Chapter Fourteen

2946 Words
PAGDILAT niya ng mga mata ay ang gwapong mukha ni Kit ang bumungad sa kanya. Nakatagilid ito paharap sa direksyon niya. Ngumiti ito sa kanya. Habang siya naman ay napakurap-kurap ang mga mata. Magkatabi silang natulog? Bigla niya rin na-realized na nakahubad sila sa ilalim ng kumot. Doon lang nag-sink in sa kanya na may nangyari nga pala sa kanila kagabi. Hindi niya alam pero parang ngayon siya nakaramdam ng kahihiyan sa ginawa niya. She was drunk last night but she can clearly remember what happened between them and how it all started. Pasimple siyang pumihit patalikod dito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Wala naman siyang nararamdaman na pagsisisi. Infact masaya siya. Pero hindi niya maipaliwanag dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya. Naramdaman niyang ipinulupot ni Kit ang braso nito sa bewang niya. At mula sa hubad niyang likuran ay ramdam niya ang hubad na katawan nito. Pati na rin ang galit na birdie nito. Bakit galit ang private part nito ang aga-aga? " Good morning..." bati ni Kit sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi niya. Hindi siya nakakilos sa ginawa nito. Hindi ba ito galit na may nangyari sa kanila? " Why you turned your back on me? Do you regret what happened, hmmn?" malambing na tanong nito sa kanya. Huminga siya nang malalim. Naramdaman niyang pilit siyang pinapaharap nito. Kaya naman bumaling siya paharap dito. Tiningnan siya nito sa mga mata. " Do you regret what happened between us, Brielle?" seryosong tanong nito. " No. Ofcourse not. I was just worried baka galit ka sa akin?" " Why would I be angry to someone who helped me to bring out the real me?" " Hindi ka nga galit?" medyo may kislap sa mga mata na paninigurado niya. " Hindi. I feel happy actually." " You feel happy? Does it mean... lalake ka na?" " I should be right? Bininyagan mo na ako eh." nakangiting sagot nito kaya naman napangiti na rin siya. " See, I told you lalake ka. You were just confused." " I guess so. Growing up mas malapit kase ako sa mga babae. Halos lahat ng nakakalaro ko puro babae. Kaya siguro na-confused ako." Totoo ang sinabi nito. Mula pagkabata hanggang high school nila mas malapit ito sa mga babae. Dahil doon kaya madalas nabu-bully ito na bakla. Kaya siguro na-confused na rin ito dahil parati itong natutukso na bading. " Brielle, salamat sa'yo. Kahit ang sama ng trato ko sa'yo noon you still chose to stay. I'm not even sure kung ano'ng nagustuhan mo sa akin. I don't even think that you deserve me nor I deserve you. I had no idea na nasasaktan na pala kita noon. Hindi ko naman kasi alam na may gusto ka pala sa akin. Sa loob ng isang araw na hindi kita nakasama I felt so sad. I don't know why I felt this emptiness after you left the other day. Siguro dahil nasanay na ako na magkasama tayo sa bahay. Sobrang na-missed kita kahit isang araw ka lang na nawala. Until I found myself infront of the computer and looking for the tickets. I had no idea why I followed you here. Ayokong mag-conclude agad because believe me these are all new to me. This is the first time na nakaramdam ako ng ganito sa isang babae. And I'm still trying to observe or explore more about it." Hindi muna siya nagsalita. Hahayaan niyang ito ang magsalita muna. Minsan lang ito magsabi ng nasa loob nito kaya hindi niya muna i-interrupt. " I know that you are wondering where we gonna go after this. And I want to tell you na sana bigyan mo muna ako ng panahon na pag-aralan iyong nararamdaman ko. We were each other's first. I know how you value your virginity but you chose to give it to me. Right now I can't promise to marry you right away. But it doesn't mean na tatakbuhan ko ang responsibilidad ko sa'yo. I don't wanna hurt you anymore but at the same time I don't want us to rush everything. I wanna ask you kung okay lang ba sa'yo na wala munang kasalan and let's just enjoy the special connection that we have kung meron man. Alam ko kapag nalaman ng mga parents natin na may nangyari na sa atin they will arrange the marriage immediately. At gaya ng sinabi ko kanina these are all new to me. Gusto ko kapag nagdesisyon ako about sa kasal sigurado na ako. Because it is a lifetime commitment. Ayokong saktan ka at sa huli maging miserable lang ang buhay nating dalawa." Medyo nalungkot siya sa sinabi nito. So, ayaw muna nitong magpakasal sila. Naiintindihan niya naman ang nararamdaman nito that everything was new to him. Nag-expect lang talaga siya na baka mahal na rin siya nito kaya bumigay na rin sa kanya. " You are still unsure of your feelings tama ba ako?" Tumango ito. Pilit siyang ngumiti. " Okay. I understand. I will give you more time to discover more about it." " One more favor. Please don't tell this yet to our parents." " Yeah. Sure." Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Wala siyang maisip na sabihin. Medyo nasaktan siya na hindi pa ito handa na magpakasal. Pero atleast malinaw na ngayon na lalake talaga ito at hindi bading. " Are you okay?" tanong ni Kit nang hindi na siya umimik. " I am okay. I just can't believe that it happened." sagot niya na sa ceiling nakatingin. Ayaw niyang ipahalata rito na medyo nasaktan siya sa desisyon niyo. But she respects it. Hinawi nito ang ilang strands ng buhok niya na napunta sa may mukha niya. Pagkatapos ay tinitigan siya nito sa mukha. " May I know why you chose to give in? I mean, why me?" Napatitig siya rito. Kahit yata buong araw niyang tingnan ang gwapong mukha nito hinding-hindi siya magsasawa. " I honestly don't know why you. At kahit ilang beses mo pa'ng sinabi sa akin noon na bakla ka hindi iyon naging dahilan para mabawasan ‘yung pagmamahal ko sa'yo. I instead challenged myself na gawin ka'ng tunay na lalake by all means. At isa nga 'to sa way para mapatunayan sa'yo na may pag-asa pa ‘yung gender crisis mo. Hindi ko rin maintindihan talaga bakit ikaw. Na kahit ilang taon tayong hindi nagkita hindi ka pa rin naalis sa isip at puso ko. You were my first love. And I guess it only proves that first love never dies. You were my first in everything Kit. And no matter how bad you treated me before, my heart still wants you. Just you. And I never questioned myself why. My heart wants what it wants." Ngumiti ito saka hinaplos ng hinlalaking daliri nito ang kaliwang pisngi niya down to her lips. Napapikit siya sa ginagawa nitong paghaplos. Maya-maya pa ay namalayan na lamang niya na sakop na nito ang mga labi niya. Tinugon niya ang halik nito ng buong puso. Ang sarap sa pakiramdam na ito ang kusang humalik sa kanya. Kusang loob at walang epekto ng alak. Ilang sandali pa ay nasa ibabaw na niya ito habang hindi pa rin humihinto sa paghalik sa kanya. Hindi niya mapigil na hindi mag-init lalo pa at nararamdaman niya ang matigas na private part nito sa ibabaw ng katawan niya. " You are driving me insane, Brielle. I want more of you." humihingal na sabi nito nang iwan saglit ang mga labi niya. Dahil sa sinabi nito ay siya na ang kusang kumabig dito. She kissed him passionately. Kung wala pa itong plano na magpakasal gugustuhin niyang sulitin na ang araw na ito. Dahil hindi niya alam kung kelan uli ito mauulit. Muli siyang magpapaubaya. At sa pangalawang pagkakataon ay may nangyari muli sa kanila. HABANG nasa bathroom pa si Kit ay may kumatok sa cottage niya. Kasunod niyon ay ang boses ni Liam. " Brielle, are you up?" Tumungo siya sa may pintuan para buksan iyon. Nakita niya si Liam na may dalang plastic bag. " Hi, aga mo naman mangapit bahay?" biro niya rito saka lumabas at isinara ang pinto. Baka makita nito ang magulong kama niya na kungsaan ay may mantsa pa ng dugo. Ngumiti ito sa kanya saka itinaas ang plastic na hawak. " Nag-take out ako ng breakfast sa restaurant. Kain tayo?" " Nag-take out ka pa talaga eh pwede naman magpa-room service." nakatawang sagot niya. " Iba pa rin yung dala ko syempre. Effort kung effort." Hindi siya kaagad nakasagot. Nagpapasaring na naman ba ito sa kanya? Sana naman hindi. " So, dito na tayo sa cottage mo o sa cottage ko?" tanong uli nito. Bago pa siya nakasagot ay biglang bumukas ang pintuan ng cottage. Lumabas si Kit na nakatapis lamang ng tuwalya sa ibaba. Basa pa ang buhok at tumutulo ang tubig mula sa ilang strands ng buhok nito. Nakita niyang nabigla si Liam nang makita ang binata. " Good morning, brod." bati ni Kit dito sabay akbay sa kanya. " Dito siya natulog sa cottage mo?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Liam sa kanya. Nakangiti siyang tumango. Just incase umaasa pa rin ito ngayon gusto niyang makahalata ito na may nangyari na sa kanila ni Kit. Para tuluyan na siya nitong makalimutan. " Yes. He's my fiance remember?" Tumawa si Liam. " I know. But I thought he checked in to different cottage." " I did. But I missed her. So, I shared the bed with her." si Kit na ang sumagot na ikinagulat niya. " Oh okay. Ahm, nag-take out ako ng food for breakfast. Dumaan lang ako para iabot kay Brielle." at ibinigay na nito sa kanya ang plastic saka nagmamadaling umalis. Nang makaalis na si Liam ay walang imik na pumasok na si Kit sa loob. Sumunod siya rito. " He's still courting you, hmmn?" tanong nito nang maisara niya ang pinto. " Nah. I don't think so." sabi niya habang tinitingnan ang mga pagkain na binigay ni Liam. " I think he does. Bakit kelangan ka pa'ng dalhan ng pagkain dito?" Hindi naman ito ang unang pagkakataon na binigyan siya ni Liam ng pagkain. Madalas itong gawin ng binata sa tuwing magkasama sila sa pictorial. Pero ito ang unang pagkakataon na tinanggap niya ang bigay nito dahil nga ang alam niya ay malinaw na rito na malapit na siyang ikasal. " He used to do that whenever we have pictorial." Napansin niyang nalukot ang gwapong mukha nito. Wait, is he jealous?If he is papalakpak ng husto ang mga tenga niya at tatalon sa tuwa ang puso niya. " Yeah. And he used to kiss your neck also every pictorial." sabi nito saka muling pumasok sa banyo para magbihis na. Hindi kaagad nag-sink in sa isip niya ang sinabi nito. But then bigla niyang naalala na pinanuod nga pala nito kahapon ang pictorial nila ni Liam. Kaya ba bigla itong nawala sa audience dahil nagseselos ito sa pose nila ni Liam? Hindi niya mapigilan ang mapangiti. He is jealous then. Gusto niyang mapasayaw sa naisip. Nang magbalik ang binata ay pinigil niyang mapatawa. But she couldn't help it. She started to smile again until she bursted out from laughing. " And what's funny, Gabriella?" tila naiinis na baling nito sa kanya. " Ikaw." sagot niya saka lumapit dito. Pilit niya itong tinitigan sa mga mata. " Tell me, are you jealous with Liam?" Umiwas ito ng tingin at nagkunwaring inaayos ang manggas ng shirt na suot nito. " I am not. Why would I?" " How do I know. You are suddenly acting weird. Just asking." " Hindi." supladong sagot nito. " Galit?" Kunot noong nilingon na siya nito. " Lalabas ba tayo o hindi? I'm starving." At nagsuplado na lang bigla. " We have food. Yung bigay ni Liam." at inginuso niya ang plastic bag na nasa table. Hindi man lang nito iyon tinapunan ng tingin. " I'm not gonna eat that. I will eat outside. Kung gusto mo'ng kainin ‘yang bigay ng suitor mo go ahead!" tila galit na sabi nito saka naglakad na palabas sa pintuan. Nagmamadali niya namang hinabol ito. " Hey, Kristobal wait!" sigaw niya. Hindi ito lumingon sa kanya nang maabutan niya at sabayan sa paglakad. " Slow down. Para ka namang hinahabol ng sampung kabayo nyan sa bilis mo'ng maglakad." Hindi pa rin ito umimik. Patuloy lang sa paglalakad at diretso ang tingin sa daan. " Wow suplado mode si Kristobal. May period 'te?" " Shut up, Gabriella!" Napatawa na naman siya. Hinawakan niya ito sa braso. " Slow down na kase. Bilis mo maglakad eh." Bumuntong hininga ito saka dahan-dahan nang naglakad. Iyong lakad na mabagal pa yata sa pagong ang ginawa naman nito. " There happy?" sarkastikong tanong nito. " Ang sarcastic ha. Huwag ka na magselos kay Liam. Katrabaho ko siya syempre may mga posing talaga kami na intimate. It's part of our job. Nothing personal there." nag-explained na siya para maliwanagan ito sa nature ng trabaho niya. " Do you like him?" Mabilis siyang umiling. " Of course not! As of now we are good friends. That's it." " Sure?" " Sureness. Walang halong eklabush." Muli itong naglakad ng normal. But this time kinuha nito ang isang kamay niya na nakahawak sa braso nito. Hinawakan nito ang kamay niya habang naglalakad sila. Para siyang tanga na mukhang maiihi na sa kilig. Kanina lamang ay medyo nainis siya dahil hindi pa ito handa sa kasal. Pero ngayon para siyang teenager na nalulunod sa kilig. Only this guy can turn her emotions upside down. " So, are you jealous?" Hindi muna ito sumagot. Pero hindi siya titigil hanggat hindi ito umaamin. " If you think I am jealous and so be it. Para sa ikatatahimik mo." Napahalakhak siya. Saka iniyakap na rin ang isang kamay sa braso nito. " Wala ka'ng dapat ipagselos. Ikaw lang sapat na sa akin." Hindi na sumagot si Kit kaya tumahimik na rin siya. Pumunta sila sa floating restaurant. Nag-order sila ng breakfast at matapos kumain ay nagpasya silang maglakad-lakad sa dalampasigan. At gaya kanina hawak nito ang isang kamay niya habang naglalakad sila. " I'm curious, you told me na mula noon hanggang ngayon ako lang ang gusto mo. But did you ever have a boyfriend?" tanong nito sa kanya maya-maya. " Yeah. But those were flings. Akala ko kase makakalimutan kita kapag nag-boyfriend ako ng iba. Pero walang nangyari." " Hindi ka ba nandidiri na may pagka-bading ako dati and I even had a relationship with a guy before." Tiningnan niya ito sa mga mata. Sa totoo lang hindi na siya nasasaktan na malaman na may nakarelasyon rin itong lalake noon. Ang importante nakaraan na iyon. Ganito yata talaga kapag sobrang mahal mo isang tao. Handa mo'ng yakapin at tanggapin ang lahat ng kamalian niya at imperfections. Wala namang taong perpekto. At minsan sa buhay natin may mga pangit at masakit na bagay muna tayong kailangang pagdaanan bago tayo maging mabuting tao. Minsan kailangan nating magkamali o madapa muna para lamang mamulat tayo sa katotohanan. " Beleieve it or not, I don't. Wala ako'ng pakialam sa nakaraan mo. Whatever happened in your past it will remain there forever. It doesn't matter to me now kahit dumating ka sa point na gano’n. What matters now is the new you. You made mistakes in your past pero ang importante sa ngayon alam mo na kung sino at ano ka. Kung anuman yung mga nangyari sa nakaraan mo noon forget it. I don't care about it anymore. I am happy to see the changes in you at kahit na ano'ng mangyari hindi na magbabago yung nararamdaman ko para sa'yo. At handa ako'ng i-guide ka sa lahat ng mga bagong pakiramdam na nararanasan mo ngayon. Just always remember that you are not alone in this new journey of your life. Kasama mo ako, Kit. And I will never let go of your hand. Kahit ipagtulakan mo pa ako ulit palayo sa'yo." seryosong sabi niya rito. Napansin niyang halos maluha ang mga mata nito. Mukhang pinipigilan lamang nito iyon na bumagsak. " l'm speechless. You seem too good to be true. You were one of the few. Konti na lang ang babaeng katulad mo. Hindi ko alam kung swerte ba ako na nakilala kita. Because I think I don't deserve you. Tingin ko mas maraming lalakeng na mas deserving kesa sa akin. But I'm thankful and will forever be grateful dahil sa pagtyatyaga mo sa akin. I owe you who I am now." Matamis siyang ngumiti rito. " Mahal lang talaga kita. And so I went gaga. Kelangan ka lang palang daanin sa paspasan at dakmaan. Sana noon ko pa 'to ginawa 'di ba?" biro na niya. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. She can stay in his arms forever. Ang sarap makulong sa mga yakap nito. " I hope one day I can give you the same love or even more than what you feel towards me. Ayoko nang makita ka'ng nasasaktan, Brielle. And once I'm sure with my feelings tatapatan ko ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay mo sa akin. Gusto ko'ng mahalin ka ng buo. Yung walang halong pagkalito o pag-aalinlangan. Gusto kitang alagaan. You deserve nothing but the best. At kapag dumating yung time na ‘yun. Ako mismo ang luluhod sa harapan mo para ayain ka'ng magpakasal. Basta sa ngayon maging masaya muna tayo sa kung ano'ng kaya nating ibigay sa isa't-isa. Masaya ako na kasama ka. At ikaw lang ang babaeng nakagawa nito sa akin. Ikaw lang." madamdaming sabi nito saka siya hinalikan sa noo. Hanggang sa dumako ang mga labi nito sa tungki ng ilong niya at pababa sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD