NANG may kumatok sa may pintuan ay napakunot noo siya. Si Kit na ba ito? But why he needs to knock? May dala naman ito'ng susi. And besides maaga pa. It's only eleven o'clock in the morning. Nasa rancho ang binata at nagti-training para sa pasikot-sikot sa negosyo ng pamilya nito.
Madalas alas singko ng hapon umuuwi ang binata. Hininaan niya ang apoy ng stove at sandaling iniwan ang niluluto para tingnan kung sino ang tao sa labas. Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya nang makita sina Feny at Liam na nasa labas.
May dalang cake, balloons at wine ang mga ito. Saka niya lang naalala na birthday na nga pala niya bukas. Na-touched siya nang makita ang dalawang kaibigan.
" Happy Birthday, Girl!" masayang bati ni Feny saka siya hinalikan sa pisngi. Bumati rin si Liam sa kanya.
Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok ang mga ito. Nakarating na ang mga ito rito last year. Dahil dito siya sa probinsya nag-celebrate ng birthday niya noon.
" Ano'ng ginagawa ninyo rito?" natatawang tanong niya saka kinuha sa mga ito ang dala at inilagay sa mesa.
" Surprising you. Birthday mo bukas 'di ba?" si Liam.
" Aww. Touched naman ako. I honestly have no plans to celebrate it tomorrow. Pero since nandito na rin kayo sige magpapa-cater ako bukas."
" We can't miss your birthday, girl. Kaya kahit malayo ka lumipad kami papunta rito. Saka we miss you na. Dito ka na nakatambay sa probinsya. I miss invading your privacy in your condo sa Manila."
Ngayon lang siya nag-stay ng matagal dito dahil nga nandito si Kit. Pero matapos nung huling nangyari sa kanila ay medyo umiwas na siya sa binata. Halos two weeks na rin ang nakalilipas mula nung huling may mangyari sa kanila.
Mula noon ay mas nagpaka-busy ang binata sa rancho ng mga ito. Habang siya naman ay sinasadya niyang magkulong sa library kapag nakauwi na ito. Sa iisang silid pa rin sila natutulog pero pumapasok lamang siya sa silid nila kapag malalim na ang gabi at tulog na ito. Kung kakain naman ay nauuna siya o kung magkakasabay man sila she chose to remain silent.
Gusto niyang bigyan muna ang binata ng time na mag-isip at i-analyze ng husto ang nararamdaman nito sa kanya kung mayroon man. Ayaw na niyang ilapit nang husto ang sarili niya rito. Dahil mahirap nang mabuntis siya tapos hindi naman ito sigurado sa nararamdaman sa kanya.
Mukha namang kailangan rin talaga ng binata nang space matapos nang huling pag-uusap nila. Hindi rin nito sinusubukan na lumapit sa kanya o kausapin siya. Kung kikibuin man siya nito yun ay para sa ilang mahalagang tanong lamang.
" Where's your fiance?" tanong ni Liam.
" Nasa rancho nila. Kumain na ba kayo?" kaagad niyang iniba ang usapan dahil ayaw niya na mag-usisa pa ito tungkol sa binata.
" Hindi pa. I'm starving actually. And I smell something yummy. What is that?" at suminghot-singhot pa si Feny. Saka niya lamang naalala ang bistek na niluluto niya sa kusina.
Mabilis siya na nagpaalam sa mga ito at tumakbo papunta doon. Tiningnan niya ang niluluto at nang makitang malambot na ang karne ay pinatay na niya ang stove.
" Come over here guys. Let's eat." tawag niya sa dalawa. Kaagad namang tumalima ang mga ito at naglakad papunta sa dining room.
Inihanda niya ang mesa para sa tanghalian nilang tatlo. Kinuha niya rin ang left over nilang chopsuey kagabi at iniinit iyon saka inihain rin sa mga ito. Nang makapaghain na sa mesa ay umupo na rin siya.
" Smells good. Since when did you learn how to cook?" usisa ni Feny.
" Since I moved in here with Kit. He taught me how to cook."
" Wow. Chef nga pala ang fiance mo. Matikman nga." at naglagay na ito ng ulam sa plato saka sumubo. Habang ngumunguya ito ay nag-thumbs up sign.
" Tastes good. Infairness, pwede nang mag-asawa talaga."
Ngumiti siya at hindi ipinahalata ang lungkot sa mga mata niya. Ang tanong may balak ba talaga ang binata na asawahin siya?
" Kit is lucky for having you, Brielle."
Nginitian niya lamang si Liam. Nakikita niya pa rin ang lungkot at tila panghihinayang sa mga mata nito.
" Move on ka na, Liam. Wala ka ng pag-asa talaga. Sa'kin ka na lang single naman ako." biro ng kaibigan niya.
" But you're not my type, Fen, sorry."
Tinaasan ito ng isang kilay ni Feny.
" Choosy ka pa? Buti nga willing ako'ng tanggapin ka kahit alam ko'ng tira-tirahan ka na ng iba."
Tumawa si Liam saka napailing-iling. Mas close ang mga ito kaya hindi na siya nabibigla kung nakakapabiro man ng ganito si Feny sa binata. Pero ang pagkakaalam niya may crush talaga si Feny dito noon pa man. Hindi nga lang nito sinasabi sa kanya dahil may gusto sa kanya si Liam.
" Saan kayo nag-check in?"
" La Vida Hotel. Malapit sa airport. Dito sana kami tutuloy kaya lang naisip ko baka istorbo lang kami sa inyo ni Kit."
" Okay lang naman yun. I'm usually alone during day time. Mas gusto ko nga may kausap dito."
" When is the wedding by the way?" si Liam uli.
Inubos niya muna ang laman ng bibig niya bago umisip ng isasagot.
" We don't have exact date yet. Marami pa siyang inaasikaso sa rancho. Iti-turn over kasi sa kanya ang pamamalakad nun. So, as of now wala pa'ng date."
Hindi niya nga alam kung may kasalan ba talagang magaganap. Pero syempre ayaw niyang sabihin iyon sa binata dahil baka umasa na naman ito.
" Hanggang kelan kayo rito?"
" Next day after your birthday flight na namin pabalik ng Manila. So, we need to party hard tonight or tomorrow?"
" Both. Since wala naman tayo'ng mga trabaho let's party hard. Sayang naman pag-surprise ninyo sa akin kung hindi natin susulitin ang bawat araw." sagot niya. Pero sa totoo lang gusto niya lamang uminom dahil mabigat ang dibdib niya.
Hindi nga lang siya makapaglasing ng mag-isa dahil ayaw niyang mag-usisa si Kit sa kanya. Atleast ngayon she has reasons to do so.
" I like that. Mukhang kukulangin ‘yung alak na dala namin ah."
" I have alot here don't worry."
Matapos nilang kumain ay nagbihis siya para ipasyal ang mga ito sa bayan. Nag-take out na rin sila ng mga pagkain sa restaurant para mamayang gabi. Sasalubungan raw nila ang araw ng kaarawan niya mamaya.
Buti pa ang dalawa na ito naisipan siyang sorpresahin. Eh si Kit kaya? Mukhang walang kaplano-plano man lang.
Nang makauwi sila sa bahay ay pasado alas siete na ng gabi. Napansin niya na nasa driveway na ang kotse ni Kit. Akmang bubuksan niya ang pintuan pero hindi pa man niya naipapasok ang susi ay bumukas na iyon.
Napatingin siya sa seryosong mukha ni Kit. Nakabihis ito at bagong ligo. May lakad ba ito ngayong gabi?
" Hi Kit." masayang bati rito ni Feny.
Isang matipid na ngiti lamang ang ibinigay nito kay Feny. Napansin niyang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Liam na nasa likuran niya. Gusto niyang magsalita at mag-explain kung bakit nandito ang dalawa. But then naisip niya bakit ba siya magpapaliwanag? Masyado na siyang nag-aassume kung magpapaliwanag pa siya rito.
" I'm going out." sabi nito saka lumabas na.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok sa kotse nito at tila galit na pinaharurot iyon palayo.
Nagkatinginan silang tatlo pagkaalis ng binata.
" Is he mad or something?" si Feny.
" Tired I guess. Don't mind him." and she shrugged her shoulders saka pumasok na sa loob ng bahay.
Kit's POV
Excited siyang umuwi ngayong araw. Balak niya sanang sorpresahin si Brielle para isama itong mag-dinner sa labas. Matapos nung huling nangyari sa kanila he felt guilty dahil mukhang nagtampo ito sa mga sinabi niya.
It has been two weeks at napansin niya na tila umiiwas na ito sa kanya. Sa tuwing uuwi siya ay hindi na siya nito sinasabayan kumain. At sa pagtulog naman ay halos hatinggabi na ito kung pumasok sa loob ng silid nila.
Sa tuwing kakausapin niya ito ay napakaiksi lamang ng mga sagot nito. Tila walang gana na kausapin siya. Kaya naman naisipan niya na huwag na ring kulitin ito o hayaan na lamang ito sa pag-iwas na ginagawa sa kanya.
Maybe she needed time para mawala ang tampo nito sa kanya. Pero hindi niya rin kaya na tila iniignora siya nito kaya sinasadya niya na lamang na magpaka-busy sa rancho. Masakit na makita itong tila umiiwas sa kanya.
At dahil masyadong mahaba na ang two weeks na tila pag-iwas nito sa kanya ay naisipan niya na tapusin na o pag-usapan na nila ang kung anumang problema na mayroon sila. Kaya nga siya umuwi ng maaga ngayon.
Ngunit nagulat siya dahil wala sa bahay ang dalaga. Nakita niya na may tatlong balloons, wine at cake sa mesa sa dining room. Naisip niya na baka nanggaling dito ang parents ng dalaga.
Tiningnan niya ang hawak niyang cake at bouquet ng flowers. Inilapag niya iyon sa coffee table sa sala at mabilis na umakyat sa itaas upang maligo at magbihis.
Pagkatapos ay bumaba na siya at umupo muna sa couch sa sala. Binuksan niya ang TV habang hinihintay ang pag-uwi ng dalaga. Ngunit halos dalawang oras na siyang naghihintay ay wala pa rin ito. Alas siete ang reservation niya sa restaurant. Tinawagan niya muna ang restaurant at sinabing mali-late sila at huwag cancellin ang reservation niya.
Muli siyang naghintay at nang sumapit ang alas siete ay may narinig na siyang tunog ng sasakyan sa labas. Mabilis siyang tumayo at inayos ang suot niya. Tumungo siya sa bintana upang silipin kung si Brielle na nga iyon.
Pagsilip niya sa bintana ay kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang bumaba mula sa passenger side ng kotse ng dalaga si Liam. Habang sa backseat naman ay si Feny. Kaagad na tinulungan ni Liam ang dalaga sa mga pinamili ng mga ito.
‘What the heck is he doing here?!' inis na bulong niya sa isip. At dahil inatake na naman siya ng selos ay mabilis niyang kinuha ang cake at bulaklak na binili niya at mabilis na itinago iyon sa guest room sa ibaba.
Tumungo siya sa may pinto nang maitago ang sorpresa na ibibigay sana sa dalaga. Kaagad niyang binuksan iyon nang marinig ang masasayang tinig ng mga ito sa labas ng pintuan.
Sandaling natigilan ang dalaga pagkakita sa kanya. Habang si Feny naman ay binati siya. Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya rito saka masamang tiningnan ng tingin si Brielle at Liam. Naghintay siya na magpaliwanag ang dalaga bakit nandito ang Liam na ito. But she said nothing kaya naman pasimple siyang humugot ng malalim na hininga at nagsalita.
" I'm going out." sabi niya saka nilagpasan ang mga ito at tumungo na sa kotse niya. Kaaagad niyang pinaharurot iyon nang makapasok sa loob.
He was furious at the thought na may balak palang pumunta ang mga kaibigan nito rito pero wala man lang binanggit sa kanya. May plano pa naman siyang i-surprise ito ngayong gabi. Nagsisikip ang dibdib niya seeing her close to that bastard.
Alam niya naman na may gusto pa rin ang Liam na iyon kay Brielle. At ang manhid na dalaga hinahayaan lamang na patuloy na lumapit ang bianta rito.
" Grrrrrr!!!" maya-maya ay inis na sigaw niya sabay hampas sa manibela.
He never felt jealous like this way before. Yung tipong sumisikip ang dibdib niya sa galit but he couldn't do anything. Siguro kasalanan niya rin kung bakit hindi lumalayo ang dalaga sa Liam na iyon. Kung bibigyan niya siguro ng linaw ang relasyon nila maybe he would have the right to stop her from being with him.
Paano kung ligawan pa rin ng Liam na iyon si Brielle? Mukhang hindi ito marunong rumespeto sa babae ng iba because he even has the guts to come over here. Hindi naman siguro dadayo rito ang lalake na iyon kung walang nararamdaman kay Brielle.
' That's why make up your mind before it's too late. Huwag ka'ng makampante na habang buhay magpapakatanga si Brielle sa'yo. Everything has a limit. And if Brielle reach that point, you'll be sorry!' pananakot ng isip niya.
SAMANTALA nakakarami na sila ng nainom pero hindi pa rin bumabalik ang binata. Saan ba nagpunta ang lalake na iyon? Hindi kaya nakipagkita iyon kay Diana? Night out again?
Tumingin siya sa wall clock nila. Fifteen minutes at mag-aalas dose na ng hatinggabi. Hindi pa ba ito uuwi? Wala ba ito'ng balak na salubungin ang kaarawan niya?
Kung ano-ano ng malalaswang isipin ang pumapasok sa utak niya. Epekto na rin ng nainom niya kaya kung ano-ano nang masasamang pangitain ang naiisip niya.
" Five, four, three, two, one... Happy Birthday, Brielle!" pag count down ni Feny at pinahiran siya ng icing ng cake sa mukha niya.
Lasing na ang babaeng ito at kanina pa maingay at makulit. Tipsy na rin siya pero hindi bangag sa alak na tulad nito. Nilagyan niya rin ng icing ang kamay niya at pinahiran sa mukha sina Feny at Liam.
" Nananahimik ako rito. 'Yan ba gusto mo? Wait..." si Liam saka kinuha ang gravy ng fried chicken.
Napatayo siya at tumakbo. Mukhang gravy ang ilalagay nito sa mukha niya. Naghabulan silang dalawa sa sala habang si Feny naman ay nakita niyang pumasok sa bathroom sa loob ng guest room sa ibaba.
Panay ang sigaw niya at pag-warning kay Liam. Nang mahilo siya sa pagtakbo ay huminto na rin siya. Nabigla siya ng yakapin siya ni Liam sa bewang at pahiran ng gravy sa pisngi niya.
" Yuck! Why gravy?" sabi niya saka kumawala sa pagkakayakap ni Liam at inagaw rito ang gravy. Isinaboy niya iyon sa damit nito.
" Gumanti ka pa talaga. Lagot ka sakin ngayon." at bigla na lamang siyang inilang hakbang nito at magkasabay silang natumba sa sofa.
Napatili siya at napahalakhak na rin dahil pagkabagsak nila sa sofa. Nasa ibabaw niya ito. Dahil yata sa epekto ng alak ay hindi siya nakaramdam ng pagkailang sa posisyon nila.
Maya-maya ay natigilan siya sa pagtawa nang makitang seryosong nakatingin si Liam sa mukha niya. Nahihilo na siya pero naaaninag niya pa naman ang gwapong mukha nito. Hinawi nito ang ilang strands ng buhok niya na tumabing sa mukha niya.
" How to get over you, Brielle?" halos pabulong na sabi nito maya-maya sa kanya.
Dinaan niya sa tawa ang sinabi nito. At saka nagpilit na itulak ito paalis sa ibabaw niya pero hindi ito umalis. Huminto siya dahil wala na rin siyang lakas na paalisin ito.
" Bakit ganun 'no? Yung taong may gusto sa akin hindi ko gusto. Pero yung taong mahal ko, hindi naman ako kayang mahalin. Why life is so unfair?Why do we need to get hurt eh nagmamahal lang naman tayo 'di ba?" dala yata ng sama ng loob niya ay iyon ang lumabas sa bibig niya. Naramdaman niya ring tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya.
" May pinagdadaanan ka ba, Brielle?" tanong ni Liam saka pinunasan ang luha niya.
Mapait siyang ngumiti saka ipinikit lamang ang mga mata niya. Medyo inaantok na siya.
" Kung hindi ka niya kayang mahalin pwede akin ka na lang? Hindi kita sasaktan. Mamahalin kita ng buong puso ko."
Muli siyang nagmulat dahil sa sinabi ng binata. Itinaas niya ang isang kamay niya upang haplusin ang pisngi nito.
" Kung sana natuturuan lang ang puso. Siguro pinagbigyan na kita. Pero kahit na anong gawin ko siya pa rin ang gusto ko. Siya lang at wala ng iba."
Hinawakan ng binata ang kamay niya na nasa mukha nito at saka iyon hinalikan.
" Pero kahit ano'ng gawin ko, Brielle, hindi ka pa rin maalis sa isip ko. Gusto ko'ng sabihin na maraming babae dyan. Pero kahit kanino ako lumingon ikaw pa rin ang hinahanap ko. Is it too much kung magmamakaawa ako na ako na lang ang mahalin mo? Pwede ba, Brielle?"
Tumulo ang mga luha niya muli. Ramdam niya kung ano ang nararamdaman nito. Ganun rin ang nararamdaman niya para kay Kit.
" You don't have to beg, Liam. Ayoko nang maramdaman mo yung pinagdaanan ko. That's how exactly what I feel for, Kit. At ayokong paasahin ka dahil ako mismo ramdam ko kung gaano kasakit ang umasa sa isang tao na hindi ka naman kayang mahalin ng buo. Ang tanga lang natin talaga dahil hanggang ngayon pareho pa rin tayong umaasa."
Nakita niyang bumagsak ang mga luha nito. Pinunasan niya iyon gamit ang dalawang kamay niya. At pagkatapos ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. Nasa ibabaw niya pa rin ito. Nasa ganuong posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto at sumulpot si Kit.
Mula sa nahihilo niyang vision ay nakita niyang halos magdikit na ang makakapal na kilay nito at mula sa kinatatayuan nito ay inilang hakbang lamang sila saka padarag na hinila si Liam sa ibabaw niya at inundayan kaagad ng suntok sa sikmura.
Hindi kaagad na nakaganti si Liam dahil bukod sa nakainom na ito ay sa sikmura kaagad dumapo ang kamao ng binata. Kasunod nun ay sa mukha nito hanggang sa bumagsak sa sahig si Liam.
Nang akmang lalapitan pa nito ang binata ay tumayo na siya at kahit nahihilo ay napilitan siyang humarang para awatin si Kit.
" Stop it, Kit!" sigaw niya sa harapan ng binata.
Nakita niya ang nag-aapoy na mga mata nito na galit na bumaling sa kanya.
" Kinakampihan mo pa siya? Sige nga, Brielle tell me! Do you like that bastard?!" dumagundong ang galit na boses nito sa living room.
Matapos nang lahat ng isinakripisyo niya para rito tatanungin pa ba siya nito kung si Liam ang gusto niya? Bakit hindi muna nito isipin ang lahat ng mga ginawa niya para lamang mahalin rin nito? Why he is so quick to judge?
" I am asking you! Do you like him?!"
Dahil sa pagkainis na naramdaman niya at marahil ay epekto na rin ng alak ay galit na tiningnan niya ito sa mga mata saka sinagot.
" Oo! Gusto ko siya! Gusto ko siya dahil kaya niya ako'ng mahalin ng buong-buo. He is man enough to tell me how much he loves me. Na handa siyang magmakaawa mahalin ko lang. He doesn't think twice to tell me how much he cares for me. Eh ikaw? Hanggang kelan mo ako papaasahin? O may aasahan pa ba ako? Hindi ko nga alam kung totoong may nararamdaman ka sa akin. These past two weeks I can't even feel that you still care about me. Ayokong magalit sa'yo, Kit. But you are pushing me to my limits!"
Nakita niya ang pagkagulat sa gwapong mukha nito. She even saw pain into his eyes. Kung tama man ang nakikita niya ngayon. Napakurap-kurap ito saka saglit na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Liam. Then without saying any word ay muli itong lumabas ng bahay.
Tumulo ang mga luha niya pagkaalis ng binata. Napaupo siya sa sahig. Naramdaman niyang nilapitan siya ni Liam at niyakap.
" Why did you do that?"
“Did what?"
" You told him that you like me. We both know the truth right? I would be glad if that's exactly how you feel about me. Pero hindi eh."
" I don't why I said that. All I know is that I got hurt when he asked me if I like you. With all the sacrifices that I did for him, kailangan pa ba niyang tanungin ako ng ganun?"
Pinunasan ni Liam ang mga luha niya.
" But he loves you, Brielle. I can see it in his eyes."
" If he loves me he will tell me. If he loves me he will fight for me. If he loves me he will marry me. But he won't. You see what he did? He just chose to silently walk away. He doesn't love me. That's the truth. And I have to accept it now." saka siya napahagulhol ng iyak. Niyakap na lamang siya ni Liam habang patuloy siya sa pag-iyak.