Chapter Three.

2150 Words
Chapter 3 Taylor Alyson Chua Natapos ang kaarawan ko na kasama ko si Valentin. Dinala niya pa ako kung saan gusto niyang puntahan na kasama ako noon pa kaso di nahihiya siyang yayain ako. Si kuya Andy lang ang nagalit sa akin dahil di ako umuwi ng maaga gaya ng sabi niya. Buti na lang late na dumating sila mommy at daddy sa date nila. I really don't need a family celebration, it's enough for me na binigyan nila ako ng regalo na higit pa sa inaasahan ko. And seeing mommy happy with daddy here, I'm okay with that. Nag-aayos ako ng gamit ko para sa pagpasok nang marinig ko ang malakas na galabog ng pinto ko. Lumingon ako doon at nakita ko si Marie na todo makangiti sa akin. "Ang aga mo naman mambulabog. Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong sa kanya. Alam ko naman na sasagap lang siya ng balita tungkol sa amin ni Valentin, well wala siyang aasahan dahil ayoko munang pakasigurado. "Wala naman. Sabay lang ako papasok sayo." Ngiti niya sa akin na parang wala siyang balak sa akin. "Nah. You have a car, use it." Di ko na siya tiningnan at agad akong lumabas ng kwarto ko. Sumunod naman kaagad siya sa akin. Pagbaba ko, dumiretso ako ng dining area kung saan nandoon si mommy at kuya Andy. Wala na naman si daddy, wala naman bago. Sanay na ako. Sumabay sa amin si Marie kumain ng almusal kahit na kumain na siya. Ang dami niyang sinasabi kay mommy kaya nakasimangot lang kami ni kuya Andy. Kunwari pa si kuya e, alam ko naman na bitter pa rin siya kay Marie dahil binasted siya or should I say, pinagsawaan din siya. Kaya mas lumala ang pagiging chickboy ni kuya kasi naunahan siya ni Marie. "Aly, sabay na ko please. Tinulungan naman kita kahapon. Promise, I'll behave." Lumingon ako sa kanya at kita ko ang peke niyang ngiti sa akin. Napangiwi ako. "Kay kuya ka sumabay. Malay mo may second chance." Natatawa kong sabi. Biro ko lang naman yun kaso natatakot ako na baka isumbong ako ni kuya. "No can do, sis. She's a maniac, she might strangle me." Walang ganang sabi ni kuya at inirapan ako bago siya tumayo para umalis na. "As if sasabay ako sayo." Iritadong sabi ni Marie pero nawala agad yun nang tumingin siya sa akin ulit. "That means, I'll ride with you." "Marie you have a car. Hindi ba kayang hintayin ang kwento ko?" Medyo naiirita na ako sa kanya. Bakit ba kasi ang aga niya chumismis sa akin? "Girls, una na ako. I have meeting to catch up." Paalam sa amin ni mommy kaya naman bumeso kami ni Marie bago siya umalis. "And Aly, isabay mo na yan." Napasimangot ako sa sinabi ni mommy. Nakakainis naman kung bakit kailangan pang isabay 'to e. Hinarap ko si Marie na sobrang nagsasaya na tuwa. Mas lalo lang akong naiirita tuloy dahil sa tingin niya nagtagumpay na siya. Actually, susunduin ako ni Valentin ngayon. Kanina pa siguro siya nasa labas at hinihintay na makaalis si mommy. Natatakot kasi ako baka pagalitan ako ni mommy at daddy kapag nalaman nila 'to. "Bago ka magsaya, aalis na kame." Biglang nagbago ang ekspresyon niya at mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Susunduin ka niya? Kaya pala may familiar na kotse sa labas." Tuwang-tuwa niyang sabi habang tumitingin sa malaking salamin sa bahay namin. "Yes, and that's why ayaw kitang isabay." Nang maayos ko na sarili ko, agad akong lumabas ng bahay para puntahan siya. Alam kong kanina pa siya kaya sobrang nakakahiya tuloy sa kanya. "It's okay, I'll go home na lang to get my car. See you in class." Bumeso muna siya bago siya umalis para umuwi. Good thing, malapit lang bahay namin sa kanila. Lumingon ako sa paligid at napansin ko ang tapat ng bahay namin ay may naglilipat ng gamit papasok sa bahay. Mukhang may bago nang titira sa bahay na katapat namin. Medyo creepy pa naman yang bahay na yan. It was Heaven's house, isa sa mga best friend ko dati and cousin ko si Heaven na nasa ibang bansa na. Lumipat sila doon to pursue her medicines. Na-miss ko lang ang pagiging maldita niya pero ayoko pa rin sa kanya. Nakita ko si Valentin na nasa tapat ng katabi naming bahay. Nakasandal siya sa sasakyan niya habang nakatingin sa akin at nakangiti. He's wearing dark blue maong shorts and dirty white long sleeves na nakatupi hanggang siko niya at nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. Bagsak ang buhok niya at medyo gulo ito. He is damn hot. Para siyang model ng bench body. Tanggalin mo lang salamin niya sa mata, feeling ko ibang tao na siya sa gwapo. Ayokong mapahiya sa kanya kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya at lumapit ako kaagad. "Good morning, sorry natagalan ako." Nahihiyang sabi ko. Di ako sanay sa ganitong eksena sa buhay ko. Lumabas ang mapuputi niyang ngipin at ngumiti sa akin. Ang pula ng labi niya, oh my gosh! Di ko kinakaya, feeling ko mahihimatay ako sa simpleng galaw niya. "Good morning, it's okay. Let's go?" Agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Tumango ako sa kanya bago pumasok. Nahagip din ng mga mata ko si Marie na nasa di kalayuan at kinukuhanan kami ng litrato. Sana wag kumalat yun. Nang makasakay siya ng sasakyan niya, naamoy ko kaagad ang panlalaki niyang amoy. Nakakaadik naman ang amoy niya. "Baka naman maubos na amoy ko niyan." Napatigil ako sandali bago umiwas ng tingin sa kanya. He is making me blush again. "Oh bakit ka nag-iwas ng tingin?" "Staring is rude, di naman buong biyahe tititigan kita." Pangangatwiran ko. Actually gusto ko siya titigan ng matagal. Gusto kong kabisaduhin lahat ng features ng mukha niya. "Uh-huh. But I like it, caught you staring at me. And I'm lucky to see an angel looking at me." Ngumiti siya sa akin at sumulyap sa akin. Napayuko ako ng bahagya, nakakahiya talaga. Kung ibang tao siya, siguro nabara na siya sa akin pero this is Valentin, the person I admire the most. Pero mas pinairal ko ang utak ko kaysa puso kaya naman di ko na lang pinansin ang sinabi niya. He is a guy and most of the guys, they do the sweet talks to get attach to the girl. It likes hypnotizing a girl to get their trust. We arrived at the parking lot. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya naman bahagya akong lumingon sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang kitang-kita ko mga mapuputi niyang ngipin. "I don't want to attend class, I just want to stare at you the whole time if I have the chance." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Di ko alam kung patibong niya lang 'to para makuha loob ko e. Gusto ko din yun pero studies first pa rin. "Valentin, we have to attend class. Mauuna na ako, ayokong may makakita sating sabay tayo." Hinawakan ko na ang pinto nang bigla niya aking pigilan. Tinuon ko ang kamay niyang niyang nakahawak sa kamay ko. Ang init at ang lambot ng kamay niya. "No. Ihahatid kita sa class mo. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nila." Feeling ko namumula ang mukha ko sa sinabi niya. May mga iilang tao sa paligid at alam ko narinig nila yun. Nahihiya ako at lalong di ako sanay. I tried to loosen my hold on his hand but he keeps on tighting the grip. Ayokong tumingin sa kanya baka lalo lang ako bumigay kung makikita ko siyang ngumiti sa akin. Halos nasa kalagitnaan na kami ng school and a lot of people are shocked and whispering. I think it is really a bad idea if magkakaroon ng rumor about us na hindi naman totoo. "Valentin, this is too much. I can't handle this kind of situation." Mahinang bulong ko sa kanya. I know he'll listen to me. I heard him sighed and stop for awhile before he let go of my hand. I faced him and saw him smiling at me but his eyes are hurt. "I know. I was being too fast again. I can't help myself thinking that you'll be stolen from me that easy." "To clear your thoughts, di ako basta nagpapaagaw sa kung sino at pili lang ang taong pinagkakatiwalaan ko." Ayokong isipin niya na ganun lang ako kadali maagaw ng iba sa kanya. Siya ang gusto ko at ang nangyayari sa aming dalawa ngayon ay ginugusto ko dahil akala ko imposible na mapalapit ako sa isang tulad niya. Pareho lang kame ng sitwasyon. We think na hindi naman deserve ang isa't isa dahil maraming nakapaligid sa amin. Maraming lalaking ang may gusto sa akin pero isa lang ang gusto ko at siya yun. I hope ganun din yung nararamdaman niya. "Okay, thank you for trusting me. Di ko sasayangin pagkakataon na binigay mo sa akin." "Thank you for understanding. Make this moment worth it for me." Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayokong mamula ulit sa harap niya. Di ko napansin na nandito na pala kami sa klase ko. Di ko akalain na alam niya ng schedule ko. "You're so cute when you blush, baby." Napatungo ako sa sinabi niya. Di naman ako nagba-blush e. And he called me baby. "Stop it! I'm not blushing. Mainit lang dito sa labas kaya ako namumula." Pangangatwiran ko. Nakakahiya, ang daming nakakarinig. "If you say so, baby. I'll go ahead, see you later." He hug me and kissed me forehead before he let me go. Sinubukan ko siyang lungunin, at nakita ko siyang naglalakad palayo. Parang ayokong umalis siya sa tabi ko. Bigla siyang lumingon at ngumiti sa akin habang kumakaway. Ngumiti ako sa kanya bago ako pumasok sa klase ko. Mabilis lumipas ang oras at maagang natapos ang mga klase ko. Kanina pa ako kinukulit ni Marie about sa aming dalawa ni Valentin. Di ako sinundo ni Valentin sa huli kong klase kaya naman agad na kaming dumiretso ni Marie sa council room. Wala naman siyang tigil sa kakakwento about sa bago niyang crush na isang football player. "So ano nang estado niyo ni Valentin? IAR? Dating? MU? Pa-mysterious ka pa, obvious naman e." Di ko alam kung maririndi ba ako sa paulit-ulit niya sa tanong niya. "We are friends, wala naman mali dun di ba?" Inayos ko yung mga papel na nakakalat sa mesa habang siya ay naghihiwalay ng mga folders. "Friends mo mukha mo! Siguro kayo na, baby na nga tawagan niyo e." Halos manlaki mata ko sa sinabi niya at siya naman tawa ng tawa. "Saan mo naman nalaman yan? Siya lang tumawag sa akin nun, once or twice yata." Di ako talaga makapaniwala na sobrang bilis ng balita about sa amin. "It's all over the internet, yung page mo and his page siguro." Di ko akalain na sobrang daming nakasubaybay sa akin sa page ko sa internet, what more pa kaya ang page ni Valentin, he is popular dahil model din siya. "Of course, di ako naniwala sa rumors na kayo na pero yung baby, kinilig ako kasi siya ang unang nagsabi ng baby sayo." "Really? Kailangan ba babae una magsabi ng ganun?" Actually, I don't like those endearments. Mas prefer ko yung names namin pareho. "Well, maarte tayong girls kaya tayo ang pipili ng endearment. Playboys lang ang gumagawa ng first move when it comes to that." "So you're saying na playboy si Valentin? You know how decent that man is." Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Mukhang nag-iisip siya about sa sinabi ko. Di ko naman alam na ganun ang sistema sa endearment. Ang alam ko lang, mas sweet daw ang may endearment kaya ganun. But not for me. I don't feel like special kung iba ang tawag sa akin, parang hindi ako yung tinatawag o ginugusto niya. Mas ramdam ko ang feeling kapag name ko ang tinatawag. Basta, ayoko ng endearment pero kung yun ang gusto niya itawag sa akin, ayos lang sa akin. "I don't know. He is populat yet very mysterious. Yes, he is decent but who knows what he can do." "Too mysterious. Di ko din maiwasang magduda sa kanya. He has everything he wanted yet he chose to stay with me. Ano naman laban ko sa mga kilala niya?" "Hiyang-hiya naman ako sayo. Pareho lang kayo ng estado and I think you two are perfect together." "Still, I'm having second thoughts about him and he's too fast about everything, us exactly." "Crush ka kasi nung tao. And nung nalaman niyang crush mo din siya, iniisip niya na magiging kayo agad." "Nah. I still want the right way in getting in love. He hasn't prove anything yet so I'll wait." "May point ka. Marami pa kayong bagay na hindi niyo alam sa isa't isa. Before you commit, accept everything about him first." To be continued... -Moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD