PAGKARATING niya sa airport ay kaaagad siyang lumipat sa departure area. Connecting flight siya papuntang Cebu. Nasa departure area naghihintay ang buong team nila.
Kaagad siyang kinawayan ni Feny nang makita siya nito.
" Brielle, here!" narinig niyang sigaw ng dalaga.
Nasa may pangalawang entrance door ang mga ito. Nakaupo sa mga upuan na nakahilera doon. Nilapitan niya ang kaibigan.
" Blooming ah. Ano’ng chika?" usisa kaagad nito sa kanya.
" Mamaya na pagdating natin sa hotel." sagot niya sa kaibigan at pagkuway lumapit muna sa manager nilang bakla at bumati rito. Pati na rin sa iba nilang kasamahan.
" Si Liam na lang ang kulang. Nasa'n na ba ang lalake na ‘yun? We need to check in now." sabi ng manager nila.
" There he is. Ayan na si Liam, Momma." sabi ni Feny nang makita ang binata na tumatakbo palapit sa direksyon nila.
" Hi guys. I'm not late right?" nakangiting bati nito sa kanila.
" Late ka ng one minute! Let's go guys. Check in na tayo." sabi ng manager nila at nagpatiuna na itong lumakad sa pila.
" Hi, Brielle. Hindi mo kasama fiance mo?" tanong ni Liam nang sumabay ito sa kanila ni Feny sa paglalakad.
" He's busy." maikling tugon niya. Sa totoo lang gusto niyang isama ang binata. Kaso natatakot siya na baka kiligin na naman ito kapag nakakita ng mga may abs sa photoshoot nila.
Sa Island ang location ng photoshoot nila at mga swimsuits ang ia-advertise nila. Mahirap nang dalhin niya si Kit dito.
Matapos nila mag-check in ay kumain muna silang lahat. Light snack lang since wala silang enough time para kumain ng matagal. Pagkakain nila ay sabay-sabay na silang nag-boarding. Katabi niya sina Feny at Liam sa upuan.
Naglagay siya ng headset sa tenga at nag-play ng music. Habang ang dalawa naman ay naglabas ng libro. Makalipas ang ilang oras ay nasa Cebu na sila.
Mula sa airport ay may mini bus na sumundo sa kanila para dalhin sila sa port. Mula roon ay sumakay sila sa isang ferry na maghahatid sa kanila sa isang Island resort. Halos isang oras lamang ang byahe by sea at nakadaong na rin sila sa isang white beach resort.
Malaki ang nasabing isla dahil may mga villas at cottages. Sobrang puti ng buhangin at napakalinaw pa ng tubig.
" This Island is a paradise. I can live here forever!" si Feny na kaagad na dumakot ng buhangin.
" How come we never discover this?" sabi niya naman.
" They just opened last year." si Liam.
May sumalubong na tatlong lalake sa kanila na nakasuot ng hawaian polo at shorts. Magiliw silang binati ng mga ito.
" Guys, follow them first. Ihahatid nila kayo sa mga assigned cottages ninyo." sabi ng manager nila.
Sinundan nila ang mga staffs para ihatid sila sa kanya-kanyang cottages. Nang maipasok ang mga gamit ay lumabas rin kaagad sila para kumain. Doon sila dinala sa floating cottage restaurant para sa late lunch nila and at the same time meeting for this project.
Habang kumakain sila ay nagdi-discuss ang secretary ng boss nila. Matapos ang maiksing meeting at lunch ay kaagad na nagsitalunan sa tubig ang mga kasama nila. Bukas pa magsisimula ang project kaya may time sila para mag-enjoy ngayong araw.
" Swimming tayo girl." aya ni Feny sa kanya.
Nakahiga siya sa lounging chair na nasa floating restaurant. Napagod siya sa byahe at inaantok pa siya. Gusto na nga niyang bumalik sa cottage niya kaso ayaw niya namang iwan si Feny na mukhang nag-i-enjoy na agad sa view.
" Go ahead. Mamaya na ako. I want to take a nap first."
" Ay ang bongga tutulugan mo lang 'tong bonggang view sa paligid mo? Mamaya ka na mag-nap. Swimming muna tayo after mo mag-swimming masarap nang matulog."
" I feel exhausted and sleepy. Aga ko kaya gumising."
Tumayo na si Feny at tumingin naman kay Liam na nasa tabi niya.
" Let's go, Liam. Swimming tayo."
Umiling ang binata.
" Mamaya na ako. Babantayan ko si Brielle habang natutulog."
Nilingon niya ang binata.
" I'm okay here. You can go with her."
Nilapitan ito ni Feny at sapilitang pinatayo.
" Tara na. Wala ka ng pag-asa kay Briella di ba? Huwag ka ng magpa-pogi points sa kanya."
" I'm just being gentleman, okay?"
Naiiling na lamang siya na natatawa habang kinakaladkad ni Feny ang binata. Dumapa siya at saka pumikit na. Hindi naman nagtagal ay nakaidlip rin siya. Dahil yata sa pagod at antok ay napalalim ang tulog niya.
Hanggang sa nakita niya si Kit sa panaginip niya. Nakangiti ito at nakatitig nang mariin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at biglang hinapit ang bewang niya. Hinaplos ng binata ang kaliwang pisngi niya hanggang sa dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha sa kanya. They were about to kiss...
" Brielle, uy! Wake up!"
Napabalikwas siya ng bangon mula sa lounging chair at nahulog siya sa sahig. Kaaagad siyang inalalayan ni Liam.
" Ouch. Bakit mo'ko ginising?!" naiinis na sabi niya kay Feny.
" One hour ka ng tulog kaya. Swimming na tayo."
Naiinis siyang bumuntong hininga. Sobrang nami-miss na niya si Kit. Siya kaya nami-miss rin nito?
" Ang ganda ng panaginip ko eh. Kainis ka naman ginising mo ako." sabi niya saka tumayo at nag-inat. Tinanggal niya ang swimwear cover na suot niya.
" Sinong napanaginipan mo? Si Kit?"
Tumango siya.
" I miss him."
" Kwentuhan mo na kaya ako? Lalake na ba siya o bading---" kaagad niyang tinakluban ang bibig ni Feny.Walang alam si Liam na bakla si Kit.
" Ay sorry."
Napakunot noo lamang si Liam at hindi na nagtanong pa. Hinila niya naman si Feny papunta sa tubig.
" Gaga ka talaga. Don't mention it infront of Liam. Ang alam niya fiance ko si Kit."
" Sorry nga eh. I forgot. So, what happened na ba?"
Nagkwento siya sa kaibigan kung anong nangyari sa kasal ng kaibigan ni Kit. Kung paano siya nagalit at umiyak sa binata. At pati na rin ang mabilisang pagiging sweet nito sa kanya nang nakauwi sila.
" Oh my gosh. Baka nagiging lalake na siya. Baka tinamaan na mula nung sinabi mo yung feelings mo sa kanya."
" Sana nga ‘yun ang dahilan. Ayokong umasa pero yung pinapakita niya sa akin ngayon hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mag-isip na baka nagiging lalake na siya at nai-inlove na rin sa akin. He is so caring now just like the old kit. I actually miss him right now. Parang gusto ko ng umuwi."
" Head over heels talaga tama mo sa kanya. You know what? I can't wait to meet him. Kelan mo ba ako ipapakilala sa kanya? And how does he look like now? Yung pic na pinakita mo sakin high school pa kayo."
" Hindi ko ba na-send sa'yo pic niya?"
" Waley."
Hinila niya ito pabalik sa floating restaurant. Naiwan doon sa Liam para bantayan mga bags nila. Kinuha niya ang cellphone sa beach bag na dala niya. Pag check niya ng cellphone niya ay may dalawang missed calls siya at isang text. Galing kay Kit. Binuksan niya ang mensahe ng binata.
Hi, just checking if you arrive safely?' iyon ang mensahe ng binata. Mabilis siyang nag-decide na tawagan ito ngunit nadismaya siya ng makitang walang signal.
" There's no signal here?"
" Wala. Sa cottage meron. Mamaya ka na tumawag. Let me see the pic."
Binuksan niya ang gallery niya at ipinakita rito ang picture ng binata na ninakaw niya sa i********: page nito. Ini-accept na nito ang request niya lastweek.
Napatili si Feny pagkakita sa larawan ng binata. Kinikilig na niyakap siya nito.
" He is so handsome! May abs rin siya?"
" Meron. Kaya nga sabi ko sayo hindi mo mapaghahalataan na bading eh." halos pabulong lang ang pagsagot niya sa kaibigan para hindi sila marinig ni Liam.
" No wonder why you still inlove with him. Pogi pala."
Tinitigan niya ang larawan ng binata. Nami-miss na niya ito ng husto. It's only day one of being away from him. Paano na lang ang mga susunod na araw na malayo siya rito? If only she could speed up the time.
PAGSAPIT ng alas sais ng gabi ay nagpasya siyang muling tawagan si Brielle. Sinubukan niya itong tawagan kanina ngunit out of coverage area ang numero nito.
Hindi man lang ito sumagot sa mensahe niya kanina kung safe ba itong nakarating. Kaagad na kumabog ang dibdib niya nang mag-ring ang cellphone ng dalaga. Tama ba ang ginagawa niya na tawagan ito at i-check?
Nang huminto sa pag-ring ang cellphone nito ay narinig niyang sumagot na sa kabilang linya ang dalaga. Pero tila naduwag naman siyang magsalita kaya kaagad niyang pinatay ang tawag.
Para siyang tanga na napatingin sa screen ng cellphone niya. Kanina pa siya hindi mapakali. At kahit kaninang madaling araw lamang umalis ang dalaga ay nami-miss na niya kaagad ang presensya nito.
' What the hell is happening to me? Kinulam na ba ako ni Brielle?' naguguluhang tanong niya sa sarili.
Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone niya. Si Brielle ang tumatawag. Nataranta siya bigla at naguluhan kung sasagutin ba iyon o ano.
Ano ba'ng nangyayari sa kanya ngayon? Hindi naman siya nagkakaganito sa kahit na sinong babae. Muli niyang tiningnan ang cellphone niya. Humugot muna siya nang malalim na hininga and he pressed the answer button. His mind was stopping him to answer it but his heart wants to hear her voice. At gaya ng madalas na mangyari. Parating nananaig ang binubulong ng puso.
" Hello, Brielle." halos hindi niya marinig ang tinig niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
" Hi, Kit. You rang?"
Hindi niya malaman ang isasagot dito. Muli siyang napabuntong hininga. Saka pilit na pinapakalma ang puso niya.
" Yes. Sorry I accidentally hit the off button kaya namatay. Ahm, kumusta ka na?"
" Okay lang. I landed safely. Nandito na ako sa Island. Walang signal sa labas. Kapapasok ko lang sa cottage ko. Dito lang may signal."
Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila. Awkward. Ano ba'ng dapat na pag-usapan nila?
" Ikaw kumusta ka dyan?"
" Okay lang. Medyo tahimik wala ka dito eh."
" Hmmnn... Gusto ko na nga'ng umuwi."
Napangiti siya pagkarinig sa sinabi nito.
" And I can't wait to see you again." huli na ng ma-realize niya ang naging sagot niya.
' Umayos ka Kit!' sermon niya sa sarili niya.
" Ako rin. Miss ko na luto mo."
" Just my cooking?" biro niya.
" Okay. And the person who cooks." natatawang sagot nito. He missed her laughter.
" Sige na. I need to go out and take my dinner. Walang signal sa labas."
Nakaramdam siya ng lungkot nang magpaalam ito. Pero wala rin naman siyang maisip na sabihin para pahabain pa ang usapan nila.
" Sige. Ingat ka dyan."
" Ikaw rin." sagot nito pero hindi pa rin pinapatay ang linya.
" Okay."
" Off ko na. Thanks sa time."
" You are welcome."
" Sige na. Bye-bye."
" Ahm, Brielle."
" Yes.."
" Ahm... I missed you."
" Really? I missed you too, Kit."
" Sige na. You can now hung up."
" Alright. 'Bye. Final na talaga." at nawala na nga ito sa linya.
Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya matapos nilang mag-usap. Napatingin siya sa computer na nasa loob ng silid niya. Maya-maya pa ay natagpuan na niya ang sarili niya sa harap noon at nagba-browse sa website ng isang airline company.
Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. Napapaisip na lamang siya kung tama pa ba ang ginagawa niya o mali. Pero patuloy siyang nagpatangay sa dikta ng puso niya. Hanggang sa na-confirmed na niya ang ticket niya papuntang Cebu at nai-print iyon.
Nang mahawakan niya ang itinerary niya ay parang doon lamang siya natauhan. Is he really following her to that island? Is he out of his mind? She will be there for few days only. After a week she will be back in Manila and will fly back here.
' So what? You purchased a ticket already so just go. Pack your things now because you will see her again tomorrow!' sabi ng puso niya. Gusto pa sanang komontra ng isip niya pero namalayan na lamang niya na nasa harapan na siya ng closet at nagiimpake na ng gamit niya.
KINABUKASAN alas sais pa lamang ng umaga ay nagsimula na silang magtrabaho. Una nilang ginawa ang commercial video. Kaya sila nagsimula nang maaga ay para walang masyadong tao sa beach.
Nakailang re-take sila at natapos siya sa part niya sa loob ng tatlong oras. Matapos niyang magawa ang role niya ay tumungo na siya sa cottage niya at nagpa-deliver na lamang ng pagkain.
May photoshoot pa siya mamayang alas singko ng hapon. Hihintayin nila ang sunset bago masimulang mag-photo shoot. Nang mai-deliver ang inorder niyang pagkain ay nagsimula na siyang kumain.
Habang sumusubo ay tiningnan niya ang cellphone niya. Wala man lamang siyang mensahe galing sa binata. Nalungkot siya sa isiping hindi ito nag-text ngayon. Nagsimula siyang mag-type ng message. Good morning lamang ang sinabi niya at sinend na iyon.
Naghintay siya ng ilang minuto ngunit walang respond ang binata. Napabuntong hininga siya. Ang hirap ng ganito. Nami-miss niya ito pero hindi naman sila. Paano pa kaya kung may relasyon na sila? Kahit nag- I missed you ito sa kanya kagabi ay hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman nito sa kanya.
Ayaw niyang umasa na nagkakagusto na ito sa kanya dahil ayaw na niyang masaktan pa. But at the same time gusto niyang maging positive at isipin na nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya.
Nagpasya siyang humiga muli sa kama matapos kumain. Alas nueve y media pa lamang. Alas singko pa lamang kanina ay gising na siya dahil kelangan pa nilang make upan isa-isa. Magpapahinga muna siya dahil mamaya ay sasalang na naman siya sa trabaho.
Hindi naman nagtagal ay naidlip na rin siya. Mahigit isang oras rin siyang nakatulog nang makarinig ng katok sa pintuan ng cottage niya.
" Brielle, are you there?" boses ni Liam iyon.
Bumangon siya at tumungo sa may pintuan.
" Yes?"
" Lunch time na. Let's go."
Nang tingnan niya ang orasan ay mag-a-alas dose na pala ng tanghali. Mabilis siyang tumungo sa bathroom para ayusin ang sarili habang si Liam naman ay naghihintay sa labas. Ilang sandali pa ay naglalakad na sila papunta sa restaurant.
Nakita niya si Feny na nakaupo na sa isang table. Sumenyas ito na doon sila umupo pagkakuha nila ng food. Nagsimula na silang pumila para makakuha ng pagkain.
" Bigla ka na lang nawala kanina?" si Feny.
Nakaupo na sila sa mesa na kinuha nito.
" I was so sleepy. I woke up five this morning."
" Buti ka nga three hours lang sumalang ako katatapos lang ngayon."
" Last day na natin bukas 'di ba?"
" Yup. Pero mag-i-stay raw tayo ng one day pa para makapag enjoy dito."
" Gusto ko nang umuwi after the photoshoot tomorrow."
" Gaga hindi pwede. Sabay-sabay raw tayo uuwi sabi ni Boss."
Napasimangot siya. Gusto na niyang makita si Kit. Matapos kumain ay hinila siya ni Feny sa beach. Inaya siya nitong mag-jetski para malibang naman daw siya at hindi puro si Kit ang nasa isipan niya. After nila mag-jetski ay sinubukan rin nila mag-zipline at rock climbing. Maraming fun activities na pwedeng gawin. At kahit papaano ay nag-enjoy naman siya.
Pagsapit ng alas tres ay bumalik muli siya sa cottage upang maligo at maghanda para sa photoshoot nila. Sinuot na niya ang swimsuit na i-indorse niya. At pinatungan lamang iyon ng cover up saka lumabas na at tumungo sa meeting place nila.
Sinimulan na siyang make upan. Nilagyan rin ng langis ang braso at legs niya para maganda ang effect sa camera. Nang papalubog na ang araw ay pina-ready na siya sa position niya. Lumusong siya sa dagat na lagpas tuhod ang tubig saka siya kinuhanan ng larawan.
Matapos ang ilang kislap ng camera at posing ay tinawag naman si Liam. Dalawa silang kukuhanan. Kung anu-anong posing ang pinagawa sa kanila. Mayroong pose na may hawak surfboard ang binata at siya naman ay nakapatong ang braso sa balikat nito.
Mayroon ring ilang intimate na posing na nakayakap siya may bandang leeg nito at ang binata naman ay nakayakap sa bewang niya at ang mga labi ay nasa leeg niya. Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naging kapareha niya ang binata. Kung noon ay medyo naiilang siya na kapartner ito ngayon naman ay medyo at ease na siya.
Nung nasa part na sila na buhat siya ni Liam habang nakatingin sila sa camera at nakangiti ay may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata niya sa hindi kalayuan ng mga audience. Mabilis na kumabog ang dibdib niya at nawala siya sa focus. Is that Kit? Sinundan ba siya ng binata o masyado niya lamang itong namimiss kaya namamalikmata na siya?
" Brielle, focus! Look to the camera!" sigaw ng Boss niya.
Napakurap-kurap siya saka pinilit na mag-concentrate sa photoshoot nila. Matapos ang last pose ay mabilis niyang hinagilap sa paligid si Kit. Ngunit hindi na niya ito nakita pa.
Namamalikmata lang ba siya kanina? Malungkot siyang napabuntong hininga saka nagpaalam na kay Feny at Liam na babalik na muna sa cottage niya para maligo. Tapos na ang part niya sa photoshoot habang ang dalawa naman ay hindi pa tapos.
Malungkot siyang naglakad pabalik sa cottage. Medyo madilim na dahil lumubog na ang araw. Habang papalapit siya sa cottage niya ay napansin niyang may lalakeng nakatayo sa may pintuan noon. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya.
Totoo ba ang nakikita niya? Si Kit ang nakatayo sa may harapan ng cottage niya? Inatake na naman ng kabog ang dibdib niya. Napaka-gwapo nito sa suot na Vneck na white plain shirt at rugged jeans. Seryoso lamang itong nakamasid sa kanya habang palapit siya ng palapit sa cottage niya.
Nang mapagtanto niyang si Kit nga ang naghihintay sa kanya ay patakbo siyang lumapit dito saka parang bata na yumakap sa leeg nito. Naramdaman niyang hinapit rin ng binata ang bewang niya at mahigpit siyang niyakap. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa balat niya dahil nakaswimwear lamang siya at may manipis lamang na cover up.
Maya-maya ay bumitiw siya rito saka hindi pa rin makapaniwala na hinawakan ang mukha nito.
" Is this real? Are you really infront of me right now?" hindi nakapaniwalang tanong niya.
Tumawa naman ang binata saka pinisil ang tungki ng ilong niya.
" Ofcourse it’s real." sabi nito.
Hindi siya nakaimik at muling yumakap dito.
" Brielle, you are wet. Nabasa na rin yata ako." sabi ng binata. Doon niya lamang na-realize na bumitiw na rito. Namula ang buong mukha niya.
" Sorry. I just missed you."
Nang tingnan niya ang damit nito ay basa na nga iyon.
" So, why are you here?"
" I got bored at home. I googled this place and I find it beautiful. So, I decided to follow you here and explore the Island."
Napatango-tango siya. Not the answer that she was hoping to hear but atleast ang importante nandito na ito ngayon. Binuksan niya ang cottage niya.
" Nag-check in ka na ba? Where's your cottage?"
Tinuro nito ang isang cottage na hindi kalayuan sa kanya.
" Kumain ka na?"
" Nope. I was waiting for you."
" Okay. I will shower first. Ahm, nandun ka ba kanina sa beach? Pinanuod mo ‘yung pictorial namin?"
Tumango ito.
" Partner mo si Liam 'di ba?"
" Yes."
" Yeah. I was there."
" Okay. Ligo muna ako."
Iniwan niyang bukas ang cottage niya. Mabilis siyang naligo. Pagkatapos niyang maligo ay narinig niya na may kausap na si Kit sa labas. Nang tingnan niya kung sino ang mga kausap nito ay nakita niya sina Feny at Liam na masayang nagkukwentuhan.
" Oh Brielle is here. Girl, ini-interrogate ko 'tong fiance mo. Okay lang?" si Feny na feeling close na kay Kit.
" Okay lang. So, I guess I don't need to introduce you to him huh?"
" No need na. Naunahan na kita. Tapos ka na ba? Let's all eat and drink together."
" We can eat but drink I don't think so. We have work tomorrow."
" Yes we can. Wala ka ng pictorial bukas. Last shoot mo yung kanina. Kinancel na yung pictorial mo para bukas. Kami lang meron pero after sunset pa naman. So, we can have fun tonight."
Natuwa siya sa nalaman. Atleast may time na siya bukas para makapag-explore sa Island kasama si Kit.
" Are you guys ready?" si Liam.
" Yes. Tara na."
PUMUNTA sila sa isang bar and restaurant. Umorder sila ng pagkain at beer. Palihim niyang tinitingnan si Kit habang kausap nito si Liam. Mukha namang wala ng malisya ang pakikipag-usap nito sa binata. Infact ang topic nila ay men's sports.
Hindi na niya makita ang lagkit sa mga mata nito sa tuwing titingnan si Liam.
" Hoy, matunaw iyan." bulong ni Feny sa kanya. Nasa may counter sila nakaupo na apat. Nasa right side niya ang dalaga at sa left naman si Kit. Katabi ni Kit si Liam.
Nakangiti niyang tiningnan si Feny. Tapos na silang kumain at ngayon naman ay umiinom na lamang sila.
" Pogi eh. So, ano'ng tingin mo sa kanya?" pabulong na sabi niya.
" He is freaking hot! Hindi mukhang bading."
" I told yah."
Habang palalim ang gabi ay medyo nagiging tipsy na sila. Wild na rin ang paligid dahil may live DJ at ang ilang mga turista ay sumasayaw na.
" Let's dance!" aya ni Feny sa kanila.
Tumanggi sila ni Kit kaya si Liam ang hinila nito. Naiwan silang dalawa ni Kit sa mesa.
" Are you okay?" nakangiting tanong nito sa kanya. Mapula na ang magkabilang pisngi nito. Nakakaapat na bote na kasi ito ng beer.
" Sorry?" hindi niya marinig ang tanong nito dahil bukod sa ingay ng mga tao ay malakas masyado ang music.
Inilapit ng binata ang mukha nito sa may tenga niya. Saka inulit ang tanong. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa may tenga niya na nakadagdag sa init ng katawan niya dahil sa epekto ng alak.
" Oh, I'm a bit tipsy but I can manage still. Ikaw?"
" I'm good."
Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Pareho silang nakatingin kina Feny at Liam habang sumasayaw.
" Naalala mo noong high school tayo? May dance competition bawat section and we were required to join. Partner tayo noon." kwento ng binata maya-maya.
Napangiti siya. Naalala niya ‘yung time na iyon. They both hate dancing.
" Ofcourse I remember that. Swing ‘yung na-assigned sa'tin tapos ilang beses nating naapakan ang paa ng isa't-isa. Nagalit ka pa nga sa akin kasi me ingrown ‘yung left toenail mo 'di ba?" natatawang sabi niya.
Tumawa rin ang binata. Masaya rin nilang pinag-usapan ang ilang mga kalokohan nila noon habang umiinom ng beer. Masyado silang nalibang mag-reminisce ng past kaya hindi rin nila namalayan na napaparami na ang naiinom nila.
"Tapos naalala mo yung Junior Prom natin? Nadapa ako habang naglalakad nung entrance na natin. I was so clumsy that night. Ang taas ng heels ko noon." sabi niya habang tumatawa ng malakas.
Wala ng masyadong tao sa bar at wala na ring music. Ala una na ng madaling araw. Nawala na rin sa isip nila na hanapin ang dalawang kasama nila. Mukhang sinadya ni Feny na ilayo si Liam para makapagsolo sila ni Kit.
Nang tumingin siya sa binata ay seryoso itong nakatingin sa kanya. Lasing na siya kaya wala ng preno ang bibig niya na magkwento.
" What? Tawa ka rin. You are not listening anymore." sabi niya nang mapansin na halos hindi kumukurap ang binata habang nakatingin sa mukha niya.
" Kwento ka pa. I'm listening. I just can't help to stare at you while you are laughing. You look so beautiful, Brielle."
Ngumiti siya. Saka kinuha ang bote ng beer nito na inilapag nito sa mesa. Iniabot niya iyon dito.
" Binobola mo na ako eh. Ubusin mo ‘yan. Uwi na tayo."
Matapos nitong tunggain ang beer ay naglabas na ito ng pera at inabot sa bartender. Medyo inaantok na siya. Nakaanim na bote siya. Nang tumayo siya sa stool ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Muntikan na siyang matumba buti na lamang at nasalo siya ni Kit.
" Someone is drunk!" tumatawang sabi nito.
" I am not! Yabang nito." saka siya pilit na tumayo at humakbang muli. Ayaw niyang ipakita rito na lasing siya.
" See. I'm not drunk. I can walk straig---" ngunit sa pang-apat na hakbang niya ay natumba siya. Napahawak siya sa isang silya pero bumagsak pa rin siya sa buhanginan. Para siyang nakakita ng umiikot na star.
Narinig niya ang pagtawa ng binata. Nakatanghod ito sa kanya.
" Six bottles and you are knocked out?!"
Hindi siya kumibo at ipinikit na lamang niya ang mga mata niya. Maya-maya ay naramdaman niyang umangat na siya sa ere. Lalo siyang nahilo.
" I'm not drunk okay. I'm just... sleepy! There you go, sleepy!" sabi niya muli.
Hindi na kumibo pa ang binata kaya natahimik na rin siya. Pagdating sa cottage ay marahan siyang ibinaba nito para kunin ang susi sa bag niya. Habang binubuksan nito ang pintuan ay nakayakap ang isang kamay nito sa kanya.
Maya-maya ay nakaramdam siya ng tila paghalukay sa sikmura niya. Saktong pagkabukas ni Kit ng pinto ay sumuka siya sa damit nito. Nasukahan rin ng bahagya ang damit niya.
" What the heck?!"
Nang muli siyang duduwal ay mabilis itong pumunta sa may likuran niya at inalalayan siya. Medyo nabawasan pagkahilo niya matapos sumuka. Inalalayan siya ni Kit pahiga sa kama.
Tumungo ito sa banyo at nang magbalik ay topless na. May dala itong face towel. Pinunasan nito ang mukha niya at leeg. Nakapikit ang mga mata niya habang pinupunasan siya nito.
" Brielle..."
" Hmmn..." umungo lamang siya.
" Can you manage to change your clothes?"
Muli lamang siyang umungol saka niya itinaas ang ang croptop na suot niya at akmang huhubarin ngunit pinigilan ni Kit ang kamay niya. Doon na niya iminulat ang mga mata niya. She tried to look into his eyes.
" Y-You asked me to change right?" she asked and gigled.
" But not infront of me. I will bring you to the bathroom okay?"
She laughed again in a silly way. May impluwensya na ng alak ang katawan niya kaya wala na siyang nararamdaman ni katiting na pagkahiya. Muli niyang itinaas ang damit niya at tuluyan ng hinubad iyon.
" There I took it off. Please switch off the light. It hurts my eyes." sabi niya saka ibinato pa rito ang damit na hinubad niya. Nang tumayo ang binata ay sinunod niyang hinubad ang shorts niya. It feels hot.
" Why did you take off your shorts?" gulat na tanong ni Kit nang buksan nito ang lampshade matapos patayin ang maliwanag na flourescent lamp.
Nakahiga siya sa kama ngayon na tanging underwear lamang ang suot. Kunot ang noo nito ngunit hindi rin naman iniiwas ang paningin sa katawan niya.
" I was planning to take off my undies too..." nakakalokong sabi niya. Napailing-iling naman ang binata. Saka ito lumapit sa kanya at hinila ang kumot para itago ang halos hubad na niyang katawan.
" I'm going to my cottage now. Good night, Brielle." sabi nito habang inaayos ang kumot sa katawan niya. Ngunit pilyang hinila niya ito kaya bumagsak ito sa ibabaw niya.
" Not too fast baby..." nang-aakit ang tono na sabi niya. Nagka eye to eye sila nito. Napansin niya ang tila pigil na paghinga nito. Dumako sa may batok nito ang isang kamay niya and he pulled him closer to kiss his lips.
Siya na ang kusang humalik at pinilit itong tumugon sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil maya-maya lamang ay bumuka na rin ang mga labi nito. Bahagya niyang inaangat ang katawan niya para maramdaman nito sa hubad nitong pang itaas ang dibdib niya.
She might be under the effect of alcohol pero nasa isip pa rin niya na talagang akitin ito para malaman niya kung may pag-asa pa ba talaga na maging lalake ito. And this is the best chance to prove him wrong about his confused gender.
Bumaba ang mga kamay niya sa pantalon na suot nito. She tried her best to unbutton it and pulled it down while kissing him. Nang maibaba na niya ang pantalon nito ay natanggal na rin ang kumot na inilagay nito sa kanya. Ngayon ay malaya na niyang nararamdaman ang balat nito sa balat niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya but at the same time ay natutuwa siya dahil naramdaman niyang nagre-react ang private part nito. Malayang naglakbay ang dalawang kamay niya sa likod nito at muli iyong pinadausdos hanggang sa may butt nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang briefs nito at akmang ibababa iyon nang humihingal na huminto ito sa paghalik sa kanya.
" Brielle..." kapos sa hininga na sabi nito. Sobrang init ng singaw ng mga katawan nila.
" Let's do this Kit..." at saka niya ipinasok sa loob ng undies nito ang isang kamay niya. Dinama niya ang matigas ng private part nito. Napaungol ito saka isinubsob ang mukha sa may balikat niya.
Mabilis na niyang hinubad ang undies nito. Hindi naman nagtagal ay kumilos na rin ang binata para tanggalin ang mga underwears na suot niya. Pareho silang walang karanasan sa ganito. Pero hindi naman sila ipinanganak kahapon. They just follow what their body is trying to tell them. When they were finally naked they explore each other's body hanggang sa tuluyan na nilang kinalimutan ang lahat ng gumugulo sa mga isipan nila. They both gave in. At kahit medyo matagal at masakit bago tuluyang napag-isa ang mga katawan nila ay masaya siya na dito niya ibinigay ang sarili niya. Sana hindi mawalan ng kabuluhan ang pagpapaubaya niya. Sana may ma-realize ito pagkatapos ng gabing ito.