Chapter #14

1150 Words
Peter's P.O.V Pagkaalis ni Qyahara ay agad akong tumingin kay Boss. "Seryoso ako, boss. Huwag mo sa kaniyang ituturo kung nasaan ang Cenny's Cemetery." ani ko kay Boss. Mayr'ong nagsasabi sa aking hindi nagbibiro si Qyahara. Alam ni'yo bang sa lahat ng pumasok na cook, maging maid ay siya lamang ang kakaiba sa lahat. Siya lang kasi ang mayr'ong lakas ng loob na magbiro ng ganoong bagay at kung makipag-usap siya ay tila wala siyang pakialam. Habang narito siya kanina ay lihim ko siyang inobserbahan. Wala akong nakitang takot habang kaharap niya si Boss. Samantalang ang iba ay halos manginig sa takot habang kaharap si Boss. Tapos siya ay tila wala lang. Pero alam ni'yo bang kung minsan ay nakararamdam din ako ng takot kay Qyahara lalo na kung magiging seryoso ang ekspresiyon ng mukha niya. Minsan na ring naging malamig ang kaniyang boses na siyang nagdulot ng kilabot sa akin. Kung hindi nga lang siya ngumiti at humalakhak ay iisipin kong hindi siya pangkaraniwang tao lang. "Boss, may nahanap na pala akong mga bagong cook. Parating na sila rito." saad ko, Kumuha ulit ako ng pagkain. Talagang masarap magluto si Qyahara. Nakapagtataka dahil hindi naman mga nasa food list ni boss ang mga nakalapag. Totoo ngang binago ni Qyahara ang mga nasa food list ni boss. "Fired them all. Don't let Qyahara see them." utos niya. Natigil ako sa aking pagkuha ng pagkain. Mabilis akong lumingon sa kaniya. "Ha? Hindi ba apat ang cook na kinukuha natin? Hindi ba kinakailangan din ni Qyahara ng mga makakatulong? Lalo pa at mukhang napapayag mo siyang maging official na cook." saad ko habang nagtataka. Kung minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan. Ang hirap mahulaan kung ano ang nasa utak niya. Ano kaya ang plano niya kay Qyahara? Hindi niya pananatilihing cook si Qyahara kung wala siyang plano para rito. Ang totoo niyan ay dapat matagal na siyang natanggal. Maraming cook na ang nagtangkang baguhin ang food list niya. Siya mismo kasi ang gumawa ng kaniyang food list at kung ano ang naroon sa list ay hindi mo dapat ito baguhin. At ang lahat ng nagbago ng kaniyang food list ay automatic na tinatanggal niya, o ni Mayordoma Charing. At maging si Mayordoma Charing ay hindi niya magawang tanggalin si Qyahara. Dahil si Mayordoma Charing ang unang nakakikita ng mga pagbabago sa food list ni boss ay may karapatan siyang tanggalin agad ang cook. Hindi kaya nagka-interest siya kay Qyahara? Ano naman ang nakita niya kay Qyahara? Ang pangit at walang class naman si Qyahara. Kung iniisip ni boss na gamitin si Qyahara sa ex niyang si Nefeessa. Aba'h! Doon na ako kay Ma'am Nefeessa. Mas maganda naman siya kumpara kay Qyahara. At saka, wala namang maganda kay Qyahara. Well, hindi ko maitangging masarap siyang magluto at may pagkamagalang din siya. Mabait nga raw siya sa mga narito, e. Natigil ang aking pag-iisip nang marinig ko ang pagtayo ni Boss. "Boss, tatanggalin ko talaga ang mga bagong cook? Seryoso ka na ba roon? Hindi mo hahanapan ng katulong sa pagluto si Qyahara." saad ko habang palabas siya. Napakamot na lamang ako sa ulo nang tuluyan na siyang makalabas. Hays! Hindi pa nga nakakatapak sa mansion ang mga bagong hired kong cook ay tanggal na agad. Qyahara's P.O.V "You're fired," Napalingon ako sa boses ng pinanggalingan ni Sir Aziz. Kasalukuyan siyang nasa living room nagbabasa ng isang babasahin. Dumako ang tingin ko sa bagong tanggal niyang maid. Kaka-hired niya lang kahapon tapos tanggal na siya ngayon. Wala na iyong mga ka-batch ko. Lahat sila ay mabilis na tinanggal ni Sir. Tatlong araw na mula ng makausap ko siya sa dining room at mula roon ay lagi ko ng naririnig mula sa kaniya ang dalawang salitang you're fired. At halos iyon lamang ang naririnig ko sa kaniya sa tuwing nakikita ko siya. Totoo pala talagang ang hilig niyang magtanggal ng mga maid. At dahil nga ganoon ay panay ang hanap kaagad ng bago si Peter na kung minsan ay naririnig ko ang kaniyang mga reklamo. Kesyo bakit daw siya pa ang naging tagahanap ng mga bagong maid. Bakit daw nilipat sa kaniya ang ganoong gawain? Marami pa akong naririnig na mga hinaing ni Peter. Mukhang hindi si Peter ang unang tagahanap ng mga bagong maid. Na-promote siguro ang dating gumagawa nito at kay Peter naman nilipat. Naiiling na lamang akong napatingin sa hawak kong kape. Humakbang ako at lumapit kay Sir Aziz. Marahan kong inilapag sa harapan niya ang bagong timpla kong kape. Pagkatapos ay tahimik akong umalis. ************** "You're fired," Rinig kong saad ni Sir Aziz. Napakamot ako sa ulo. May bago na naman siyang tinanggal. Naiiling na lumapit ako sa ginagawa ng katulong at ako na ang nagpatuloy at nagtapos. Ang pangit pala talagang mag-stay dito ni Sir Aziz. Walang nagtatagal na katulong. Pagkatapos kong magluto ay ako ang gumagawa ng ilang mga gawain pa. May araw na ako ang gumagawa ng lahat ng gawain ng mga katulong. May time kasi na buong batch ng bago ay tanggal lahat. Hindi lang din pagkain ni boss ang niluluto ko. May nilulutuan pa ako na iba. Nalaman kong mayr'on pala ritong malaking taniman or farm ng mga gulay at prutas. Doon nanggagaling ang mga prutas at gulay na mayr'on ang Cenny's Market. Mayr'on din during palaisdaan at nag-aalaga rin sila ng mga hayop na siyang pinagmumulan ng mga karne na makikita mo rin sa Cenny's Town. Ngayon alam ko na kung bakit lahat ay fresh ang mga panindang nasa Cenny's Town. Dahil nasa kanila rin mismo ang mga products. Sila rin ang nagpro-produce ng mga ito. Hindi na rin ako namamalengke dahil may mga nagde-deliver na ng mga ito rito sa mansion. Binibigyan ko na lamang sila ng mga listahan na kailangan ko. Hindi na rin ako makaalis dito sa mansion dahil lagi akong busy sa pagluluto para kay Sir Aziz at para sa mga tauhan niyang nagtratrabaho. Ang mansion pala ang siyang nagpapakain ng mga ito. Libre sila sa pagkain kaya naman ang lahat ng kaniyang trabahador ay talaga namang masisipag at takot din silang matanggal ni Sir Aziz. "You're fired," Napabuga na lamang ako ng hangin sa aking narinig muli. Sa ilang araw na lumilipas ay sa tuwing naririnig ko ito ay naging natural na ito sa aking pandinig. Gustuhin ko mang magsalita pero pinili ko na lamang na manahimik. Baka madamay pa ako. Kuntento na ako sa pagiging cook at sa aking ginagawa. Pero alam ni'yo bang gusto ko siyang ikulong na lamang sa office niya ng sa ganoon ay hindi na siya makapagtanggal ng mga katulong niya. Parang hobby na niya kasi ang pagtanggal sa mga ito. Kung minsan nga ay hinihiling kong mayr'on siyang puntahan sa labas ng Cenny's Town pero hindi namang nangyayari. Mukhang hindi siya busy sa mga oras at araw na ito. Kawawang Peter, good luck sa paghahanap niya ng mga bagong maids. TheKnightQueen ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD