakot na maglakad mag-isa. "Uh... maybe?" I awkwardly smiled. "Una na ako. Thank you sa paghatid." I was scared to die. Always. I didn't want to die. I didn't want to meet my own shinigami like what the lady had said. "I'm gonna walk you to your house," "Huh? Hindi na! Baka magabihan ka. Pagalitan ka pa ng nanay mo," nag-aalalang wika ko. "Isa pa pala, nagpaalam ka ba na gagabihin ka? Baka nag-aalala na sila sa'yo." Habang tumatagal, nasasanay na ako na kausap si Ezrel. Hindi na ako masyadong nahihiya at magiging normal na sa'kin ang pagbuka ng bibig. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang mahiya kapag hini ako sanay sa usapan namin. "It's okay. Wala na akong nanay," nakangiting tugon niya. 'Yong ngiti niya, hindi masaya 'yon. I could feel the loneliness in his voice as he spoke. "S-Sorry..." Ito 'yong mga times na naiilang pa rin ako sa pagkausap sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil pakiramdam ko, nalungkot siya dahil sa'kin. Pinaalala ko ba sa kanya ang bagay na tinatakasan niyang isipin? "Okay lang, sira." "H-Hindi okay 'yon..." "Hmm?" "S-Sinong kasama mo sa bahay mo ngayon?" Lakas-loob na tanong ko at tumingin sa kanya. Umiling siya. "Wala, e." "W-Wala?" Tumango naman siya ngayon. "Mag-isa lang ako sa apartment. Ah, by the way, nakakapag-aral ako dahil sa pera ni mama sa bangko na iniwan niya para sa pag-aaral ko." He was still smiling widely like it was just nothing. "Gano'n ba?" Tipid akong ngumiti. Nilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya at humikab. "Sa totoo lang, ayoko na talagang mag-aral." Bumulalas siya ng tawa at napailing. "Pero sabi ni mama, kailangan ko raw magtapos kasi 'yon 'yong isa sa mga pangarap niya na 'di niya natupad. That's why I'm doing my best to study even though I hate it." Kaya pala kinakabahan siya na baka hindi siya makasabay sa mga subjects. Mayro'n siyang goal na kailangan niyang mapuntahan kahit anong mangyari. "E 'di... ano..." Umiwas ako ng tingin. "Galingan natin parehas para sabay tayong maka-graduate. Tapos puntahan natin ang mama mo para maipagmalaki natin sa kanya 'yong certificate mo," I smiled a bit. This was actually embarrassing. Ito ang unang pagkakataon na nagsabi ako ng ganitong bagay sa ibang tao. I guess, Ezrel was a special person for me. He was a friend. A special friend. "Puntahan natin si mama sa langit? Susunod tayo sa kanya?" Kunot-noong tanong nito. Nawala ang ngiti ko sa labi at napangiwi na lang. "H-Hindi gano'n..." He burst out laughing as he patted my head. "I was just kidding. Ang cute mo palang asarin." Napailing na lang ako at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko. "Hindi ka pa ba uuwi?" "Ihahatid muna kita," "Okay..." Hindi ko na siya pinigilan para hindi na rin humaba ang usapan namin. "Misaki," pangungulit niya at panay ang kalabit sa likuran ko. Pero kahit na ginawa kong hindi pahabain ang usapan namin, siya pa rin ang pumipilit na pahabain 'yon. Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin? Gaano ba karaming topic ang naka-stock sa isip niya? "Ano 'yon?" "Sumagot ka rin!" Tuwang-tuwa aniya at sumabay sa step ng paglakad ko. Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin. Pinansin ko lang siya ngayon dahil malapit na kami sa bahay. "Ano ba 'yon?" Kunot-noo ko siyang tiningnan. "About sa tanong ko kanina. Takot ka bang mamatay?" "Sinagot na kita d'yan, ah." "Oo nga pero maybe lang 'yong sagot mo. Dapat 'yong precise," "Uh, okay lang." "Eh? Anong klaseng sagot 'yon?" "I mean, okay lang na mamatay. Lahat naman tayo, do'n 'yong punta, 'di ba?" "Hmm... takot ka, 'no?" "Huh?" Paano niya nalaman? Umiling ito at diniretso ang tingin sa daan. "Anong gagawin mo kung mayro'ng way para hindi mamatay?" "Wala namang gano'n," "Paano nga kung mayro'n?" "E 'di ayos," "Gagawin mo ba lahat para malaman 'yong way na 'yon?" I don't know. Ayokong mamatay dahil natatakot ako pero wala namang rason para gawin ko ang lahat para lang hindi mamatay. It was like I didn't want to die but I was ready to accept if I was gonna die. "Hindi na. For sure, may ibang tao naman ang willing na humanap ng way. Hihintayin ko lang ang taong 'yon." Bahagya akong natawa. Mas okay 'yon kaysa magpakahirap ako. Nabubuhay naman talaga ako sa pag-benefit sa hardship ng iba. Hindi na bago sa'kin 'yon. "Then, I'll be that person." He suddenly said. What? I confusedly looked at him. He just widely smiled at me. Halos hindi na makita ang mata niya dahil sa laki ng ngiti. He was spouting nonsense again. But it made me happy. Why was he like this? Bored na naman ba siya at sinasabi niya 'to? O gusto niyang makita ang nakakatawang reaction ko? "I'm sincere," "Uh, yeah..." "You're doubting me, aren't you?" Nakanguso ito at masama ang tingin sa'kin. Mabilis akong umiling. "H-Hindi!" Natawa siya. "Yes, yes." Nang nasa tapat na kami ng bahay ko, nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat sa paghatid niya sa'kin. "Ingat ka, Ezrel." Kumaway ako at tipid na ngumiti. "Yup, I'll see you tomorrow!" Pagpasok sa bahay, napabuntong-hininga na lang ako nang walang sumalubong sa'kin kahit na isa. Pagdating sa kusina, may inabutan lang ako na ulam na nakabalot pa sa plastic. Mukhang iniwan lang 'to rito ni tita at umalis din agad. Hindi na ako nag-abalang buksan 'yon at dumiretso na agad sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at pinakawalan ang mahabang paghinga. I didn't want to die. But I also didn't have the reason to live... or to do anything just to don't die. No'ng bandang ala una ng madaling araw, nagising ako sa pagkakatulog dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Minabuti kong kainin na lang ang dinala sa'kin ni tita kaysa masayang 'yon. Habang kumakain, bumalik na naman sa isip ko 'yong nangyari kanina. Hindi ko makalimutan 'yong image ng babae na may mahabang buhok sa isip ko. Paano niya nalaman na mamamatay na 'yong nasaksak na babae? Coincidence ba 'yon? O... baka kasamahan siya no'ng nangsaksak? "What the..." Napatigil ako sa pagkain at uminom ng tubig. Hindi ko naisip 'yon. Hindi ko rin inakalang pwedeng maging criminal ang gano'n kagandang babae. Imbis na mag-isip pa ng kung ano-ano, tinuloy ko na lang ang pagtulog ko at pilit na kinalimutan ang lahat ng nangyari sa library. Kinabukasan, maaga akong nagising tulad ng pangkarinawan. Naligo ako, kumain, at nagbihis ng school uniform. Chineck ko muna ang laman ng bag ko bago lumabas ng bahay. Naglakad ako palabas ng kanto at nag-abang ng tricycle na masasakyan ko. Pero wala halos dumadaan kaya napilitan akong mag-jeep na lang. Pagpasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mata ko nang makita ulit 'yong babaeng may mahabang buhok. "Hi!" Bati niya na parang ine-expect na makikita ako rito. Bababa sana ulit ako pero hinawakan niya ang braso ko at pilit na pinaupo sa tabi niya. Hoy, hoy... ako na ba ang sunod na sasaksakin at makakakita ng shinigami? "We meet again," nakangiting aniya. Again? Hindi niya ba sinadyang magkita kami? "Y-Yeah, seems so..." "What's with that reaction? Are you scared of me?" She was pouting. How could I be scared of this lady? E, mas nakakatakot pa akong tingnan kaysa sa kanya. "K-Kahapon..." Pero kailangan kong malinaw ang nangyaring 'yon. "Paano mo nalaman na mamamatay na 'yong babae?" Bulong ko. Walang gaanong tao kaya tingin ko safe namang pag-usapan 'to. But I really didn't expect that I'd bump with her this early. Actually, iniisip ko na hindi na ulit kami magkikita. Kaya sobra talaga ang kaba ko ngayon nang magsalubong ang mata namin kanina. "About that..." "A-Ano?" Titig na titig ako sa kamay niya. Baka biglaan siyang bumunot ng kutsilyo at sasaksakin ako, e. "Kasama ako no'ng lalaking nanaksak sa babae..." Unti-unting nanlaki ang mata ko. Tama ako. Tama ang hula ko. Sa kaba ko, hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para makapagsalita. "'Yon ang iniisip mo, 'di ba?" Taas-kilay na tanong niya at umismid. Eh? Huh? May kasunod pa pala 'yong sinabi niya? Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang alam sa sinasabi niya. Narinig ko itong tumawa nang mahina kaya pasimple ko siyang sinulyapan. "You're funny," natatawang aniya. "Uh, yeah..." I silently replied. "Hindi ako gano'n, okay?" So, I jumped to conclusion? "'Yon lang naman kasi ang pwedeng dahilan... kaya 'yon..." Tumango-tango siya. "Well, may point ka pero still, hindi talaga ako kasabwat no'n." "I believe you," "Weh?" "Just a bit," Natawa ulit ito habang hawak pa ang tiyan niya. "You're really funny." Napailing siya at pinahiran ang gilid ng mata niya na tila naiyak sa tuwa. I wasn't that funny. Bakit ba nila naiisip 'yon? Sila rin naman ang dahilan kung bakit ako nagiging funny tulad ng sinasabi nila. "You know, I can see them." "Huh?" My forehead creased when she suddenly spoke again. "I can see a shinigami," "Huh?" Loading pa rin ako sa sinabi niya. "Kapag malapit nang mamatay ang isang tao, mayro'ng certain na shinigami ang nakasunod sa kanya." "E-Eh?" Jino-joke time niya ba ako o ano? Wait, wait. Baliw ba siya? Manghuhula sa Quiapo? "Kapag mayro'n nang nakasunod sa'yong shinigami, sure nang mamamatay ka. Though, may way pa rin para makaligtas." Pagpapatuloy niya. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi ko ma-process. Sa talang buhay ko, ngayon lang ako nahirapang umintindi sa sinasabi ng kausap ko kahit na tagalog naman ang gamit niyang language. "A-Anong–" Napatigil ako nang kumatok ito bigla sa bubong ng jeep. Ngayon ko napansin na nasa tapat na pala kami ng school. Inalalayan niya akong makababa at huminto kami sa tapat ng gate. Wala pa masyadong dumadaan na estudyante dahil maaga pa. "Kaya mag-ingat ka lagi, okay? Kung ako sa'yo, hindi na ako sasama sa kung kani-kanino. Lalo na kung wala ka pang alam masyado sa tao na 'yon," "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" Naguguluhang tanong ko. "Hmm..." Ngumiti siya at tumalikod sa'kin. "You'll know soon." Umalis na siya nang hindi man lang ako nakakapagpaalam. Ni hindi ko natanong kung anong pangalan niya. "Misaki!" Halos mapatalon na lang ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko. "Misaki!" Hingal na hingal siya at basa ng pawis kahit na maaga pa. "Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko at kinuha ang panyo ko para ibigay sa kanya. Imbis na sagutin ang tanong ko, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at alalang-alalang tiningnan ako sa mata. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD