Birth is the beginning of everything, growing up is your life. Learning to learn is natural. Hating is automatic, loving just happens, going through pain... cannot be avoided.
Making mistakes, and regretting them, it's all part of life. The cap that seals, this painful story, is called... death.
-----
Prologue
Taylor Alyson Chua
Sinag ng araw agad ang sumalubong sa aking mukha pagdilat ko. Ni hindi ko na naabutan ang pagtunog ng alarm clock ko.
Maaga na naman akong nagising para sa araw na ito.
Nag-stretching muna ako habang naghihintay na tumunog ang alarm ko. Nang marinig ko na ito, hudyat na kailangan ko na talagang bumangon at kumilos.
Mabilis akong kumilos palagi, kaya naman medyo tinatagal ko ang pagligo at pag-aayos ng sarili ko.
It's not that I'm lazy, I'm not in a hurry.
"Taylor? Are you awake?" Narinig ko ang pagkatok sa pinto ko. It must be mommy who is ready for work.
Daddy is on a business trip so kami lang ni mommy ang magkasama ngayon.
"Yes, mom. I'll be down in a minute." Respond ko sa kanya.
She seems satisfied with my answer so hindi na siya sumangon sa respond ko sa kanya.
I checked myself in the mirror before I leave my room. I sighed as I looked myself.
Nang makarating ako sa dining area, nakita ko si mommy at kuya na kumakain na habang nagbabasa ng magazine.
Nang mapansin niya ako, she smiled at me. Magkamukha talaga kaming dalawa ni mommy. And as for kuya Taylor Andre, is the exact replica of daddy.
"It's about time young lady." Binaba niya ang magazine para tumayo at kinuha ang isang box na nakalagay sa bar counter. "Happy birthday, darling."
Agad ko namang kinuha ang regalo ni mommy sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Thanks, mom."
"And here's mine. I hope you like it. Happy birthday, Aly." Inabot sa akin ni kuya ang isang maliit na box.
"Thanks, kuya Andy." Ngumiti ako sa kanya pabalik at agad tinuon ang pansin ko sa binigay nila habang kumakain ako.
"Open it. You'll love it." Ngiting sabi sa akin ni mommy habang nakahawak sa balikat ko.
It's my birthday, yes it is special for me but I don't celebrate it too much because it just reminds me that I'm getting older.
Of course, hindi ako sanay sa mga ngiti nilang dalawa. May nagsasabi sa akin na mamaya ko na buksan ang regalo nila pero natatakot ako sa kung anong laman nito. Lalo na kay kuya, he always pranks me everytime I receive a gift from him.
Una kong binuksan ang regalo ni mommy sa akin at nanlaki mata ko nang may makita akong dalawang maliit na rectangular na nakabalot sa gift wrapped.
Ayokong mag-expect sa mga bagay-bagay and I know how strict my parents are, kaya kinakabahan ako. Kinuha ko yun at binuksan. Tumambad sa akin ang isang driver's license na matagal ko nang pinaghihirapan makuha sa kanila.
"Is it for real?" Di pa din ako makapaniwala na binigay na nila sa akin ang matagal ko nang hinihingi sa kanila.
It's really a beauty seeing na may license ka na.
"There's more! Open the other one." Exicted na sabi ni mommy sa akin. It keeps better and better, ano naman kaya yung isa?
Kinuha ko yun at binuksan. Medyo naluha na ako nang makita na passport yun. I wasn't really expecting it though, but it was next to my wishlist. I know, mababaw ang kaligayahan ko sa mga ganitong bagay pero I have a strict parents so they will be so overprotective towards me.
"Mommy, thank you so much!" Tumayo ako para salubungin ng yakap si mommy. She is the best talaga.
"What about mine? Care to open it now?" Naiinip na sabi sa akin ni kuya. Tiningnan ko siya ng masama at bigla siyang natawa. "Baby Aly, not this time. It's serious."
Nag-pout ako sa sinabi niya. He's never been serious to every girl especially to me, palagi na lang niya ako inaasar.
He's a playboy and I feel really sorry for my best friend, Marie who is madly in love with him.
"Give chance to your kuya, open his present. You'll love it more." I sighed at kinuha ang regalo niya. Natawa si kuya pero agad din naman nagseryoso nang tiningnan namin siya ni mommy ng masama.
Nung una, natatakot ako baka mamaya may insects na naman sa loob nito like last year, he's really a jerk.
Nang mabuksan ko, isa itong susi at may naka-engraved na name ko sa ulo ng susi. May keychain din 'tong may naka-engraved na BMW.
Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. Is he really bought me a car? Halos maluha-luha ako habang tinititigan mabuti ang susi na hawak ko.
"It's just a key, don't overreact too much." Nawala ng ngiti ko at tiningnan siya ng masama. "What? It's really just a key." Nagkibit-balikat siya at kumain na lang.
Nawala ang ngiti ko sa pagkumpirma niya. Gustong-gusto ko na siya sakalin sa pagsira ng birthday ko. Napakasama niya talaga sa akin.
"Ma'am, there is someone wants to talk to you on the phone." Nilingon ko si manang na hawak ang telephone namin.
Di ko sana kukunin nang sabihin niyang si daddy ang tumawag. Isusumbong ko si kuya.
"Daddy!" Nagkunwari akong masigla. Ayoko mung sirain araw ko dahil lang kay kuya, alam ko magiging mas masaya mamaya. "Kailan ka babalik?"
"Well, I still have errands to do. But, my present is outside waiting for you. Come see for yourself."
Napatayo naman ako agad at naglakad palabas ng bahay.
Halos mabitawan ko ang phone na hawak ko nang makita ang isang red na BMW sa tapat mismo ng bahay namin. Nang makalapit ako, lumabas si daddy sa mismong sasakyan na yun.
"Do you like it? Happy birthday, darling." Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si daddy.
I promise myself not to cry, ayokong masira make-up ko kaso naiiyak talaga ako e.
"I thought di ka na makakarating e. Thank you so much sa regalo mo, dad." Well, I'm satisfied na nandito silang lahat for my birthday.
"You're welcome, darling." Niyakap din ako ni daddy nang mahigpit at naramdaman ko ang yakap din ni mommy at kuya.
"I told you, it's just keys. I can't buy you a car, but dad can." Halakhak ni kuya habang ginulo ang buhok ko.
Seriously? Kailan ba siya magbabago sa panloloko sa akin? But still, I'm happy for his gift. Personalized ang keys ng car ko. "Bye mom, dad at baby Aly. I have meetings to attend."
"Drive safe, honey!" Sigaw ni mommy sa kanya at tinaas niya lang kamay niya para magpaalam.
He walked slowly to his black BMW.
"Let's try this one, shall we?" Tumango ako kay daddy. I'm so happy this time, hindi ko na kailangan ng driver para ihatid ako sa university.
It's all up to me and I can drive on my own.
---
I parked my car sa parking lot. Actually nahirapan akong maghanap kaya naman nang makakita ako ng parking space sa tabi ng isang yellow Ranger, doon ko na sa tabi pinarada. I hope walang magagalit sa akin.
Habang naglalakad ako papunta sa klase ko, di ko alam kung tutungo ba ako o magtatago. Sobrang nahihiya ako sa mga taong nasasalubong ko at puro binabati nila ako.
Masarap sa feeling na importante ka sa isang tao pero sa maraming tao, nahihiya na ako.
Buti na lang malapit lang ang klase ko kaya naman nakapagtago na ako kaagad sa kanila. As for my blockmates, may mga ilang bumati pero alam na nila na ayokong binabati ako.
"So, I heard the news. Road trip?" Binaling ko ang tingin ko kay Marie. Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.
"No can do. You know my parents, strict sila. Sooner or later, may driver na ko ulit." Pagmamaktol ko. Ganun naman sila palagi e, sa umpisa lang magaling.
"OA na nila tito at tita. You're not getting younger anymore." Maarte niyang sabi. Inirapan ko siya. Akala mo naman kung sinong bata magsalita, mas matanda nga siya sa akin ng buwan.
Nang dumating ang professor, nag-focus muna ako sa lecture niya at sa mga sumunod pang subjects. Naging boring lang ang naging simula ng araw ko.
Ayokong dumaan sa locker dahil alam kong sandamakmak na naman na regalo ang nandoon, sulat at mga bulaklak.
"Aly, yung locker mo parang gift shop na sa dami ng regalo." Natatawa niyang sabi. Anong nakakatuwa dun? Ako kaya lagi ang pahirapang naglilinis lagi ng locker ko.
"I swear, gusto ko sunugin ang locker para isang linisan na lang." Sa sobrang inis ko, puro kapalpakan na lang naiisip ko. Of course, I won't do that.
I'm a good and best example of a student here in our university. As the president of the student council, I must have the good qualities of a student as a person.
Bumuntong-hininga na lang ako at lumapit sa locker ko. Sandamakmak na love letters, flowers and gifts.
Yes, it's blessing pero mahihirapan ako lalo dahil wala akong driver. For sure kasama niya sila mommy at daddy.
"Good thing I have a best friend like you." I grinned at her. Mukhang gets na niya ang ibig kong sabihin kaya naman no choice siya kundi tulungan ako.
"I'll ask some janitors na lang para makahiram ng cart." Alam kong magandang idea yun pero gusto kong makasigurado na hindi niya ako iiwan dito.
"No, we'll wait na lang na may dumaan na janitor dito. Tatakasan mo lang ako." Pagpigil ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin ng pilit. I knew it, balak niya talaga akong iwanan dito.
Sa tagal namin sa kakahintay, napagpasyahan na lang namin na kaming dalawa na lang tatawag ng janitor para naman mailagay ko na sa sasakyan ang mga regalong 'to.
Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko maiwasang di mapatitig sa di kalayuan.
Isang lalaki na may hawak na bouquet of roses at ngiting-ngiti na nakatingin sa direksyon ko. It was Xander, a certified playboy.
Masasabi kong nasa kanya na ang lahat, mayaman, matipuno, perpektong mapuputing mga ngipin, maputi at matalino. Ugali niya lang at pakikitungo niya sa mga babae ang nagpapangit sa kanya bilang tao.
Nang makalapit ako sa kanya, agad siyang humarang sa daan ko at ngiting inabot sa akin mga bulaklak. Nilingon ko ang bulaklak, siya at mga team mates niya sa football. Napangiwi ako sa kanya, he is just playing and I won't let myself fool by him.
Angel on the outside, devil on the inside.
Binagsak ko sa sahig ang mga bulaklak na binigay niya na nagbigay atensyon sa lahat. Sumeryoso ang mukha ni Xander at tumingin sa bulaklak bago sa akin.
"You didn't like it?" Seryoso niyang pagkakasabi pero ngumiti ulit siya ng pilit. Di pa ba siya napapagod kakasuyo sa akin? "What do you want? I'll give it to you."
"Stay away from me. Simple as that, jerk." Ngiting sabi ko sa kanya.
Wala akong panahon sa kanya makipaglokohan. Nakitang nainis siya sa sinabi ko.
"Taylor Alison Chua is afraid of dating me." Natatawa niyang biro kaya naman nag-ingay ang mga kaibigan niya. "I thought you're not afraid of anything?"
Tumawa ako ng peke sa kanya. Di ko alam kung bakit ko pa pinag-aaksayahan ng oras ang lalaking 'to.
"Sorry, I don't date jerks like you. Do you think, magpapaloko ako sayo? Well, ibahin mo ko sa kanila."
"I think you're not just afraid, or better yet you're a lesbian."
"Oh really? Just admit it, di lahat makukuha mo. Admit that I'm crushing your ego."
Di ko na siya hinintay na magsalita, agad kong nilagpasan siya para pumunta sa maintenance.
Nakakawalang gana ang isang tulad niya, ni hindi worth it magustuhan kung ganun pag-uugali niya.
Rinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya at ang pagsigaw ni Xander. Well, hindi uubra sa akin pagiging malandi niya.
"Akala ko papatulan mo na e." Natatawang sabi ni Marie sa akin.
Actually, nagtimpi lang ako sa lalaking yun pero kung hindi, baka mabaog na siya sa akin.
"Sometimes, you need to teach a guy like him a lesson. Before he hurt you, hurt him first."
To be continued...
-Moon.