KINABUKASAN nagising siya mula sa sikat ng araw na nagmumula sa glass wall. Nakalimutan niya isara ang kurtina noon kagabi kaya alas sais y medya pa lamang ay tagos na ang sikat ng araw.
She stretched her arms ngunit natigilan siya nang makita na nasa may paanan niya nakahiga si Kit. Mahimbing pa itong natutulog. Bakit ito natulog sa sahig? At ano'ng oras ito nakauwi?
Dahan-dahan siyang bumangon at saka naupo at sumandal sa paanan ng kama. Tinitigan niya ang natutulog na binata. Kahit sa pagtulog napaka-gwapo pa rin nito. Nakaramdam na naman siya ng pamilyar na lungkot nang maalala ang nangyari kahapon.
Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Siya ang nanghihinayang sa mga sperms nito kung hindi man lang mapapakinabangan. Alam niyang kaya siya nitong bigyan ng magandang lahi. Maya-maya ay dumako ang mga mata niya sa mga mapupulang labi nito.
Habang nakatitig siya sa lips nito ay biglang nag-pop up sa isip niya yung nangyari kagabi. Napakunot noo siya saka napahawak sa mga labi niya. Naramdaman niyang hinalikan siya nito kagabi. She was like half asleep last night pero malinaw sa memory niya na may humalik sa mga labi niya kagabi.
Did he kiss her last night? Hindi niya magawang maimulat ang mga mata niya kagabi gawa ng pagod at antok. Pero naramdaman niya ang halik nito at natatandaan niya ang pagtawag nito sa pangalan niya at paghingi ng tawad.
Biglang bumilis ang pintig ng puso niya sa excitement na posibleng hinalikan nga siya nito. She needs to find out the truth. Pero aminin kaya nito kung tatanungin niya? Wala namang masama kung magtatanong siya hindi ba?
Lumapit siya rito ng bahagya. Akmang gigisingin niya ito ngunit nakita niyang gumalaw ito at pagkuway dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagulat siya nang ngumiti ito ng lumingon sa kanya. Nag-inat ito saka bumangon.
Habang siya naman ay tila na-star struck dahil nginitian siya nito. For the first time after so many years ngayon lamang ito ngumiti sa kanya uli.
" Good morning, Brielle." nakangiti pa rin na bati nito.
Again mula nang magkita sila ngayon lamang siya nito binati. Dati-rati para itong walang nakita sa tuwing mabubungaran ang mukha niya sa umaga. Iismiran pa siya kapag binati niya.
Natulala tuloy siya ng husto dahil pak na pak ang kagwapuhan nito kahit kakagising lamang. Ano'ng masamang espirito ang sumapi sa katawan nito? O baka naman nananaginip lamang siya.
Pasimple niyang kinurot ang braso niya. Masakit naman. So, gising talaga siya. Bakit ang bait nito ngayon sa kanya? Habang tulala pa rin siya ay tumayo na ang binata at tumango sa banyo.
Natauhan lamang siya nang marinig ang pagsara ng pintuan. Mukhang nag-shower na ito dahil naririnig niya ang lagaslas ng tubig. What is happening to him? Natauhan na ba ito dahil sa mga isiniwalat niya kahapon?
Naguguluhan siyang napapaisip sa inasal ng binata. Kakausapin niya ito pagkalabas ng banyo. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ito. Umalingasaw ang mabangong sabon na gamit nito. Naka-bathrobe ito pero bahagyang bukas sa itaas. Tumutulo pa ang ilang tubig sa buhok nito.
Sa halip na magtanong ay napatulala na naman siya nang ngumiti itong muli sa kanya. Darn! He is freaking hot and handsome.
" Take a shower now. We will check out in two hours." mahinahong sabi nito. Maging sa pagsasalita ay mabait na ito. Dati-rati halos kainin siya nito ng buhay kung makipag-usap sa kanya. At infairness hindi na lumalabas ang kulot-kulot na boses nito na kinaiinisan niya.
" Brielle, you have to move. We need to eat breakfast also before we leave." untag nito sa lumilipad na diwa niya.
Napakurap-kurap siya ng mga mata. Saka tumayo at napapaisip pa ring naglakad papunta sa may banyo. Tatanungin niya ba ito? Nang nasa may pintuan na siya ng bathroom ay huminga muna siya nang malalim at saka nilingon ito.
Ngunit nabigla siya nang makitang nakayuko ito patalikod sa kanya at nagsusuot ng briefs. Nakaangat na ang bathrobe nito sa likuran at nakita niya ang makinis nitong puwet. Nanlaki ang mga mata niya.
' Oh my butt! Harap ka dali please!' piping hiling ng malisyosang isip niya. Mukhang narinig nga iyon ng binata dahil bigla itong humarap sa kanya. This time naisuot na nito ang briefs pero bumubukol naman ang harapan.
Sunud-sunod siyang napalunok at titig na titig sa harapan nito. Habang ang binata naman ay napakunot-noo nang makita siyang nakatingin dito.
' Is this my breakfast today? Fresh hotdogs and eggs? Gosh, malaki rin pala ang tinatago niyang weapon! Kumusta naman ang mga alaga nitong sperms? Sana maisalba ko sila.' sabi ng isip niya.
" I thought you will go inside the shower?"
Nagulat siya nang magsalita ito. Noon niya lamang napansin na nakatingin nga ito sa kanya. Kaagad siyang nag-blushed at napatalikod.
' Huli ka balbon! Ano ba, Brielle. Huwag pahalatang pinagnanasaan mo masyado ang katawan niya.' sermon niya sa isip.
" Ah... Eh... I didn't see anything. W-wala ako'ng nakita talaga, promise." defensive naman na sagot niya kaagad.
" Wala ka'ng nakita sigurado ka?"
Sunud-sunod siyang umiling.
" Wala. Wala talaga. Except sa puwet mo. Ay mali! Wala talaga promise. Ang puti ng puwet mo grabe. Ay, ano ba yan! Sorry mali. Wala talaga ang laki ng hotdog mo sayang hindi ko nakita. Ahm, yun wala ako'ng nakita talaga. As in wala." nawawala sa sarili na sagot niya.
" Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ang haba ng sagot mo hindi ko malaman kung ano ang totoo."
Napahinga siya ng malalim. Thank goodness he is slow. Mabuti na lamang.
" Ahm... Kit, may I ask you something?" lakas loob na sabi niya.
" What is it?"
Muli siyang humarap dito. This time nakasuot na ito ng shorts at Tshirt.
" Why did you sleep on the floor?"
" I had no idea. I was drunk last night. I thought I made it to the bed." blangko ang mukha na sagot nito.
Nakainom pala ito kagabi. So, posible kaya na hinalikan nga siya nito? Because as far as she can remember medyo amoy alak ang hininga ng taong humalik sa kanya kagabi. It can't be a dream. She needs to ask that. Nakakahiya pero bahala na.
Tumungo na ito sa may glass door sa balcony para iunlock ang pintuan at buksan. Habang nakatalikod ito at kinakalikot ang lock ay naglakas loob na siyang magtanong uli.
" I have one more question. Did you... Ahm, did you kiss me last night?"
There she finally asked him. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya while waiting for his answer. Nakita niyang natigilan ito sa akmang pagbukas ng glass door. Then he looked at her direction. Kunot ang noo.
" What kind of question is that?" react nito at mabilis ring umiwas ng tingin.
" I think someone kissed me last night. I was too sleepy and I couldn’t open my eyes. But I felt it. At tayong dalawa lang naman ‘yung nandito sa room. I'm just asking."
" You were dreaming. And I was drunk last night. I don't know what are you talking about." at mabilis na nitong binuksan ang pintuan saka tumungo sa balcony.
Napakibit-balikat na lamang siya at pumasok na sa loob ng banyo. The kiss felt so real though. It can't be a dream. Hindi siya mapalagay sa isiping iyon pero as expected hindi naman aamin ang binata. Hindi siya matatahimik nito.
SAMANTALA nang marinig niya ang pagsara ng pintuan ng banyo ay nakahinga siya ng maluwag at napailing. Nakainom siya kagabi dahil after ng kasal ay nagkaroon pa ng drink all you can at bonding sa beach.
Hindi niya akalaing mapaparami ang nainom niya. Pero kahit marami naman siyang nainom ay malinaw sa ala-ala niya ang mga nangyari pagpasok niya rito sa room nila.
Nakita niya kagabi ang dalaga na natutulog sa sahig. Hindi niya akalain na sa sahig ito matutulog dahil nag-share na naman sila sa kama noong isang gabi. At dala ng alak ay tila may nag-udyok sa kanya na pagmasdan ito habang natutulog.
Kahit tanging liwanag lamang ng buwan ay malinaw niyang naaaninag ang maganda nitong mukha kagabi. Natatandaan niyang tinawag niya ang pangalan nito at naagaw ng atensyon niya ang mga labi nito.
He had no idea but while he was looking at her lips ay tila nag-flasback bigla ang kiss na ginawa nito sa kanya noong nasa high school sila. Tila may nag-udyok sa kanya kagabi na subukan itong halikan sa mga labi. Alam niyang mali ang ginawa niya kaya nga after he kissed her he said sorry.
Pero kahit nag-sorry siya habang natutulog ito ay hindi pa rin maiaalis ang fact na hinalikan niya ito. Kung bakit niya iyon ginawa hanggang ngayon ay wala siyang ideya. He just suddenly felt the strong urge to kiss her last night.
Habang nagkakasayahan sila kagabi ay naisip niya na maging mabait na rin dito. Afterall, they were best of friends. Nakatikim siya ng mahabang pangaral mula sa newly weds.
Inuudyukan siya ni Megan na hayaan si Brielle na tulungan siya na baguhin ang pagkatao niya. Noon pa man ay ilang beses na siyang pinagsasabihan ng kaibigan na sayang ang lahi niya at looks niya. Parati nitong sinasabi na magpakalalake na lamang siya.
Habang pinapangaralan siya ng mga bagong kasal ay naisip niya si Brielle. Hindi talaga ito naalis sa isip niya pagkatapos nitong umiyak sa harapan niya. Naisipan niya na hindi pa naman siguro huli para ibalik ang dating closeness nila.
Hindi niya lang maamin sa sarili niya noon but there were times na nami-miss niya rin ang presensya nito. Pilit niya lamang ini-ignore iyon dahil nga ayaw niya na binubuyo siya ng parents niya rito.
Hindi biro ang pinagsamahan nila kaya naman nasasaktan siya na makita itong umiyak sa harapan niya. Noon ay ito lamang ang tanging takbuhan niya sa tuwing magkakaproblema siya sa school at sa bahay nila.
Biglang nag-flash back sa kanya ang lahat ng mga mabubuting bagay na ginawa nito noon para sa kanya. And he must admit na tinamaan siya ng konsensya niya sa biglaang pang-iignora niya rito. It took him how many years to finally realize na hindi birong samahan ang itinapon niya.
Kaya nga paggising niya kanina ay nginitian niya na ito at binati as a new start for them. Kahit medyo awkward pinipilit niyang maging normal ang mga kilos niya.
Simula ngayong araw ay pipilitin na niyang pakitaan ito ng mabuti. Step by step. Ayaw na niyang makita itong nasasaktan dahil sa kanya. Hindi naman nito kasalanan kung nainlove ito sa kanya. Sabi nga the heart wants what it wants. And honestly, he admires her for staying beside him kahit na sinabi niya rito ang totoong pagkatao niya.
Hanga siya sa tyaga at sa eagerness nito na tulungan siyang baguhin ang pagkatao niya. Kagabi lang niya naisip that a girl like her is one in a million now. Yung taong hindi ka iiwan despite of your dark side at yung taong handang gawin ang lahat para sa ikabubuti mo.
Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siyang mag-isa habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Maya-maya ay kinuha niya ang cellphone niya at saka binuksan ang mga social media accounts niya. Ini-accept niya ang mga friend requests nito sa kanya na ilang taon niya na ring ini-ignore.
Nang tingnan niya ang page nito ay nakita niya na picture nilang dalawa noong graduation nila sa highschool ang cover photo nito. He clicked the picture para makita iyon ng buo. Binasa niya ang caption doon.
' I really miss this guy. I am still hoping that one day we will see each other again. And when that time comes, I have alot of things to tell you.'
Bigla niyang naisip kasama kaya sa mga sasabihin nito ang pag-confess ng nararamdaman nito sa kanya? Na-touched siya sa caption nito. Ngayon niya lamang tiningnan ang account nito.
Sunod niyang binuksan ay ang mga albums nito. Marami na itong bansa na napuntahan. Dahil bawat title ng mga albums nito karamihan doon ay pangalan ng bansa. Ngunit ang lubusang tumawag ng atensyon niya ay ang isang album na may title na sexy pictorials.
Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanya para iyon ang unang buksan. Nang i-click niya iyon ay tumambad sa kanya ang ilang mga larawan ng dalaga na naka-swimsuit at naka-sexy outfits.
May isa doong larawan na naka-undies lamang ito at tingin niya ay walang bra. May shawl lamang ito na nakapatong sa balikat at natatabunan ang kalahati ng breasts nito.
Napatagal ang pagtitig niya doon at may kakaiba siyang naramdaman sa ibabang bahagi ng katawan niya.
" I'm done." biglang pagsulpot ni Brielle. Bihis na ito.
At dahil nagulat siya ay bigla niyang nabitiwan ang cellphone niya. Mabuti na lamang at pataob iyong bumagsak. Hindi nito nakita kung ano ang tinitingnan niya.
Kaagad niyang dinampot ang cellphone niya at tumayo pagkatapos. Nginitian niya ang naka-kunot noo na dalaga habang nakatitig ito sa may harapan ng shorts niya.
Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at mabilis na rumagasa ang pagbugso ng dugo niya sa magkabilang pisngi niya. What the heck?! He's private part is so alive and angry at the moment.
Mabilis siyang nag-excuse rito at tumakbo muna sa banyo. Kelan pa natutong mag-react ang birdie niya dahil lamang sa isang sexy na larawan ng isang babae? What is happening to him?!
MATAPOS nilang mag-breakfast ay nag-check out na sila. Nakaalis na kaninang alas siete ang ibang mga guests. Sumakay na sila sa kotse niya at nagbyahe ng halos dalawang oras pabalik ng Manila.
Matapos mai-park sa garage ng condo ang kotse niya ay sumakay naman sila ng taxi papuntang airport. Nag-check in kaagad sila pagdating nila doon dahil halos late na silang dumating.
Nang makapasok sila sa waiting area ay boarding time na kaya pumila rin sila kaagad papasok sa airplane. Sa may tabi ng bintana muli ang pwesto ng binata at siya naman sa tabi nito center na upuan pero this time wala siyang katabi sa right side niya.
Ilang sandali pa ay nag-take off na ang airplane. Habang nasa ere sila ay inaatake na naman siya ng antok. Antukin talaga siya basta nakasakay siya sa airplane.
Hanggang sa nakaidlip siya na nakasandal sa upuan. Wala siyang dalang travel pillow. Maya-maya ay bumagsak patagilid ang ulo niya. Muli siya siyang umayos ng posisyon. Ngunit ilang segundo lamang ay bumagsak naman sa left side ang ulo niya. Muli siyang tumuwid habang ang binata naman ay napatingin sa kanya.
Ipinikit niya uli ang mga mata niya pero nabigla siya nang kabigin siya ng binata at ipasandal sa balikat nito. Nanlalaki ang mga mata na napadilat siya saka palihim na ngumiti. Sinamantala niya ang pagkakataon at iniyakap ang isang braso sa katawan nito.
Hinintay niya na hampasin ng binata ang braso niya pero hindi naman nito ginawa. Lalo siyang napangiti dahil dati-rati naman ay halos lumuwa na ang mga mata nito sa galit sa tuwing mapapasandal siya rito.
Inamoy niya ang tshirt nito. Ang bango. Lalakeng-lalake. Kinikilig siyang muling pumikit at nag-concentrate na sa pagtulog. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaidlip. Basta nagising na lamang siya nang makaramdam ng marahan na pagtapik sa pisngi niya.
Halos ayaw niya pang magmulat dahil ang sarap matulog na nakayakap sa binata. Ngunit nakita niya na nakatayo na ang ilang mga pasahero at handa ng lumabas. Napalayo siya bigla sa binata. Ang tagal niya palang nakaidlip.
Nang makalayo siya sa binata ay naramdaman niyang medyo basa ang gilid ng mga labi niya. Kinapa niya iyon at nagulat siya nang mapansin na nakatingin si Kit sa Tshirt nito at pilit na pinupunasan ang manggas nito na nabasa niya ng laway.
Sa sobrang sarap ng tulog niya ay tumulo pati laway niya. Nakakahiya.
" I am sorry." nakangiwing hingi niya ng paumanhin. Baka magsuplado na naman ito sa kanya.
Pero nagulat siya nang ngumiti ito bago sumagot.
" That's alright. This is not the first time it happens. Remember our field trip in high school? Di ba nakatulog ka rin sa bus no'n at nabasa mo ng laway ang shirt ko?"
Naalala niya ang sinasabi nito. Napangiti siya dahil kahit papaano ay may natatandaan pa rin pala ito sa mga memories nila na magkasama.
" Kaya nga tukso sa'yo ng mga classmates natin Gabriella tulo laway di ba?" nanunukso ang tono na sabi uli nito. Ngayon lang uli ito nagbiro sa kanya ng ganito. Bigla niyang na-missed ang pagbonding nila noon.
" Huwag mo ng ipaalala. Tara na." nakangiting sabi niya saka tumayo.
Hindi niya mapigil ang mapangiti habang kinukuha ang handcarry niya.
" Give me that. I'll carry it." sabi pa nito pagkakuha niya sa bag niya. At dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito ay hindi muna siya nakakilos. Hanggang sa ito na ang kusang kumuha ng bag niya sa mga kamay niya.
Tulala siyang nakamasid lamang dito hanggang sa naglakad na ito. Ano'ng nagyayari rito? Bakit bigla-bigla ay naging genteleman na rin ito? Hindi niya alam kung kikiligin na ba siya sa mga ikinikilos nito.
" Brielle, let's go." lingon nito sa kanya dahil hindi pa rin siya kumikilos. Ang sarap pakinggan na muli siya nitong tinatawag sa nickname niya.
' Hayyy, kikiligin na ba ako?' bulong niya sa sarili niya habang naglakad at sumunod dito.