Chapter Ten

2707 Words
HINDI niya maiwasang mapakunot noo habang pinagmamasdan mula sa hindi kalayuan ang masayang pakikipag-usap ni Brielle sa isang lalake. Base sa actions ng mga ito ay tila magkakilala na ang dalawa. Manliligaw kaya nito ang binata? Sinuri niya ang lalake. Gwapo ito at mestizo. Mukhang may tinatagong pandesal rin dahil maganda ang dating ng katawan nito. Matangkad rin at all in all parang modelo. Sandali lang siyang umalis nakahanap na kaagad ng kakausapin ang bruhang babae na ito. Gusto niyang makilala ang lalakeng kausap nito. Nag-isip siya kung lalapitan ba ang mga ito o ano. Kanina pa siya umiiwas sa dalaga. Pero gusto niyang malaman kung sino ang lalakeng kausap nito. Inayos niya muna ang suot niya at nagpasyang lapitan ang dalawa. Mukhang enjoy na enjoy ang dalaga sa pakikipagkwentuhan at hindi kaagad napansin nito ang paglapit niya. Kung hindi pa siya tumikhim sa may tabi nito ay hindi pa siya mapapansin. Kaagad niyang napansin na mas pogi pala ang binata sa malapitan. Kaagad niyang pinigilan ang sarili niya na huwag mag-transform bilang si Darna. Napalingon siya sa dalaga nang bigla itong umabrisyete na naman sa kanya. " Where have you been, Babe? I’ve been looking for you." kaagad na sabi nito at bahagya pang isinandal ang ulo sa may balikat niya pero pasimple niyang itinulak iyon. " Duh, Babe your face! Stop calling me that." mahinang bulong niya rito. " Liam, this is Kit my fiance. Babe, si Liam co-model ko."pakilala ni Brielle sa kanila ng binata. Gusto sana niyang tumanggi na hindi siya nito fiance pero nawala na sa isip niya dahil kaagad na naglahad ng palad ang binata. Bahagya niyang pinisil ang kamay nito. Gosh, ang lambot ng palad niya. " So, you are the luck guy. Nice to meet you, bro." sabi ng binata saka ngumiti. Ang ganda ng mga ngipin nito. Pwedeng commercial model ng toothpaste. " Same here. So, invited ka rin dito? Do you know the bride or groom?" tanong niya habang hawak pa rin ang kamay nito. Nag-i-enjoy siyang hawakan ang kamay nito. " Both of them. They are my neighbors. We all live in the same subdivision." Mukhang nakahalata na si Brielle na wala siyang planong bitiwan ang kamay ng binata. Siniko siya nito at bumulong. " Let go of his hand." pasimpleng bulong nito. Pero hindi kaagad siya kumilos kaya ito na ang nagtanggal ng kamay niya mula sa pakikipagkamay sa binata. " So, when are you guys will get married?" " After ten years." sagot niya. Napakunot noo si Liam. " He's just kidding, Liam. As soon as possible. May mga inaayos lang kami kaya hindi pa sure ang date. I will invite you don't worry." sabi naman ni Brielle. " You are lucky to have her, bro. Ang tagal ko'ng hinintay na mapansin niyan. Kaya pala walang chance na maging kami ikaw pala ang mahal niya." Siya naman ang napakunot noo. Suitor nito ang binata? Bakit nito inayawan gwapo naman at mukhang mabait? " Tayo na lang gusto mo?" tila wala sa sarili na nasabi niya. Nakita niyang nagsalubong ang makakapal na kilay nito. Habang si Brielle naman ay mabilis siyang siniko. " What did you say?" " Nagbibiro lang si Babe. He's a joker, Liam. That's why I fall inlove with him because he likes to joke around. He knows how to make me laugh." Tumango-tango ang binata. " Excuse us, Liam. Punta lang kami ni Babe doon." si Brielle uli saka siya nagmamadaling hinila palayo sa binata. NANG makalayo sila kay Liam ay kaagad niyang hinarap ang binata. " What is wrong with you, Kristobal?" inis na tanong niya rito. Kanina niya pa ito napapansin na iba ang tingin kay Liam. Sana naman hindi nito kursunada ang binata. " Why?" inosenteng balik tanong nito. " Ba't ganun ka makatingin kay Liam?!" Humalukipkip ito. " Pakialam mo ba? Pogi eh malamang titingnan ko ng husto." Tumayo ang balahibo niya sa sinabi nito. Parang gusto niya itong sabunutan. May gusto ito kay Liam? Hindi ito maaari! " You like him?" " He's cute so yeah. I'm kinda attracted to him." Halos magdikit na ang kilay niya sa sagot nito. Naiinis na pinaghahampas niya ito. Nabigla naman ito at pilit siyang inaawat. " Hey, stop. What's wrong with you? Don't tell me nagseselos ka? Eh di ba nga ayaw mo sa kanya? So, akin na lang siya." sabi pa nito habang pilit siyang inaawat. " You freak! Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya. Bawiin mo ‘yung sinabi mo. Lalake ka, Kristobal!" Dahil napapatingin na sa kanila ang ibang tao ay kaagad siya nitong hinila papunta sa gilid ng isang restaurant na nasa beach. Dahil sa galit niya ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. " Why are you crying?" kunot noong tanong nito sa kanya. Hindi siya kaagad sumagot at para siyang nauupos na kandila na nawalan ng lakas hanggang sa napaupo siya sa buhanginan habang panay ang iyak. Napunta sa hagulhol ang kaninang tahimik na pagtulo ng mga luha niya. Sapo ng dalawang palad niya ang mukha niya. Buong akala niya ay makakaya niya ang lahat ng magiging consequences ng actions niya. Pero mahirap pala kapag sa mismong bibig nito nagmula na attracted ito sa kapwa lalake at kay Liam pa. Sobrang nagseselos siya at nasasaktan. Masakit dahil ginagawa niya ang lahat pero parang balewala lamang dito. Mukhang hindi talaga ito handa na baguhin ang pagkatao nito. Dapat na ba siyang sumuko? Dapat na ba niyang tanggapin na bakla talaga ito? ' Don't give up so easy, Brielle. Be brave. Kaya mo yan!' pag cheer up ng isang panig ng isip niya. " Stop crying. Baka isipin ng mga tao rito inaabuso kita." narinig niyang sabi ni Kit. Pero hindi niya pa rin mapigil ang luha niya. Naghalo-halo na ang pagkainis niya, galit at selos. Mas mabuti na iyong maiiyak niya lahat. Para mamaya maayos na ang pakiramdam niya. Ngayon lang siya nakaiyak ng ganito. At ito lang ang lalakeng nakapagpaiyak sa kanya ng sobra. Maya-maya ay naramdaman niyang hinawakan ng binata ang braso niya. " Hoy, tama na sabi eh. Ano ba'ng iniiyak mo'ng bruha ka?" Inalis niya ang mga palad niya sa mukha niya at tiningnan ito. Nakaluhod ito sa may harapan niya. Talaga ba'ng manhid ito o nanadya lang? " Hindi ba obvious?! Naiinis ako sa'yo! You can't be attracted to Liam! Gusto ko'ng maging lalake ka, Kit. Gusto ko ako ang magustuhan mo and not any man in this world! I want you to become a better person! I want you to feel the same way to me. I want you to love me like the way I love you! Why can't you do that?! Why are you so insensitive? Why can't I have you?!" galit na sigaw niya sa harapan nito. She doesn't care if people passing by can hear them. Ang bigat-bigat ng nasa loob niya and once for all she wants to voice out everything. Ang tagal niyang itinago ang totoong nararamdaman niya para rito. Kaya gagamitin na niya ang pagkakataon na ito para masabi lahat ng nilalaman ng puso niya. Napatulala ang binata sa sinabi niya. Hindi kaagad ito nakapag-react. Nakatitig lamang ito sa luhaang mukha niya. " I can't keep everything inside my heart anymore. Alam mo ba high school pa lang tayo may gusto na ako sa'yo. I didn’t know how it started. I just woke up one day that I like you. Ever since then I tried my best to hide what I truly feel for you. Whenever I see that you were so close with our other girls I feel jealous. But I can't do anything about it. I don't want you to know that I like you. I don't see you as my best friend anymore when we were in high school. Whenever we were together before, I see you as my future boyfriend. But I was so scared to tell you about it. I was so scared that you might get angry with me. That's why you have no idea how badly I was hurt when you just suddenly ignore me. And even if you drifted away from me and left our province. You were stuck inside my heart. All these years I never let any guy to get so close to me. Because I was hoping that one day you will come back and we will be okay. I was hoping that one day I can finally tell you that I love you." sandali siyang huminto at pinunasan muna ang luha niya sa mukha. " Until you came back. I thought I’m gonna have the opportunity to tell you what I feel about you. But you told me that you were gay. All my hopes and expectations suddenly crashed down. Hindi ko pa nasasabi yung nararamdaman ko sa'yo, but that day I literally felt that you broke my heart already. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na ang nag-iisang lalake na gusto ko ay bakla. I was torn between giving up and fighting what I feel for you. I didn’t know what to follow at first. But then I just let my heart speaks. And my heart was telling me to fight for you. Dahil kapag mahal mo gagawin mo lahat ng makakaya mo para sa ikabubuti ng taong gusto mo. Kaya kahit sobrang hirap tinitiis ko just to win your heart. Just to make you a real man. Kasi naniniwala ako na kahit papaano may pinagsamahan tayo at makikinig ka sa gusto ko. I never stoop this low. But Kit can you please do me a favor to let me just help you. Let me prove you that you are still a man. And that you deserve a girl like me. Will you, please?" She feels hopeless. But somehow she felt relieved that she was able to let out all the things that she was keeping inside her heart for a very long time. Bahala na ang bukas. Ang mahalaga nasabi na niya lahat. Tiningnan niya ang binata. Tulala pa rin ito. Maya-maya ay tahimik itong tumayo at umalis. Wala man lang ito sinabi at basta na lamang umalis. Is that a no? Muli na naman siyang napaiyak. Did he just reject her? ' He rejected you many times, Brielle. You should be immune already.' Pang-aalo ng isip niya. She let out her secret. Kung hindi nito iko-consider ang sinabi niya at wala itong balak na makipag-cooperate sa kanya ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang dapat na gawin niya. Para na siyang namamalimos ng atensyon dito. Mukha na siyang kawawa. SAMANTALA matapos marinig ang mga sinabi ng dalaga ay umalis siya at naglakad-lakad muna sa kahabaan ng beach. Sobrang na-shocked siya sa mga narinig mula rito. May gusto ito sa kanya noon pa man? Kaya pala lagi siya nitong pinagtatanggol kapag may mga nanunukso sa kanya na bakla noon. Kaya pala parang nagtatampo ito sa tuwing ang kasama niya ay ibang kababaihan na kaklase nila. Hindi siya makapaniwala. Kaya rin ba siya hinalikan nito noon ay dahil may nararamdaman na itong kakaiba sa kanya? Bigla niyang naalala ang kiss na ibinigay nito sa kanya. That was their first kiss. At hindi niya maintindihan pero na-confused siya ng ilang araw dahil sa halik na iyon. Ilang araw na hindi maalis sa isip niya noon ang dalaga. Hindi niya mawari kung magagalit ba siya rito o ano. Pero mas pinangibabaw niya ang galit noon kaya mas minabuti niya na layuan na lamang ito para hindi na nito guluhin pa ang isipan niya. At para na rin hindi siya kulitin ng mga magulang niya na ligawan ito noon. Nang makalayo siya sa karamihan ay nagpasya siyang umupo sa buhanginan. Nagkanya-kanya nang explore ang mga bisita since tapos na ang wedding ceremony at ilang rituals. Napabuntong hininga siya at tumitig sa karagatan. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan sila ng dalaga at naawa siya nang nakita niyang umiiyak ito sa harapan niya kanina. Wala pa'ng babae ang gumawa noon sa harapan niya. Ang umiyak sa harapan niya at magtapat ng nararamdaman sa kanya. Hanggang ngayon hindi maalis sa isip niya ang itsura nito. Gustung-gusto niya itong yakapin at i-comfort kanina. Pero mas nanaig ang pride niya. Hindi niya alam kung bakit ang bigat ng loob niya ngayon matapos marinig ang mga sinabi ng dalaga. Kung tutuusin hindi na niya dapat problemahin iyon. Bakla siya at wala na siyang magagawa sa nararamdaman nito sa kanya. Gusto niyang sabihin dito na mag-move on na lamang ito dahil wala naman talagang pag-asa na maging lalake pa siya. Pero hindi niya magawa. After seeing her in tears parang may pumigil sa kanya na mas lalo pa'ng saktan ang damdamin nito. He may be vocal and rude sometimes everytime he will tell her na hindi siya magkakagusto rito. But after seeing her cried like that infront of him, parang hindi na niya kaya na makitang mas lalo itong masaktan ng dahil sa kanya. This is the very first time that he saw her crying. He thought she was strong. Growing up ito ang mas palaban at parating nandyan sa tuwing may makakaaway siya sa school nila noon. ' What am I gonna do now?' naguguluhang tanong niya sa sarili niya. ' Gaya ng sinabi niya kanina why don't you try to let her help you out? Maybe she can prove you wrong. Baka may pag-asa pa ang gender mo.' sagot ng positive side ng isip niya. ' There is nothing to prove. You know who you are. You know what your gender is. Just tell her that and move on. Period!' sagot naman ng devil side ng isip niya. Naiinis siyang napabuntong hininga. Hindi sana siya mamumroblema ng ganito kung hindi siya umuwi sa kanila. Bumalik na naman ang pagsisisi niya. Pero kahit na anong pagsisisi pa ang gawin niya it's too late. Muli na namang ginulo ni Brielle ang isipan niya. NANG tumuntong ang alas nuebe at wala pa rin ang binata ay minabuti na lamang niya na matulog na. Naglatag siya sa sahig ng kumot. Ayaw niyang tumabi sa binata dahil mukhang wala naman itong pakialam sa nararamdaman niya. Paga pa rin ang mga mata niya pero magaan na ng bahagya ang dibdib niya. Atleast nasabi na niya ang lahat dito. Hindi niya alam kung ano'ng mangyayari pagbalik nila bukas sa probinsya. Siguro kakausapin na lamang niya ang parents ng binata para ipaalam dito na mukhang wala ng pag-asa na maging lalake pa si Kit. Masakit na marinig mismo sa bibig nito na attracted ito kay Liam. Hindi niya matanggap iyon. Ipinikit na niya ang mga mata niya at nagpasya nang matulog. Dahil sa pagod sa maghapon ay nakatulog naman kaagad siya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog pero bigla siyang naalimpungatan nang may maramdamang humahaplos na kung ano sa mukha niya. Halos ayaw niyang idilat ang mga mata niya. Marahan lamang ang paghaplos na nararamdaman niya sa pisngi niya at nagdudulot ng masarap na pakiramdam sa kanya ang paghaplos na iyon. Nagtatalo ang diwa niya kung ididilat niya ba ang mga mata niya o magpapasyang manatiling tulog. Nag-aagaw antok pa rin ang pakiramdam niya dahil sa sobrang pagod. " Brielle..." narinig niya ang malambing at mahinang boses ni Kit na bumulong sa tenga niya. Gustong-gusto niyang dumilat pero hindi niya magawa. Maya-maya ay naramdaman niyang dumako sa mga labi niya ang tila hintuturo ng binata. Marahan nitong hinahaplos ang mga labi niya. She badly want to open her eyes to make sure na si Kit nga ang nasa tabi niya pero hindi siya makakilos. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na tila may mga labing dumampi sa mga labi niya. Magaan lamang iyon at tumagal rin ng ilang segundo na hindi man lang gumagalaw. The kiss reminds her of the kiss that she gave to Kit when they were in high school. Their first kiss together. Is she dreaming? But the kiss felt so real. Pero para siyang nasa dreamland dahil hindi naman maimulat ng mga mata niya. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na muling may bumulong sa tenga niya. " I am sorry..." boses ulit ni Kit. And after that everything went really black. Nahimbing na ang pagtulog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD