Chapter 4
Taylor Alyson Chua
Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Sa aming dalawa, siya ang may alam sa pakikipagrelasyon. I know how to handle one but too afraid to do it.
Kapag kasi nag-commit ka, kadalasan ay kailangan mo ibigay ang lahat para sa relasyon niyo. I don't really get the point of that?
Then, matapos mo ibigay lahat ay iiwan ka din niya. Edi sinayang mo lang halos buong buhay mo sa kanya.
"You're right. Kilala ko siya pero hindi ko siya ganun kakilala." Bumuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Habang nag-aayos kami, napansin ko ang isang folder na kulay white. Naiiba siya sa mga folder na brown na nakahanay sa transferee section.
Kinuha ko yun at binuksan. Tranferee record ng isang engineering student from US. Nakakapagtaka lang, walang kahit isang photo na naka-attached sa files niya kahit na kailangan meron dapat.
"Marie, tingnan mo 'to. May transferee oh pero walang photo." Agad naman lumapit sa akin si Marie sa pwesto ko at tinuon ang pansin sa papel.
"That's odd, paano na-accept 'to? Clueless tuloy tayo kung gwapo ba siya o hindi." Tiningnan ko siya ng masama.
Hindi ko akalain na mas uunahin niya muna kung gwapo o hindi yung transferee.
"Well, might as well na i-consult natin to sa office." Suggestion ko kaso di naman siya sumang-ayon at busy sa pagkalikot ng phone niya.
Aalis na sana ako para pumunta sa office kaso pinigilan ako ni Marie. Kitang-kita ko ang pakairita niya sa nakita niya sa phone niya.
"Anong problema mo? Inayawan ka ng lalaki mo?" Sinubukan ko siyang biruin kaso mukha wala siyang balak tawanan joke ko, it means di nakakatawa for her.
"That's the problem!" Tinuro niya ang brown na folder na hawak ko. "Wala siyang account sa f*******: and other sites."
Halos mapa-facepalm ako sa sinabi niya. Di ko akalain na problemado pa rin siya sa lalaking 'to.
Kahit ako din naman na-curious sa kanya and how this application end up here, it means tinanggap na siya ng university as a student.
"Kaya nga dadalhin natin sa office, malay mo may file sila nito." Paliwanag ko sa kanya pero mukhang di niya nakuha dahil agad siyang humiga sa sofa at nakatingin sa kisame.
"If his files are here now, it means he's a student here. We have find him!" Umupo siya sa pagkakahiga at ngiting-ngiting nakatingin sa akin. "Tama! Madali lang siyang mahanap sa mga connections ko."
"Bahala ka mapagod kakahanap sa kanya." Di ko na pinagtuunan ng pansin ang binabalak ni Marie na makilala yung lalaki.
Nang may masasabihin si Marie ay biglang bumukas ang pinto at pumasok dun si Valentin. Hindi ako nagulat na makita ko siya, nakakapagtaka lang bakit siya nandito.
Ngiti siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap. Halos mabigla ako sa ginawa niya at kinabahan ako dahil nandito si Marie, kunwaring di kami pinapansin.
"God! I miss you so much." Mahinang bulong niya sa akin bago ako pakawalan.
Narinig ko naman ang paghagikhik ni Marie.
"I missed you too, Valentin. Anong ginagawa mo dito?"
"I came here to visit you of course. And siguro tulungan na kita sa ginagawa mo."
"You don't have to. Kaya ko naman 'to." Pagpigil ko sa kanya.
Ayoko sa lahat yung tinutulungan pa ako sa bagay na kaya ko naman gawin.
"Nah, I just want your work to be finish so we can still hangout or go on a date." Hinila niya ako palapit sa kanya at taas-baba ang kilay niya.
Ngiting-ngiti siyang nakatingin sa akin.
Tinulak ko siya palayo. He's not giving my space again. He is being too cheesy again, this is not like him.
Mas gusto ko pa rin yung Valentin na hindi ako kailanman pinansin, yung mas pinagtutuunan pa ng pansin ang mga libro kaysa sa akin, yung malimit magsalita at yung laging seryoso sa lahat ng oras.
This is so not like him.
Pero dapat pa ba ako umarte kung yung taong sobrang gusto mo ay pinapansin ka na, nasa tabi mo na at inaming gusto ka din niya.
"If you want to date me again, not like this and if busy ako, please understand." Diretso kong sabi sa kanya na nagpawala ng ngiti niya.
Bumalik yung seryosong siya. Alam kong nainis siya pero wala na siyang magagawa kung ganito ako.
For once in my life, siya pa lang ang nanggulo sa buhay ko. I didn't prayed for him na maging close kami or magkagusto siya sa akin, hinayaan ko na lang ang katotohanang hanggang sulyap na lang ako sa kanya.
If God did this for a reason, I should balance and make my decisions right. If we want this to work, we should accept and understand each other first.
"Sorry, di lang talaga ako sanay. Intindihin mo sana na may priorities din ako." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Ayokong makita siyang mainis o masaktan sa sinabi ko.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baba ko at dahan-dahan niyang ginalaw ang mukha ko para mabaling ang tingin ko sa kanya.
"Masasanay ka din eventually. Masama ba na ikaw ang maging priority ko instead of studying too much?"
Tumingin ako sa mga mata niyang kulay itim, lumalaki ang itim na bahagi ng mata niya at parang may kislap doon.
Biglang bumaba ang tingin niya kaya naman bumaba din tingin ko at sakto sa kanyang labi na bahagyang nakauwang.
It's really tempting but it is wrong. I want to kiss him but too afraid to do it. This is really wrong.
Tumingin ako sa kanyang mga mata pero nakatuon pa rin yun sa aking labi. Dahan-dahan siyang lumalapit at pasulyap-sulyap sa mga mata ko at labi ko.
He is going to kiss me. It's wrong but he is the guy I like.
Ilang inches na lang layo niya sa akin kaya naman unti-unti akong napapikit dahil kinakabahan na excited ako.
"Ehem. Una na ko, ayoko makakita ng live scene dito. Hahaha! Bye Aly, bye Val."
Napadilat ako at bahagya siyang tinulak nang marinig ko si Marie.
Narinig ko ang mahinang mura ni Valentin habang lumayo sa akin papunta sa bintana. Kitang-kita ko ang pagkairita niya sa ginawa ni Marie.
That was close and at the same time, sayang. Nanghinayang ako, it's going to be my first kiss pero naudlot na naman dahil kay Marie.
Kinuha ko phone ko at agad na nagtipa ng message para kay Marie.
To Marie Velasco:
You ruined our moment!!! But thanks tho, my first kiss is still safe.
Agad naman tumunog ang phone ko at tiningnan ko ang message ni Marie.
Marie Velasco:
Sana pala ni-record ko kaso kadiri e! Find some place, yung special for your first kiss. Good luck!!!
Natawa na lang ako ng bahagya kay Marie at binalik na sa bulsa ko ang phone ko. Inayos ko naman yung mga folder na kinalat ko kanina pati yung brown folder.
I suddenly got mysterious with the guy. I want to ask Valentin pero parang nakakasira naman ng ego niya yung dahil nagtatanong ako ng ibang lalaki. Baka isipin niya pa na may iba akong gusto.
Lumapit ako sa kanya na kalmadong nakatingin sa open court ng university. May mga naglalaro doon na mga estudyante including Xander.
Alam ko member ng football team dati si Valentin pero after two years, nag-quit siya sa di malamang dahilan at magkaaway na sila ni Xander.
Well, he is a jerk baka kaya siguro ayaw ni Valentin sa kanya pero leaving his dream football, it is really questionable.
I want to ask him pero mukhang wala naman ako sa lugar para tanungin yun at wala naman akong kinalaman sa nangyari.
Maybe I got concerned kasi dream niya ang makasali sa football.
"Let's go?" Hinakawan ko ang braso niya na agad niyang hinawakan yun at dahan-dahan binaba sa kamay niya.
He is holding my hand again. Parang bago palagi sa akin ang ganitong sitwasyon namin. Ang init at ang lambot ng kamay niya.
Pero agad ko din binitawan dahil ayokong masanay sa ganito. Sa ngayon, ayoko muna niyang gawin 'to.
"Scared again? Please, just let me hold your hand." Kinuha niya ulit ang kamay ko.
Mukhang wala na akong magagawa, ni hindi gumagana ang pagtanggi ko sa kanya.
Sabay kaming lumabas as always, may mga pamilyar akong mukha na nakikita na nakatingin at nakangiti sa amin.
Imbis na dumaan kami sa football fields, umiwas kami doon at sa Engineering building kami dumaan kung saan mas malayo sa parking lot.
Bakit lumayo pa kami ng daan? May iniiwasan ba siya? Or ayaw niya lang makita yung open fields? Napansin ko kasi na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
Ayoko naman magtanong sa kanya, nahihiya ako at parang bini-big deal ko ang lahat sa kanya. Pero sobrang curious ako.
"Bakit ang tahimik mo? Anong iniisip mo?" Nataranta naman ako sa kanya, masyado ba akong halata kakaisip sa kanya?
"Wala naman, saan ba tayo pupunta?" Pag-iwas ko sa tanong niya. Ayokong sabihin e, baka mamaya isipin niya OA ako.
Nakita kong nagtaka siya at ngumiti din kalaunan. Nakakagaan ng loob talaga na makita siyang nakangiti at ako ang dahilan nun.
Tumango na lang siya at sinakay ako sa sasakyan niya bago kami pumunta sa isang di pamilyar na lugar although alam ko yung place, pero di ko alam na ganito pala dito.
Isang street na puno ng mga kainan. Iba't ibang kainan na affordable for everyone. Maraming tao so it means sikat nga siya lalo na sa mga estudyante.
Pumunta kami sa isang burger store at doon kumain. Maganda ang napili niyang view sa second floor, halos kita mo ang view ng city.
Nang tawagin ang name niya, kinuha niya ang orders namin at sabay kaming kumain.
Di ako mapakali at makakain ng maayos dahil kapag kakagat ako, nakatingin siya at ngingiti. Ang weird niya actually, ang awkward tuloy.
"Sorry, di lang ako makapaniwala na kumakain ka sa ganito." Ngiti niya ulit.
Di ako kumakain sa ganitong lugar pero kung dito ako dadalhin ng taong espesyal sa akin, I would give it a try. And malay mo, special 'to for him.
"Di naman ako maarte, bakit dito mo ba dinala mga girls mo dati?" Natatawang tanong ko kaya namab tumawa din siya ng mahina.
"Ikaw pa lang dinala ko dito. Usually kasi, kapag naririnig nila yung lugar na 'to, umaayaw sila." Natigilan ako saglit. So, may iba na nga siyang niligawan? Hindi lang pala ako.
"So you courted before? For sure, saksakan ng mga maarte yan. It's food! Food is love. Hahaha!"
Dinaan ko na lang sa tawa dahil ayokong manghimasok sa nakaraan niya, kung sagutin niya tanong ko, okay lang sa akin. Kung hindi, okay pa rin sa akin.
"I never courted someone before, ikaw pa lang. And those girls are just my friends who are actually I had a crush on, that's all."
I acted normal. Ayokong magulat o magtaka kung bakit ako pa lang ang niligawan niya. I don't want to feel special about that and feeling ko, mas prioritize niya studies niya kaysa sa girls.
"I've seen you before, the way you push away those who dare to court you, makes me challenge more."
"So thrilled about me? I turn them down dahil hindi naman sila magtatagal."
"Or maybe you just don't feel the same way." Natigilan ako sa sinabi niya. He's right, most of it, I don't really feel the same way. "Nung nalaman kong gusto mo ko, I took the chance to confess my feelings towards you."
Muntikan ko na mabitawan ang baso na hawak ko. Halos masamid ako sa sinabi niya. Di ko akalain na nagiging vocal na naman siya sa feelings niya sa akin.
Naniniwala naman ako na gusto niya ako pero parang may kulang pa e, parang hindi sapat na gusto niya lang ako.
Hindi naman label, pero may kulang pa akong nararamdaman.
"Okay ka lang? Sorry, I was too straight-forward." Kumuha siya ng tissue at agad binigay sa akin. Inabot ko yun at nagpunas pansamantala.
"No, no. Nabigla lang ako. It is really nice na gusto ka ng taong gusto mo."
"Yeah, ang sarap sa pakiramdam na gusto mo ko. Di naman ako nagmamadali, kaya kitang hintayin."
Di ko naman napigilan na hindi mapangiti sa sinabi niya. Oo, gusto ko siya at walang halong duda dun.
Masaya ako dahil gusto niya din ako pero di ko maiwasang di matakot sa possible na mangyari sa amin.
There is still a doubt in me na this won't lasts, I want this to lasts pero bakit palagi ko na lang naiisip na hindi 'to magtatagal?
I was being paranoid again, takot lang siguro ako masaktan sa huli.
Kung siya na, dapat siya na hanggang huli. Pero hindi ko ma-imagine na kasama ko pa rin siya in the future, there was someone else.
I feel na hindi siya yun.
"Okay ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad nang tapikin niya ako sa balikat. Tumango naman ako bilang sagot.
Siguro paranoid lang ako. Siguro dapat iwasan ko na kakapanood ng mga happily ever after na movies.
This is reality and I make my choices, not the movies I watch.
To be continued...
-Moon.