Chapter Eighteen

4983 Words
HABANG umiiyak siya sa balikat ni Liam ay biglang lumabas si Feny sa guest room. Pupungas-pungas ito na tila nakatulog yata sa banyo. Hindi niya alam kung epekto lamang ng alak na nainom niya but she saw pain or sadness in her eyes habang nakatingin sa kanila ng binata. " Ano'ng drama 'to?" tanong nito saka lumapit sa kanila. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Liam. " Wala ka'ng kamalay-malay dumating si Kit kanina at sinuntok si Liam." Bumakas ang pagkagulat at pag-aalala sa magandang mukha nito at kaagad na lumuhod at sinapo ang mukha ng binata. " Oh my goodness. Are you okay? You have bruise right here." bakas ang concerned sa tono nito na tila biglang naglaho ang kalasingan. Kaagad naman na iniiwas ni Liam ang mukha nito nang akmang hahawakan ni Feny ang pasa sa may cheek bone nito. " I am fine. Where have you been by the way? Nagkagulo na lahat wala ka pa'ng alam." " I was so freaking drunk. I fell asleep in the bathroom." Napailing-iling si Liam. Tumayo naman si Feny at kaagad na bumalik sa bathroom sa guestroom. Nang bumalik ito ay may dala ng face towel at maliit na planggana. Tumungo rin ito sa kusina para kumuha ng yelo. " Hoy lalakeng martyr. Halika rito. Gamutin natin yang pasa mo." sabi nito kay Liam saka sumenyas na umupo sa couch. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Sa nakikita niyang concerned ni Feny sa binata gusto niyang isipin na mas malalim pa sa simpleng paghanga ang feelings nito kay Liam. Sa tuwing nagagalit siya noon kay Liam dahil sa kakulitan nito napansin niyang parating tahimik ang kaibigan or hindi kaya ito ang lalapit sa binata para lang mailayo sa kanya. Noong nasa Island sila si Feny rin mismo ang gumagawa ng way para hindi makalapit si Liam sa kanya. Hindi niya alam kung ginagawa nito iyon para hindi sila maistorbo ni Kit o dahil sa pangsariling interes lamang nito. Kahit hindi nito sabihin sa kanya ng diretso na may gusto ito kay Liam she can tell from her actions towards him. At habang pinapanuod niya ang mga ito hindi niya maiwasang mapuna na mas bagay ang dalawa. They should seriously hook up. If only Liam can see what's infront of him. Pero gaya nang sabi nito kahit na kanino ito lumingon ay siya pa rin ang nakikita nito. Which is very sad. " Take off your shirt. You have gravy all over your shirt. Ano ba'ng nangyari, girl?" baling naman nito sa kanya habang hinuhubad ni Liam ang damit nito. Ikinuwento niya kay Feny ang mga nangyari. Mula sa biglaang pagsulpot ni Kit hanggang sa pagsuntok nito kay Liam at paglalabas niya ng hinanakit sa binata. Ngayon hindi na niya kayang itago kay Liam ang totoong estado nila ni Kit. Pero ang importante ay alam nito ngayon ang lagay nito sa kanya at kung gaano niya kamahal si Kit. Para hindi ito umasa. " Kahit naman kase sino magseselos sa itsura nyo 'no. Magkapatong ba naman kayo sa couch. Kahit ako ang makakita sa inyo magseselos ako eh." dire-diretsong komento nito. Napatingin sila ni Liam dito. So, may gusto ito kay Liam? " Bakit ka naman magseselos?" kunot noong tanong ng binata rito. Sandaling tila na-off guard ito pero maya-maya ay tumawa. " May gusto nga ako sa'yo eh 'di ba?" more on biro ang pagkakasagot nito. " This is not the right time to joke, Fen." sabi ni Liam. Nakahubad na ng shirt ang binata at nakaharap kay Feny. Again, kita niya ang paghanga sa mga mata ng kaibigan habang nakatingin sa katawan ng binata. Kahit ilang beses na nitong nakita ang katawang iyon parati niyang napapansin ang tila sparkle sa mga mata nito sa tuwing hubad-baro ang binata. Umupo na si Liam sa tabi nito at sinimulan na nitong lapatan ng face towel na may yelo ang pasa ng binata. Habang pinapanuod niya ang mga ito ay iniisip niya si Kit. Saan kaya ito pumunta at this hour? Ano na'ng mangyayari sa kanila? Babalik pa kaya ito? Parang gusto niyang magsisi sa pagsisinungaling na sinabi niya rito na may gusto siya kay Liam. Pero na-fed up na siya at bigla siyang napagod sa relasyon nila na walang linaw. Paano kung wala nga itong balak na pakasalan siya? Kung totoong mahal siya nito ipaglalaban siya nito. Hindi ito basta na lamang aalis dahil lamang sa mga nakita nito at narinig sa kanya. Sana nagtanong pa ito o sana man lang inisip nito ang pagpapaubaya na ginawa niya rito. Malungkot siyang napabuntong-hininga. Birthday na birthday niya ito ang regalo ng binata sa kanya. " Aray ko, Feny. Dahan-dahan naman!" Muli siyang napatingin sa dalawa. Minsan parang aso at pusa rin ang mga ito. " Dodoblehin ko yang pasa mo kapag hindi ka pa tumigil sa kabaliwan mo kay Brielle. Hindi ka nga mahal 'di ba? Tigas ng ulo mo eh. Tingnan mo nangyari." sermon ng kaibigan niya sa binata. " Ano ba'ng nakita mo kay Brielle na wala sa akin? Kung ganda lang naman eh magka-level lang kami. Gusto ko'ng sabihin na mas maganda ako pero syempre I want to be humble. Kaya same level na lang. Kung sa body figure naman well mas malaki hips niya pero mas malaki boobs ko. Mas mabait ako sa kanya. Kase tingnan mo kahit pinagtutulakan ka palayo pinagtyatyagaan kitang damayan. Ako lang nagtyatyaga sa'yo. Kaya idilat mo yang mga mata mo. Iuntog kita sa pader eh." Kahit nalulungkot siya ay hindi niya maiwasang mapangiti sa dalawa. That's why she loves this girl. Kahit may katok sa utak super maalagain ito. " Alam mo bakit hindi kita type? Kasi may pagka-bayolente ka at siraulo. I honestly have no idea bakit naging close kayo ni Brielle. Layo ng ugali mo sa kanya." Binatukan ito ng dalaga. " See, so violent!" " Gago ka pala eh. Sa susunod na bastedin ka pa ni Brielle don't you dare call me huh! One thousand times ka na yatang binasted naghahabol ka pa rin. Tapos tatawagan mo'ko at maglalabas ka ng mga sama ng loob mo." " Ang cute nyo'ng dalawa. Liam, mag-isip ka'ng mabuti. Baka nasa harapan mo lang yung taong deserve mo." hindi na nakatiis na sabad niya sa mga ito. " I love you, Brielle. Super friend talaga kita." Umiling-iling lang ang binata at hindi na kumibo pa. " By the way, did you check the guest room? May flowers and cake do'n." sabi ni Feny maya-maya. Napakunot noo siya saka tumungo sa guest room. Nang makapasok siya sa loob ay may nakita siyang cake at flowers na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Binasa niya ang maliit na card na nasa flowers. Dearest Brielle, I would like to be the first person to greet you so happy happy birthday to you. These past two weeks has been the saddest week of my life. I can feel that you are avoiding and ignoring me. I know that you got hurt from the last convo that we had. And I sincerely feel sorry for that. Tonight I would like to take you out for dinner to celebrate your birthday and to make up from all my lapses. I hope you'll forgive me from all my mistakes. Love lots, Kit Nakagat niya ang ibabang labi niya saka hindi na napigilan na napaiyak. May sorpresa rin naman pala ito kahit papaano sa kanya. Pero hindi pa rin sapat ang note nito sa card para mapawi ang lungkot niya. At bakit hindi nito ibinigay sa kanya ang mga ito? Naiinis na itinapon niya na lamang sa basurahan ang card. Wala na rin namang silbi iyon sa ngayon. Pinahid niya ang mga luha niya at lumabas muli ng silid. Napatingin siya sa orasan. Alas dos na ng madaling araw. Sinabi niya sa dalawa na dito na lamang matulog. Umakyat na siya sa silid niya at nagpahinga. She needs some rest. KINABUKASAN nagising siya sa pag-ring ng cellphone niya. Napatingin siya sa wall clock. Alas otso pa lamang ng umaga. Mommy niya ang tumatawag. She pressed the answe button. " Hello, Mamu." " Happy Birthday, anak. Pupunta kami dyan ng Ninang mo mamayang dinner. Okay lang ba?" " Po? Ahm.. no need na Mamu. Wala kami sa bahay mamaya." pagdadahilan niya. Ayaw niyang malaman ng mga ito na nag-away sila ni Kit. Not now atleast. " Where are you guys then?" " We will celebrate outside, Mamu. Exclusive for the two of us. Next time na lang po tayo mag-celebrate." " Okay. If that's what you want. I'm gonna call your Ninang now. Happy birthday uli anak. I love you." " Love you too, Mamu." Nang patayin niya ang linya ay may mga messages rin siya galing sa mga co-workers niya. Una niyang binuksan ang text ni Liam. ' Happy birthday again, Brielle. We left your house first thing in the morning. We need to prepare our special present for you today.' Napakunot noo siya. Ano'ng special present pa ba iyon? Hindi pa ba sapat na nagdala ng cake at wine ang mga ito? Hindi na niya nireplyan ang binata dahil inaantok pa siya. Muli siyang natulog. At nagising muli paglipas ng dalawang oras. Alas dies na ng umaga. Inilibot niya sa paligid ng silid ang mga mata niya. At mula sa napakatahimik na paligid ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Napatingin siya sa picture frame na nasa side table. Picture nila iyon ng binata. Parang dinudurog ang puso niya habang nakatingin sa larawan nila. Hanggang sa tumulo na naman ang mga luha niya. This is the saddest birthday in her entire life. Kinapa niya ang side na hinihigaan ni Kit. At saka kinuha ang unan nito at inamoy. Unang araw na hindi ito natulog katabi niya at nangungulila na kaagad siya rito. Niyakap niya ng mahigpit ang unan at umiyak ng umiyak. Gusto niyang tawagan ang binata kung nasaan na ito pero pinigilan niya ang sarili niya. Sa itsura nito kagabi ay mukhang wala na ito'ng balak pa na ayusin ang kung anumang relasyon mayroon sila. Parang pinipiga ang puso niya nang maalala na naman ang mga nangyari kagabi. At parang ngayon lamang tumatak sa isip niya na malabo na talagang maging opisyal na sila. Kung anumang maliit na pag-asa ang mayroon siya ay naglaho na ang lahat ng iyon dahil na rin sa mga nasabi niya kagabi. Ang tahimik na pagluha niya ay nauwi sa malakas na hagulhol habang tila flash back sa isip niya na naalala niya ang lahat ng mga masasayang araw na magkasama sila. Ang unang gabi na isinuko niya ang katawan niya. At lahat ng mga sweet moments na magkasama sila. Parang gusto niyang matulog at isipin na sana panaginip lamang ang lahat. Na sana hindi siya nasasaktan ng ganito ngayon. Na sana.... Bigla siyang napahawak sa noo niya nang tila makaramdam siya ng pagkahilo. At maya-maya pa ay tila hinahalukay ang sikmura niya. Napabalikwas siya ng bangon sa kama at kaagad na tinungo ang bathroom. Sumuka siya sa sink. Nakailang duwal muna siya bago lumabas ang mga kinain nila kagabi at liquid na amoy alak. Nagmumog siya at naghilamos ng tubig. Saka niya tiningnan ang mukha niya sa salamin. She looks so pale. Saka niya lamang naalala na delayed na ng one week ang period niya. Hang over lamang ba ito or she could be preggy? She decided to open the medicine cabinet and took out the pregnancy test that she bought noong isang araw. Dahil delayed na siya ng few days noon ay minabuti niyang bumili nito. Hindi nga lang siya nagdecide na gawin ang test. Gusto sana niyang hintayin na ma-delay muna ng one month. Pero mula kahapon ay nakaramdam na siya ng kakaiba sa katawan niya na pilit niya lamang iniignora. Matapos buksan ang packaging ng pregnancy test ay nagsimula na siyang sundin ang instructions na naroroon. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang hinihintay na lumabas ang result sa digital pregnancy test na binili niya. Hindi naman nagtagal at lumabas ang resulta noon. Lalong bumilis ang pintig ng puso niya nang makita ang result. She was one or two weeks pregnant according to the result. Bigla niyang naalala noong huling beses na may mangyari sa kanila ni Kit. Fertile nga siya noon at mahigit dalawang linggo na ang nakararaan mula nung huling s****l i*********e nila ng binata. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Pero ang una niyang naramdaman ay lungkot. Bakit ngayon pa siya nabuntis gayong nagkakalabuan na sila ng binata? At bigla rin siyang na-guilty dahil uminom siya ng alak kagabi. Naiiyak na napahawak siya sa flat niyang tyan. Hinaplos-haplos niya iyon. Habang sa likuran ng isip niya ay humihingi siya ng tawad. Hindi pa rin halos mag-sink in sa isip niya ang mga nangyari sa kanya. Habang magulo pa ang isip niya ay nagpasya siyang maligo muna. Pupunta siya sa doktor upang mas masigurado na buntis nga siya. Kung totoo man ang nasa pregnancy test gusto niyang makasigurado na maayos ang lagay ng bata. Matapos maligo ay nagbihis na siya saka siya lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pintuan ay may nakita siyang papel na nakadikit doon. Napansin niyang handwritten iyon ni Kit. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya iyon at binasa. Dearest Brielle, After what happened last night I realized that we are not meant for each other. I felt hurt when you told me na may gusto ka kay Liam. I thought you love me enough to wait until I finally decide from where we stand. But then I was wrong. Akala ko talaga ako ang mahal mo dahil sa'kin mo ibinigay ang sarili mo. But then again I can't blame you if you got fed up on me. I know na may mga pagkukulang rin ako. Gusto ko sanang ayusin kung anumang problema ang mayroon tayo. But after seeing you last night with him and hearing those painful words direct from your mouth, it literally torn me apart. Maybe we need to accept na hanggang dito na lang tayo. I know you did your best and I tried too. But it seems like we are not meant to be together. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko at binago mo ang pagkatao ko. And no matter what happens you will still and will always be the best thing that ever happened in my life. Thank you for all the efforts that you have put in. And like what I always said to you before, I will cherish and treasure the night that we both give in into each other. I will never forget that. I wish you all the best and hoping that Liam could give you all the love that you want in the world that I cannot give to you. Sana maging masaya ka sa kanya. Always, Kit Nanghihinang napasandal siya sa may pintuan nang mabasa ang sulat nito. Hanggang dito na lang ba talaga sila? Paano na ang magiging anak nila? Dapat ba niyang linawin ang mga kasinungalingang sinabi niya kagabi? Sobrang sakit ng dibdib niya. Kahit halos mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak ay hindi niya mapigilan na lumuhang muli. Napatingin siya sa sulat na hawak niya? Kelan pa pumunta rito ang binata? Umuwi ba uli ito rito? Ramdam niya ang urge na makita ito at mayakap muli. Binuksan niya ang dalawa pa'ng silid sa itaas sa pagbabakasaling naroon ito. Ngunit wala doon ang binata. Tumungo siya sa hagdanan at akmang bababa nang makita niya na nasa dulo ng baitang ng hagdanan ang binata. Patalikod itong nakaupo mula sa direksyon niya. Kumabog ang dibdib niya. Ngayong nandito pa ito ano'ng sasabihin niya? Ipapaliwanag niya ba ang mga nangyari kagabi? Magmamakaawa ba siya rito na mahalin siya? Pero para saan pa? Hindi naman nito sinabi sa sulat na may nararamdaman ito sa kanya. Pero sobra ang pangungulila niya rito. The thought of letting him go suddenly hit her right now. Na kapag sumuko siya ay tuluyan na itong mawawala sa kanya. Should she give up her love for him? " Kit..." naiiyak na sa anas niya sa pangalan nito. Lumingon ang binata at saka tumayo. Gusto niya itong sugurin ng yakap at halik. Pero hindi magkasundo sa ngayon ang puso at isip niya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan. Nang makaharap na niya ito ay hindi niya malaman ang gagawin. Muli niyang tiningnan ang sulat na hawak saka iyon itinaas upang makita nito. " Talaga ba'ng ipapaubaya mo ako kay Liam? Sa loob ba ng ilang buwan na pagsasama natin hindi ka man lang na-inlove sa'kin? Wala lang ba sa'yo yung lahat ng mga sakripisyo ko at pinagsamahan natin? Hindi mo ba talaga ako minahal kahit minsan sa buhay mo? Kahit sa loob lang isang linggo, isang araw, isang oras o isang minuto? Wala ka ba talagang naramdaman na pagmamahal kahit konting-konti lang?" tumutulo ang mga luha na tanong niya. Hindi ito sumagot. Nakatitig lamang ito sa kanya. Ang sakit-sakit ng puso niya. " Ano? Sagutin mo'ko! Kasi pagod na pagod na ako'ng hulaan kung ano ang nasa puso at isip mo! Pwede ba kahit ngayon lang liwanagin mo sa akin kung ano ako para sa'yo?! Wala ka ba'ng naramdaman kahit na konting pagmamahal man lang sa akin? Wala ba? Sumagot ka!" sa sobrang sama ng loob niya ay naisampal niya sa dibdib nito ang sulat na ginawa nito. Pagkatapos ay pinaghahampas niya ito. Mabilis namang hinuli ng binata ang dalawang kamay niya. Hinawakan nito iyon ng mahigpit trying to stop her sa paghampas dito. " Ayoko na, Brielle. Ayoko ng ipagpatuloy pa ang ganitong sitwasyon natin. Ayoko ng saktan ka pa at paasahin. Ayoko nang makita ka'ng umiiyak nang dahil sa akin. Ayoko na, na ganito tayo. Gusto ko maging masaya ka na. At ito lang ang paraan na naisip ko para sa ikabubuti mo. Para sa ikasasaya ng puso mo." " Ano'ng paraan? Ang ipaubaya ako kay Liam ng ganun-ganun lang? Hindi ka man lang ba magtatanong? Hindi mo man lang ba iisipin---" " Ssshhh." awat nito sa kanya sa pamamagitan ng paglagay ng hintuturo nito sa mga labi niya. Napakunot noo siya nang bigla nitong hawakan ang magkabilang pisngi niya. Tiningnan siya nito sa mga mata. Lalo siyang nagtaka nang mabasa ang tila amusement sa mga mata nito? " Pwede ba ako'ng magsalita? Pwede ba makinig ka muna?" malambing na ang boses na sabi nito sa kanya. Hindi siya kumibo kaya marahan siya nitong binitiwan saka nagpatuloy. " Gaya ng sinabi ko kanina. Ayoko na ng ganitong sitwasyon, Brielle. Hindi ko na kayang makita ka'ng malungkot at nasasaktan. Gusto ko maging masaya ka na. At ito lang ang paraan na naisip ko para tuluyan ka ng maging masaya." Nagulat siya nang may dinukot ito sa bulsa nito saka lumuhod sa harapan niya. At pagkatapos ay binuksan nito ang isang maliit na kahon sa harapan niya. Lalo siyang naguluhan nang makita kung ano ang laman noon. Isang diamond ring. " Gabriella Agustin, I am Kit Solis. The gay that you have turned into a guy. Right now I am on my knees and before I ask you. Let me tell you first how much I love you." Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig sa mukha nito. Naguguluhan siya sa mga nangyayari and at the same time ayaw niyang kumurap dahil baka bigla na lamang itong mawala sa harapan niya. " Brielle, Sorry sa lahat ng heartaches na binigay ko sa'yo. And sorry for that stupid letter. Kung ano yung sasabihin ko ngayon sa'yo this is what exactly how I feel for you. Gusto ko'ng malaman mo that since that day that you cried infront of me ginulo mo na ang isip ko. I don't know why but after that day biglang nagbago kung ano ang tingin ko sa'yo. At simula nung may nangyari sa atin I knew inside my heart na mahal na kita noon. Masyado lang ako'ng takot at naduwag para aminin sa'yo ang bagay na ‘yun that's why I asked you to give me time to think. Sana hindi mo inisip na everytime na may nangyayari sa atin ay lust lang ang dahilan noon. I made love to you because I love you. Masyado lang ako'ng natakot na panindigan yung totoong nararamdaman ng puso ko sa'yo. After seeing you last night with Liam that was when I realize how much I love you. That I got so jealous because I was too scared of the thought of losing you. Pero dahil sa bibig mo na mismo nanggaling na gusto mo si Liam lalo ako'ng nasiraan ng ulo at nasaktan sa sinabi mo. I was blaming myself the whole night because you had a change of heart. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang masabi sa'yo kung gaano kita kamahal. I kept telling myself that I was so stupid and coward. Muntik ka ng mawala sa'kin dahil sa kaduwagan ko na hindi man lang kita maipaglaban o hindi ko man lang maamin sa'yo yung totoo ko'ng nararamdman. Pero salamat kay Liam. He cleared up everything to me this morning." Huminto at sandali at kinuha ang isang kamay niya. Hinalikan nito iyon. " Tumawag sa'kin si Liam kanina at sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi mo kagabi na gusto mo siya. Sinabi niya sa akin na ako ang totoong mahal mo at nasabi mo lang yun out of your anger towards me. Sinabi lahat sa akin ni Liam how much you love me. At kung hindi raw ako gagawa ng move ngayong araw para suyuin ka. He will do everything para kunin ka sa akin ng tuluyan. Pero syempre mahal kita so here I am." Sa haba ng mga sinabi nito ay hindi kaagad mag-sink in ang lahat ng iyon sa isip niya. Naguguluhan siya sa bilis ng mga pangyayari. Pero bigla niyang naalala ang text ni Liam sa kanya kanina. Is this the present that he was saying? " I don't wanna hurt you anymore. Let's forget everything that happened in our past. Let's put label to our relationship. From complicated let's change it to engage. So, Brielle, will you be my best friend, future wife, mother of my children and partner in crime for life? Will you marry me please?" nagsusumamong tanong nito sa kanya. Hindi siya nakapaniwala sa narinig. Napahagulhol siya ng iyak. Totoo ba ito? Nagpo-propose ba talaga ito ngayon sa harapan niya? Hindi siya nakapagsalita kaya sunud-sunod na lang siyang tumango. Halos maluha rin si Kit pagkakita sa kanya na tumango. Tinanggal nito ang singsing sa box saka inilagay sa daliri niya. At pagkatapos ay tumayo ito upang halikan siya sa mga labi. Sobrang na-missed niya ang halik nito. Matapos siyang halikan ay pinahid nito ang mga luha niya. Tiningnan siya nito ng buong pagsuyo sa mga mata. " I love you, Brielle. I really do. Stop crying na." " This is your fault! Bakit ba gustong-gusto mo'ko paiyakin?! What was the letter for?" naka-pout na tanong niya rito. " It was just part of my proposal. Saka para makaganti na rin sa ginawa mo. You lied to me last night. Ngayon alam mo na gaano kasakit yung mga sinabi mo sa'kin kagabi. That's how exactly what I feel last night." Kinurot niya ito sa braso. " Kasalanan mo naman eh! Masyado ka'ng pakipot! Mahal mo rin pala ako pinaiyak mo pa ako ng ilang beses." Tumawa ang binata saka muli siyang hinalikan sa mga labi. This time mas mariin, malalim at mapusok ang mga halik nito. Kapwa sila humihingal ng maghiwalay sila. " I owe Liam big time. Kung hindi niya ako tinawagan at kinausap baka ngayon magulo pa rin isip ko." sabi nito after they kissed. Napangiti siya. Kailangan niya rin palang magpasalamat sa binata. Hanga siya sa pagiging sports nito. Kahit sobra ang pagtingin nito sa kanya ay ito na ang gumawa ng way para magkabati sila ng binata. " He would be your best man in our wedding. I need to thank him too. He's been a good friend to me." Muli siya nitong hinapit sa bewang. " I couldn't wait to tell to my parents the good news. I'm sure they'll be happy kapag nalaman nila na ikakasal na tayo." Speaking of good news bigla niyang naalala ang resulta ng pregnancy test niya kanina. Mabilis siyang kumawala rito at hinila ito sa kamay palabas ng bahay. " Hey, where are we going?" takang nito Kit nang nasa driveway na sila. " Open your car. I'll tell you later." Matapos nilang makapasok sa sasakyan nito ay sinabi niya na magmaneho ito papuntang ospital. Naguguluhan itong napatingin sa kanya. " Are you sick? What are we doing here?" nagtataka pa rin na tanong nito nang makarating sila sa Ospital. Hindi siya sumagot hanggang sa makapasok sila sa loob at dumiretso sa OB-gyne department. Nanlalaki ang mga mata ni Kit na napatingin sa kanya nang mabasa nito ang sign na OB-gyne. Hindi maitago ang excitement sa mukha na tiningnan siya nito. " Don't tell me we are preggy?" She sweetly smiled to him. " We'll find out." Walang tao masyado kaya naman kaagad siyang naasikaso matapos niyang mag-fill up ng form. After few questions and check up ay magkatabi silang naupo ni Kit sa harapan ng mesa ng Doktor. " According to all the tests that we did the result is positive. You are two weeks pregnant. Congratulations to both of you." sabi ng Doktora sa kanila. Tiningnan niya si Kit. Nangilid ang mga luha sa mga mata nila. They are pregnant! What a wonderful gift on her birthday. " We are going to be Mommy and Daddy. Buntis ka Brielle." naiiyak na sabi ni Kit saka masaya siyang niyakap. Matapos magbayad at magpasalamat ay lumabas na sila ng hospital. Magkahawak kamay sila habang papunta sa sasakyan. Bago sila pumasok sa kotse ay masaya siyang muling hinalikan ng binata sa mga labi niya. At tila hindi pa rin ito makapaniwala na hinaplos ang tyan niya. " Hi baby, Daddy is here. I can't wait to meet you. You are the best gift that your Mom's ever receive on her birthday. I love you baby." Napangiti siya nang halikan nito ang tyan niya. " Shooter ka pala. See, in just few months ang dami mo nang napatunayan. Thank you for this wonderful gift, Kit. I love you." " I love you too. Wow, we have so many good news for our parents. I think we need to celebrate your birthday with them. I'll call Mom." Pumasok na sila sa loob ng sasakyan. Tinawagan muna ni Kit ang parents nito nang makapasok sila sa loob. Habang siya naman ay tinawagan si Liam. She needs to thank him for this. Kung hindi dahil dito ay hindi siguro sila magkakaayos ng binata. Matapos mag-ring ng cellphone nito ay nagulat siya ng boses ni Feny ang sumagot doon na halos pabulong. " Feny? Where's Liam? Bakit ikaw sumagot sa phone niya?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. " Girl, I have a problem." " What is it?" Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito bago sumagot. " We had s*x. May nangyari---" " What?! Are you freaking serious?!" kaagad na putol niya sa sinasabi nito. " I'm serious. He was drunk. After he called Kit naglasing si gago. And as usual naglabas ng sama ng loob dahil this time sigurado na ikakasal ka na. And then ayun nga. Things happened too fast. He kissed me and we both ended up doing magic in bed. Ano'ng gagawin ko?" naguguluhang tanong nito. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa kaibigan niya. Hindi naman ito ng tipo ng babae na bibigay kaagad sa kama. Unless malalim talaga ang pagtingin nito kay Liam. " Eh nasaan si Liam?" " Tulog na. Sobrang lasing eh. And you know, napagod." " Lasing siya pero ikaw matino ang isip and yet pumayag ka na may mangyari sa inyo? Ano yan inabot ng kamanyakan katawan mo at bumigay ka? Something is wrong there." " Grabe sya. Manyak talaga 'te? Hindi ba pwedeng nabigla lang? I had hang over okay? Magulo utak ko." " Ano'ng konek nun sa pagpapaubaya mo? Yung totoo, Feny? Mahal mo si Liam 'no?" Hindi ito sumagot. Ilang minuto pa ang lumipas and she ended the call. Napapailing na ibinalik na lamang niya sa bag niya ang cellphone niya. Hindi siya makapaniwala na may nangyari sa dalawa. Ang daming nakakagulat na balita sa araw ng birthday niya. " Did I hear it right? Your two good friends had s*x?" usisa ni Kit sa kanya. " Correct. I was shocked." Napatawa si Kit. " Good for them. Atleast now I'm at ease na hindi ka na kukulitin ni Liam for good. Feny will guard him from now on." " Kahit naman kulitin ako ni Liam my heart will always belong to you. Ikaw lang ang gusto ko, Kit. And I am so happy that we will be a family soon." Kinuha nito ang kamay niya saka hinalikan iyon. " You will become Mrs. Gabriella Solis soon. I just can't wait. I love you, Brielle. Thank you for making me a real man. I owe you who I am today." " I love you more my soon to be husband." Matapos siya nitong halikan sa mga labi ay pinaandar na nito ang sasakyan pabalik sa bahay niya. Magdi-dinner sila mamaya kasama ang mga magulang nila. At doon nila ibabalita ang mga goodnews nila. Wala siyang paglagyan ng tuwa. Hanggang ngayon para siyang nakalutang sa alapaap dahil sa mga magagandang sorpresa na nangyari sa buhay niya ngayong birthday niya. Ang pag proposed ni Kit at ang pregnancy niya. Truely a blessings! What more she can ask for? Nang muli siyang lumingon sa binata ay hindi niya maiwasang mag-day dreaming. Ang sarap sa pakiramdam na tinapos na nito ang lahat ng pag-aalala niya. Soon they will be happily married.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD