Chapter Nine

3784 Words
HALOS one inch na lamang ang layo ng mga labi niya sa binata nang marinig niyang humilik ito. Napamulat siya ng mga mata at pilit na inaninag mula sa dilim ang binatang katabi niya sa kama. At pagkuway napabuntong-hininga nang makitang nakatulog na pala ito. Naiinis siyang tumihayang muli sa kama. Buong akala pa naman niya ay matitikman na niyang muli ang mga labi nito. Ang bilis naman niyang nakatulog. Siguro dahil sa nainom nito at sa pagod na rin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatabi niya ito sa kama. Medyo awkward pero masaya siya na magkasama lamang sila sa iisang kama. Nilingon niya ang katabi. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid nila, na nagmumula sa glass wall, na nakaharap sa may dagat. Ngunit sapat na ang liwanag na iyon para maaninag ang gwapong mukha nito. Maya-maya ay kusang tumaas ang isang kamay niya para haplusin ang pisngi nito. Gustong-gusto niyang halikan ito. Pero hindi naman siya ganun kadesperada para pagsamantalahan ito habang natutulog. Mas maganda kung gising ito. " I missed you, Kit. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi pa rin nagbabago ang feelings ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano'ng nagustuhan ko sa'yo. Basta ang alam ko lang handa ako'ng gawin lahat para magustuhan mo rin ako. You are my first love and hoping to be my last also." mahinang bulong niya saka yumakap na rito at ipinikit ang mga mata. Hindi naman nagtagal at nakatulog na rin siya. Kinabukasan nagising siya nang maramdaman na may mabigat na tila nakapatong sa may tiyan at binti niya. Nang imulat niya ang mga mata niya ay nakita niyang nakapatong ang isang binti ng binata sa hita niya habang nakayakap naman ang isang braso nito sa may tiyan niya. Nakasubsob rin ang mukha nito sa may balikat niya. Una akala niya ay nanaginip lamang siya. Pero ilang beses niyang ikinurapkurap ang mga mata niya at naramdaman niyang totoong magkatabi sila sa kama at nakayakap ito sa kanya. Kahit medyo mabigat ang katawan nito ay hindi siya gumalaw. Ayaw niyang magising ito sa tabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na himbing na himbing ito at nakayakap sa kanya. Kung sana lamang pwede niyang pagmasdan ang gwapong mukha nito. Pero hindi niya magawa dahil nakasubsob ito sa may balikat niya. Tumingin siya sa wall clock. Alas sais na ng umaga. Pakiramdam niya napakahaba at napaka-lalim ng pagkakatulog niya. Ang sarap matulog na katabi ito at paggising mo nakayakap na sa'yo. Maya-maya ay gumalaw ito ng bahagya. Buong akala niya ay magigising na ito. Ngunit mas sumiksik lamang pala ito sa katawan niya. Halos pigil hininga siya nang may maramdamang kakaiba sa may gilid ng hita niya. Something hard. Napakunot-noo siya. Is it his... birdie? Nagre-react ang birdie nito?! Napangiti siya at pasimpleng ginalaw ng bahagya ang isang binti niya para maramdaman ang private part nito sa ibaba. At hindi nga siya nagkamali nang masagi ng hita niya ang galit nitong birdie. ' Why is it hard? Is it because of me? May pagnanasa rin ba siya sa katawan ko?' nai-excite na tanong niya sa isip. Naputol siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang alarm clock nito sa cellphone na nasa bedside table nito. Umungol ito at naramdaman niyang gumalaw ang ulo nito na nakasubsob sa may bakikat niya. Nakangiti niya itong nilingon. And when he opened his eyes ay masaya niya itong binati. " Good morning, my super love." Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito nang mabungaran siya. Tila nagulat ito at mabilis na tinanggal ang pagkakayakap sa kanya saka natatarantang napabangon dahilan para mahulog ito sa kama. Napabangon rin siya at pinatay muna ang alarm clock nito na nag-iingay saka dumukwang para silipin ang binata na nahulog sa sahig. " Are you alright?" tanong niya rito. Tumayo ito at kaagad na dumistansya sa kanya. " What did you do to my body?!" kaagad na tanong nito sa kanya. Hindi kaagad siya nakasagot dahil tinawag kaagad ng pansin niya ang bumubukol na harapan nito. Gosh, it's kinda huge. Why is it angry? " Hoy, babae! Tinatanong kita. Ano'ng ginawa mo sa katawan ko?" untag nito sa kanya. Pinilit niyang hiwalayan ng tingin ang ibabang parte ng katawan nito at saka ito sinagot. " I didn't do anything. Ikaw nga 'tong nakayakap sa'kin." " At bakit naman kita yayakapin?! Baka ikaw ang naglagay ng braso ko sa katawan mo para kunwari niyakap kita! Wala ako'ng ni katiting na pagnanasa sa katawan mo FYI!" Ang gwapo nitong lalo kapag ganitong nagsusuplado ito kapag bagong gising. It's really extra cuteness when he woke up with messy hair. " Wala ka'ng pagnanasa? Then explain that angry bird infront of me." sabay nguso niya sa harapan ng boxer nito na naghuhurumentado na sa galit. Napatingin naman ito sa hinaharap nito at pagkuwa'y nanlaki ang mga mata nang makitang bumubukol na pala ang harapan nito. Kaagad itong tumakbo sa bathroom at nang magbalik ay may suot na itong bathrobe. Bigla siyang nalungkot. Hindi na niya makikita ang ikawalong eight wonders of the world. Ang gandang tanawin pa naman! " Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?! Dudukutin ko yang eyeballs mo eh! Pwede ba huwag ka'ng assumengera? The erection is normal during morning. Specially when I wake up. And again, I will never get tired to say this to you pero hindi tayo talo! Bakla ako!" " Bakla ka? Hindi babae ang type mo? So, wala tayo'ng malisya dapat sa isa't-isa di ba?" " Exactly!" " Then kung ganun sabay tayong maligo. Walang malisya 'di ba?" pilyang sabi niya. " Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para maligo ng kasabay ka. Tumigil ka na. Ang aga-aga nambubwiset ka. This day is special for me kaya please lang don't stress me out. I need to get ready." sabi nito saka kumuha ng damit sa luggage nito at muling naglakad pabalik sa bathroom. " Ayaw mo talaga? Final answer?" tanong niya uli bago ito pumasok. " Shut up!" sagot nito at pumasok na sa bathroom saka isinara ang pintuan nun. " Pa-hard to get masyado. Mapapasa-akin ka rin." bulong niya sa sarili saka kinuha ang menu na nasa side table. Nagugutom na siya. Magpapa-room service siya habang hinihintay na matapos maligo ang binata. Tumawag siya sa number na nasa menu at umorder ng breakfast para sa kanila ng binata. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang room service. Ipinasok ng lalake ang mga order niya at doon niya iyon ipinalagay sa veranda. Mas masarap kumain doon dahil sariwa ang simoy ng hangin at matatanaw mo ang seaside. Matapos mai-set ang mesa ay tumungo siya sa may banyo at kumatok. Ano ba'ng ginagawa ng binata sa loob? Mahigit kalahating oras na itong naliligo. " Hey, are you done? You've been in the shower more than half an hour!" sigaw niya. Wala siyang tugon na narinig mula sa binata. Mas nilakasan niya ang pagkatok sa may pintuan. Hindi pa rin sumagot ang binata. " Kit, can you hear me? The breakfast is ready let's eat before the food gets cold." sigaw niyang muli at hindi niya tinigilan ang pagkatok nang biglang bumukas ang pintuan. At dahil saktong kakalampagin niya sana muli ang pintuan, na-out balance siya nang biglang bumukas iyon. Mabuti na lamang at maagap ang binata at sa katawan siya nito napayakap. Sumubsob ang mukha niya sa matigas na dibdib nito. At dahil bagong ligo lamang ito ay medyo basa pa ang dibdib nito na kinasadlakan ng mukha niya. Pasimple niyang inamoy-amoy ang katawan nito habang mahigpit pa ring nakayakap sa binata. Ang bango ng sabon na ginamit nito. Lalaking-lalake ang amoy. Buti na lang at hindi sabong pambabae ang ginagamit nito. " Back off! Ano ba'ng ginagawa mo sa may pintuan at kanina ka pa nag-iingay dyan?" supladong sabi nito saka pilit siyang tinulak palayo. Ang hot nitong tingnan dahil may ilang tubig pa ang tumutulo mula sa magulong buhok nito. " Hindi ka kasi sumasagot eh. Tagal-tagal mo maligo." " Syempre nilinis ko'ng mabuti katawan ko. Katabi kitang natulog sa kama malay ko ba kung anong germs ang meron ka." Tinaasan niya ito ng isang kilay. " Arte mo ha. Excuse me dalawang beses akong naligo kahapon!" sabi niya saka tumugo na muli sa veranda. " Ready na breakfast senyorito. Kumain ka muna." Pag-aaya niya rito. Sana hindi ito tumaggi. Nagsuot muna ng tshirt ang binata at maya-maya ay sinamahan siya nito sa veranda. Umupo ito sa bangko na nasa harapan niya. Mabuti na lang at hindi ito nag-inarte na hindi siya sabayan mag-agahan. Umorder siya ng pancake, French toast, Scrambled egg, bacon and sausage saka orange juice at cofee. Alam niyang mahilig sa kape ang binata. " What time is the wedding?" " Ten A.M." maikling sagot nito saka binuksan ang camera ng cellphone and again kinuhanan na naman ng larawan ang breakfast nila. Nang makita niyang bahagya itong tumalikod para mag-selfie ay nag-photobomber siya at saka ngumiti at nag-peace sign na pose. " Alis dyan. Hindi ka kasama sa selfie ko bruha." " Sama ng ugali na'to. Sige na selfie tayo." Umikot muna ang mga eyeballs nito saka tuluyang pinindot ang button. " Tag me on IG. Nag-send ako sa'yo ng request accept mo na." " Feeling close teh?" " Ilang taon nang pending yung request ko sa mga social medias account mo maawa ka naman." Hindi ito sumagot at pagkuway kumain na. Matapos nilang kumain ay pumasok na siya sa banyo para maligo. Pagkalabas niya ng bathroom ay bihis na ang binata. Parang hindi siya nito nakikita at diretsong tumungo na sa may pintuan. " Hey, aren't you gonna wait for me?" " You are not allowed to go in the wedding ceremony. Hindi ka invited. Mag-ikot ka na lang sa beach." " Gusto ko'ng makita ang participation mo sa wedding wait for me please." " I said no. You will not go with me. Stay away from me today. This is a special day for me and I don't want you to ruin it. I gotta go." at tuluyan na itong lumabas. Naiinis siyang kumilos para magbihis. Nagmadali siya sa pagbibihis at saka nag-ayos ng mukha niya. After twenty minutes ay okay na ang itsura niya. Matapos damputin ang shoulder bag niya ay lumabas na siya ng silid. Hindi niya alam kung saan ang eksaktong pagdadausan ng kasal. Kung sa hotel hall ba o sa mismong beach area. Nang nasa may reception na siya ay minabuti niyang magtanong na sa babaeng naroroon. Ang sabi ng receptionist ay dalawa ang naka-booked na wedding ngayon. Isa sa loob ng hotel at ang isa naman ay sa beach. Minabuti niyang unahin munang silipin ang hall dahil nasa first floor lang rin naman iyon. Nagmamadali siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang lalakeng kausap ni Kit kahapon sa may beach. May kasama itong dalawang magagandang babae at isang lalake. Feeling close siyang kumaway sa binata. Mukhang sa wedding rin ang punta ng mga ito dahil bihis na bihis. Huminto naman ang binata nang makita siya. Nagmamadali siyang lumapit dito. " Hi, Cj right?" bati niya rito. " Yes. You are the girl from yesterday? Brielle?" Ngumiti siya. " Yep. I just wanna ask you kung mutual friend ba ninyo ni Kit ‘yung ikakasal today?" " Yes. Brother-in-law ko iyong groom. Why?" " Oh great. So, doon ang punta ninyo ngayon? Pwede ba ako'ng makisabay? I don't know where is the reception. Nauna kasing bumaba si Kit. I tried to call him but he's not answering my call." pagsisinungaling niya. " Sure. Okay lang. Diyan lang naman yung wedding sa beach. By the way guys, this is Brielle friend ni Kit---" " Fiancee not friend." putol niya sa pagpapakilala nito sa mga kasama. Nakita niyang bahagyang nagulat ang mga ito. " I know it's kinda shocking but its true." Ngumiti si Cj at muli siyang ipinakilala ang mga kasama nito. " This is my wife Zey and our friends Mikkha and Migiel." Feeling close siyang nakipag-beso sa mga ito. " Hi guys, nice to meet you all." Nginitian siya ng mga ito at saka sila sabay-sabay na naglakad. Medyo awkward na magkakapartner ang mga ito habang siya naman ay mag-isa lamang. Todo alalay pa ang mga ito sa asawa. Bigla niyang naalala si Kit sana ganito rin sila. Matapos ang five minutes na paglalakad patungo sa beach ay nakita na niya ang pagdadausan ng kasal. Simple lamang ang set up pero kakaiba. " Is it a Little mermaid theme?" tanong niya nang makita ang cake sa hindi kalayuan. " Yes. Cute right?" ang asawa ni Cj ang sumagot. Napatango-tango siya. " Oh that's why you have that cute shell logo on your blouse. And I love the color of the skirt. You guys are bridesmaids?" tanong niya sa dalawang babae. Naka white crop top ang mga ito na may logo ng shells sa gitna at kulay glossy green na midi skirt. " Yes." sagot naman ni Mikkha. " Oh that's cool. I can't wait to meet the bride. I heard she is a close friend of Kit." " Bestfriend namin yung bride. And yes, she is close with Kit. Aside from two of us Kit is her second bestfriend." Napatango-tango siya sa nalaman at pagkuwa'y mabilis na inilibot ang paningin sa paligid para hanapin si Kit. Nasaan ba ang lalake na iyon? " I think that's Kit." biglang turo ni Cj sa hindi kalayuan. May kausap itong babae na mukhang ka-close nito. " Okay. I'll go with him. Nice to meet you guys. See you around." at mabilis siyang tumungo sa kinatatayuan ng binata. Paglapit niya kay Kit ay kaagad siyang umabrisyete rito. Medyo nagulat ito nang makita siya. " Hi, fiance. I've been looking for you nandito ka lang pala." nakangiting bati niya sa binata. Napanganga ang babaeng kausap nito at nagtatanong ang mga mata na tumingin kay Kit. " Excuse us." saka siya nito pilit na hinila palayo. " Wait. Why don’t you introduce me first to your friend." Ngunit hindi siya nito pinakinggan at pilit na kinaladkad papunta sa uupuan ng mga guests. " What the hell are you doing here? Didn't I tell you to stay away from me today?" sita nito sa kanya. " Magkasama tayong pumunta rito kaya hindi mo ako pwedeng abandohin ng ganun-ganun na lang. I will go wherever you will go." pagmamatigas niya. " But you are not invited here!" " Well, I am. Nagpaalam ako sa sister ng groom. Kasabay ko nga silang pumunta rito kaya nakapasok ako. Brother in law ni Cj ang groom right? I met his wife also." Sandali siya nitong tinitigan at tila nag-iisip kung ano pa ang sasabihin sa kanya. Hanggang sa sumigaw ang wedding coordinator that the bride is coming and all wedding participants should get ready. " Stay here. Don't create any scenes. The wedding will start in few minutes." sabi na lamang nito saka umalis na. Tumingin siya sa may entrance ng reception. Nakita niyang papasok ang isang babae na kulay red ang buhok at mermaid style ang wedding gown. So, this is the bride. Kit was right she is pretty. Nakita niyang pumila na si Kit kasama ang iba pang bridesmaids and groom's men. Ilang sandali pa ay may narinig na siyang music na pumailanlang sa ere. Ngunit nagtaka siya dahil hindi iyon love songs o pang wedding march. Nagulat na lamang ang mga guests ng biglang lumabas ang groom at sumayaw ito habang naglalakad papunta sa aisle. Nagpalakpakan ang mga tao. That was cool. She was not expecting that. Hanggang sa isa-isa nang sumayaw ang mga kasama sa wedding entourage papunta sa aisle. Nang turn na ni Kit at ng partner nito ay nag-cheer siya. " Go, kit baby! Galingan mo, Babe! There you go. You rock my world!" tuwang-tuwa na sigaw niya wala siyang pakialam kung napapatingin na sa kanya ang ibang bisita. Matapos ang wedding entrace hanggang sa bride ay nagsimula na ang seremonyas ng kasal. Panay ang tawanan ng mga bisita because the bride was funny during her vows. Now she knew why she was close with Kit. Napaka-kalog ng babae at mukhang masarap kasama. After the wedding ceremony ay kaagad na nagsitayuan ang mga bisita para batiin ang mga bagong kasal. Siya naman mabilis na tumungo sa direksyon ni Kit at kaagad na humawak sa braso nito. Pilit nitong tinatanggal ang kamay niya pero nagmistula siyang unggoy na hindi muna kumawala. " Go back to your seat, Gabriella. I will greet the newly weds." nanggigil na bulong nito sa kanya. She smiled at him. " I wanna meet the bride also. So, let's go at siya na ang humila rito palapit sa mga bagong kasal. Nginitian niya kaagad ang bride nang makalapit siya sa mga ito. Halatang nagulat ito at nagtatanong ang mga mata kay Kit. Hanggang sa bumulong ito sa binata na umabot naman sa pandinig niya. " The who is the girl? Lalake ka na ba? FINALLY???" excited na tanong nito kay Kit. Mukhang walang balak sumagot ang binata kaya naman mabilis siyang nakisabad sa usapan ng mga ito. " Future wife niya. I'm Brielle." kaagad naman na sagot niya sabay lapit dito at feeling close na nakipag beso. Muli itong tumingin kay Kit. Abot tenga ang ngiti nito dahil sa nalaman. " For real? Magpapakasal ka na nga?" muling tanong nito sa binata. Naiinis na tinanggal ng binata ang braso niya na nakapulupot dito saka sinagot ang dalaga. " It's a long story. But one thing is for sure. I will not marry this girl." maarteng nguso nito sa kanya. " Narinig ko iyan. But don't believe him yet. Because I am willing to bet all my money and you can have my body too. Makakasal tayo." nakangiti namang sagot niya. " Nobody can tell me who I'm gonna marry. And I told you already. Bakla ako. And I feel disgusted of the thought marrying a woman like you." " I can make you a real man. Trust me." Napailing si Kit saka bahagya siyang itinulak palayo ng akmang yayakap siyang muli rito. " Go away. Wait for me there. Kulit mo hindi ka naman invited sumama ka pa dito." " Close kaya kami ng bride. Hi, Megan. I'll talk to you later bestfriend. Nice to meet you." sabi niya saka tinapik muna sa puwet si Kit bago tuluyang umalis. Gusto niyang matawa sa naging reaksyon ng binata. Kung maari lang siguro na sakalin siya nito sa harapan ng mga tao ay ginawa na nito kanina pa. Tumungo muna siya sa buffet table at kumuha ng makakain. Kanina pa siya nagugutom. Mukha namang walang balak si Kit na sabayan siyang kumain kaya mauuna na siya. She will eat first and recharge her energy. Mamaya na uli siya bubuntot dito. Sigurado mapapagod siya kakasunod sa binata mamaya. Matapos makakuha ng pagkain ay umupo siya sa isang table for four na medyo malayo sa karamihan. Magsisimula na siyang kumain nang may biglang lumapit sa may likuran niya at tinawag ang pangalan niya. " Brielle..." Napakunot noo siya ng mabosesan iyon. Sana hindi tama ang nasa isip niya. Pero nang lumingon siya ay hindi nga siya nagkamali. Si Liam ang lumapit sa kanya. What is this guy doing here? " I knew its you. What are you doing here, sweetie?" nakangiti kaagad ng abot tenga ang unggoy na ito at hindi na nagpaalam sa kanya umupo kaagad ito sa tabi niya. " Wedding ng friend ng fiance ko. We are invited. Ikaw why are you here?" " Fiance? Are you kidding me?!" gulat na react nito. Ngumiti siya. Sana naman tigilan na rin siya nito kakahabol sa kanya. " You heard me right. I am engaged." " What the freak? Since when?! And where's the engagement ring? I don't see any ring on your finger." ' Tsk! Sablay!' sabi niya sa isip ng maisip na wala nga pala siyang engagement ring na suot. Mabilis siyang nag-isip ng idadahilan sa isip. " I forgot my ring at home. But just so you know I am engaged now. So, stop bugging me from now on." Napailing-iling ito na tila hindi alam ang sasabihin. Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. " Where is the lucky guy then? I wanna meet him." " He is...." natigilan siya nang hindi makita si Kit kung saan niya ito huling nakita kanina. She looked around pero hindi niya makita ang binata. " He is somewhere here. " sagot niya habang panay pa rin ang lingon sa paligid. " He was there awhile ago. I don't know where he went. But when he comes back I'll introduce him to you." Sandali itong hindi umimik at seryosong nakatitig lamang sa kanya. Gusto niyang maawa sa itsura nito. Pero wala talaga siyang ni katiting na nararamdaman para dito. " So, why are you here? Kilala mo yung newly weds?" " Yes. We are neighbors in Manila. Kilala ko sila personally. Ikaw?" " Boss ng fiance ko yung bride. Kumain ka na?" Umiling ito. " I was hungry awhile ago but after hearing the sad news I lost my appetite." " Arte mo. Get up and eat. Maraming babae dyan hindi lang ako." " Marami nga but the thing is they are not you. Ikaw yung dream girl ko eh." " Binola mo pa ako. Pwede ba Liam. Alam ko marami ka'ng naging girlfriends sa agency." " Those are my flings. Kakahintay ko sa'yo nakipaglaro lang ako sa iba. Pero kung seryosohan ang usapan ikaw lang ang gusto ko. But I guess hanggang pangarap na lang talaga kita. I envy the guy so much." Hindi na siya umimik at muling hinanap si Kit. Pero hindi niya talaga makita ang binata. Napansin niya na kanya-kanyang grupo na ang mga bisita. Minabuti niya na lamang na kausapin na rin si Liam habang naghihintay kay Kit. Magmumukha siyang na-out of place kapag ipinagtabuyan niya ang binata. Pagtyatyagaan niya na lang muna ang company nito. This is the first time ever na kakausapin niya ito ng matagal sa isang minuto. Dati rati sinusungitan niya kaagad ito sa tuwing lalapitan siya. Pero ngayon habang matagal silang nagkukwentuhan napagtanto niya na hindi rin naman pala ito ganun kayabang. Na-misjudged niya ba ang ugali nito sa loob ng ilang taon na magkatrabaho sila? O sadyang gusto niya lang maging aloof sa mga lalake noon dahil naka-reserved na kay Kit ang puso niya? Pero infairness masaya rin pala kausap ang lalake na ito. Somehow he keeps her occupied while waiting for Kit to show up. Nagtatawanan pa silang dalawa at hindi niya namalayan na sa loob ng ilang minuto ay naging close and at ease na sila sa isa't-isa. Habang sa hindi kalayuan naman ay may pares ng mga mata na matiim na pinapanuod sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD