Death Fifty-Four

2298 Words
Ilang araw na ring gumugulo sa isip ko ang lalaking nakita na 'yon. Kamukhang-kamukha niya si Ezrel. Ang mali ko lang ay hindi ko masyadong napansin ang suot niyang damit. Kulay itim din 'yon pero hindi na-confirm kung katulad ba ng kay Ezrel. May nakapatong din kasing kahon sa harap niya, tumatakip sa bandang chest hanggang tiyan niya. Iyong pang-ibaba niya namang damit, hindi ko na nakita dahil sa nasa ilalim 'yon ng mesa. Hindi ako makatulog ngayon. Iniisip ko pa rin ang bagay na 'yon, kung si Ezrel ba ang lalaki. Ang imposible kasi. Nakita ng dalawang mata ko na putol ang isang braso ni Ezrel pero sa lalaking namataan ko, pareho pa itong may braso. Baka kahawig lang ni Ezrel? Pero si Ezrel ang usapan dito. Hindi ako pwedeng magkamali pagdating sa kanya. Alam ko ang bawat detalye ng katawan niya. Malabong namalikmata lang ako. "Ah, shit..." Humikab ako at tinakip ang dalawang kamay sa mukha ko. Kailangan ko nang matulog para bukas. Finals namin. Kapag hindi ko naipahinga nang maayos ang utak ko, tiyak na magla-lag 'to bukas kapag nagsasagot na ako. Clinear ko na ang isip ko at pinilit na matulog. Mukhang effective naman dahil nang muli kong imulat ang mata ko ay mayro'n ng liwanag mula sa bintana. Umaga na. Sinilip ko ang orasan na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama. Maaga ang gising ko ng ilang minuto. Pwede pa akong mag-browse saglit sa social media. Binuksan ko ang cellphone ko at agad na kumunot ang noo nang makatanggap ako ng isang text mula sa unknown number. From: 09********* Goodluck, i love u Iyon lang ang nakalagay. Hindi na ako nagtaka pa kung kanino galing ang isang 'to. Mas malinaw pa sa araw kung kanino nagmula ang ganitong klase ng message. Siya lang naman ang nagsasabi ng ganitong bagay sa'kin. Kaya nga minsan, hindi ko rin maiwasang maisip na baka si Ezrel lang talaga 'yong nagke-care at nagmamahal sa'kin. It was kinda cringe but yeah... I was really attached to him. Hindi ko kaya na hindi siya mag-exist sa mundong 'to. Magre-reply sana ako pero naalala kong wala nga pala akong load. Wala naman kasi akong ite-text. Pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng pera kung gagastos ako para sa 'di ko naman pinagkakaabalahan. Imbis na mag-reply, tumayo na lang ako mula sa pagkakahiga at nagpunta sa CR para maligo na at makapagbihis. Pakiramdam ko, makaka-perfect na ako sa mga sasagutan ko. Ang ganda ng simula ng araw ko. Though, mas gaganda sana kung personal niyang sasabihin 'yon. Paglabas ng bahay, nanlaki na lang ang mata ko nang bumungad sa'kin sina Chloe at Kira. "Misaki!" Sabay pa silang tumalon palapit sa'kin para yumakap. Muntikan na akong mawalan ng balanse, buti na lang at nakahawak ako sa gilid ng pinto. "Uy, ba't kayo narito?" Takang tanong ko, napansin ko rin si Jun sa may gate. Nakatayo ito roon at diretso ang tingin sa'kin. "Kasi naman, nauna na kami sa school, e, ang sabi ni ma'am, mamaya pa pala raw gaganapin 'yong finals natin. Kaya naisipan namin na sunduin ka na at gumala muna tayo," "Kasama si Jun?" Taka kong tanong at tinuro iyon sa may gate. Mukhang napansin ni Jun na siya ang pinag-uusapan namin kaya umiwas ito ng tingin. "Oo, pinaaya ni Chloe, e." Napatingin ako kay Chloe sa sinabi ni Kira. "Totoo?" Dahan-dahan itong tumango. "Oo, gusto ko na kasing umamin sana." "Ang pangit pa ng timing ng pag-amin niya, e, 'no? Tingnan mo, kapag na-reject ka, mawawalan ka ng gana mag-test." Tila nanay na ani Kira, pinapagalitan si Chloe. Para sa'kin naman, tama lang ang desisyon ni Chloe. Umamin na siya nang magkatuluyan na sila. Tiyak na gaganahan pa silang mag-test. Sabagay, hindi alam ni Kira na gusto rin ni Jun si Chloe. Ako lang talaga ang malakas ang pang-amoy. Hindi sa chismosa ako... sadyang madali ko lang na malaman 'yong iniisip ng ibang tao kapag madalas kong kausap o inoobserbahan. Though, may mga times na nahihirapan din ako kahit pa anong obserba ang gawin ko. 'Yong iba kasi, talagang ang hirap basahin. Hindi mo malaman kung anong umiikot sa isip nila. "Okay lang din siguro para lumuwag na 'yong pakiramdam ni Chloe," mahinahong wika ko. Iniingatan kong hindi makapagbigay ng hint o kahit ano. Hindi sa madamot ako. Pero mas maganda kung magugulat siya, para lang mas madama niya. "Tama! Buti ka pa talaga, Misaki, naiintindihan mo ako!" Niyakap na naman ako ni Chloe habang masama ang tingin niya kay Kira. "Si Kira kasi, 'di kayang umamin sa crush niya kaya bitter." Kumunot ang noo ni Kira. "A-Ano?" Natawa lang ako sa kanila at hindi na nakisali pa sa asaran nila. Nilapitan ko si Jun na nasa halaman ang tingin. Napansin ko kaninang panay ang sulyap niya kay Chloe habang nag-uusap kami. "Oy," tawag-pansin ko rito. "O-Oy..." Halata sa mukha niya ang kaba. "Bakit gan'yan ang itsura mo?" "Kinakabahan ako, e." "Bakit naman?" May balak din ba siyang umamin? Kung gano'n, e 'di maganda 'yon. "Tinawag na lang kasi ako bigla ni Kira. Sumama raw ako sa inyo sabi ni Chloe," "Oh, bakit ka kinakabahan?" "Baka kasi natunugan na ni Chloe na gusto ko siya tapos i-reject niya ako. Alam mo na? Hindi naman gusto ng mga babae na may nagkakagusto sa kanila na hindi naman sila interesado, 'di ba? Baka isipin niya lang na creepy ako o ano..." "Ah..." Napatango na lang ako. Gusto kong sampalin ang utak niya pero hindi ko kaya, sayang lang. Over thinker ako pero mas grabe siya. Lahat yata ng posibleng negatibong bagay, naiisip niya na. Hindi man lang ba talaga siya nakakaramdam na kaya siya pinasama ni Chloe sa'min ay dahil gusto rin siya nito? Talagang bagay ang dalawang 'to sa isa't isa. Pareha silang sakit sa ulo. "Anong ah? Nakakakaba kaya," Tumango ako. "Oo nga." Plain na sagot ko. Napailing ito. "Hindi mo naiintindihan, Misaki. Palibhasa, in denial ka pa sa feelings mo kay Ezrel." Umawang ang labi ko at kinunutan siya ng noo. "Anong sinasabi mo d'yan?" "Oh bakit, totoo naman, 'di ba?" Nilayo ko ang tingin ko at nagkibit-balikat. "Ewan." Bakit ba kasi mahalaga sa tao ang feelings na 'yan? Hindi ba pwedeng mabuhay na lahat tayo ay magkakaibigan lang at walang involve na romantic feelings? Pampagulo lang kasi ang gano'n, e. Pampasira din ng relasyon bilang magkaibigan. "Uy, guys, tara na." Aya ni Kira sa'min. Sumunod lang ako sa kanila. Nawala 'yong tsansa ko noon na matanong kay Ezrel kung ano ba 'yong pakiramdam na dapat kong maramdaman para malaman kong gusto ko rin siya tulad ng pagkagusto niya sa'kin. "Uh, mag-c-CR lang ako saglit." Paalam sa'min ni Chloe sa kalagitnaan ng pag-ikot namin sa mall. Naghahanap kami ng makakainan. Doon din balak ni Chloe na ipagtapat ang nararamdaman niya. Pero sa kaba, kailangan niya muna sigurong lumayo. "Samahan mo ako, Kira." Ani Chloe. "Hintayin namin kayo rito," wika ko at tinuro si Jun. "Okay, Misaki!" Mabilis silang umalis. Inaya ko si Jun na umupo muna sa isa sa mga bench na nakapwesto rito para sa mga gustong magpahinga sa paglalakad. Tahimik lang siya at kanina pa ang pag-shake sa kamay niya. Halatang kabado talaga. Napansin din kaya ito ni Kira? Halos pareho naman kami ng pang-amoy, e. Hindi lang talaga siya gano'n ka-close kay Jun kaya 'di niya napansin ang feelings nito. "Jun, may tanong ako." Pagbasag ko sa katahimikan. "A-Ano?" Napatingin ako sa kanya. "Sobrang kabado ka ba talaga?" Parang gulat na gulat siya no'ng nagsalita ako. "Iyon ba 'yong tanong mo? Akala ko naman ay kung ano..." Pinakawalan niya ang isang mahabang paghinga, tila ngayon niya lang naisipang huminga. "Hindi. May iba akong tanong pero tinanong ko muna 'yan kasi kanina ko pa napapansin," "E, gano'n ba..." Kumamot siya sa batok niya at mahinang natawa. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o magiging reaction ko kung sakaling i-reject nga ako ni Chloe." E, sa hindi ka naman kasi mare-reject. Kaunti na lang at gusto ko nang sabihin sa kanya ang linyang 'yan na may kalakip na malakas na kaltok sa ulo. Hindi siya makaramdam, e. "Baka masyado akong panghinaan ng loob tapos ayon nga, hindi ako makapag-focus sa finals natin." "E, bakit 'di mo siya unahan? Umamin ka na talaga sa feelings mo?" "Huh?" Sinamaan niya ako ng tingin na para bang may sinabi akong pwede niyang ikamatay. "Nasa maayos ka bang pag-iisip, Misaki? E, sa ayoko ngang malaman niya na gusto ko siya." "Sabi mo naman, alam niya na, 'di ba?" "E, oo... pero malay mo hindi pala 'yon ang gusto niyang iparating? Baka gusto niya lang talaga akong ayain dito," "Hmmm, ikaw ang bahala. Sinasabi ko lang na wala namang ibang posibleng dahilan kundi ang i-reject ka niya. Kung ire-reject ka niya, 'di ba mas maganda na kung makaamin ka rin talaga na mula sa'yo?" Hindi ko na pinigilan ang sarili ko sa pangde-demonyo kay Jun. Para din naman 'to sa future relationship nila kaysa sa matago sa panghabang-buhay ang nararamdaman nila. Pagsisisihan pa nila kapag nagkaroon na ng iba ang isa't isa. "May punto ka nga d'yan..." "Talagang may punto ako," Sana lang at makumbinsi siya. "Anong tingin mo? Hindi na masama ang idea na 'yon," "E 'di aamin ako sa kanya?" Tumango ako. "Oo, mamaya kapag kumakain tayo." "Baka bugahan ako ng tubig no'n," nag-aalalang wika niya. "Hindi 'yan. Basta lakasan mo lang ang loob mo," "E, wala nga akong lakas ng loob." He was really hopeless, huh? Ano bang dapat kong isaksak sa utak nito para ma-realize niya na siya pa ang magbe-benefit kapag umamin siya kay Chloe? "Misaki!" Ayan na sila. Kumakaway silang dalawa sa'min. Pinalitan ko lang ito ng ngiti at tumayo na, gano'n din ang ginawa ni Jun, ngunit 'di pa rin siya makatingin ng ayos kay Chloe. Duwag talaga. "Hello," nakangiting bati ni Chloe sa'min. "Tara na?" Nagsisang-ayunan kami. Napunta kami sa isang restaurant na nag-o-offer ng chinese at japanese cuisine. Mukhang mae-enjoy ko 'to, ah. Matagal-tagal ko na ring gustong matikman 'yong mga pagkain na nakikita ko sa anime. "Anong gusto niyo?" "Ito na lang ang sa'kin," tinuro ko ang ramen sa may menu. "Iyan lang?" Tumango ako. "Oo." "Libre ko 'to, Misaki. Um-order ka pa." Wika ni Kira. Umiling ako. "Hindi na. 'Yan lang talaga ang gusto ko." "Akala ko si Ezrel din," singit ni Jun na sinundan ng pang-aasar nina Kira at Chloe. Nginiwian ko lang silang tatlo at hindi na pinansin. Mga siraulo talaga. Bakit ba nila ako inaasar na gusto ko si Ezrel? Parang mas alam pa nila, e. Ako nga, 'di ko ma-figure out kung anong klaseng feelings ba ang mayro'n ako para sa kanya. Lumipas ang ilang minuto at dumating ang mga order namin. Sinulaypan ko ang dalawa. Tiyak na pareho silang kinakabahan. Dumating na 'yong tsansa para makaamin sila. "Uh, guys..." Umubo si Kira at tumayo. "Iihi muna ako." Tumingin sa'kin si Kira at palihim na kumindat. Aalis nga pala kami. Ibig sabihin, hindi ko makikita ang pag-amin nilang dalawa. Sayang naman. Umalis si Kira at naiwan kaming tatlo rito. Tahimik pa rin ang atmosphere na bumabalot sa'min. Tanging mga ingay lang sa paligid ang naririnig ko. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at sinagot. "Hello?" Si Kira ito. Tumawag siya sa'kin, parte ng plano namin para makaalis ako ng hindi gano'n kahalata. Tumingin ako sa dalawa. "Saglit lang, ah. Kausapin ko lang 'to." Paalam ko bago umalis at magtungo sa CR. Naabutan ko roon si Kira na nakangiti sa'kin. "Naiwan mo 'yong dalawa?" Tumango ako. "Oo. Si Chloe na ang bahala sa kung paanong amin ang gagawin niya." "Kaya niya 'yon. Grade 7 pa lang, crush niya na si Jun. Tiyak na amin na amin na rin ang isang 'yon at 'di lang makahanap ng tamang timing." "Grade 7? Matagal mo na palang pansin," Tumango siya. "Oo naman. Hindi ko pinapaalam sa kanya dahil baka mahiya." "Sayang nga lang at 'di natin makikita kung anong mangyayari..." Disappointed na wika ko. "Okay lang 'yan. 'Di man natin makikita pero maririnig naman natin," "Huh?" "Charan!" Pinakita niya sa'kin ang isa pang cellphone. "Mayro'n akong cellphone na iniwan doon, nasa tawag iyon dito sa cellphone na 'to para marinig natin ang pinag-uusapan nila." Natulala na lang ako sa kanya at bulok na napangisi. "Gano'n ba..." Ilang cellphone kaya ang mayro'n siya? Sobra din sa yaman ang isang 'to, ah. "Uh, Jun..." "Ito na." Nakangiting ani Kira at nilagay sa pagitan namin ang cellphone. Magsisimula na ang pag-amin nila sa isa't isa. "A-Ano?" Ang layo-layo ko sa kanila pero abot dito ang kaba ni Jun. "May sasabihin sana ako," "Uh, ano, ako rin." Nagkatinginan kami ni Kira. Mukhang nakakatunog na siya. "May gusto ba si Jun kay Chloe?" Mahina nitong tanong. Nahulaan niya na nga. Tumango ako. "Oo." "What?! Omg!" Pabulong na sigaw niya. Halatang kinikilig sa nalaman. "Ano ba 'yon? Ikaw na ba ang mauuna?" Nahihiyang wika ni Chloe. "Oo sana... ano kasi..." "A-Ano?" "Gusto kita, Chloe." Sobrang bilis ng pagkakasalita na 'yon. Daig pa ang na-hit and run sa may bayan. "H-Huh?" "Gusto kita... matagal na. Hindi lang ako makahanap ng tyempo sa pag-amin kasi baka i-reject mo ako. Pero ngayong ire-reject mo na ako, aamin na lang din ako." "Anong ire-reject kita?" "Ire-reject mo ako, 'di ba?" "Hindi, ah!" "E-Eh?" "Gusto rin kita, Jun. Gustong-gusto." Nagkatinginan kami ni Kira at napangiti na lang sa isa't isa. Nag-apir din kami. "Huh? Teka, anong–" Hindi na namin narinig ang sunod dahil biglang namatay ang tawag. Napangiwi kami at natawa na lang. "Mukhang nabisto tayo ro'n, ah." Natatawang aniko. Pero at least, nakaamin na silang dalawa. Pagod na rin kasi akong manood sa love story nila na hindi nagkakaaminan. Ano kayang nararamdaman nila ngayong dalawa para masabing gusto nila ang isa't isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD