Chapter 7
Taylor Alyson Chua
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula magsalita o kung lalapitan ko ba siya. Gusto ko siyang pakalmahin pero mukhang sarado ang kanyang isip para sa iba.
Natakot ako syempre pero napansin niya siguro na I got worried so kumalma ng bahagya ang kanyang mukha. Napaiwas siya ng tingin sa akin at napikit ng mariin.
That's the time na agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya. I want to explain myself pero ayokong isipin niya na nagiging defensive ako at ayokong isipin niya okay lang ang lahat dahil hindi naman talaga.
This is not the first time but I realized something, I don't really know him that much. Marami pa akong dapat malaman sa kanya.
Gusto ko siya mas lubos siyang makilala pero natatakot ako sa mga malalaman ko.
It's not like I'm gonna give up easily when I find out what he is or who he is, maybe mag-iiba lang ang papanaw ko sa pagkakakilala ko sa kanya.
"Sorry, hindi lang ako sanay na makitang kasama mo siya." Narinig kong sabi niya kaya naman mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko magtanong tungkol sa kanilang dalawa pero di ko alam kung ano ang tamang sabihin o tama ba na inaalam ko ang past niya?
Maybe yes or no. I have the right to know the truth about his past to know bakit siya ganun o bakit siya galit na galit kay Blake.
At the same time, that is his life and that is his past so hindi dapat ako nang-uungkat pa ng nakaraan niya. Either way, I'll respect kung papapasukin niya ba ako o hindi sa buhay niya.
I sighed. "I just need to freshen up, then he came out from nowhere." Paliwanag ko which is basically true.
"I saw that. I was going to approach you but he came first so I back off and calmed myself."
"But it would be nice that you rescued me back there. He is scary."
Di pa rin maalis sa isip ko yung mukha niyang galit. Para bang kaya niyang makapatay ng damdamin ng tao, yung wala siyang awa sayo kung masaktan ka man niya.
Bahagya siyang lumayo mula sa pagkakayakap at naupo malapit sa bench na nasa ilalim ng puno. Nakitang kong hinilamos niya ang mukha niya sa kanyang mukha.
"Don't be scared. He's not the scary, he is just reckless." Mukhang nakumbinsi naman ako sa sinabi niya at naupo malapit sa kanya. "I love you and I won't let anyone hurt you."
"I know you can protect me, that's why I chose you." Ngumiti ako sa kanya.
Hindi ko pa siya sinasagot pero I have feelings for him and I'm not ready to answer his I love yous.
Nung una ko siyang makita, alam kong siya na ang paglalaanan ko ng atensyon ko e. Kahit hindi man kami ganun kakilala at nagkikita, naa-appreciate ko ang mga naririnig ko mula sa mga nagkakagusto sa kanya.
Mabait siya at matalino. Hindi mapagkakaila yun lalo na ang kakisigan niya at angking kagwapuhan niya. Kung tutuusin, nasa kanya na nga ang lahat. Siguro kung yung mga flaws niya, balewala na sa akin.
Maituturing ko ang sarili ko na maswerte dahil ako ang una niyang pinansin at pinaglaanan niya ng pagmamahal.
Kung ira-rank mo lahat ng heartbreaker sa university, he would top one and second lang si Xander.
He has this ways na kaya niyang i-turn down ang mga babae kahit wala siyang ginagawa.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawa yun pero marami na din siyang napaiyak lalo na nung nalaman nilang nililigawan ako ni Valentin.
"Thinking about me again huh? Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa rin ako." Natawa naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na naisip niya yun. Yes, I was thinking about him all the time kahit na kasama ko na siya pero ayokong aminin sa kanya.
"As if, iniisip pa kita. Kaumay ka kaya." Natatawa kong sabi sa kanya.
Alam niyang binibiro ko lang siya kaya naman niyakap niya ako at kinikiliti sa bewang ko. "Ano ba? Hahaha!"
"Umay pala uh. Kaya pala patay na patay ka sa akin." Patuloy lang siya sa pagkiliti sa akin kaya naman di ko mapigilan ang matawa at di ako makapagsalita.
Nang tumigil na siya sa kakakiliti sa akin, tiningnan ko siya na medyo hingal din lalo na ako. Sobra akong natawa sa ginawa niya.
Kumalma naman kami pareho, titig at ngiti lang ang sinukli ko sa kanya.
Di ko pa rin talaga maisip na nandito siya ngayon sa tabi ko. Masaya na ako na nakikita ko siya sa campus pero mukhang mas sobra pa ang binigay Niya sa akin.
Hindi lang tingin ang natatanggap ko kundi siya mismo at ang pagmamahal niya.
If this is a dream, I will never wake up. I want this to lasts, I want him to stay with me. I want to be happy with him.
Maybe this is too much to ask but I know, it will happened to us someday.
"Why are you staring at me? What were you thinking?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya.
Ngumiti ako sa kanya at umiling lang ako.
No words can describe what I'm feeling right now. If I could just stare at him all day, I'll do that without hesitation.
Tatanggapin ko na lang ang sarili ko na sumusuko na ako, higit pa sa gusto ang nararamdaman ko sa kanya.
Mahal ko na siya pero may takot pa rin na bumabalot sa akin. Kung aamin man ako, ano nang mangyayari? Hindi ko din alam.
"Tell me, why me? Bakit sa lahat ng tao na gusto ka, bakit ako ang pinili mo?"
Natanong ko na sa kanya before 'to, gusto ko lang marinig nilalaman ng puso niya.
Ngumiti muna siya bago lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Actually hindi ko rin alam. It was not hard to like you, iba ka sa kanila. You were not obvious to your feelings about me."
Like? And then, it process to my brain. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o malungkot dahil gusto niya pa lang ako.
I know na hindi pa kami ganun magkakilala, pero matagal na niya akong gusto pero hanggang ngayon gusto pa rin?
Wala akong karapatan magreklamo sa umpisa pa lang. He is just vocal to his feelings, he is the opposite side of me.
But what can I say? Maybe he is not yet ready for anything that is more than like.
Maybe there is still a thought that I might turn him down, he is scared of rejection just like me.
Love will take time, of course. Bihira lang sa dalawang tao na nagtago na mahal na nila agad ang isa't isa dahil para sa kanila, siya na ang tao para sa kanila.
In our case, we are just liking each other and working on it to go deeper.
"I understand if you're not really ready, I can wait, we can wait for that perfect time for us."
"This is always been a perfect time, we just need to wait for the right time."
"I guess so. We'll wait for that right time, kapit lang tayo, walan bibitaw." Natuwa naman ako sa sinabi niya. I can't believe that he is a romantic one.
Sa panahon kasi, bihira na ang mga taong naniniwala sa romance at love. Marami ding bitter dahil sa salitang forever.
Porket hindi nag-workout ang isang relationship, magiging bitter na sa forever.
Maybe for me, kaya hindi nag-workout dahil hindi talaga kayo for each other, o kaya naman hindi niyo in-accept fully ang flaws and pagkakamali nila.
Dahil lang sa isang pagkakamali, maraming nasisira lalo na ang trust at love.
There's a reason behind everything, good or bad, we must accept na nagkakamali tayo.
It's the reason why we learn from things, sa mga pagkakamali natin kaya natututo tayo.
I've seen him got mad because for an unknown reason. I accepted that fact, but I'm still seeking for some explanation.
I can wait for that time to come.
---
This is not the first time pero this is the first time na magkakasama kami ni Valentin sa cafeteria, doon ko na lang naisipan kumain.
Gusto ko ibalik yung usual na ginagawa ko before we met.
"So, kamusta pala ang exams mo? Was it hard? For sure, easy lang sayo yun."
"I didn't get the exams today, I got excused for unknown reasons."
Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain, he was pertaining again sa nangyari kanina.
"Well, sorry kung di mo natuloy exams mo dahil sa akin." I assumed.
Ayoko na manghula, mas magandang isipin ko na lang na ako dahilan kung bakit di niya nakuha exams niya.
Bahagya naman siya natawa. "Silly girl, wag ka mag-sorry. It wasn't really entirely your fault. May inasikaso lang ako."
Tumango-tango naman ako sa kanya. Wala naman pala akong kinalaman.
Well, pahiya ako ng onti dahil nag-assume ako na ako ang dahilan pero good to know na iba pala ang dahilan.
"So tell me, any plans for later?" Tanong ko.
Hindi naman sa gusto ko magkaroon kami ng quality time together, I mean gusto ko mag-spend time with him kaso baka busy siya mamaya.
"Wala naman, are you gonna ask me on a date?" Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. Agad niya akong inabutan ng tubig at pinainom sa akin.
"Valentin naman! Baka kasi may gagawin para naman mabigyan kita ng freedom na magawa yun."
"I see. Wala naman siguro, well my dad might need some help pero tatanong ko pa. Ayaw mo ba ko makasama?"
"Gusto but we need to prioritize other things. Ayokong pareho tayong malunod sa love." I was being too straight-forward again.
Kita ko naman na parang naguluhan siya sa sinabi ko.
Naguluhan siya then ngumiti siya ng mapait. "Okay lang malunod, basta ba sa pagmamahal mo e."
"Sira! Kung may isa tayong life vest, I rather not wear it than to see you drowning."
Mas lalong lumaki ang ngiti niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Hindi ko akalain na lumalabas sa bibig ko yun.
"I'm really happy that you're being sweet to me today."
Lalo akong napayuko sa sinabi niya kaya naman lalo akong nag-blush. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ganito.
"Well, after what happened. Gusto ko kita mapasaya today para naman kalimutan mo na yun."
Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi. Kung nakikita ko ang aura niya, for sure sobrang itim na nito.
Ayokong ipaalala sa kanya ang nangyari pero hindi lang maalis sa isip ko na dapat akong bumawi dahil hindi ko siya napasaya kanina.
But this is life. Hindi sa lahat ng oras masaya ka at hindi din naman sa lahat ng pagkakataon ay malungkot o miserable ka.
Kahit ikaw pa ang pinakasamayang tao sa mundo, may darating na time na ikaw ang magiging pinakamalungkot na tao sa mundo.
"Sorry, gusto ko lang talaga mapasaya ka."
"Well, you're making me happy now so forget what happened earlier." He seems not happy on how he said it.
Maybe he is disappointed na binalik ko na naman yung topic na yun.
"Sorry, sige kalimutan na natin yun." Hinawakan ko ang kamay niya kaya naman kumalma na siya at mariin ding hinawakan ang kamay ko.
"Sorry, I got carried away na naman sa galit ko sa kanya. Sorry, marami lang talaga akong bad experiences with people I used to know."
I was shocked. Hindi ko man pinahalata na nagulat ako pero deep inside, nagulat ako sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng maliit na clue kung bakit siya galit sa pinsan niya at ramdam ko na kasama sa galit na yun si Xander.
Actually siya ang unang taong nakilala kong may galit sa halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya.
To think na kinikimkim na lang ang lahat pero kapag kaharap na niya yung taong yun, dun lumalabas lahat ng galit niya sa taong yun.
I know he is like that pero as much as possible, iwasan niyang magalit. I don't how bad ang nangyari sa past niya kaya ganito siya kagalit ngayon, pero mas magandang ilagay niya sa lugar ang galit niya.
Thankfully na hindi niya masyadong inisisi sa iba ang nangyari sa kanya. He is still open to others but I know it's limited lalo na sa part ko.
"Bad things happen, but don't let your anger make you a less person."
Kita ko ang sakit sa mga mata niya. He is hurt before that's why galit siya pero di ko naman siya masisisi for that, siya ang nasaktan e.
"Aly!!!" Napalingon naman ako sa bandang likod ko. It was Marie running towards me.
Hingal na hingal siyang nakalapit sa akin. Halos magtaka naman ako kung anong problema niya.
"H-Help me. May gulong nangyayari." I wasn't expecting this.
Never ko pang narinig na may gulong naganap dito sa university, kung meron man, sagutan lang.
"Saan? Sino nagkakagulo? Alam na ba ni president?"
As much as possible, walang makakarating na gulo kay president kaya lahat ng away, sa akin muna dinadala for consultation.
"Di pa alam ng president. It's Xander's g**g over the new transferee."
Nung marinig ko ang salitang transferee, agad akong tumayo at tumakbo papunta sa gulo.
Leaving Valentin clueless.
To be continued...
-Moon.