DUMATING ang araw ng flight nila papunta sa Manila. Maaga silang gumising dahil alas sais ng umaga ang flight nila.
Nang makalabas siya ng silid niya ay kinatok niya ang silid ng dalaga.
" I'm coming wait." kaagad na sagot nito nang marinig ang pagkatok niya.
" Faster!" sabi niya saka bumaba na. Sa sala niya ito hihintayin.
Nang lumipas ang sampung minuto at hindi pa rin bumababa ang dalaga ay muli siyang sumigaw.
" Gabriella, ano ba? Are you gonna come down or I will leave you here?"
Nakarinig siya ng mga pababang yabag saka ito sumagot.
" Eto na nga oh! Ang aga-aga pa eh nagmamadali ka."
Nang makalapit ito ay napansin niyang napaka-simple lang ng ayos nito ngayon. She is just wearing a plain white shirt at distressed jeans and rubber shoes for her feet. Wala rin itong kahit na anong make up. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok. Mas maganda ito kapag ganitong simple lang ang itsura.
" You are very slow. Let's go!" at tumungo na siya sa may pinto.
" Hey, aren't we going to eat breakfast first?"
" We don't have enough time. We will grab something at the airport or in plane." sagot niya na hindi ito nilingon.
Nang makapasok sila sa kotse niya ay kaagad niya iyong pinaandar. At makalipas ang twenty minutes na byahe ay nakarating rin sila sa airport. Nag-check in muna sila saka kumain.
Bumili lang sila ng coffee at tinapay. They will have heavy breakfast once they arrive in Manila. Matapos kumain ay tinawag na ang flight nila. Pumila na sila at pumasok sa airplane. At dahil sabay silang nag-check in ay magkatabi ang upuan nila.
Sa may bintana ang pwesto niya habang ang dalaga naman ay sa gitna at may katabi itong matanda sa isa pang upuan. Dalawang oras at kalahati ang byahe mula sa probinsya nila papunta sa Manila.
Matapos maisuot ang seatbelt ay inilagay niya ang shades niya. Inaantok siya kaya pumwesto na siya ng maayos sa upuan niya. Ngunit hindi pa man siya nakakapikit ay naramdaman niyang sumandal sa may balikat niya ang dalaga.
Tiningnan niya ito saka itinulak palayo. Feeling close talaga ang bruha na ito.
" I'm sleepy. Pasandal lang."
" Mabigat. Ayoko." tanggi niya.
Inirapan siya nito saka umupo ng tuwid. Muli siyang nag-concentrate sa pag-idlip. Hindi naman nagtagal ay nakatulog rin siya. Halos mahigit isang oras rin siyang nakaidlip. Pagmulat niya ay nakita niyang nakayakap sa balikat niya ang dalaga at nakasandal ang ulo nito sa may gilid ng balikat niya.
Gusto niya itong itulak palayo. Ngunit mukhang antok na antok talaga ito. At napansin niyang nakatingin rin sa kanila ang matandang katabi nito. Ayaw niyang magmukhang bastos. Kaya hinayaan niya na lang muna ito sa ganung posisyon.
Hindi siya makagalaw sa takot na baka magising ito. Hanggang sa i-announce na malapit na silang mag-landing. Tiningnan niya ang dalaga. Tulog pa rin ito kaya nag-desisyon na siya na gisingin ito.
Tinapik niya ang pisngi nito. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Nang magmulat ito ay kaagad na ngumiti sa kanya. Sandali siyang natigilan nang ngitian siya nito. Hindi niya maintindihan pero parang napatulala siya sandali sa magandang mukha nito.
Doon niya rin napansin na kapag matagal niya pala itong tinitigan ay mas lalo itong gumaganda. Ngunit kaagad rin siyang napailing-iling nang ma-realized ang mga iniisip niya. Mabilis niya ring tinanggal ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.
" I had a nice dream." sabi nito habang nag-i-stretch ng mga braso.
Hindi niya ito pinansin.
" Napanaginipan ko kinasal na raw tayo. Grabe, ang pogi mo sa panaginip ko. Sana hindi mo ako ginising. Nandoon na ako sa part na nakauwi na tayo sa bahay at buhat-buhat mo ako habang paakyat tayo sa bedroom sa itaas. Honeymoon na sana 'yun. Kaso ginising mo'ko kaagad."
Nandidiring tiningnan niya ito.
" So, I'm glad I woke you up. Sabi ko na nga pinagnanasaan mo ang katawan ko."
" Virgin ka pa ba?" tanong nito.
Hinila niya naman ng bahagya ang buhok nito.
" Ingay mo. Zip your mouth!"
Nang ini-announce na pwede na silang bumaba ay tumayo na sila saka kinuha ang mga handcarry bag nila. Dahil hindi naman masyadong marami ang mga pasahero ay nakalabas kaagad sila.
" Do you wanna eat now or later?" tanong niya rito nang nasa labas na sila ng airport.
" Later. Where to?"
" We will go to my condo first. I need to get my car and we'll go straight to Batangas." saka siya pumara ng taxi at nagpahatid sila sa condo niya.
Makalipas ang trenta minutos na byahe ay nakarating rin sila sa harap ng condo niya. He has the key of the car kaya hindi na nila kailangan pumasok pa sa building. Dumiretso sila sa parking lot.
" Hindi mo man lang ako papasukin sa condo mo? Ano'ng floor unit mo?"
Hindi niya sinagot ang dalaga. Inilagay niya sa back seat ang bag niya at ganuon rin ito saka sila pumasok sa loob.
" I'm asking you. What floor is your unit?"
" Why do you want to know? Tsismosa ka rin eh."
" Masama ba? I think I have the right to know dahil soon I will be your wife."
" Tumigil ka sa pantasya mo, Gabriella. Kung ayaw mo'ng ibaba kita sa kahabaan ng EDSA."
Tumahimik naman ito saka tumingin sa labas ng bintana. Dumaan muna sila sa isang fast food para bumili ng makakain. Sa drive thru siya bumili dahil mas mapapatagal ang byahe nila kapag kumain pa sila sa loob.
Matapos makapag-take out ay muli siyang nag-drive. Habang ang dalaga naman ay nagsimula nang kumain.
" Gusto mo subuan kita para makakain ka while driving?" alok nito.
" No. I'm good. Kaya ko'ng kumain mag-isa."
Nagkibit-balikat ito saka kumain na uli. Habang siya naman ay kumakain lamang sa tuwing traffic o red light.
“ I like your car. I didn’t know you like pink and hello kitty.” puna nito maya-maya sa sasakyan niya.
" Who is your friend anyway? The bride or the groom?" usisa na naman nito matapos kumain.
" The bride. She's my closest friend in Manila and boss at the same time."
" Is she pretty like me?"
Nakataas ang isang kilay na saglit niya itong nilingon.
" Prettier than you ofcourse!"
Sa totoo lang para itong long lost sister ni Megs sa mga kilos nito at pananalita. Gusto niya sanang sabihin iyon kaya lang mas pinili niyang sarilinin na lamang.
MATAPOS ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating rin sila sa isang beach resort sa Batangas. Kaagad silang pumasok sa isang building na sa tingin niya ay hotel. Malaki ang nasabing resort at napakaganda.
Sumunod siya sa binata nang tumungo ito sa may receptionist.
" Hi, I am here to attend the wedding of my friend and she told me that I have a reserved room already." narinig niyang sabi nito sa receptionist.
" May I have your I.D, sir."
Iniabot nito ang identification card sa receptionist. Nagtype sa computer ang babae at maya-maya ay ibinalik nito ang I.D ng binata.
" Your room is in fifth floor, sir. Room 406. Here is your key. Do you have any luggage with you, sir?"
" No. Just a handcarry."
" Alright. The lift is on your right close by the stairs right there. Thank you, sir and enjoy your stay."
Matapos nitong abutin ang key card ay lumingon ito sa kanya.
" Get your own room." sabi nito sa kanya.
Nangunot ang noo niya. Akala niya ay magshi-share na sila sa iisang silid. Ngiting tagumpay na sana siya.
" Aren't we going to share the room? We will be here for two nights only." protesta niya.
" No. Ayokong may kasamang aswang sa bedroom ko." mahinang sabi nito.
Inirapan niya ito saka lumapit sa receptionist.
" Hi, check in. Do you have any available room next to him?" sabi niya sa babaeng receptionist saka inginuso ang binata sa tabi niya.
" Do you have any reservation, Ma'am?"
Umiling siya.
" Wala eh. May available pa ba na room?"
" We are fully booked right now. I am sorry. I wish you have called us first before you come here."
Tiningnan niya ang binata. Mukhang pumapabor sa kanya ang tadhana.
" What about the cottages outside? May available ba doon, Miss?" tanong ni Kit.
Umiling naman ang babae.
" Wala rin po, Sir. Summer po ngayon kaya fully booked talaga plus we had our promo ahead of time for this season kaya maraming guests. Mag-share na lang po kayo ni Ma'am sa bedroom sir."
Napabuntong-hininga ang binata saka siya tiningnan. Maya-maya ay nagpasalamat na ito sa babae saka naglakad papunta sa elevator. Sinundan niya ito.
" So, are we gonna share the room?" untag niya rito.
" Do I have a choice? I will let you sleep in my room but you will sleep on the floor." maarteng sabi nito.
" Whatt?! On the floor? Are you serious?"
Pumasok muna ito sa elevator at nang magsara iyon ay saka lamang sumagot.
" You heard me right."
" Why are you so rude? I can't sleep on the floor for two nights! My back will ache."
" Not my problem. If you want bumalik ka ng Manila. May condo ka sa Manila 'di ba?"
Hindi na siya sumagot dahil bumukas na ang elevator sa fifth floor. Lumabas na sila at hinanap ang room number. Nang makita iyon ng binata ay binuksan nito ang pintuan.
Sumunod siya rito papasok. Malaki ang silid at Queen size naman ang kama. May isang single seater na sofa coffee table, TV, mini fridge at carpeted ang sahig. Napanguso siya. Hindi siya sanay matulog sa sahig.
Binuksan niya ang closet na naroroon saka inilagay ang bag niya. Habang ang binata naman ay may tinawagan sa cellphone nito. Tahimik siyang tumungo sa may glass wall. Nakita niyang may veranda doon. Kaya hinanap niya ang pintuan palabas.
Nang makalabas siya ay napaka-ganda ng view sa paligid. Kitang-kita ang malawak na beach sa silid na kinaroroonan nila. Tanghaling tapat na pero nakita niyang fully packed ang beach. She couldn't wait to go on swimming.
" Hello, girl. Where are you guys? Andito na ako sa room ko. Thank you for choosing the beach view. I love it." narinig niyang sabi ng binata habang nakatingin rin ito sa may beach.
" Okay. I will meet you at dinner. I know you are busy right now. I miss you, girl. I can't believe you are getting married tomorrow."
Pinagmasdan niya si Kit habang may kausap sa cellphone nito. Kung sinuman ang bride na kaibigan nito ay ramdam niya na napaka-close nito sa dalaga. Nakaramdam siya ng inggit. They were this close before.
Bumuntong hininga siya saka muling tumingin sa may dagat. Dinama niya ang masarap at sariwang hangin. Medyo matagal na rin simula ng makapagbakasyon siya sa beach.
Masyado siyang na-busy sa work niya these past few months. Sunud-sunod ang buhos ng mga projects nila noong mga nakaraang buwan. Kaya natutuwa siya na timing ang pag-slow down ng mga projects nila sa pag-uwi ng binata. Mas marami siyang time na makasama ito.
" I will go down to have lunch and to check the beach. This is the spare key card. Bahala ka na sa sarili mo."
Napalingon siya nang marinig na magsalita ang binata. At pagkuway pumasok sa loob. Inilapag nito sa TV stand ang isang key card.
" I'll go lunch with you."
Matigas itong umiling.
" No. Ayokong isipin ng mga kakilala ko na naging lalake na ako. Kaya stay away from me as much as possible." at saka ito tumungo sa may pinto at lumabas na.
Napailing na lamang siya pagkalabas ng binata. Binuksan niya ang closet at saka nagpalit ng swimsuit. Nagsuot siya ng isang see through dress for her cover up at saka lumabas na rin ng silid.
Naglakad siya papunta sa beach. Hindi pa siya nagugutom kaya magsu-swimming muna siya. Nang makarating siya sa beach ay napalinga siya sa paligid. Ang daming tao. Mukhang malabo na makita niya si Kit rito.
Kinuha niya ang beach towel at isang book sa tote bag na dala niya. Inilatag niya ang towel saka nagpahid muna ng sun screen lotion sa balat niya bago dumapa doon at magsimulang magbasa.
Mas enjoy sana ang beach kung abot tanaw niya lamang si Kit. Matapos ang halos isang oras na pagbabasa ay nag-decide na siyang mag-swimming. Ilang minuto pa lamang siya sa tubig nang marinig niya ang tila pamilyar na tawa ni Kit.
She looked around. At hindi nga siya nagkamali. Nakita niya sa hindi kalayuan si Kit na paahon na sa tubig kasama ang isang mestizo at machong lalake. Masayang nag-uusap ang dalawa. Boyfriend ba nito ang nasabing lalake? The way they talk mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.
Mabilis siyang umahon sa tubig para alamin kung sino ang kausap ng binata. Confident siyang naglakad papunta sa direksyon ng mga ito. At hindi alintana sa kanya ang ilang mga mata ng mga kalalakihan na napatingin sa katawan niya habang naglalakad siya palapit sa kinaroonan nina Kit.
Sino ba naman kasing hindi mapapalingon sa kanya napaka-sexy niya sa suot na daring one piece swimsuit. Ginamit niya ang swimsuit na ito sa calendar pictorial niya last year.
Habang pinagmamasdan niya si Kit ay hindi niya maiwasang humanga sa katawan nito. Seriously, walang mag-aakala na bakla talaga ito unless magiging kulot ang salita nito. Pero ngayon ay lalakeng-lalake ang boses nito habang kausap ang mestizong binata.
Hindi niya maiwasan pagmasdan ang magandang katawan ni Kit. Kelan kaya siya nakukulong sa mga matitipunong bisig nito? Sana araw-araw niya itong makitang topless.
Matapos pagmasdan ang katawan ni Kit ay napatingin naman siya sa lalakeng kausap nito. Infairness ang gwapo rin ng lalakeng kausap nito. Kung hindi ito karelasyon ng binata malamang ay ka-federasyon nito ang lalake.
Nakaramdam siya ng panghihinayang sa naisip. Kung bakla rin ito malulungkot siya sa para rito. Bakit ba napaka-weird ng mundo ngayon? Kung sino pa iyong mga gwapo sila pa iyong mga silahis o bakla. Mauubos na yata ang gwapo sa mundo.
Tumikhim siya nang tuluyan nang makalapit sa dalawa. Lumingon ang mga ito sa kanya. Kaagad naman siyang ngumiti.
" Hi, Kit. Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." sabi niya saka tinapik sa braso ang binata. Infairness, ang tigas ng muscle nito.
Napakunot noo ito.
" At bakit mo ako hahanapin samantalang sabi ko sa'yo ay bahala ka na sa buhay mo."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tumingin siya sa lalakeng kasama nito. Mas gwapo pala sa malapitan ang lalakeng kasama nito. Parang si Captain America. Pero lalake nga ba ito?
" Hi, I am Brielle. And you are?" bati niya sa lalake sabay extend ng isang kamay niya.
" I am Cj." maikling pakilala ng binata pero nakangiti naman ito saka inabot ang palad niya.
" Cj, what a short name. Bakla ka ba?" diretsang tanong niya. Mas mabuti nang maging bakla ito kesa maging lalake at karelasyon ni Kit. Hindi niya iyon kakayanin kung sakali.
Nakita niyang nagsalubong ang mga makakapal nitong kilay. At saka marahang binitiwan ang palad niya.
" I beg your pardon. Who's gay?"
Hinila siya ni Kit sa braso. Saka ito nagsalita.
" Don't mind her Cj. She's just kidding."
Tiningnan niya si Kit.
" Seryoso kaya ako. Bakla ka nga?" ulit niya pa.
Tumawa si Cj sa kakulitan niya.
" I am not gay. What made you think I am?"
Hindi siya bakla. So, anong relasyon ng mga ito?
" Oh sorry. So, friends kayo?"
" Kaibigan ko 'yan. Ano ba'ng klase yang mga tanong mo, Gabriella? And what are you doing here? Are you following me?" si Kit.
" I was looking for you. Ang lungkot mag-isa kaya. I don't know anybody here. Friends lang pala kayo. Sorry sa tanong ko awhike ago." baling niya naman kay Cj.
" That's alright. Ikaw friend mo rin si Kit?"
Matamis siyang ngumiti.
" I am his fiancee. I hope I did not surprise you by that."
Napatingin si Cj kay Kit.
" She is just kidding, Cj. Katulong naman 'to sa probinsya. Sinama ko lang hindi pa kasi nakakalabas ng probinsya 'to eh. We'll go ahead. See you tonight at dinner." saka siya kinaladkad ni Kit palayo. Kumaway pa rin siya kay Cj kahit na hinihila na siya palayo ni Kit.
" Nice meeting you, Cj. You're invited to our wedding!" sigaw pa niya.
Nang makalayo sila sa binata ay saka lamang siya pinakawalan ni Kit at hinarap.
" Ano ba'ng fiancee pinagsasabi mo'ng babae ka? Bumalik ka na nga sa hotel at huwag ka'ng bubuntot-buntot sa akin."
" Ayoko pa'ng bumalik sa hotel. Ang boring kaya dun. Let's go swimming."
" Swimming mo'ng mukha mo. I told you ayoko ka'ng kasama. Stop following me or else papauwiin kita ng probinsya." banta nito at iniwan siyang muli.
Wala na siyang nagawa kundi bumalik sa tubig at nag-swimming na mag-isa.
MATAPOS umalis ng binata para sa dinner ay naiwan siyang mag-isa sa hotel. Nagpa-room service na lamang siya. Dahil tinatamad siyang bumaba. Nang makakain na siya ay nag-shower siyang muli para makatulog siya ng maayos.
Matapos mag-shower ay nagpalit na siya ng nighties niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na matutulog silang magkasama sa iisang silid. Kaya naman lulubusin na niya ang pagpapa-sexy niya.
Mabuti na lamang at pumabor sa kanya ang tadhana at fully booked na ang hotel. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ito sa iisang silid.
After niyang magbihis ng pantulog ay nag-spray siya ng konting pabango. Hindi niya alam kung ano'ng magiging reaction ni Kit kapag nakita nito ang suot niyang see through nighties. Baka sumigaw iyon kapag nabungaran siya na ganito ang suot huwag naman sana. Maselang bahagi lamang ng katawan niya ang natatakluban. Pero infairness ang aliwalas sa pakiramdam lalo pa at ganitong mainit ang panahon.
Matapos makitang maayos na ang itsura niya ay tumungo na siya sa kama. Sa sahig siya planong patulugin ng binata. Pero dahil wala pa ito magkukunwari na siyang tulog sa kama para magkatabi sila. Hindi rin siya nag-request ng extra bed para no choice talaga ito kung hindi magtabi sila.
Pumwesto siya sa right side ng kama. Kinumutan niya ang sarili niya para hindi naman mabigla kaagad ang binata pagkakita sa kanya. Hinayaan niyang dim light lamang ang ilaw sa loob. Tumingin siya sa wall clock. Mag-a-alas nuebe na ng gabi. Ilang minuto na lamang siguro ay darating na rin ito.
Hindi naman siya nabigo dahil after ten minutes ay narinig na niya ang pag-unlock ng pintuan. Ilang sandali pa naramdaman na niya ang mga papalapit na yabag ng binata. She closed her eyes at nag-pretend siya na natutulog na. Naka-kumot siya haggang sa may dibdib niya.
" Hey, wake up." narinig niyang sabi ng binata.
Hindi siya tuminag. Nakapikit pa rin siya.
" Hoy babae gumising ka! Hindi ka dyan matutulog."
Hindi pa rin siya gumalaw. Maya-maya ay naramdaman niyang sinindihan nito ang ilaw. Lumiwanag sa loob ng silid at pagkuway hinila nito ang kumot niya pababa sa katawan niya. Nagulat siya ng tumili ito ng pagkalakas-lakas.
Wala na siyang choice but to open her eyes. Nakita niyang nasa paanan ng kama ang binata at nakatalikod sa kanya.
" Why are you screaming at this hour?" tanong niya rito.
" What the hell are you wearing, Gabriella?! Change your clothes now!" nakatalikod pa rin sa kanya na sabi nito.
" I am wearing my sleeping clothes. Init kaya. What's wrong?"
" Sleeping clothes?! Kulang na lang maghubad ka!"
" So, gusto mo nakahubad ako? Sige, I'll go naked no problem." she teased.
" I did not say that, you idiot! Get out of my bed now."
" Ayoko nga. I will sleep here. We will share the bed."
" Why are you being so stubborn, woman? Hindi kita isinama dito para bigyan ako ng sakit ng ulo. You are ruining my vacation!"
" I didn't do anything. Matulog na tayo. Maaga ka pa gigising bukas. Saka bakit ba takot na takot ka makatabi ako? Siguro lalake ka talaga no?"
Bumuntong hininga muna ito saka humarap sa kanya.
" Hindi ka magpapalit ng damit?" seryosong tanong nito. Umiling siya at nagsukatan sila ng tingin.
" Hubaran portion gusto mo ha. Okay, hindi ako papatalo sa'yong bruha ka." sabi nito saka isa-isang hinubad ang mga suot na damit.
Walang kakurap-kurap na tiningnan niya ito habang naghuhubad. Why he looks so hot? So freaking hot!
Nang mahubad na nito ang lahat except sa boxer shorts nito ay sunud-sunod siyang napalunok. Bakit napakalalake nitong tingnan kapag ganitong topless ito?
Nag-pose pa ito sa harapan niya matapos itapon kung saan-saan ang mga damit na suot nito kanina.
" Gusto mo ng ganitong game ha. Tingnan natin kung sinong unang susuko." saka ito tumalon sa kama matapos patayin ang ilaw.
Kahit gusto niya itong akitin ay hindi niya mapigilan ang paglakas ng kabog ng dibdib niya nang tabihan siya nito sa kama. Pakiramdam niya biglang naging masikip ang queen size bed na hinihigaan nila. Hinila ng binata ang kumot pataas sa katawan nito. Naki-share rin siya sa kumot at nagbanggaan ang mga legs nila sa ilalim ng comforter.
Kaagad na dumaloy ang kakaibang kuryente sa katawan niya nang mabangga ng legs niya ang mabalahibo nitong binti. Pasimple siyang huminga ng malalim.
' Now what? Start seducing him, Brielle!' sigaw ng isip niya. Pero hindi siya makagalaw sa kinahihigaan niya.
Maya-maya ay hinila na naman ng binata ang kumot hanggang sa nawalan na siya ng kumot sa katawan. Nakatalikod ito sa pwesto niya and blanket was wrapped around him now.
Umisod siya ng konte palayo rito saka niya ubod lakas na hinila ang blanket. At dahil hindi iyon inaasahan ng binata ay nadala rin sa paghila niya ang katawan nito. Naramdaman niya na lang na tumama ang noo nito sa noo niya.
Naamoy niya ang amoy alak na hininga nito. So, medyo nakainom ito kaya malakas ang loob na maghubad kahit katabi siya sa kama? Huminto siya sa paghinga sandali nang maramdaman na hindi rin gumalaw ang binata kahit magkadikit na halos ang mga noo nila.
Ramdam niya ang init ng hininga nito sa mukha niya. Naghalo na ang amoy ng cologne nito at ng alak na nainom. And she must admit mas nakadagdag sa pagnanasa niya rito ang pinaghalong amoy na iyon.
' What are you waiting, Brielle?! Kiss him! Now!' sigaw na naman ng isip niya.
Never siyang nanghalik ng ibang lalake sa buhay niya. Si Kit ang kauna-unahang lalake na hinalikan niya noon. At siguro uulitin niya uli iyon ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Sandali muna siyang nakiramdam kung itutulak ba siya palayo ng binata. Pero hindi naman ito gumagalaw.
' Para sa libo-libong sperm cells na maisi-save ko. Okay, I will kiss him. I will make a move now! Bahala na si Batman kapag sinabunutan ako ng lalake na 'to!' at saka siya pumikit at....