" BRIELLE, are you done?" narinig niyang sigaw ni Kit mula sa living room. Nasa silid pa siya at nag-aayos ng mukha niya. Grocery day nila ngayon.
" I'm coming!" balik sigaw niya saka naglagay na ng lipstick. Medyo maputla kase ang kulay ng mukha niya lately at hindi niya gustong lumabas na ganoon ang itsura niya.
Matapos damputin ang bag niya ay bumaba na siya. Nakita niyang nakatayo si Kit sa may ibaba ng hagdanan.
" Tagal mo. I told you no need to put make up. You look pretty without putting anything on your face." sabi nito habang naglalakad sila palabas ng bahay.
" I look pale. Kaya naglagay ako ng lipstick at blush on."
Ipinagbukas siya nito ng pinto saka pumasok sa driver's side. Pinatakbo na nito ang sasakyan. Ngunit pagkalipas ng halos ten minutes ay nag-ring ang cellphone nito.
Dinukot nito iyon sa bulsa saka sinagot gamit ang right hand habang ang left naman ay nakahawak sa manibela.
" Hey, Diana what's up?"
Napalingon siya bigla rito. Sino kaya ang babaeng kausap nito.
" Oh. Is it tonight? Sorry I forgot about it. I was busy these past few days. Okay, no worries. I'm coming. Thanks. 'Bye."
Nang mai-off nito ang telepono ay hindi niya napigilang mag-usisa.
" Who's Diana?"
" Diana De Leon classmate natin noong high school. Didn't I mention to you na nag-enrolled rin siya sa self defense class at magkasama kami?"
Wala siyang maalala na may sinabi ito sa kanya. Kilala niya ang nasabing dalaga. Isa ito sa pinagselosan niya noong high school sila dahil isa sa mga kilalang estudyante noon sa campus nila si Diana. Close ito ni Kit noon. At ang pagkakaalam niya pa noon ay crush nito ang binata kaya nakipagclose kay Kit. Wala naman kasing mag-iisip na bakla ito dati.
" Wala ka'ng nabanggit."
Nag-parked muna ito bago nagsalitang muli.
" Wala ba? Nakalimutan ko siguro sa sobrang dami ko'ng iniisip tungkol sa rancho. But anyway we will have a night out tonight. Buong klase ng self defense. We will hang out para mas maging close siguro kami sa isa't-isa. We are ten only in the group."
" How many girls in the group?" she tried her best not to sound jealous.
" Seven I think."
Natahimik siya. Parang gusto niyang sumama sa paglabas nito mamaya pero nakakahiya naman. Hindi niya gusto na lumabas ito kasama si Diana. Knowing that woman. Balita na noon na may pagka-playgirl iyon.
" Okay lang ba na lumabas ako with them? I would like to bring you sana but then Diana said that the night out is exclusive for group only."
Ilang minuto siyang hindi nakaimik. Kung pipigilan niya ito ano'ng idadahilan niya? Ayaw niya naman magmukhang selosa na walang batayan. Hindi pa naman sila.
Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Nagsasama sila na tila mag-asawa na pero walang label kung ano'ng relasyon mayroon sila. Sana magkaroon na ng linaw ang puso at isip nito para sa nararamdaman sa kanya. Nang sa ganun ay alam niya kungsaan siya lulugar.
" Okay lang." kaswal na sagot niya.
" Alright. Seven thirty meet up namin mamaya. We'll have dinner and we will go to the bar." sabi nito saka lumabas na ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.
Nang makababa siya ay wala siyang imik. Iniisip niya ang night out nito mamaya. Hanggang sa matapos ang grocery nila at makauwi sila ay wala siyang kibo.
" Tahimik ka? Okay ka lang?" tanong ni Kit sa kanya.
Nasa bahay na sila at nakaupo sa couch sa living room. Nanunuod sila ng TV habang hawak nito ang isang kamay niya.
" Si Diana ba single pa o married na?"
Napakunot noo ito sa tanong niya pero sumagot pa rin naman.
" Single yata. Hindi ako sure. I didn't ask her about that. Pero wala naman siyang wedding ring na suot so baka single pa."
Napahugot siya nang malalim na hininga.
" And why you randomly asked that?"
Umiling siya saka tumingin sa TV. Pero hinawakan siya ng binata sa mukha at marahang iniharap ang mukha niya paharap dito.
" Okay ka lang ba talaga, Brielle?" muling tanong nito at tinitigan siya ng husto sa mga mata.
" She has crush on you way back in high school." hindi na nakatiis na sagot niya.
Kunot pa rin ang noo ng binata nang muling magsalita.
" And so?"
" Wala. Naisip ko lang baka... baka may crush pa rin siya sa'yo hanggang ngayon."
Mula sa pagkakakunot ng noo ay napangiti ito.
" I don't know about that. But Brielle, if you feel jealous right now forget it. I consider her as a friend. 'Yun lang and nothing else. Kung may doubt ka na makakasama ko siya tonight please just trust me. Okay?"
Hindi muna siya sumagot. Kaya naman kinabig siya nito para halikan sa noo at niyakap.
" Ang hirap lang kase ng sitwasyon natin." maya-maya ay sabi niya habang nakayakap dito. Kung pwede lang sana na linawin na nito ang relasyon nila.
" Hey, cheer up. I respect what you feel. Ganito na lang, after we do dinner uuwi na ako kaagad. I will not join them in the bar okay?"
Pilit siyang ngumiti saka tumango. Nakakainis lang na parang kapag alam mo'ng lalabas ang isang tao na mahalaga sa'yo kasama ang babaeng may gusto rito noon ay hindi niya talaga maiwasang magselos. Lalo pa at noon pa man ay pinagseselosan na niya ang dalaga.
PAGSAPIT nang alas sais y media ay naghanda na ang binata para maligo at mag-prepare para sa dinner nito sa labas. At pagkalipas ng kalahating oras ay nagpaalam na ito sa kanya.
" I'm going now." paalam nito saka humalik ng pa-smack sa mga labi niya.
" Ingat ka and have fun."
Nang makaalis na ang binata ay ni-lock na niya ang pintuan ng bahay. At para hindi mainip sa pagbalik nito ay nagpasya siyang mag-paninting muna. Lumipas ang dalawang oras pero hindi pa rin ito bumabalik. Hanggang sa natapos na siyang mag-painting.
Tiningnan niya ang orasan. Quarter to ten na. Dinampot niya ang cellphone sa mesa at nagpasyang tawagan na ang binata. Nakadalawang dialled siya bago nito sinagot ang cellphone. Narinig niya ang ingay sa background.
" Hello, Brielle. Hold on, medyo maingay lilipat ako ng pwesto." sagot nito sa kabilang linya. Ilang sandali pa at less na ang noise sa background.
" Where are you?"
" We are at the bar right now. We just arrived. I was about to call you---"
" Akala ko ba hindi ka na sasama sa kanila sa bar?" Agaw niya sinasabi nito.
" Hindi na ako nakatanggi sa kanila. Nakakahiya naman kasi lahat pupunta tapos ako lang ang tatanggi. So, I just decided to go with them."
Nainis siya at nalungkot sa sagot nito.
" Don't worry I won't drink too much. Maybe two or three bottles uuwi na rin ako."
" Okay. Have fun there. 'Bye na." matamlay na sabi niya.
" Wait. Are you angry?" tanong nito. Ang manhid.
" No. 'Bye!" and she ended the call.
Malungkot siyang umakyat sa silid nila at humiga na sa kama. Pero hindi naman siya makatulog. Panay ang galaw niya. Napatingin siya sa orasan. Alas dose na ng hating gabi wala pa rin ang binata.
" Two to three bottles lang daw hating gabi na wala pa rin!" Inis na himutok niya.
Nang hindi siya mapakali ay muli niyang tinawagan ang binata. Nakatatlong ring ang linya nito ngunit walang sagot. Lalo siyang nainis. He probably having a good time right now kaya hindi na nito pinapansin ang tawag niya.
Matiyaga pa rin siyang naghintay hanggang ala una ng madaling araw. Hanggang sa nakatulog na siya ay wala pa rin ang binata. Kunabukasan paggising niya ay wala rin ito sa tabi niya.
Tumingin siya sa orasan. Alas siete na ng umaga. Hindi ba ito umuwi? She tried to call his number pero unattended na iyon. Tumayo siya at bumaba sa sala para i-check kung nandoon ba ito.
Pagdating niya sa living room ay nakita niya ang binata na natutulog sa couch. Naiinis na tinitigan niya ito. Ano'ng oras kaya ito umuwi? Mukhang naparami ang alak na nainom nito at hindi na nagawang umakyat sa silid nila.
Habang pinagmamasdan niya ito ay biglang nagsalubong ang mga kilay niya nang may mapansin na kissmark sa may kanang pisngi nito. May bakas doon ng red lipstick malapit sa may gilid ng mga labi nito.
Kaagad siyang inatake ng selos. Pero hindi niya ito ginising. She will let him catch on sleep. Tumungo siya sa kusina at kahit nag-aalboroto sa inis ang dibdib niya ay pinilit niyang magluto ng agahan nila.
Nag-sangag siya ng kanin at nagprito ng itlog at corned beef. Gumawa siya ng kape at nang matapos ay inihanda na niya iyon sa mesa. Matapos maayos ang agahan nila ay umupo na siya at nagsimulang kumain mag-isa. Hindi na niya hihintayin magising ang binata.
Habang nasa kalagitnaan siya ng pagkain ay nakita niyang bumangon na si Kit sa couch. Dumiretso ito sa bathroom sa guest room sa ibaba at pagkalipas ng ilang minuto ay nakita niya itong papasok na sa kusina.
" Good morning." bati nito saka lumapit sa kanya at akmang hahalikan siya sa pisngi pero umiwas siya.
Napansin niyang napakunot noo ito sa pag-iwas niya. Inubos niya ang kape at pagkain niya saka tumayo na at tumungo sa sink para hugasan ang plato na pinagkainan niya at mga gamit sa pagluto na ginamit niya kanina.
" Ahm, hello. I said good morning. Okay ka lang ba?" ulit ni Kit. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Masama ang loob niya rito dahil naghintay siya kagabi pero mukhang inumaga na ito ng uwi.
Maya-maya ay naramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likuran niya. Amoy niya pa ang alak sa hininga nito. Muli siya nitong hinalikan sa pisngi niya.
" Galit ka, hmmn?"
Humugot siya nang malalim na hininga saka nagsalita.
" Ano'ng oras ka umuwi?"
" Three o'clock. Hindi ako nakauwi kaagad after three bottles dahil nagkatuwaan na ang lahat. They didn't allow me to go home early."
" Yet you never bother to call me or just text me." hindi na maitago ang sama ng loob na sabi niya.
" It was too noisy inside the bar. And the signal was not that great. Sorry kung hindi kita naisipang i-text. Huwag ka na magtampo please." malambing na sabi nito saka ipinatong ang baba sa may balikat niya habang mahigpit siyang yakap mula sa likuran niya.
" Okay ka na? Hindi ka na galit?"
" Who kissed you last night? Bakit may kiss mark ka sa may left cheek mo close to your lips?"
" What? I honestly can't remember."
Naiinis na nilingon niya ito at itinuro ang kiss mark sa mukha nito.
" You have that red lipstick mark close to the corner of your lips tapos hindi mo alam kung sinong humalik sa iyo? Were you that drunk last night?!" galit na sabi niya.
Napansin niyang umiwas ito ng tingin sa kanya. Doon na siya nagduda. Alam nito kung kanino galing ang kiss mark na iyon but he didn't want to tell her. Itinaob niya ang huling pinggan na hinugasan niya at galit na kumawala rito.
Naglakad siya palabas ng dining room. Sumunod naman ito sa kanya. At nang maabutan siya ay hinawakan siya sa braso.
" Brielle, wait."
Halos magdikit ang mga kilay na hinarap niya ito.
" What?!"
Tiningnan siya nito sandali saka napabuntong hininga.
" Okay, the kiss mark came from Diana. We were having fun last night and we played a game truth or dare. 'Yun yung dare kay Diana was to kiss me in lips. Pero kahit nakainom na kaming lahat ayoko naman na halikan niya ako sa labi. Kaya nung hahalikan na niya ako umiwas ako. At ‘yun nga sa cheek ko dumapo yung lips niya. Almost close to the corner of my lips. Kahit naman nakainom ako ikaw pa rin iniisip ko. 'Yun nga lang hindi ko alam na may lipstick mark na naiwan. Sorry na please."
Lalo lang siyang nainis nang malaman na kay Diana ang kiss mark na iyon. Sa halip na gumaan ang loob niya sa pag-confessed nito ay lalo lamang siyang nainis.
" Don't you dare kiss me for one week!" galit na sabi niya saka umakyat sa silid nila.
Naguguluhang umakyat rin ang binata at sinundan siya. But she locked the door. Narinig niyang kumatok ito sa pinto saka nagsalita.
" Brielle naman. I said sorry right? She didn't kiss me in lips for goodness sake! Hindi ko nga siya pinayagan na mahalikan ako sa labi dahil gusto ko ikaw lang ang hahalik sa lips ko. Kahit lasing ako hindi naman kita nakalimutan. Hindi kaya ng isip ko na makipaghalikan sa ibang babae. Kung hindi ko pinapahalagan ang relasyon na meron tayo I would easily give in to her. Pero Brielle hindi ako ganung klaseng tao. I was once experience to have a heart like a girl. At alam kong hindi mo magugustuhan kapag nakipaghalikan yung taong gusto mo sa iba. Kaya hindi ko naman magagawa sa'yo yung lokohin ka. Open the door please."
" Leave me alone. Do'n ka sa kabilang room!" balik sigaw niya. Nilamon na ng selos isip niya. Kapag nag-subside na ang galit at selos niya saka niya ito kakausapin.
Nakakapikon lang kasi na nangako ito na uuwi pagkatapos ng dinner pero hindi naman tinupad. Tapos sinabi pa na after three bottles ay uuwi rin kaagad pero inabot ito hanggang alas tres ng madaling araw. Kasama pa ang maharot na Diana na iyon.
" Brielle, wala ka namang dapat ikagalit. I explained my side 'di ba? Huwag ka na magtampo. Sorry na."
Hindi na siya sumagot. She turned on the TV instead.
" Okay, I'll leave you alone. Kapag nasa matinong pag-iisip ka na talk to---" nainis siya sa pagkakasabi nito na kapag nasa matinong pag-iisip na siya. Siya pa ba ang baluktot ang isip ngayon? Galit siyang tumayo at binuksan ang pintuan saka ito hinarap.
" Matinong pag-iisip?! Ano'ng palagay mo sa akin baluktot mag-isip?! Ikaw nga 'tong pabago-bago ng isip eh! Sabi mo uuwi ka after dinner pero 'anyare? Tumuloy ka pa rin sa bar. Tapos nangako ka pa three bottles lang uuwi ka na. Ano'ng oras ka nakauwi? Alas tres ng madaling araw?! Malay ko ba kung ano pa'ng ginawa sa'yo ng maharot na Diana na yun!"
Bahagya itong nabigla sa dire-diretso niyang pagsasalita. Nang makabawi ito ay napailing-iling na medyo natatawa. Lalo siyang napikon sa reaksyon nito. Hinampas niya ito sa may dibdib.
" Ano'ng nakakatawa, Kristobal?!"
" The thought of how worse you can get when you feel jealous. You are overthinking now, Gabriella. Isip mo lang ang nagpapa-worse ng situation when in fact I tell you the truth already."
" So, pinagtatawanan mo ako dahil nagseselos ako?! Masaya ka pa na---" biglang naputol ang pagtatalak niya nang kabigin siya nito at halikan sa mga labi.
Pilit niya itong itinutulak palayo nung una pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang pisngi niya. Madiin rin ang paghalik na ginagawa nito sa kanya. Hanggang sa napagod na lamang siya at nagpaubaya. Wala na siyang nagawa nang maramdman niya ang dila nito na pilit na humihingi ng pahintulot na makapasok sa bibig niya.
Nang bahagya niyang iawang ang mga labi niya ay sinalubong niya ang pangahas na dila nito. They explore each other's mouth. Habang hinahalikan siya nito ay naramdaman niyang marahan siya nitong iginigiya pahakbang palapit sa may kama nila.
Hanggang sa naramdaman niya na bumangga na ang legs niya sa kama. Marahan siya nitong inihiga doon while their lips are still locked. Ilang sandali pa ay naramdaman na niyang naglakbay na ang isang kamay nito papasok sa night gown na suot niya.
Wala siyang suot na bra kaya mabilis nitong napaglaruan ang dibdib niya. Bumaba rin ang mga labi nito sa may leeg niya. Papunta sa may likod ng tenga niya. Maya-maya ay pinaglaruan ng dila nito gilid ng tenga niya. Nagdulot iyon ng matinding init sa katawan niya lalo pa at ang isang kamay nito ay naglalakbay pa rin salitan sa magkabilang dibdib niya.
Napaungol siya ng bahagya nang bumaba ang kamay nito sa may puson niya. Hinimas-himas nito iyon hanggang sa bumaba pa sa may hita niya. Sinasadya yata nitong taas baba na paglandasin ang isang kamay sa may puson niya at sa may hita niya except sa private part niya.
" I'm sorry, okay? Do you forgive me now?" malambing na bulong nito sa kanya saka bumaba naman ang mga labi papunta sa may dibdib niya.
Napahawak siya sa ulo nito nang paglaruan ng dila nito ang tip ng dibdib niya. Habang ang isang kamay naman nito ay naglalakbay sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Matapos magsawa ang mga labi nito sa dibdib niya ay muli siya nitong hinalikan. But this time nanunukso ang mga labi nito dahil pahinto-hinto iyon sa paghalik sa kanya.
" Brielle, do you forgive me, hmmn?" tanong muli nito sa kanya sa pagitan ng paghalik.
Naiinis na siya dahil tila binibitin siya nito. Kaya naman sumagot na siya.
" You should be thankful I love you!" hinihingal na sabi niya. Napangiti ito saka tinanggal na ang mga suot na damit.
Nang puwesto na ito sa ibabaw niya ay wala na naman siyang nagawa kung hindi ang magpaubaya. Hindi na siya magtataka kapag nalaman niyang isang araw ay nagbunga ang ginawa nila. She lost count already kung ilang beses na nila itong ginawa. Sinusunod lang niya ang gusto ng puso niya. Hindi naman siya magpapaubaya rito ng paulit-ulit dito kung hindi niya ito mahal.
But how about him? Is it all about lust? O mahal na rin siya nito kaya paulit-ulit na rin nitong inaangkin ang katawan niya? Ilang buwan na rin silang magkasama. By this time dapat nililinaw na nito ang relasyon nila.
Hanggang sa matapos ang pagpapaubaya niya ay iyon pa rin ang gumugulo sa isapan niya.
" What happened to the one week punishment huh?" narinig niyang tukso ni Kit after they made love.
Kapwa sila hubad sa ilalim ng kumot at nakayakap ito sa kanya. Hindi siya sumagot. Tahimik pa rin siya. Should she ask him again about where they stand? Dapat lang siguro. Its about time na bigyan na nito ng linaw ang relasyon nila. Ayaw niyang kung kelan siya mabuntis ay saka lamang ito mapipilitang mag-decide dahil lamang magkakaanak na sila.
" Kit..." seryosong tawag niya sa pangalan nito.
" Hmmnn.."
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagpasyang magtanong.
" Have you decide already about us?"
Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Pero hindi niya inulit ang tanong niya. Alam niya malinaw nito iyong narinig. She patiently waited for his answer.
" Paano kung... in the end hindi ikaw ang piliin ko? Will you be angry with me?"
Siya naman ang tila nabigla sa balik tanong nito. Bakit may iba ba bukod sa kanya?
" What do you mean? May iba ka pa ba?"
" Wala. Let's say I need more time to think. Or I don't wanna get married at all. Will you still stay with me? With a situation like this na walang label?"
Nasaktan siya sa choices na sinabi nito. Wala ba talaga itong plano na magpakasal? Hindi naman siya pakawala na babae. Disente siya at gaya ng karamihan sa mga babae ay nangangarap rin siya na maikasal sa lalakeng mahal niya.
Gusto niyang bumuo ng pamilya kasama ito. Ayaw niyang habang buhay na ganito lamang ang relasyon nila. Gusto niya may panghahawakan siya rito para alam niya kung saan siya lulugar. Gusto niyang makita ang surname nito next to her name. Gusto niya ng kasal.
" Honestly, no. Kung hindi mo ako papakasalan then let me know. And I will try to fix my life away from you. Mahal kita, Kit. At gaya ng maraming babae na nagmamahal, nangangarap rin ako na ikasal sa taong mahal ko. Hindi ko alam kung makakaya ko na malayo sa'yo o kalimutan ka ng tuluyan kapag hindi tayo nagkatuluyan. Pero gusto ko’ng malaman mo na ibinigay ko ang sarili ko sa'yo dahil mahal kita at umaasa ako na mamahalin mo rin ako. Gusto ko'ng bumuo ng pamilya na kasama ka. Gusto ko kung magbubunga man 'tong ginawa natin mapapalaki natin ng maayos ang baby dahil legal tayong kasal. Mahal kita Kit pero ayokong sumugal sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. At kung tinatanong mo kung magagalit ako. My answer is no. Dahil ako ang kusang nagpaubaya na ibigay sa'yo ang katawan ko. Kung hindi mo ako kayang mahalin then just say it. I would love to hear if you can offer a better options. Pero kung hindi mo talaga kayang ibigay ang kasal at mahalin ako ng buo let me know. And this time ako naman ang kusang lalayo sa'yo kahit alam ko'ng mahirap." malungkot na sabi niya saka tumayo at tumungo sa banyo.
Binuksan niya ang shower at kasabay ng paglabas ng mga tubig doon ay mabilis ring bumagsak ang mga luha niya. Gusto niyang isipin na mahal rin siya ng binata. Pero sa klase ng tanong nito mukhang wala naman talaga itong balak na pakasalan siya. Kung sana lamang ay maaari niyang basahin ang laman ng puso at isip nito. Para hindi siya nahihirapang manghula kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman nito para sa kanya.