NANG makarating sila sa bahay ay kaagad na ipinasok ni Kit ang luggage niya sa bedroom niya. Para pa rin siyang nananaginip na nakasunod at nakamasid lamang sa bawat kilos nito.
" Are you hungry?" tanong nito nang harapin siya. Nasa may labas siya ng pintuan ng silid niya.
" Medyo."
" Okay. I will cook now. If you want you can rest first while waiting for lunch." sabi nito saka tumungo na sa may hagdanan upang bumaba. Nilingon niya ito saka nagsalita.
" Kit..." tawag niya sa pangalan nito.
Lumingon ito sa kanya.
" Why are you doing this? I mean why are you being kind to me now and not mean?"
Ngumiti ito sa kanya na halos ikatunaw ng puso niya.
" To make up for everything. I want the old closeness of us to come back. So, that is why I'm doing this." at bumaba na ito.
Naiwan siyang hindi makapaniwala sa sagot nito. Meaning tuluyan na itong magiging mabait sa kanya? Nagbunyi ang lahat ng parte ng katawan niya. Masaya siyang pumasok sa silid niya at isinara ang pinto noon saka parang bata na tumakbo papunta sa kama.
Kumikislap ang mga mata na tumitig siya sa kisame. Magiging close na uli sila. Ibig sabihin noon mas may chance na siya ngayon na makapasok sa puso nito. Kinikilig na niyakap niya ang unan at saka ipinikit ang mga mata hanggang sa nakaidlip siya.
Nagising lamang siya nang may sunud-sunod na kumatok sa may pinto at kasunod noon ay ang boses ni Kit.
" Brielle, food is ready. Let's eat."
Napabangon siya sa kama at inayos ang sarili saka binuksan ang pinto. Naamoy niya kaaagad ang mabangong amoy ng pagkain.
" Smells good. Did you cook pork adobo?"
" Yup. Let's go."
Nang makababa sila ay nakahain na ito sa mesa. Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Maalaga naman talaga ito sa kanya noong high school sila. Isa rin siguro iyon sa dahilan kaya nagkagusto siya rito.
Nilagyan nito ng kanin ang plato niya at iniabot sa kanya ang lalagyan ng ulam. Ang sarap sa pakiramdam na hindi sila nag-aaway. Nagsimula na silang kumain.
" Tastes good. I wish I can cook for you." sabi niya sa pagitang ng pagsubo.
" Do you wanna learn?"
Tumango siya.
" Then I will teach you tonight."
" Really?"
" Yes. Para kapag dumalaw sina Tita rito or my parents you can cook for them."
" That's great!"
Matapos kumain ay siya na ang naghugas ng mga plato. Habang ang binata naman ay umakyat muna sa silid nito para magpahinga. Matapos niyang magligpit sa kusina ay tumungo siya sa living room at nanuod ng TV.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Si Carla ang tumatawag. Secretary ng boss niya sa modelling agency. Ini-inform siya nito na may offer ng photoshoot sila nextweek at isa siya sa mga model na napili. Urgent raw ang project kaya short notice. Nalungkot siya sa narinig pero pumayag na rin siya.
Sa isang Island gaganapin ang photoshoot at kinakailangan nilang mag-stay doon ng tatlong araw. She needs to report nextweek in agency to discuss the rest of the details.
Napabuntong-hininga siya. Hangga't maaari ay ayaw niya munang magkalayo sila ni Kit. Lalo na ngayon na close na sila. Most likely baka halos one week siyang mawala. She will surely miss him.
Lumipas ang maghapon na medyo malungkot siya. Nang sumapit ang alas singko y media ay bumaba na si Kit. Binati siya nito.
" Hi, are you ready for our cooking lesson?"
Pilit siyang ngumiti saka tumayo na.
" Yup."
" Okay. Let's go in kitchen."
Hinugasan muna nila ang mga karne at vegetables na gagamitin nila. Tinolang manol ang lulutuin nila for dinner. Tinuruan siya nito paano gayatin ang papaya at ilan pang ingredients. Hindi naman nagtagal ay inisa-isa na nitong pinaliwanag ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto noon.
Habang nagpapaliwanag ito ay hindi niya maiwasang isipin na mukhang kahit may pagkabading ito ay hindi naman malabo na mahulog dito ang loob ng ilang babae. Gwapo ito at magaling magluto.
" Now let’s wait hanggang sa kumulo at maging brown yung chicken after that we can put the papaya and the rest of the ingredients."
Tumango-tango siya. Habang hinintay nila na kumulo iyon ay naisipan niyang i-open up dito ang pagtawag sa kanya ng agency.
" I need to go back to work nextweek. We will have a photoshoot for three days in Island. So, I might be gone for a week." panimula niya.
" Where is that Island? Is it a resort?"
" Somewhere in Cebu. Yes, it's a resort."
Tumango-tango ito saka tumahimik.
" Okay lang ba sa'yo maiwan dito mag-isa? Or you wanna go back first to your parents house?"
" I am fine here. I'll just wait for you 'till you comeback."
Medyo nalungkot siya na mukhang hindi man lamang ito nalungkot. Hindi ba siya nito mami-miss man lang? Siya ngayon pa lang nalulungkot na.
" Do you wanna eat cheese cake? I made blueberry cheese cake also. Hindi ko lang nilabas kanina kase hindi pa malamig."
Tumango siya at kinuha naman nito sa ref ang cake. Naupo siya sa stool at nangalumbaba sa counter while waiting for him to serve the cake.
Nang mailapag nito ang platito sa harapan niya ay nag-thank you siya. Nagsimula siyang tikman iyon.
" Ikaw? Aren't you gonna eat?"
Tumungin ito sa platito niya saka umiling.
" Later maybe."
Pero naisipan niyang patikimin ito kaya kumuha siya at ini-offer rito.
" You should try now. Masyadong matamis I think. Try mo."
Sandali itong napatingin sa tinidor na nasa harapan nito. But after few minutes ay tinanggap na rin nito ang cake na isinubo niya. Titig na titig siya sa labi nito ng dumapo iyon sa tinidor na gamit niya.
Muli siyang sumubo pagkatapos niyang subuan ang binata. This time pinatagal niya ang tinidor sa loob ng bibig niya.
' Sana labi niya na lang 'tong fork na gamit ko...' pilyang naisip niya.
" Hindi naman matamis."
Hindi naman talaga matamis. Sinabi niya lang iyon para tanggapin nito ang sinusubo niya.
" Ah hindi ba. Weird lang siguro panlasa ko today."
Pagkalipas ng mahigit kalahating oras ay muli nitong binuksan ang kaserola at tiningnan ang niluluto nila.
" Its color brown now. Come here."
Lumapit siya rito at pumwesto sa may harapan nito. Halos isandal na niya ang likod niya sa katawan nito. Super close ng mga katawan nila.
" See. Kapag ganyan na ang kulay you can put the papaya. After few minutes you can add the hot pepper leaves and ofcourse salt and pepper to taste. Tantyahin mo lang."
Makalipas ang ilang minuto ay naluto na rin ang tinolang manok. At nagsimula na silang mag-dinner.
MABILIS na lumipas ang mga araw at mas naging malapit sila sa isa't-isa ng binata. Walang away na namagitan sa kanila sa loob ng ilang araw na pagsasama nila. Tinuruan siya nitong magluto ng iba't-ibang pagkain at maging pag-bake ng cake.
Maya-maya ay may narinig siyang katok sa pintuan niya. Alas nuebe pa lamang ng umaga. Plano nilang mag-grocery mamayang alas dies. Tapos na siyang maligo at nagmi-make up na lamang. Ngunit hindi niya magawa ng ayos ang kilay niya. One thing that she hated to do.
Sadyang manipis ang kilay niya eversince. Hindi na niya ito kelangan ipaayos pa sa salon gaya ng ginagawa ng ibang co-models niya. Konting shave lamang ayos na iyon. Ang problema niya lamang ay sa tuwing mag-aaply ng brow pencil.
Kanina pa siya nafu-frustrate ayusin iyon. She wants to master it. Pero ang hirap gawin. Hanga siya sa ibang katrabaho niya na magagaling mag-kilay.
Nang tumungo siya para buksan ang pintuan ay napakunot noo si Kit nang makita ang kilay niya.
" I know what you gonna say. Huwag mo ng okrayin ang kilay ko." pinangunahan niya kaagad ito.
Tumawa naman ang binata.
" Seriously, hindi ka marunong?" tanong pa nito.
" Hindi ba obvious?"
" Madali lang ‘yan. Turuan kita gusto mo?"
Siya naman ang napakunot noo.
" Marunong ka?"
" Ofcourse. I mean, I don't do it for my brows. As you see I don't touch my brows. Natuto ako because of my friend Megan. She's good in make up. At hilig niya before."
Napatango-tango siya. Buti naman at hindi ito nagkikilay sa sarili nito.
" You wanna learn?"
" If you are willing to teach me, yes."
" Okay bring your eyebrow kit and let's go to living room. I'll wait you there."
Tumalima naman siya para kunin ang mga kakailanganin nila saka siya bumaba na rin sa sala. Umupo siya sa tabi nito at iniabot rito ang make up bag niya.
" Face me."
Humarap siya rito. Pinagmasdan nito nang malapitan ang mga kilay niya. Habang siya naman ay nakatitig sa mapupulang mga labi nito. How on earth he got these red kissable lips. Sa tuwing titingnan niya ang mga labi nito hindi siya maiwasang maaalala ang first kiss nila.
Binura muna nito ang ini-apply niya kanina sa left brow niya. Hindi kase maayos iyon.
" Are you sure marunong ka?"
" Oo nga. Kilay is life for girls. Dapat marunong ka nyan. It's simple as ABC. Hold this little mirror and watch as I fix your brows."
Nagsimula na itong ayusin ang kilay niya habang siya naman ay nakatingin sa maliit na salamin habang ginagawa nito ang kilay niya. Not even five minutes ay natapos nito iyon and she has the perfect brows that she wanted.
" How the heck you were able to do that in less than five minutes? It will take forever for me and I can't even perfect it." natutuwa na sabi niya habang tinitingnan ang mga kilay niya.
Hindi siya nati-turn off na marunong itong magkikilay or mag-make up. Actually, mas lalo siyang na-inlove rito dahil doon. Who wouldn't want a guy who knows how to do your brows?
" I told you it's easy. Just keep on practicing and you'll perfect it."
" Thank you. Ang ganda ko lalo." natatawang sabi niya.
" Matagal ka ng maganda. With or without the make up." seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Natigilan siya sa pagtawa at napatigin dito. Sandaling nagsalubong ang mga titig nila. Maya-maya ay ngumiti ito saka umiwas ng tingin.
" We are going to grocery right? Are you ready?" tanong nito.
" I will dress up quick then we can go."
Tumayo na siya para umakyat muli sa silid niya. Habang si Kit naman ay nakasunod lamang ang tingin sa umaakyat na dalaga.
MATAPOS mag-grocery ay kumain na lamang sila sa labas. Tinamad na silang magluto for lunch. Habang naghihintay sila ng order ay may lumapit na isang matabang babae sa kanila na may buhat-buhat na bata.
" Brielle and Kit?" tanong nito sa kanila.
Nilingon nila ang babae at pilit na kinikilala ito. She looks familiar.
" Ako 'to si Loida. High school classmate tayo." pakilala nito sa kanila.
Ngumiti si Kit at ganun rin siya. Kaya pala pamilyar kaklase nila ito noon.
" Hey, I could barely recognize you. Kumusta ka na batch?" si Kit.
" Okay lang. Ito may anak na. Single Mom. Tinakbuhan ako nung nakabuntis sa akin. Daming manlolokong lalake ngayon. Wala ng faithful na lalake sa earth. Teka eh kayo? Mag-asawa na ba kayo? Di ba lage kayong napagkakamalan na mag-jowa noon?" dire-diretsong sabi nito.
Nagkatinginan sila ni Kit.
" We're still friends. Good friends." si Kit ang sumagot. Medyo nalungkot siya sa sagot nito. Pero hindi niya pinahalata ayaw niyang sirain ang masayang araw nila.
" Friends pa rin? Naku, tingin ko kayong dalawa ang magkakatuluyan in the near future. Bagay na bagay kayo. 'Tong si Brielle sikat na eh. Nakikita ko sa ilang magazine cover."
" Hindi naman, Loida. Ganun talaga pag modelling ang trabaho. Kung saan-saan mo makikita ang mukha ko."
" Pero seriously bagay kayo. Sana kayo ang magkatuluyan."
Hindi na sila nakasagot dahil may lalakeng lumapit kay Loida at umakbay dito.
" Mahal, ready na ang table."
Nagkatinginan sila ni Kit. Akala niya bitter talaga ang babae na ito may jowa rin naman pala.
" Sige guys una na ako. Nice Seeing both of you again." at umalis na ito.
Nangkatinginan sila ni Kit nang makaalis si Loida at saka nagtawanan.
" Lahat daw ng lalake manloloko pero may boyfriend pala. Kaloka tong si Loida." sabi ni Kit.
Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain.
" Have you pack your things? Bukas na alis mo di ba?" usisa ng binata habang kumakain sila.
" Yup. Six o'clock ng umaga flight ko."
" I will send you to airport then."
Tumango lang siya at kumain na. Matapos ng lunch nila ay umuwi na sila at inayos ang mga pinamili nila. Pagsapit ng gabi ay hindi maitago ang lungkot niya nang umakyat na siya sa silid niya.
Malalim siyang bumuntong hininga saka nagpasya nang matulog. Maaga siyang gumising kinabukasan. Naligo siya at nag-ayos na ng sarili niya saka lumabas sa silid niya para i-check kung gising na si Kit.
Humalimuyak ang amoy ng sinangag na kanin at beef tapa nang makalabas siya sa silid niya. Mukhang gising na ang binata at nagluto na ng almusal nila. Plano niyang sa airport na sana kumain. She went down to the kitchen.
" Good morning. Kain ka na. I woke up early to prepare our breakfast." sabi nito. Nakabihis na rin ito.
Hindi niya maiwasang mapangiti. Kung ganito ito kaalaga sa kanya ay lalo lamang siyang napapamahal dito.
" Good morning rin. You know you don't need to this. We can eat at the airport."
" You gonna miss my cooking. You'll be gone for a week."
Tumawa siya saka humigop muna ng kape na inihanda nito.
" Not just your cooking. Syempre ikaw rin."
Napatingin ito sa kanya pagkasabi niya noon. Yumuko naman siya at sumubo na. Masyado yata siyang vocal sa feelings niya baka mamaya umiwas na naman ito.
" I will surely miss you also."
Muntik na siyang masamid nang sabihin nito iyon. Yung puso niya naglulumundag sa tuwa at kilig.
" Seriously?"
" Ofcourse. I'm gonna be alone for a week. Wala ng maingay dito."
Tumango-tango siya saka humiling na sana more than that ang pagka-miss na nararamdaman nito. But atleast he said it.
Matapos kumain ay ito na ang nagligpit. Hanggang sa ready na silang lumabas. Ito na ang bumuhat ng luggage niya. Kotse nito ang ginamit nila. Matapos ang ilang minuto ay nakarating rin sila sa airport.
Nag-check in muna siya. Matapos makapag-check in ay saka niya binalikan si Kit na naghihintay sa may entrance. Sobrang lungkot ang nararamdaman niya. Although one week lamang silang maghihiwalay but she couldn't control her emotions from pouring down.
" Pasok na'ko sa loob. Bahala ka na sa bahay. See you in one week." sabi niya sa binata.
Tumango ito kaya tumalikod na siya. Kapag hindi pa siya umalis baka hindi na niya mapigil ang sarili niya at mayakap pa ito ng tuluyan. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay tinawag siya nito.
" Brielle..."
Huminto siya at lumingon dito. Humakbang ito palapit sa kanya. At nang magkalapit sila ay mabilis siya nitong niyakap ng mahigpit. Bumilis ang pintig ng puso niya. Napayakap rin siya rito. Ang sarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig nito.
Nang bitiwan siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Saka hinaplos ang kaliwang pisngi niya. Nakatitig ito sa mukha niya.
" Ingat ka and I'll miss you." ‘yun lang at tumalikod na ito. Halos hindi pa siya nakarecover sa pagkabigla dahil pagyakap nito sa kanya. Kung hindi pa siya nabangga ng isang babae ay hindi pa siya kikilos.
Para siyang tanga na nakangiti nang pumasok sa waiting area. Somehow nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.