Qyahara's P.O.V
Bumangon ako sa pagkakahiga. Tumingin ako sa wall clock. 12:30 am pa lang ng madaling araw pero mulat na mulat pa ang aking mga mata.
Dumako ang tingin ko sa tubigan ko. Tumayo ako at lumapit. Pagkuha ko sa baso ay wala itong laman maging ang pitsel ay wala rin.
"Aish!" Nakalimutan kong lagyan ito ng tubig kanina bago ako pumunta sa kuwarto.
Naiiling na tinungo ko ang pinto saka lumabas. Tumingin muna ako sa paligid bago naglakad sa pasilyo.
Nawala na 'yong pangamba ko sa tuwing lalabas ako rito. Kilala ko na kasi 'yong laging sumusulpot sa gabi. Isa pa ay may approval at permission na ako kaya wala ng problema. Hindi ko na kailangan mag-ala magnanakaw style.
Pagkarating ko sa kusina ay agad akong kumuha ng maiinom. Hindi na ako nag-abala pang magbukas ng ilaw. Natapos din naman kaagad ako.
Pagkaharap ko sa pinto ng kusina ay bigla akong nahinto. Para kasing mayr'on akong narinig na isang sigaw.
Mali lang ba ako ng rinig?
Guni-guni ko lang siguro.
Hindi ko na lang pinansin ang narinig ko kung mayr'on man. Nagpatuloy ako sa paglabas sa kusina, ngunit natigilan ako ulit dahil may narinig ako muli. Lumakad ang aking mga paa hanggang sa narating ko ang likuran ng mansion.
Lumakad pa ako hanggang sa tuluyan na akong makalabas. Napayakap ako sa aking sarili ng sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Wala namang mayr'on dito, e. Puro mga puno ang nakikita ko. Bakit nga ba ako narito? Ano bang ginagawa ko rito?
Tsk!
Makabalik na nga lang ulit sa kuwarto.
Tumalikod na ako at hahakbang na sana ako ng marinig ko muli ang isang boses na parang sumisigaw sa sakit.
Mabilis na nilingon ko ang pinanggalingan nito. Nanatili akong nakatayo at hindi natagal ay narinig ko muli ang isang sigaw.
Humakbang ang aking mga paa papasok muli sa loob ng mansion. Mabilis akong bumalik sa kusina at kaagad na nahanap ng flashlight.
Sa pang-anim kong bukas ng drawer ay mayr'on na akong nakitang flashlight. Tiningnan ko muna ito kung maayos at nang makatiyak akong maayos ito ay agad akong bumalik sa likod ng mansion. Patuloy ko pa ring naririnig ang sigaw na nanggagaling sa isang tao.
Kusang humakbang ang aking mga paa. Hinawi ko ang isang sangang nakaharang sa aking dadaanan at nagulat ako ng bumungad sa akin ang isang daan.
Madilim sa tatahakin ko kaya bago ako tumuloy ay inilawan ko muna ito, tapos ay tiniyak kong walang tao sa paligid.
Marahan na muling humakbang ang aking mga paa. Tanging tinatahak kong daan ay ang naaabot ng flashlight.
Nag-ilaw din ako sa paligid at mukhang nasa loob ako ng isang gubat. Habang tuluyan kong pinapasok ang loob ng gubat ay palakas nang palakas ang naririnig kong sigaw.
Base sa kaniyang sigaw ay mukhang sinasaktan siya.
Anong nangyayari?
Bakit mayr'ong sumisigaw sa ganitong oras ng gabi?
Umihip muli ang isang malakas na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig nito.
Tumigil ang aking paglalakad at tumingin sa aking likuran. Mukhang malayo na ang narating ko. Tumingin ako sa harapan ko.
Tutuloy pa ba ako?
Paano kung iba ang makita ko roon?
Paano kung may hindi dapat ako makita?
Malalagot ako nito, e.
Tumalikod ako muli at balak ko ng bumalik.
"Arghhhhhhhhh!" Nahinto ako sa paghakbang ng isang malakas na sigaw ang siyang narinig ko, this time, mukhang malapit na ako sa kinaroroonan nito.
Malinaw ko na kasi itong naririnig. Isa itong sigaw na pinahihirapan nang husto. At base sa boses niya ay isang babae ang kanilang hawak.
Ano ang kanilang ginagawa sa kaniya?
Huminga ako nang malalim saka muling humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Bahala na si Batman kung ano man ang masaksihan ko ngayong gabi.
Sisilip lang naman ako. Kung ano man ang makita ko ay mananatiling naka-zip ang aking bibig.
Muli kong inihakbang ang aking mga paa at sinundan ang pinagmumulan ng sigaw na naririnig ko. Palakas ito nang palakas kaya walang hirap para sa akin ang hanapin ito.
Pinatay ko ang flashlight na dala ko ng maramdaman kong malapit na ako.
Sa hindi kalayuan ay mayr'on akong nakitang parang isang hideout. Dalawang palapag ito at mayr'ong mga bantay sa baba at taas. Ang mga ito ay may mga hawak na baril.
Mariing tumago ako rito sa halaman. Tatlo ang nasa taas at dalawa naman sa ibaba. Muli kong narinig ang sigaw na sinusundan ko at mula sa loob ng hideout ko ito naririnig.
Marahan akong humakbang palapit pa. Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makalalapit at makapapasok sa loob.
Tumingin ako sa itaas at ng makatiyak akong walang nakatingin at sa ibang direksiyon sila nakatingin.
Walang ingay akong tumakbo patungo sa isang malaking containers. Malapit na ako sa pinto. Sumilip ako sa itaas at ibaba. Nakakita ako ng isang bato saka ibinato sa parteng may makapal na halamanan.
Bumato pa ako ng isa pa hanggang sa maging clear ang papasukin ko. Mabilis akong pumuslit sa loob.
Sa aking pagpasok ay nagulat ako dahil mayr'on akong nakitang parang kawal ang style niya. Armado rin kasi siya katulad ng mga nasa labas.
Nagtago ako nang mabuti. Pumupuslit lamang ako kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon. Sa aking ginagawa at maingat na pagpasok ay napasok ko na itong hideout.
"If I were her, magsasalita na ako, kaysa naman sa patuloy akong torturin." Rinig kong kuwentuhan ng mga parang kawal or tauhan.
Mabilis na tumago ako at napakunot noo.
Anong uring lugar ang lugar na ito?
Dumako ako sa isang daang madilim at mukhang walang naroon na nagbabantay.
Sa aking pagpasok ay bumungad sa akin ang parang mga kulungan. Hindi! Mga kulungan talaga sila. Wala naman akong nakitang nasa loob.
"Arghhhh! Patayin ni'yo man ako or buhayin! Hindi ako magsasalita!" Mabilis na dumako ang tingin ko sa kaliwang direksiyon ko.
Muli kong narinig ang boses niya.
Marahang akong humakbang at huminto lamang ako ng makita ko ang isang pintuan na nakabukas. Muli akong humakbang hanggang sa narating ko ang pintuan.
Sumilip ako sa loob at nanlaki ang aking mga mata sa mga nakita ko.
"Talagang ang tigas ng ulo ng mga babae, noh!" komento ni Peter habang pinuputulan ng daliri ang isang babae.
Nangunot ang aking noo at pinagmasdan si Peter sa kaniyang ginagawa. Tiningnan ko ang mukha ng babaeng pinahihirapan nila.
Isa ito sa mga bagong hired na maid pero tinanggal kanina.
Isang malakas na sigaw pa ang pinakawalan ng babae.
Bakit nila pinahihirapan ang babaeng iyan?
Tama nga ako sa aking hinala na isang babae ang aking naririnig at siya ay pinahihirapan nang husto.
Pero bakit? Anong ginawa niya?
"At ang lakas ng loob mong pasukin ang Cenny's Town, ha!" Rinig kong wika ni Peter.
"Tingin mo ba makakapag-spy ka rito. Nek-nek mo! Hindi mo kami malulusutan." dagdag ni Peter.
Spy?
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Apat silang nakikita ko sa loob. Dalawa ang nakatayo malapit kay Peter. Si Peter naman ay abala sa pagpapahirap sa babaeng sinasabing spy ni Peter.
Nagulat ako ng madapuan ng tingin ko si Sir Aziz. Malamig lamang itong nakatingin sa nakikita niya sa kaniyang harapan.
"P'we! Mamamatay ka rin, Aziz! Mamamatay kang kasama ang pinaka-iingatan mong babae." mariin at buong saad no'ng babae.
Babae?
"Hindi mahirap kitilin ang buhay ng babae mo dahil wala siya sa puder mo." dagdag pa nito.
Nakita kong pinutulan siya muli ng daliri at walang awa siyang sinampal ni Peter.
"Lahat ng mafia organization na kalaban mo ay siya ang target." patuloy pa ring saad ng babae sabay hahalakhak ng tawa na para siyang nababaliw.
Mafia organization?
Nakita kong mabilis na lumapit si Aziz sa kaniya. Umalingawngaw ang malakas na sampal na ginawa niya sa babae. Marahas niyang hinawakan sa panga ang babae.
Seryoso akong nanood lamang dito sa tabi.
"Don't you dare lay your finger on her." mariing banta ni Sir Aziz.
"I am just the only one who can touch her." dagdag pa ni Sir Aziz.
Hindi natakot ang babae sa kaniya. Nagawa pa nga niyang tumawa at ngumisi.
"Hindi ko pa siya nahahawakan, sa ngayon pero hindi lang ako ang gustong mawala siya. Ngayon pang mukhang siya ang iyong kahinaan." matapang na saad pa ng babae.
Marahas na binitiwan siya ni Sir Aziz
"At ano? Ikaw lang ang makahahawak sa kaniya? Ni hindi mo nga siya malapitan dahil kasal na siya sa iba." sambit pa ng babae habang tila nang-aasar ang mukha nito.
Sa ilang sandali pa ay tunog ng baril na ang siyang muling umalingawngaw sa loob ng silid. Binitiwan ni Peter ang babaeng walang buhay.
>>TheKnightQueen ❤️